Nang mawala na sina Gwen at Kate, bumuntong-hininga si Luke at tumingin kay Sean, na nakaupo sa sopa. "Kumusta ka na?"Ibinaba ni Sean ang ulo at tinignan ang magkabilang kamay niyang nakabenda. Ngumiti siya ng mapait. "Okey naman na sa ngayon. Kaya lang…” Ikinaway niya ang kanyang mummified na mga kamay. “Kahit ang pagkain ko mag-isa ay problema na ngayon. Kung hindi, hindi na sana kailangang pakainin ako ni Kate."Tumawa si Luke. "Iyon ang paliwanag dito. Ikaw ang unang taong handang alagaan ni Kate pagkatapos na mawala ang taong yun."Hindi iyon ang unang pagkakataon na hiniling ni Luke kay Kate na mag-alaga ng isang tao. Hindi mahalaga kung ito ay isang pasyente o anumang uri ng lalaki—bata o matanda, aktibo o magulang. Palagi silang tinataboy ni Kate, pinaaalis sila nang tuluyan. Parang kinulong ng tuluyan ang puso niya pagkaalis ng taong iyon.Bagama't hindi kailanman nangahas si Kate na banggitin ang taong iyon o pinahintulutan ang ibang tao na banggitin ito, palagi siyang n
Kumuha si Luke ng sigarilyo at sinindihan. Nababalot ng usok ang mukha, napatingin siya sa mukha ng mukhang matigas ang ulong si Sean. "Kung gayon, anong plano mo?""Kapag gumaling ako, bibigyang respeto ko si Bonnie at magpapasalamat ako sa kabutihang ipinakita sa akin ng pamilya Landry. Pagkatapos, aalis ako sa lungsod na ito," sagot ni Sean."Saan ka pupunta?" tanong ni Luke."Hindi ko alam." Lumingon si Sean kay Luke, puno ng inggit ang mga mata nito. "Sa totoo lang, gusto kong maging katulad mo at ni Joshua. Saan man kayo magpunta, palagi kayong makakagawa ng pangalan para sa inyong sarili. Hindi katulad ko; Isa lang akong mekaniko na walang pangalan sa Merchant City. Kahit saan ako magpunta, magiging walang sinuman lang ako, kaya hindi mahalaga kung saan ako pumunta."Gayunpaman, alam ni Sean na ang Merchant City ay wala nang lugar para sa kanya. Siya ay anak ni Lucy, kung tutuusin, isang piraso ng matibay na katibayan para patunay na itinapon ni Lucy sina Charles at Jim. Pup
"Diba sabi ko ‘wag mo akong tawagan kapag gusto mo?" malamig na pagsingit ni Luke nang marinig ang sasabihin ng doktor. Nagsalubong ang kilay niya.Huminto sandali ang doktor bago siya nagpatuloy nang may paggalang, "I'm sorry, Mr. Jones. Masyado akong nasasabik sa plano at gusto kong sabihin sa iyo kaagad. Mangyaring huwag magalit. Ako ay..." Ang doktor ay malapit nang ibaba ang telepono.Seryoso ang itsura ni Luke. "Kailan nyo gagawin ang operasyon?"Natahimik sandali ang doktor. "Ang pinakamabilis na magagawa natin ay pagkatapos ng kalahating buwan."Pinikit ni Luke ang kanyang mga mata. "Ano naman ang pinakamatagal?""Ang pinakamatagal...ay sa loob din ng isang buwan." Napabuntong-hininga ang doktor. "Alam mo ang kalagayan ni Ms. Larson. Hindi na kayang makipagsabayan ng katawan niya.""Alam ko." Sa maikling sagot lang ay ibinaba na ni Luke ang telepono.Sumandal si Sean sa couch at tinitigan si Luke. Maingat niyang tanong, "Ms. Larson? Si Gwen ba ang tinutukoy niya? Okay la
"Wala kang narinig mula sa tawag kanina. Hindi mo alam na may sakit si Gwen, at hindi mo alam na kailangan niya ng transplant. Kung hindi..."Tumalim ang tingin ni Luke. "Dapat alam mo ang kahihinatnan. Si Terry ang pinakamagandang halimbawa."Nanginig si Sean dito. Bago niya nakita si Terry, naawa siya at nakonsensya. Nagtiwala siya kay Nikki nang walang taros, at iyon ay humantong sa pinsala sa katawan ni Terry at pinahirapan din ang kanyang amo sa mechanic store.Gayunpaman... Pagkatapos niyang makita si Terry sa resulta ng 'interbensyon' ni Luke, nakaramdam siya ng matinding takot kay Luke, kung paanong ang kanyang mga kilos ay mas malakas kaysa sa mga salita.Matapos bisitahin ni Luke si Bonnie at siya sa ospital, pinatong na ang kamay kay Terry ng kanyang mga tauhan makalipas ang sampung minuto. Hindi alam ng kawawang si Terry kung paano nangyari at nawala ang pinakamahalagang bagay sa kanya. Ang bilis at kahusayan ang ikinatakot ni Sean.Kung hindi sadyang magalit niya ang
Halata naman, hindi ang sagot ni Kate ang hinahanap ni Sean. Tumingin ito sa kanya at umiling na may mapait na ngiti. "Nawawala na ako sa sarili ko. Anong silbi ng pagtatanong sayo?"Walang alam si Kate tungkol sa kanya, at tulala siyang magtanong kay Kate ng ganoong kalokohang tanong."Bakit sa tingin mo walang kwenta na tanungin ako ng ganyan?" Nilagay ni Kate ang mga kamay niya sa bewang niya at tumingin kay Sean ng nakangiti. "Alam ko ang lahat tungkol sa'yo. Nainlove ka sa babaeng mahal ng kapatid mo, pero may gusto ang babae sa kapatid mo. Ilang araw na lang ang natitira sa babaeng ito, at ikakasal na ng kapatid mo, kaya akala mo ang kapatid mo ay ang iyong karibal sa pag-ibig.”"Kasabay nito, gusto mong makipagkasundo sa kapatid mo, kaya naman pinrotektahan mo siya noong nasa panganib siya, na naging dahilan para masaktan ka sa proseso."Natigilan si Sean sa sinabi ni Kate pero tumango siya, hindi alintana. "Oo tama ka." Hindi niya kayang bitawan si Bonnie, at natatakot din
Natatakot si Jim na guni guni niya nga lang ito, na hindi talaga gumalaw si Bonnie. Natatakot siya na ito ay isang maling pag asa ulit, kaya’t inulit niya ang sinabi niya. Ngayon naman, kahit ano ang sabihin o gawin ni Jim, ang daliri ni Bonnie ay hindi gumalaw. ‘Baka nga guni guni ko lang ito.’ Ngumiti siya ng mapait at malambing niyang nilagyan ng kumot si Bonnie bago siya umalis. Ngunit, hindi niya nakita ang isang luha na tumulo sa mata ni Bonnie nang tumalikod siya.… Gising ng buong gabi si Jim, binilang niya ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Butler Fred para sa pamilya niya. Sa huli, marami nang ginawa ang butler para sa kanya at sa pamilya niya. Noon, akala ni Fred ay si Heather ang tunay na Ms. Landry, kaya mahalaga para sa kanya si Heather at tinulungan niya pa ito na atakihin si Jim sa negosyo. Gayunpaman, nang makabalik na si Luna sa pamilya Landry, alam niya na hindi nagkaroon ng pagkakataon si Heather na humawak ng kapangyarihan sa pamilya. Nagbago ang pag uuga
Pagkatapos ng agahan… “Sinasabi mo ba na ang nanay ko ay walang ideya noong nilason si Granny Lynch?” Nabigla si Luna sa punto na hindi niya masara ang bibig niya nang sabihin ni Joshua sa kanya ang lahat ng impormasyon na sinend ni Jim. Tumingin siya ng gulat kay Joshua, nanginginig ang boses niya habang sinabi niya, “Kaya… Noong sinabi ni nanay na hindi niya alam na nalason si Granny Lynch, hindi niya ito sinabi dahil natatakot siya na masira ang relasyon natin?” Nang makita niya na gulat si Luna, hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti. “Akala ko ay sinasadya niyang hindi banggitin ito dahil ayaw niyang maapektuhan ang relasyon natin.” Tumingin sa taas si Joshua. “Pero, kung iisipin natin, sa tingin ko ay hindi siya ganun kabait. Dahil kaya niyang sabihin ng tapat kay Jim ang tungkol sa tunay na nanay ni Jim noong nagtanong si Jim, sa tingin ko ay isa siyang tao na ayaw magsinungaling.” Tahimik na tumango si Luna. “Tama ka. Ayaw ni nanay na magsinungaling, lalo na sa mga bata.”
Dahil dito, tama lang na isipin na gusto ng mga magulang ni Luna na lasunin si Granny Lynch para maghiganti sa pagpatay kay Colin Landry. Naniniwala siya na kung ginawa talaga ito ng mga magulang niya, maiintindihan ito ni Joshua. Gayunpaman, mas mabuti kung walang kinalaman sina Rosalyn at Charles sa pagkamatay ni Granny Lynch. Naisip na ito ni Luna dati. Gayunpaman, halos isang taon na simula nang bumalik siya sa pamilya Landry. Wala saiya ng kamuhian ng pamilya Landry para sa pamilya Lynch, at wala rin siyang karapatan para magkomento dito. Kaya naman, kung pwede niyang iwasan na banggitin ang pagkakalason kay Granny Lynch, iiwasan niya ito. Dahil may mga bagay na hindi mareresolba, ang tanging paraan lang ay ang iwasan ito. Pinili niya takasan ang pagharap sa katotohanan, ngunit hindi ito ang gusto ni Joshua. Si Joshua ay klaro sa pagmamahal at pagkamuhi niya para sa mga tao. Mahal niya si Luna, at mahal niya rin si Granny Lynch. Kahit na wala siyang sinabi tungkol sa nan