Si Bonnie, na siyang nakahiga ng tahimik sa kama, ay kumunot ang noo at tinanong ito kay Luna. Agad na bumalik sa sarili si Luna at pinaliwanag niya ang lahat kay Bonnie. “Nagsinungaling si Luke. Akala ko dati ay nagkasakit si Gwen dahil sa mahinang kalusugan at sa pagmamaltrato ni Luke sa kanya. Nang sabihin sa akin ni Dr. Liddell ang katotohanan, doon ko lang napagtanto na seryoso pala ito…” Tumahimik ang buong kwarto. Makalipas ang ilang sandali, pumikit si Bonnie at nagbuntong hininga siya. “Mukhang muling pinatunayan ni Luke ang sarili niya. Dati, naisip ko marami pang bagay na hindi natin alam, at ang pagmamahal ni Luke kay Gwen ay mas malalim pa kaysa sa ipinapakita niya, pero…” Lumingon siya para tumitig kay Luna. “Sigurado ka ba na ayaw mong sabihin kay Gwen ang katotohanan?” Sumandal si Luna sa sofa, hinayaan niya ang buong katawan niya na lumubog sa sofa. “Hindi ko alam.” Agad siyang pumunta doon pagkatapos na masigurado na ayos lang si Gwen. Nag aalala si Lu
Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Ano ang pinagsasabi mo, Yannie?” Bakit sinasabi bigla ni ito Yannie? Patuloy sa pag iyak si Yannie, “Hindi… niyo pa po ba nakita ang balita, Ms. Luna? May kumuha po ng litrato namin ni Mr. Lynch at nilagay po nila ito sa balita!” “Dapat po kayong maniwala sa akin, Ms. Luna; wala pong namamagitan sa amin ni Mr. Lynch! Ako… Alam niyo naman po ang pinag dadaanan ko ngayon, at hindi ko pa po nalalagpasan ang konsensya at nawala sa akin ang anak ko… kaya bakit naman po ako sisiping sa ibang lalaki?” “Bukod pa po dito, tinatrato niyo po ako ng mabuti, at hindi lang po sa asawa niyo si Mr. Lynch siya pa po ang tatay ng apat na anak niyo… Hindi ko po susubukan na sumiping sa kanya! Dapat po kayong maniwala sa akin!” Tumulo ang mga luha sa pisngi ni Yannie habang sinasabi niya, “Ms. Luna, hindi ko po alam na mangyayari ito! Hi—Hindi ko po alam kung paano ito ipapaliwanag sa inyo… Pakiusap… Pakiusap po, magtiwala po kayo sa akin, at magtiwala po k
Agad na tumango si Yannie. “Tama po! Ms. Luna, dapat po kayong maniwala sa akin!” “Nakipagkita po kami ni Mr. Lynch… dahil may pinag usapan po kami tungkol sa trabaho!” Sumagot ng pabulong si Luna, “Yannie, nagtitiwala ako na pareho kayong inosente ni Joshua, pero kahit na inosente kayo, dapat mong sabihin sa akin ang totoo—ano ang pinag usapan niyo ni Joshua noong araw na ‘yun?” “Kung hindi mo masasabi sa akin ang katotohanan ngayon… hindi kita mapapaniwalaan ng buo.” Ang mga daliri ni Yannie ay pumalibot sa phone. Sa totoo lang, gusto niyang sabihin kay Luna na may kasunduan sila ni Joshua—na nangako si Joshua na bigyan siya ng pera, at ang trabaho niya ay ang maging malapit kay Thomas! Gayunpaman, hindi niya ito pwedeng sabihin kay Luna. Ayon kay Joshua, hindi niya pwede sabihin ang kahit anong tungkol sa kasunduan nila sa ibang tao ng walang permiso ni Joshua, at kapag nilabag niya ito, doble ang kanyang ibabayad. Ibig sabihin ay kapag sinabi niya ang totoo kay Luna
Pagkatapos ipasa ni Yannie ang gatas sa katulong nang bumalik siya sa ibaba, tumakbo siya palabas ng bahay ni Joshua at dumirecho siya sa bahay ni Thomas. Sa nakalipas na ilang araw, naging busy si Luna sa pagsama kay Bonnie, kaya’t si Yannie ang umaasikaso sa trabaho nila pagdating kay Thomas. Kaya naman, pamilyar si Yannie kung saan nakatira si Thomas. Sa sobrang galit niya ay pinili niyang sumakay ng taxi, malayo ito sa kanyang ugali na pagiging matipid. Sa normal na mga araw, kalahating oras pa bago siya makarating mula sa bahay ni Joshua papunta sa mansion ni Thomas. Kapag nakasakay siya ng taxi, 10 minuto lang ang kailangan niya. Pagbaba niya ng taxi, galit siyang pumunta sa bahay ni Thomas. “Thomas! Thomas! Lumabas ka dito!” Nakatayo siya sa sala ng mansion habang galit na tinatawag ang pangalan ni Thomas. “Lumabas ka dito ngayon na! Ang lakas ng loob mo para gawin ito pero wala kang lakas ng loob para umamin? Wala kang lakas na loob na makita ito pagkatapos ng lahat ng mg
Bakit kailangan ni Thomas na sirain ang relasyon niya kay Wendy dahil lang kay Yannie? Huminga siya ng malalim at kumunot ang noo niya bago niya kinuha ang movie script mula sa mesa at pinilit niya ang sarili niya na basahin ito. Gayunpaman, naririnig niya pa rin ang mga boses ng dalawang babaeng ito mula sa ibaba. “Ikaw pala si Yannie?” Tumunog ang boses ni Wendy. “Ako nga. Ano ang meron? SIno ka? Nasaan si Thomas? Sabihin mo sa kanya na bumaba dito at harapin niya ako!” Ang sagot ni Yannie, halata pa rin sa tono niya ang galit niya. Habang naririnig ang bastos na pananalita ni Yannie, tumawa ng bigla ng malakas si Thomas, at nagulat ang assistant niya. “Sir…” Ang maingat na sinabi ng assistant, “Ma—May nakakatawa po ba sa script?” Kakaiba ito. Ang movie script niya ay malungkot na romansa. Kumunot ang noo ni Thomas nang marinig niya ang tanong ng assistant niya. Umikot ang mga mata niya at sinabi niya, “Tumahimik ka! Bakit ba ang daldal mo?” Nagpatuloiy siya sa pagb
Kumunot ang noo ni Wendy nang makita niya na gumagawa ng gulo si Yannie. Kung may galit siya dati sa bastos na babaeng ito, ay agad na nawala sa sandaling ito. Paano magiging problema sa kanya ang isang bastos at maingay na babaeng ito? Kahit na bulag o bingi si Thomas, hindi siya magkakaroon ng interes sa babaeng ito! Habang iniisip ang mga ito, ngumiti ng malamig si Wendy. “Sinasabi mo na gusto mong abalahin si Thomas ng habang buhay? Sa tingin mo ba ay kaya mo ito? Mahalaga ka ba para sa kanya?” Sa mga nakalipas na taon na nasa entertainment industry si Thomas, marami na siyang nakita na iba’t ibang uri ng babae. Siguradong wala siyang pakialam kay Yannie! Kumunot ang noo ni Yannie at hindi na siya nagsalita. Kung hindi patay ang anak niya, pwede niyang gawin ang sinabi niya—habang buhay niyang hindi hahayaan si Thomas. Gayunpaman, sinasabi niya lang din ito. Kaya naman, huminga siya ng malalim. “Ms. Fann, ayaw kong makipag away sayo o agawin ang ibang bagay mula sayo. Nandi
Pagkatapos, dumiretso ng tayo si Yannie at nagpatuloy siya sa hagdan. Sa mga sandaling ito, napansin ni Wendy na bahagyang nakabukas ang pinto ng study room, at may naisip siyang ideya. Mabilis siyang lumapit at hinawakan si Yannie. “Hindi ka pwedeng umakyat! Ayaw kang makita ni Thomas!” Ayaw ni Yannie kapag may ibang tao na humahawak sa kanya ng pisikal, ngunit ang babaeng ito, isang galit na estranghero, ay hinawakan siya bigla! Kumunot ang noo niya at tinulak niya palayo si Wendy. “‘Wag mo akong hawakan!” Naalala niya na hindi gaano malakas ang pagtulak niya, at hindi ito sapat para gumawa ng distansya sa kanila, ngunit— Kablag! Nahulog sa hagdan si Wendy, at nagulat si Yannie dahil dito. “Wendy!” Nang lumabas ng study room si Thomas, nakita niya na bumagsak ng hagdan si Wendy. Kumunot ang noo niya at mabilis siyang lumapit kay Wendy, tinulungan niya itong tumayo. “Ano ang nangyari?” Sa sobrang sakit ng naramdaman ni Wendy ay namutla ang kanyang mukha, at tumulo ang
Nalilito si Wendy sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na sabihin ni Thomas ang mga ganito sa kanya, lalo na at nasaktan siya. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Thomas ng may nakakaawang ekspresyon. “Thomas, paano mo nagawa ito… Paano mo nasabi sa akin ang ganitong mga bagay? Pinoprotektahan kita! Natatakot ako na ang bastos na babaeng ito ay aabalahin ka, at ito ang rason kung bakit pinigilan ko siya, at tinulak niya ako! Ikaw…” “Ito ba talaga ang nangyari?” Tumingin ng malamig si Thomas kay Wendy. “Maraming taon mo na akong kilala. Alam mo na may kagawian ako na maglagay ng mga surveillance camera sa bahay ko, hindi ba?” Isang simpleng tanong lamang ito, ngunit kinagat niya ang labi niya dahil dito, at mas naging maputla si Wendy kaysa sa pader na nasa likod niya. Tama si Thomas; alam niya na mahilig si Thomas na maglagay ng mga surveillance camera sa bahay. Gayunpaman, naaalala niya na sinabi sa kanya ni Thomas na bagong bili lang ang mansion. Hindi pa din