Natigilan si Jim, hindi makapaniwala sa narinig.Natural siyang lumapit kay Joshua at bumulong, "Sinasabi mo ba na...Itinago ni Malcolm ang ilang lason kung saan inutusan siyang patayin si Bonnie at itinago pa ito sa isang lugar?"Tumango si Joshua habang nakatingin sa direksyon na nasa harapan niya.Panay ang paghikayat at pagpukaw niya kay Malcolm kaya sa wakas ay pumayag ito na ibigay ang lason.Binanggit ni Joshua na hindi kailangan ni Malcolm na ilantad ang pagkakakilanlan ng mastermind. Iyon ay dahil sila ni Jim ay may kakayahang malaman kung sino ang taong ito sa kalaunan.Hindi lang iyon, may hinala pa siya kung sino ito.Gayunpaman, hindi iyon sapat para hanapin ang taong ito.Tulad ng sinabi ni Malcolm, ang taong ito ay may kaunti lang na pakikipag-ugnayan sa kanya, at kahit na nahanap nila kung sino ito, magiging mahirap na isisi ito sa kanya dahil marami siyang dahilan at ebidensya na makakatulong sa kanyang pag-iwas sa responsibilidad.Dahil dito, kinailangan pang
Habang pinag-iisipan ni Malcolm ang mga pagpipilian na mayroon siya, si Lucas at ang kanyang mga tauhan ay nakahukay ng maliit na kaban mula sa ilalim ng puno.Agad na sumugod si Jim para buksan ang kaban.May isang maliit na kahon na may nakaukit na letrang M, sa isang plastic wrapper sa loob ng kaban.Binuksan ni Jim ang kahon, nakasimangot, at natuklasan ang isang maliit na tableta na nakabalot sa aluminum foil."Binigyan niya ako ng isa lang sa mga tabletang ito, ngunit...sinabi ko sa kanya na nawala ko ito para bigyan niya ako ng isa pa," nahihiyang paliwanag ni Malcolm. "Noong una, binalak kong gamitin ito para makatakas..."Inangat niya ang ulo niya para titigan si Joshua. "Totoo ang sinabi mo, di ba, Mr. Lynch? Sinabi mo sa akin na basta ibibigay ko ang tableta ay...pakakawalan mo ako.""Nangako siya na pakakawalan ka niya, pero ako hindi ." Inilagay ni Jim ang kahon sa kanyang bulsa, humakbang pabalik kay Malcolm, at pinatamaan ng isa pang suntok ang kanyang namamagang
Natahimik si Jim sa narinig.Alam niyang tama si Joshua. Upang mahanap ang taong nagtangkang pumatay kay Bonnie, kailangan nilang gumawa ng higit pa kaysa hanapin ang ginamit na lason.Kailangan nilang sundin ang plano ni Joshua at gawin itong maliwanag na hinanap nila si Malcolm, pagkatapos ay palayain siya na parang walang nangyari.Sa ganoong paraan, ang utak sa likod ng lahat ng ito ay maguguluhan at sa huli ay maghahanap ng paraan upang alisin si Malcolm para maiwasan ang kanyang sarili na malantad.Sa pamamagitan nito, maaari nilang gamitin si Malcolm bilang pain para maakit ang tao sa liwanag.Sa pag-iisip na ito, Ngumisi si Jim at pinandilatan si Malcolm. "Maswerte ka sa pagkakataong ito!"Pagkatapos, tumalikod siya at humakbang palayo.Pagkaalis ni Jim, sumulyap si Joshua kay Malcolm, pagkatapos ay inutusan si Lucas, "Ikalat ang balita doon tungkol sa interogasyon ni Malcolm at linawin na pinalaya namin siya, kahit na hindi siya nag-alok sa amin ng anumang kapaki-pakina
Lahat sila ay may mga tamang rason para maghinala kay Kate. Tutal, matagal nang kilala ni Bonnie sina Joshua at Jim, at hindi pa sila nagkakamali sa mga paghihinala nila. Kaya naman, nang umiyak si Kate sa kanya tungkol sa maling paninisi sa pagtatangka ng isang buhay, walang magawa si Bonnie kundi ang pagaanin ang loob ni Kate. Hindi niya magawa na paniwalaan si Kate, at hindi niya rin ito kayang patawarin. Habang iniisip ito, kinurot ni Bonnie ang noo niya sa inis at sinabi niya, “Ms. Miller, kakagising ko lang mula sa isang coma, at pagod na pagod ako ngayon. Sigurado ako na ang isang magandang babae na tulad mo ay may mabait at purong puso, kaya’t sigurado ako na makakahanap ka ng paraan para patunayan na inosente ka.” “Pasensya na pero… pagod na pagod ako ngayon.” Kumunot ang noo ni Kate nang marinig niya ito, at napuno ng kasamaan ang mga mata niya nang mapansin niya na ayaw ni Bonnie na madamay dito. Kalahating oras na siya nandito, at maliban sa pagpapasalamat sa
Kumunot ang noo ni Kate nang marinig niya ito, at gumaan ang pakiramdam ng kanyang puso. Ang tanging bagay na kinatatakutan niya ay ang malaman ni Gwen ang tungkol sa plano nila ni Luke at ang masira pa ito. Gayunpaman, dahil kahit ang best friend ni Gwen ay balak itago ang katotohanan mula sa kanya, ligtas siya. Pinigilan ni Kate ang gaan ng loob sa puso niya at nagpanggap siya na nagbuntong hininga. “Kung ganun… alam mo ba ang tungkol sa parating na organ transplant niya?” Tumango ng tila nagdadalawang isip si Luna. “Oo, alam ko.” Nagbuntong hininga si Kate at yumuko siya. “Dahil alam mo na, hindi ko na ito kailangan itago. Ang katotohanan ay…” “Ang rason kung bakit hinahayaan ako ni Luke na manatili sa tabi niya at tinatrato niya ako ng mabuti ay dahil ang surgery ni Gwen ay gagawin sa pangangalaga ng hospital na pagmamay ari ng pamilya ko.” “Meron kami ng pinakamagandang mga tauhan at gamit sa mundo na espesyal para sa mga organ transplant, at si Gwen ang rason kung b
Si Bonnie, na siyang nakahiga ng tahimik sa kama, ay kumunot ang noo at tinanong ito kay Luna. Agad na bumalik sa sarili si Luna at pinaliwanag niya ang lahat kay Bonnie. “Nagsinungaling si Luke. Akala ko dati ay nagkasakit si Gwen dahil sa mahinang kalusugan at sa pagmamaltrato ni Luke sa kanya. Nang sabihin sa akin ni Dr. Liddell ang katotohanan, doon ko lang napagtanto na seryoso pala ito…” Tumahimik ang buong kwarto. Makalipas ang ilang sandali, pumikit si Bonnie at nagbuntong hininga siya. “Mukhang muling pinatunayan ni Luke ang sarili niya. Dati, naisip ko marami pang bagay na hindi natin alam, at ang pagmamahal ni Luke kay Gwen ay mas malalim pa kaysa sa ipinapakita niya, pero…” Lumingon siya para tumitig kay Luna. “Sigurado ka ba na ayaw mong sabihin kay Gwen ang katotohanan?” Sumandal si Luna sa sofa, hinayaan niya ang buong katawan niya na lumubog sa sofa. “Hindi ko alam.” Agad siyang pumunta doon pagkatapos na masigurado na ayos lang si Gwen. Nag aalala si Lu
Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Ano ang pinagsasabi mo, Yannie?” Bakit sinasabi bigla ni ito Yannie? Patuloy sa pag iyak si Yannie, “Hindi… niyo pa po ba nakita ang balita, Ms. Luna? May kumuha po ng litrato namin ni Mr. Lynch at nilagay po nila ito sa balita!” “Dapat po kayong maniwala sa akin, Ms. Luna; wala pong namamagitan sa amin ni Mr. Lynch! Ako… Alam niyo naman po ang pinag dadaanan ko ngayon, at hindi ko pa po nalalagpasan ang konsensya at nawala sa akin ang anak ko… kaya bakit naman po ako sisiping sa ibang lalaki?” “Bukod pa po dito, tinatrato niyo po ako ng mabuti, at hindi lang po sa asawa niyo si Mr. Lynch siya pa po ang tatay ng apat na anak niyo… Hindi ko po susubukan na sumiping sa kanya! Dapat po kayong maniwala sa akin!” Tumulo ang mga luha sa pisngi ni Yannie habang sinasabi niya, “Ms. Luna, hindi ko po alam na mangyayari ito! Hi—Hindi ko po alam kung paano ito ipapaliwanag sa inyo… Pakiusap… Pakiusap po, magtiwala po kayo sa akin, at magtiwala po k
Agad na tumango si Yannie. “Tama po! Ms. Luna, dapat po kayong maniwala sa akin!” “Nakipagkita po kami ni Mr. Lynch… dahil may pinag usapan po kami tungkol sa trabaho!” Sumagot ng pabulong si Luna, “Yannie, nagtitiwala ako na pareho kayong inosente ni Joshua, pero kahit na inosente kayo, dapat mong sabihin sa akin ang totoo—ano ang pinag usapan niyo ni Joshua noong araw na ‘yun?” “Kung hindi mo masasabi sa akin ang katotohanan ngayon… hindi kita mapapaniwalaan ng buo.” Ang mga daliri ni Yannie ay pumalibot sa phone. Sa totoo lang, gusto niyang sabihin kay Luna na may kasunduan sila ni Joshua—na nangako si Joshua na bigyan siya ng pera, at ang trabaho niya ay ang maging malapit kay Thomas! Gayunpaman, hindi niya ito pwedeng sabihin kay Luna. Ayon kay Joshua, hindi niya pwede sabihin ang kahit anong tungkol sa kasunduan nila sa ibang tao ng walang permiso ni Joshua, at kapag nilabag niya ito, doble ang kanyang ibabayad. Ibig sabihin ay kapag sinabi niya ang totoo kay Luna