"Wala kang narinig mula sa tawag kanina. Hindi mo alam na may sakit si Gwen, at hindi mo alam na kailangan niya ng transplant. Kung hindi..."Tumalim ang tingin ni Luke. "Dapat alam mo ang kahihinatnan. Si Terry ang pinakamagandang halimbawa."Nanginig si Sean dito. Bago niya nakita si Terry, naawa siya at nakonsensya. Nagtiwala siya kay Nikki nang walang taros, at iyon ay humantong sa pinsala sa katawan ni Terry at pinahirapan din ang kanyang amo sa mechanic store.Gayunpaman... Pagkatapos niyang makita si Terry sa resulta ng 'interbensyon' ni Luke, nakaramdam siya ng matinding takot kay Luke, kung paanong ang kanyang mga kilos ay mas malakas kaysa sa mga salita.Matapos bisitahin ni Luke si Bonnie at siya sa ospital, pinatong na ang kamay kay Terry ng kanyang mga tauhan makalipas ang sampung minuto. Hindi alam ng kawawang si Terry kung paano nangyari at nawala ang pinakamahalagang bagay sa kanya. Ang bilis at kahusayan ang ikinatakot ni Sean.Kung hindi sadyang magalit niya ang
Halata naman, hindi ang sagot ni Kate ang hinahanap ni Sean. Tumingin ito sa kanya at umiling na may mapait na ngiti. "Nawawala na ako sa sarili ko. Anong silbi ng pagtatanong sayo?"Walang alam si Kate tungkol sa kanya, at tulala siyang magtanong kay Kate ng ganoong kalokohang tanong."Bakit sa tingin mo walang kwenta na tanungin ako ng ganyan?" Nilagay ni Kate ang mga kamay niya sa bewang niya at tumingin kay Sean ng nakangiti. "Alam ko ang lahat tungkol sa'yo. Nainlove ka sa babaeng mahal ng kapatid mo, pero may gusto ang babae sa kapatid mo. Ilang araw na lang ang natitira sa babaeng ito, at ikakasal na ng kapatid mo, kaya akala mo ang kapatid mo ay ang iyong karibal sa pag-ibig.”"Kasabay nito, gusto mong makipagkasundo sa kapatid mo, kaya naman pinrotektahan mo siya noong nasa panganib siya, na naging dahilan para masaktan ka sa proseso."Natigilan si Sean sa sinabi ni Kate pero tumango siya, hindi alintana. "Oo tama ka." Hindi niya kayang bitawan si Bonnie, at natatakot din
Natatakot si Jim na guni guni niya nga lang ito, na hindi talaga gumalaw si Bonnie. Natatakot siya na ito ay isang maling pag asa ulit, kaya’t inulit niya ang sinabi niya. Ngayon naman, kahit ano ang sabihin o gawin ni Jim, ang daliri ni Bonnie ay hindi gumalaw. ‘Baka nga guni guni ko lang ito.’ Ngumiti siya ng mapait at malambing niyang nilagyan ng kumot si Bonnie bago siya umalis. Ngunit, hindi niya nakita ang isang luha na tumulo sa mata ni Bonnie nang tumalikod siya.… Gising ng buong gabi si Jim, binilang niya ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Butler Fred para sa pamilya niya. Sa huli, marami nang ginawa ang butler para sa kanya at sa pamilya niya. Noon, akala ni Fred ay si Heather ang tunay na Ms. Landry, kaya mahalaga para sa kanya si Heather at tinulungan niya pa ito na atakihin si Jim sa negosyo. Gayunpaman, nang makabalik na si Luna sa pamilya Landry, alam niya na hindi nagkaroon ng pagkakataon si Heather na humawak ng kapangyarihan sa pamilya. Nagbago ang pag uuga
Pagkatapos ng agahan… “Sinasabi mo ba na ang nanay ko ay walang ideya noong nilason si Granny Lynch?” Nabigla si Luna sa punto na hindi niya masara ang bibig niya nang sabihin ni Joshua sa kanya ang lahat ng impormasyon na sinend ni Jim. Tumingin siya ng gulat kay Joshua, nanginginig ang boses niya habang sinabi niya, “Kaya… Noong sinabi ni nanay na hindi niya alam na nalason si Granny Lynch, hindi niya ito sinabi dahil natatakot siya na masira ang relasyon natin?” Nang makita niya na gulat si Luna, hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti. “Akala ko ay sinasadya niyang hindi banggitin ito dahil ayaw niyang maapektuhan ang relasyon natin.” Tumingin sa taas si Joshua. “Pero, kung iisipin natin, sa tingin ko ay hindi siya ganun kabait. Dahil kaya niyang sabihin ng tapat kay Jim ang tungkol sa tunay na nanay ni Jim noong nagtanong si Jim, sa tingin ko ay isa siyang tao na ayaw magsinungaling.” Tahimik na tumango si Luna. “Tama ka. Ayaw ni nanay na magsinungaling, lalo na sa mga bata.”
Dahil dito, tama lang na isipin na gusto ng mga magulang ni Luna na lasunin si Granny Lynch para maghiganti sa pagpatay kay Colin Landry. Naniniwala siya na kung ginawa talaga ito ng mga magulang niya, maiintindihan ito ni Joshua. Gayunpaman, mas mabuti kung walang kinalaman sina Rosalyn at Charles sa pagkamatay ni Granny Lynch. Naisip na ito ni Luna dati. Gayunpaman, halos isang taon na simula nang bumalik siya sa pamilya Landry. Wala saiya ng kamuhian ng pamilya Landry para sa pamilya Lynch, at wala rin siyang karapatan para magkomento dito. Kaya naman, kung pwede niyang iwasan na banggitin ang pagkakalason kay Granny Lynch, iiwasan niya ito. Dahil may mga bagay na hindi mareresolba, ang tanging paraan lang ay ang iwasan ito. Pinili niya takasan ang pagharap sa katotohanan, ngunit hindi ito ang gusto ni Joshua. Si Joshua ay klaro sa pagmamahal at pagkamuhi niya para sa mga tao. Mahal niya si Luna, at mahal niya rin si Granny Lynch. Kahit na wala siyang sinabi tungkol sa nan
Nang makita kung paano kumunot ang noo ni Joshua, walang masabi si Luna para magpatuloy sa pinag uusapan nila. Naipit ang mga salita sa kanyang lalamunan, hindi niya ito masabi. ‘Sa tingin ko ay hindi niya alam kung ano talaga ang mahalaga para sa akin. Akala niya siguro ay nagdadabog lang ako. Pero nagdadabog lang ba ako?’ Hindi rin alam ni Luna kung paano niya ito sasagutin. Ang alam niya lang ay nasa isang bad mood siya, isang masamang mood. Huminga siya ng malalim at tumingin siya ng malalim sa mukha ni Joshua. Pagkatapos, ngumiti siya. “Wala kang ideya kung ano ang tinutukoy ko. Kalimutan mo na.” Tumayo siya. “Kailangan mo ako para tulungan kita na harapin sina Butler Fred at Mickey, hindi ba? Para umamin sila sa mga krimen na ginawa nila? Para umamin sila na sila ang lumason kay Granny Lynch, hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua, hindi niya maintindihan kung bakit biglang mabilis na sumama ang mood ni Luna. “Ano ba ang problema mo?” Mas mahalaga para sa kanya si
Walang emosyon na tumingin si Luna sa mga mata ni Joshua at sinabi niya, “Hindi mo naman tinupad ang pangako na ito, maging sa mga bagay na iniisip mo, sa mga mga problema na kailangan ayusin, at sa mga paghihinala mo sa mga bagay. Sinasabi mo lang ito sa akin kung kailangan mo itong ipaalam sa akin, at kung hindi, hindi mo ito sasabihin sa akin.” Kumunot ng mahigpit ang noo ni Joshua. “Sumosobra ka na, Luna. Maliit na problema lang ito. Bakit mo—” “Ako?” Sumingit ng malamig si Luna. “Si Butler Fred at Mickey ang pinag uusapan natin ngayon, pero paano sa susunod? Kapag may mga panganib sa susunod, sasabihin mo ba sa akin? Sa tingin mo ba ay may karapatan akong malaman? Sa tingin mo ba ay magiging tapat ka sa akin at sasabihin mo sa akin?” Habang patuloy sa pagsasalita si Luna, mas lalo siyang nagagalit. “Sa tingin mo ay isang maliit na bagay lang ito, pero hindi mo man lang sinabi sa akin ang maliit na bagay na ito, paano kung may mas malaking problema? Sasabihin at ipapaalam mo
Baka hindi maintindihan ni Gwen ang ibig sabihin ni Luke, ngunit alam ni Joshua kung ano ang tinutukoy ni Luke. Kumunot ang noo ni Joshua habang tumingin siya sa ekspresyon ni Luke. “Ang isang malusog na katawan ay hindi rason para gawin mo ang kahit anong gusto mo.” Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Gwen. “Tama ba?” Sa sobrang pokus ni Gwen sa ekspresyon ni Luna ay hindi niya narinig ang pag uusap nila Joshua at Luke. Kaya naman, sumagot siya pagkatapos siyang tanungin, “O—Oo.” Bumulong si Gwen sa tainga ni Luke, sa sobrang hina ay siya lang ang nakarinig nito, “Ano ang pinag uusapan niyo kanina?” Namula ang mga pisngi niya na parang hinog na peach. Nahirapan si Luke na pigilan ang sarili niya na kagatin ang pisngi ni Gwen. Niyakap niya na sana si Gwen at hinalikan niya na sana ito hanggang sa wala na silang hininga, kung hindi lang sila nasa bahay ni Joshua ngayon. Ngunit, nandito sila. Ngumiti si Luke at kinurot niya ng malambing ang pisngi ni Gwen. Mahal niya si Gwen