Kumunot ang noo ni Gwen habang nakatitig siya kay Thomas, tila hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Thomas. “Nagkakamali ka. Nandito kami dahil sa live stream niyo ni Yannie, pero…” Ngumiti siya. “Nandito si Luna, hindi dahil sa gusto niya kayong pigilan ni Yannie na kunin si Riley. Nandito siya dahil gusto kong bisitahin si Riley.” Nakatingin ang mga mata niya ng malalim sa lalaking nasa harap niya at sinabi niya, “Masyado akong naiinip sa hospital, kaya naisip ko na bisitahin ang anak niyo ni Yannie.” Pagkatapos, tumingin siya kela Yannie at Thomas. “Oo nga pala, kamukha nga talaga kayo ni Riley.” Hindi komportable si Yannie sa komentong ito. Sinubukan niyang pigilan ang sarili niya, ngunit sinabi niya ng mahina, “Ms. Gwen, sinabi ni Mr. Thomas na anak namin si Riley dahil gusto niyang patahimikin ang mga tao. May anak nga ako, pero… Basta, anak ni Mr. Thomas si Riley, hindi siya sa akin.” Nagkatinginan sina Luna at Gwen. ‘Paano nangyari ‘yun? May ana
Kumunot ang noo ni Thomas nang marinig niya ang katanungan ni Yannie. Pagkatapos, tumahimik siya, ngunit hindi nagtagal bago siya lumingon at tumingin sa mukha ni Yannie. “Oo, hindi ko binisita si Riley sa nakalipas na buwan. Pero—” “Pero ginamit mo si Riley noong kailangan mo siya para mawala ang mga tsismis tungkol sa atin!” Sumingit ng malamig si Yannie kay Thomas, halata ang sama ng loob sa mukha niya. “Thomas Howard, hindi ko alam na ganitong klase ng tao ka pala. Akala ko ay ayaw mo lang sa akin at masama lang ang ugali mo sa akin. Sino ang mag aakala na walang puso ka rin pala sa anak mo!” Nilagpasan niya si Thomas at naglakad siya papunta sa ward ni Riley, naiwan si Thomas na nakatayo sa pwesto habang pinapanood si Yannie na maglakad palayo. Kumunot ang noo niya. ‘Pwede ba hintayin ng babaeng ito ang paliwanag ko? Pero…’ Ngumiti siya nang makita niya na balisa si Yannie habang papunta sa ward ni Riley. Noon pa lang, alam niya na gusto ni Yannie si Riley at madalas itong
Ito ang rason kung bakit pinahahalagahan ni Yannie ang necklace. “May isang bagay sa loob nito.” Nilabas ni Thomas ng walang problema ang pinhole camera mula sa loob ng necklace. “Isa itong customized high-definition camera.” “Tuwing pumapasok ka sa ward, nakukuha ng camera ang lahat ng nakikita mo at ito ay may high-definition quality. Konektado ito sa Wi-Fi ng kwarto, at dahil konektado ang phone ko sa kamera na ito, nakikita ko ang lahat ng nakikita mo.” Nilabas niya ang phone niya at binuksan niya ang application. Totoo nga na makikita sa screen ang eksena kung saan nakaturo ang kamera. Nabigla si Yannie at lumaki ang mga mat aniya. “Ito ay…” “Totoo nga na hindi ako bumisita kay Riley, pero tuwing pumupunta ka, nalalaman ko. Sa tulong mo, nakikita ko rin si Riley.” Ang paliwanag ni Thomas. Kinagat ni Yannie ang labi niya nang marinig niya ito at kumunot ang noo niya. “Kaya hindi sa hindi mo binibisita si Riley, pero… nakikita mo siya dahil sa tulong ko.” Hindi niya ma
Hindi naintindihan ni Yannie. “Ayon sa sinabi mo, ang tita mo, ang nanay ni Joshua, ay namatay pagkatapos ipanganak ni Joshua, at kinuha siya ng nanay mo pagkatapos. Paano naman nagkaroon ng koneksyon ang pagkamatay niya kay Joshua?” Nasa Banyan City lang dati si Joshua at hindi siya umalis dito. Samantala, ang pamilya ni Thomas ay nakatira sa Saigen City at Europa. Kung niligtas ng nanay ni Thomas ang nanay ni Joshua at dinala siya nito sa Saigen City… ibig sabihin ay walang pagkakataon si Joshua na makita ang nanay niya. Ang layo sa pagitan ng Saigen City at Banyan City ay higit pa sa ilang libong kilometro! Ngumisi si Thomas nang makita niya ang naguguluhan na itsura ni Yannie. “Mukhang hindi ka kasing tanga ng iniisip mo.” Huminga siya ng malalim at sinabi niya kay Yannie ang kwento tungkol sa nanay ni Joshua. Kambal sina Rianna at Eanne. Noong 20 taong gulang pa lang si Rianna, nakilala niya si Adrian, isang lalaking lapitin ng mga babae. Sa totoo lang, binago niya ang p
Nang marinig ni Adrian ang balita tungkol dito, agad siyang nagpadala ng tao para hulihin sina Rianna at Eanne mula sa kindergarten. Bukod pa dito, pinahiya at ininsulto niya si Rianna sa harap ni Eanne bago niya pinadala si Rianna sa mental hospital. Pagkatapos ng tatlong araw, pinakawalan ni Adrian si Eanne, na siyang mabilis na pumunta sa mental hospital at natuklasan na nagpakamatay na si Rianna. Ang walang buhay na kamay ni Rianna ay nakahawak ng mahigpit sa isang liham na sinulat niya pagkatapos niyang mabaliw. Ito ay isang liham para kay Joshua, at may dalawang pangungusap lang dito. [Ako ang nanay mo. Joshua, mahal kita.] Yakap ni Eanne ang bangkay ni Rianna at umiyak siya ng matagal. Bago siya umalis ng Banyan City, nakita niya ang gusto sabihin ni Rianne kay Joshua bago ito mamatay, ngunit hindi siya piinayagan sa hiling niya. Ang mga tao na nagbalik ng mensahe ka Joshua ay sinabi na matagal nang pumanaw ang nanay niya. Sinabi niya pa na isang matalinong babae ang n
Kumunot ang noo ni Thomas at wala siyang nasabi sa mga salita ni Yannie. Iniisip ni Yannie na pinag iisipan ni Thomas ang lohika niya dahil sa pagiging tahimik nito, mabagal niyang kinumbinsi si Thomas, “Thomas, alam ko na hindi mo masyado gusto si Joshua, pero hindi mo pwedeng sabihin na masama siya dahil lang masamang tao ang tatay niya at wala siyang alam noong limang taong gulang pa lamang siya.” Kahit na nagdadalawang isip si Yannie kung maniniwala siya kay Thomas, hindi niya pa rin alam kung isang masamang lalaki si Joshua o hindi. Sa nakaraan, alam niya na ang ugali ni Joshua dahil sa pagtrato nito sa nanay niya, kay Luna, sa tatlong mga anak nito, at kay Riley. Bukod pa dito… si Thomas ay nasa Merchant City ng higit sa isang buwan na. Simula sa unang araw na dumating siya, pinuntirya niya sina Joshua at Luna, at ginamit niya pa ang pagiging ambassador sa jewelry company ni Luna para takutin si Luna. Kahit sa pananakot at hamon ni Thomas, walang ginawa si Joshua kundi an
Kumunot ang noo ni Thomas at sumandal siya sa upuan ng kotse. Pumikit siya at inutos niya, “Lumabas ka ng kotse!” Kinagat ni Yannie ang labi niya at tumingin ulit siya kay Thomas. Pagkatapos, habang luhaan ang mga mata niya, galit niyang sinabi, “Sige!” Bumukas ang pinto, bumaba siya ng kotse, at umalis siya ng hindi tumitingin sa likod. “Sir, ako…” Kumunot ang noo ng driver nang makita niya na naglalakad ng galit si Yannie. “Kailangan po ba natin siyang habulin?” Nainis dito si Thomas. “Bakit ko naman gagawin ‘yun? Kung gusto niyang umalis, umalis siya!” Pagkatapos, humina siya ng malalim. “Pupunta tayo sa bar.” Nanatiling tahimik ang driver bago siya sumagot, “Sir, hindi na po kayo pwedeng uminom base sa kondisyon niyo ngayon. Bakit hindi po… natin habulin si Ms. Yannie at ipaliwanag ito sa kanya?” Ngumiti ng mapait si Thomas. “Ipaliwanag ang ano?” Sinabi niya kay Yannie na ang pagkamuhi niya para kay Joshua ay dahil gusto niyang maintindihan siya ni Yannie at umaasa
Si Luna, na siyang nagluluto, ay huminto. “Nagtatrabaho si Joshua.” Noong umuwi si Luna, tumawag siya kay Joshua at tinanong niya kung uuwi ito para maghapunan. Minsan lang magluto ng hapunan si Luna, kaya’t umaasa siya na uuwi si Joshua para kumain ng hapunan kasama sila ng mga bata.” Gayunpaman, sinabi ni Joshua na may appointment na siya para makipagkita sa business partner niya sa Dark Night Bar ngayong gabi. Kaya naman, naawa si Luna kay Joshua dahil hindi siya makakakain ng masarap na pagkain niya ngayon. Si Luna ay hindi isang tao na aabalahin sa trabaho ni Joshua dahil lang gusto niyang umuwi ito para maghapunan ng sabay. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na makita si Yannie dito, hinahanap si Joshua. Nag isip siya ng ilang sandali bago siya pumunta sa pinto habang tinatanggal ang apron. “Bakit hindi ko siya tawagan at pabalikin ko siya ngayon?” Agad na umiling si Yannie. “Hindi, ayos lang. Ayos lang na sabihin ko na lang sayo.” Kasal na sina Luna at Joshua, at mahal n