Nang marinig ni Adrian ang balita tungkol dito, agad siyang nagpadala ng tao para hulihin sina Rianna at Eanne mula sa kindergarten. Bukod pa dito, pinahiya at ininsulto niya si Rianna sa harap ni Eanne bago niya pinadala si Rianna sa mental hospital. Pagkatapos ng tatlong araw, pinakawalan ni Adrian si Eanne, na siyang mabilis na pumunta sa mental hospital at natuklasan na nagpakamatay na si Rianna. Ang walang buhay na kamay ni Rianna ay nakahawak ng mahigpit sa isang liham na sinulat niya pagkatapos niyang mabaliw. Ito ay isang liham para kay Joshua, at may dalawang pangungusap lang dito. [Ako ang nanay mo. Joshua, mahal kita.] Yakap ni Eanne ang bangkay ni Rianna at umiyak siya ng matagal. Bago siya umalis ng Banyan City, nakita niya ang gusto sabihin ni Rianne kay Joshua bago ito mamatay, ngunit hindi siya piinayagan sa hiling niya. Ang mga tao na nagbalik ng mensahe ka Joshua ay sinabi na matagal nang pumanaw ang nanay niya. Sinabi niya pa na isang matalinong babae ang n
Kumunot ang noo ni Thomas at wala siyang nasabi sa mga salita ni Yannie. Iniisip ni Yannie na pinag iisipan ni Thomas ang lohika niya dahil sa pagiging tahimik nito, mabagal niyang kinumbinsi si Thomas, “Thomas, alam ko na hindi mo masyado gusto si Joshua, pero hindi mo pwedeng sabihin na masama siya dahil lang masamang tao ang tatay niya at wala siyang alam noong limang taong gulang pa lamang siya.” Kahit na nagdadalawang isip si Yannie kung maniniwala siya kay Thomas, hindi niya pa rin alam kung isang masamang lalaki si Joshua o hindi. Sa nakaraan, alam niya na ang ugali ni Joshua dahil sa pagtrato nito sa nanay niya, kay Luna, sa tatlong mga anak nito, at kay Riley. Bukod pa dito… si Thomas ay nasa Merchant City ng higit sa isang buwan na. Simula sa unang araw na dumating siya, pinuntirya niya sina Joshua at Luna, at ginamit niya pa ang pagiging ambassador sa jewelry company ni Luna para takutin si Luna. Kahit sa pananakot at hamon ni Thomas, walang ginawa si Joshua kundi an
Kumunot ang noo ni Thomas at sumandal siya sa upuan ng kotse. Pumikit siya at inutos niya, “Lumabas ka ng kotse!” Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumingin ulit siya kay Thomas. Pagkatapos, habang luhaan ang mga mata niya, galit niyang sinabi, “Sige!” Bumukas ang pinto, bumaba siya ng kotse, at umalis siya ng hindi tumitingin sa likod. “Sir, ako…” Kumunot ang noo ng driver nang makita niya na naglalakad ng galit si Yannie. “Kailangan po ba natin siyang habulin?” Nainis dito si Thomas. “Bakit ko naman gagawin ‘yun? Kung gusto niyang umalis, umalis siya!” Pagkatapos, humina siya ng malalim. “Pupunta tayo sa bar.” Nanatiling tahimik ang driver bago siya sumagot, “Sir, hindi na po kayo pwedeng uminom base sa kondisyon niyo ngayon. Bakit hindi po… natin habulin si Ms. Yannie at ipaliwanag ito sa kanya?” Ngumiti ng mapait si Thomas. “Ipaliwanag ang ano?” Sinabi niya kay Yannie na ang pagkamuhi niya para kay Joshua ay dahil gusto niyang maintindihan siya ni Yannie at umaasa
Si Luna, na siyang nagluluto, ay huminto. “Nagtatrabaho si Joshua.” Noong umuwi si Luna, tumawag siya kay Joshua at tinanong niya kung uuwi ito para maghapunan. Minsan lang magluto ng hapunan si Luna, kaya’t umaasa siya na uuwi si Joshua para kumain ng hapunan kasama sila ng mga bata.” Gayunpaman, sinabi ni Joshua na may appointment na siya para makipagkita sa business partner niya sa Dark Night Bar ngayong gabi. Kaya naman, naawa si Luna kay Joshua dahil hindi siya makakakain ng masarap na pagkain niya ngayon. Si Luna ay hindi isang tao na aabalahin sa trabaho ni Joshua dahil lang gusto niyang umuwi ito para maghapunan ng sabay. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na makita si Yannie dito, hinahanap si Joshua. Nag isip siya ng ilang sandali bago siya pumunta sa pinto habang tinatanggal ang apron. “Bakit hindi ko siya tawagan at pabalikin ko siya ngayon?” Agad na umiling si Yannie. “Hindi, ayos lang. Ayos lang na sabihin ko na lang sayo.” Kasal na sina Luna at Joshua, at mahal n
Naalala ni Yannie na galit na galit siya noong sinabi ni Thomas na anak niya si Riley. Pinagalitan niya pa si Thomas at tinanong niya kung ilang babae na ang nakasama nito. Bukod pa dito… Tumingin si Yannie sa puting shirt niya na may light green na palda. Nang ipasa ni Thomas kay Yannie ang damit na ito, sinabi niya na inihanda niya ito para sa nanay ni Riley. Kaya naman… ang damit na ito ay para sa kanya, hindi ba? Kinagat ni Yannie ang labi niya at tinanggap niya ang DNA paternity test report mula kay Luna. Nakalagay sa report na si Riley ang anak niya. Sila ni Thomas ay ang mga magulang ni Riley! Ang anak niya ay hindi pa patay! Buhay pa siya doon sa hospital! Naramdaman niya na dumadaloy ang dugo sa katawan niya habang iniisip ito, tumingin siya ng sabik kay Luna. “Luna… Nananaginip ba ako? Hindi ako nananaginip ngayon, hindi ba?” Si Riley, ang Riley niya! Sa simula na nakita niya si Riley, naisip niya na cute si Riley at nagustuhan niya ito. Gustong gusto niya si Ri
Samantala, sa Dark Sky Bar…Nakaupo si Thomas sa bar at sunod-sunod na tinungga ang baso. Ang kanyang pagdating ay biglaan kaya't ang may-ari ay walang oras upang alisin ang lahat sa bar.Hindi nagtagal, nakilala siya ng mga tao. Kumalat ang balita, at marami ang nagsimulang pumunta para tingnan ang superstar na umiinom sa bar. Ilang sandali pa ay dinagsa ng mga tao ang bulwagan sa unang palapag.Ang ilan ay humahanga sa kanyang alindog, ang ilan ay kumukuha ng kanyang mga larawan, habang ang iba ay humugot ng lakas ng loob at kinausap siya, pinalibutan siya.Gayunpaman, walang pakialam si Thomas sa kanila. Sumandal siya sa bar at nagpatuloy sa pag-inom. Ang tanging nakikita lang niya ay kung paano lumabas ng kotse si Yannie ng walang emosyon at kung paano nito ipinaglaban si Joshua.Bigla, nakaramdam siya ng labis na kalungkutan, labis na kahabag-habag, at walang magawa, na parang walang nakakaunawa sa kanya sa mundo.Noong bata pa siya, ang tiyahin niya ang pinahahalagahan niya
Ang mga kilalang tao sa mga araw na ito ay may posibilidad na mawalan ng kontrol. Alam nilang magdudulot sila ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagpapakita sa publiko, ngunit gusto pa rin nilang lumabas nang walang anumang pagbabalatkayo."Mr. Lynch, wag na lang natin pansinin," sabi ni Nathan Allen habang itinataas ang baso. Siya ang may business appointment kay Joshua. "Kailangan kong magpasalamat sa iyo at kay Ms. Luna sa pag-aalaga kay Theo sa lahat ng oras na ito. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin malalaman na hindi na niya ginugulo si Ms. Luna at hinahabol ang isang doktor na ikakasal na. Sa pagkakataong ito, nandito kami ng nanay niya para ibalik siya."Napapikit si Joshua at tumingin kay Nathan. "Mr. Allen, inimbitahan kita dito para makipag-usap sa iyo tungkol sa negosyo, hindi dahil gusto kong panghimasukan mo ang relasyon ni Theo at Dr. Liddell."Pagkatapos noon, huminto siya saglit bago nagpatuloy, "Higit pa rito...maaaring may mga pagkakataong magkaayos pa para kay The
"Bitiwan mo ako..." Kahit na lasing na si Thomas, masasabi niyang hindi si Yannie ang babaeng nasa harapan niya. Tinulak niya si Wendy at pasuray na bumalik sa upuan niya. "Gusto kong uminom ng higit pa... hindi ako lasing! Hindi ko kailangan magpahinga!"Pagkatapos noon, kumuha siya ng pera at hinampas ito sa bar. "Ihain mo sa akin ang aking inumin!"Hindi nangahas ang bartender na kunin ang kanyang pera habang tinitingnan kung gaano kalasing si Thomas. Tiningnan niya ng masama si Wendy bago niya sinulyapan si Thomas. "Mr. Howard," mahina niyang sagot, "hindi ka na pwedeng uminom."Ngumisi si Thomas, "Bakit hindi? May pera ako!"Inilabas niya ang isang itim na kard mula sa kanyang bulsa at ibinagsak iyon sa mesa, na labis na ikinagulat ni Wendy na lumuwa ang mga mata nito.Nakilala niya ang itim na card na iyon. Ito ay isang limitadong itim na card na inisyu ng pinakamalaking bangko sa mundo 30 taon na ang nakakaraan!Dalawa lang ang kard na ganito sa mundong ito. Ang isa ay nas