Si Jim, sa kabilang dulo ng tawag, ay inilibot ang kanyang mga mata. "Wag ka ngang masyadong mayabang ha Joshua? Sa tingin mo ba mapapaalis mo ako dahil lang sa sinabi mo? Ang liit naman ng tingin mo sa akin?"Napangiti si Joshua sa mukha ni Jim. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede nating subukan."Dahil doon ay napalingon siya kay Luna. "Anong masasabi mo Luna?"Kinagat ni Luna ang labi, binitawan ang kamay nito, at umupo sa tabi niya. Medyo madilim ang ekspresyon ng mukha niya habang bumubulong, "Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon."Nang makitang medyo kakaiba ang kinikilos niya, at may mahinang panginginig sa boses niya, agad na kumunot ang noo ni Joshua sa pag-aalala. "Anong problema?"Napakagat labi si Luna at pumikit.Ang unang imahe na lumliitaw sa kanyang isip ay ang mabait, nakangiting mukha ni Butler Fred, pati na rin ang hitsura nito nang sabihin nito sa kanya na tutulungan niya itong paalisin sina Sean at Jim.Naaalala niya ang magalang na tono ng boses nito
“Matagal nang kilala nina Charles at Rosalyn si Butler Fred na kung sasabihin natin sa kanila ang ating mga hinala, baka sila mismo ang kumumpronta sa kanya.”"Hindi natin gustong mangyari ito, baka masira nito ang aming mga plano na ilantad ang kanilang tunay na kulay. At saka, kung direktang haharapin nila sina Butler Fred at Mickey, hindi natin malalaman ang kanilang mga motibo sa paggawa ng lahat ng ito. Bukod pa sa…"Pinikit ni Joshua ang kanyang mga mata, at biglang lumayo ang kanyang tingin. "Kailangan pa nating makarating sa ilalim ng pagkamatay ni Granny Lynch."Natahimik si Jim sa narinig.Sa huli, bumuntong hininga siya at inangat ang ulo para sumulyap kay Joshua. "Naniniwala ka ba na sa pagkamatay ng iyong lola...ay may kinalaman sina Butler Fred at Mickey?"Tumango si Joshua. "Syempre."Ang gamot ni Charles ay palaging ligtas na nakaimbak sa bodega ng gamot, at mayroon lamang dalawang susi dito: ang isa ay kay Rosalyn, at ang isa ay kay Mickey.Kaya naman, kung hind
Kumunot ang noo ni Sean at hindi pinansin ang tanong ni Kate, sa halip ay ibinuka niya ang kanyang bibig habang papalapit ang croissant.Wala pa siyang nakakain kahit isang kagat mula umaga, at sa totoo lang, gutom na gutom na siya."Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Nang makitang hindi sumasagot si Sean, itinikom ni Kate ang kanyang mga labi, binawi ang kanyang braso, at mabilis na inihagis ang croissant sa kanyang sariling bibig.Nagkaroon ng langutngot habang nginunguya niya ang malutong na pastry. "Sa tingin mo ba makakatakas ka sa pagkain ng pagkain ko nang hindi sinasagot ang mga tanong ko? Well, sa iyong panaginip!"Kumunot ang noo ni Sean nang makita niya ang matagumpay na hitsura sa mukha ni Kate.Siya ay nagugutom, ngunit dahil hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay, wala siyang magawa kundi ang tahimik na pagmasdan habang kinakain ng babaeng ito ang kanyang pagkain."Wala kang makukuha kahit isang kagat maliban kung sasagutin mo ako!" Inilibot ni Kate ang mga mata
Mas lalong namula si Kate dahil sa mahina at malambing na boses ni Sean.Kinagat niya ang kanyang labi nang kinakabahan at sumagot, "Ito ay isang tatak ng pastry na kinakain ko mula noong bata pa ako, at hindi ito mula sa Merchant City, kaya hindi mo ito alam."Dahil doon, nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at, dahil sa udyok, gusto niyang ihagis ang buong kahon kay Sean.Gayunpaman, sa sandaling lumingon siya, nakita niya ang makapal na benda nitong mga kamay.Dahil sa instinct, binuksan nito muli ang kahon, binuksan ang isa pang croissant, at saka dinala sa bibig niya. "Dahil nalaman kong kamag-anak ka ng kaibigan ng amo ko, aalagaan kita pansamantala."Natawa si Sean nang makita niya kung gaano ito naging hindi komportable. "Salamat."Sa kabila ng pagiging awkward ng kapaligiran ngunit may kasamang mapagmahal na disposisyon, ipinagpatuloy ni Kate na buksan ang lahat ng croissant at ipakain ito kay Sean nang paisa-isa.Kahit na hindi sinasadyang masagi ni Sean ang mga
Nang mawala na sina Gwen at Kate, bumuntong-hininga si Luke at tumingin kay Sean, na nakaupo sa sopa. "Kumusta ka na?"Ibinaba ni Sean ang ulo at tinignan ang magkabilang kamay niyang nakabenda. Ngumiti siya ng mapait. "Okey naman na sa ngayon. Kaya lang…” Ikinaway niya ang kanyang mummified na mga kamay. “Kahit ang pagkain ko mag-isa ay problema na ngayon. Kung hindi, hindi na sana kailangang pakainin ako ni Kate."Tumawa si Luke. "Iyon ang paliwanag dito. Ikaw ang unang taong handang alagaan ni Kate pagkatapos na mawala ang taong yun."Hindi iyon ang unang pagkakataon na hiniling ni Luke kay Kate na mag-alaga ng isang tao. Hindi mahalaga kung ito ay isang pasyente o anumang uri ng lalaki—bata o matanda, aktibo o magulang. Palagi silang tinataboy ni Kate, pinaaalis sila nang tuluyan. Parang kinulong ng tuluyan ang puso niya pagkaalis ng taong iyon.Bagama't hindi kailanman nangahas si Kate na banggitin ang taong iyon o pinahintulutan ang ibang tao na banggitin ito, palagi siyang n
Kumuha si Luke ng sigarilyo at sinindihan. Nababalot ng usok ang mukha, napatingin siya sa mukha ng mukhang matigas ang ulong si Sean. "Kung gayon, anong plano mo?""Kapag gumaling ako, bibigyang respeto ko si Bonnie at magpapasalamat ako sa kabutihang ipinakita sa akin ng pamilya Landry. Pagkatapos, aalis ako sa lungsod na ito," sagot ni Sean."Saan ka pupunta?" tanong ni Luke."Hindi ko alam." Lumingon si Sean kay Luke, puno ng inggit ang mga mata nito. "Sa totoo lang, gusto kong maging katulad mo at ni Joshua. Saan man kayo magpunta, palagi kayong makakagawa ng pangalan para sa inyong sarili. Hindi katulad ko; Isa lang akong mekaniko na walang pangalan sa Merchant City. Kahit saan ako magpunta, magiging walang sinuman lang ako, kaya hindi mahalaga kung saan ako pumunta."Gayunpaman, alam ni Sean na ang Merchant City ay wala nang lugar para sa kanya. Siya ay anak ni Lucy, kung tutuusin, isang piraso ng matibay na katibayan para patunay na itinapon ni Lucy sina Charles at Jim. Pup
"Diba sabi ko ‘wag mo akong tawagan kapag gusto mo?" malamig na pagsingit ni Luke nang marinig ang sasabihin ng doktor. Nagsalubong ang kilay niya.Huminto sandali ang doktor bago siya nagpatuloy nang may paggalang, "I'm sorry, Mr. Jones. Masyado akong nasasabik sa plano at gusto kong sabihin sa iyo kaagad. Mangyaring huwag magalit. Ako ay..." Ang doktor ay malapit nang ibaba ang telepono.Seryoso ang itsura ni Luke. "Kailan nyo gagawin ang operasyon?"Natahimik sandali ang doktor. "Ang pinakamabilis na magagawa natin ay pagkatapos ng kalahating buwan."Pinikit ni Luke ang kanyang mga mata. "Ano naman ang pinakamatagal?""Ang pinakamatagal...ay sa loob din ng isang buwan." Napabuntong-hininga ang doktor. "Alam mo ang kalagayan ni Ms. Larson. Hindi na kayang makipagsabayan ng katawan niya.""Alam ko." Sa maikling sagot lang ay ibinaba na ni Luke ang telepono.Sumandal si Sean sa couch at tinitigan si Luke. Maingat niyang tanong, "Ms. Larson? Si Gwen ba ang tinutukoy niya? Okay la
"Wala kang narinig mula sa tawag kanina. Hindi mo alam na may sakit si Gwen, at hindi mo alam na kailangan niya ng transplant. Kung hindi..."Tumalim ang tingin ni Luke. "Dapat alam mo ang kahihinatnan. Si Terry ang pinakamagandang halimbawa."Nanginig si Sean dito. Bago niya nakita si Terry, naawa siya at nakonsensya. Nagtiwala siya kay Nikki nang walang taros, at iyon ay humantong sa pinsala sa katawan ni Terry at pinahirapan din ang kanyang amo sa mechanic store.Gayunpaman... Pagkatapos niyang makita si Terry sa resulta ng 'interbensyon' ni Luke, nakaramdam siya ng matinding takot kay Luke, kung paanong ang kanyang mga kilos ay mas malakas kaysa sa mga salita.Matapos bisitahin ni Luke si Bonnie at siya sa ospital, pinatong na ang kamay kay Terry ng kanyang mga tauhan makalipas ang sampung minuto. Hindi alam ng kawawang si Terry kung paano nangyari at nawala ang pinakamahalagang bagay sa kanya. Ang bilis at kahusayan ang ikinatakot ni Sean.Kung hindi sadyang magalit niya ang
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya