Tumahimik ang buong ward pagkatapos nila marinig ang mga sinabi ni Nikki. Hindi lang sa nagulat sina Jim at ang assistant niya; mahirap din para kay Sean na tanggapin ito. ‘Bakit naman gugustuhin ni Jim na lasunin si Bonnie?’ Ang naisip ni Sean. “Sean, dapat kang magtiwala sa akin.” Mang mapansin na hindi naniniwala si Sean, napuno ng kasamaan ang mga mata ni Nikki bago siya kumapit sa dibdib ni Sean, nagpanggap siya na siya ang biktima. “Sean, sinasabi ko sayo ang katotohanan! Nilason ni Jim Landry si Bonnie at sinabi niya na kapag patay na si Bonnie, walang makakaalam na nakasama niya si Bonnie dati.” “Kapag namatay na si Bonnie, malulungkot ka ng sobra. Ginagamit niya ito para maghiganti sayo… dahil pinili ka ni Ms. Hamilton sa halip na siya!” Ang bawat salita na sinabi ni Nikki ay parang isang kutsilyo sa puso ni Sean. Tumitig siya sa lalaking nasa harap niya, ang lalaki na dapat niyang tawagin na kapatid. Gaano kalaki ba ang pagkamuhi ni Jim kila Lucy at Sean para subuka
Dapat manatili si Sean dito para alagaan niya si Bonnie. Kahit na… Kahit na hindi gumaling si Bonnie, gusto manatili ni Sean sa tabi niya at samahan siya nito sa natitirang mga araw ng buhay niya. “Walang makakaalis sa inyo!” Nanunuya si Jim habang nakatingin siya ng masama sa mukha ni Nikki. “Ano ang magagawa ng pagsisinungaling mo. Alam mo kung sino ang nagturok ng lason kay Bonnie.” Tinikom ni Nikki ang mga labi niya. “P—Pero hindi ako marunong gumamit ng injection!” Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya ng nagpapaawa kay Sean. “Sean, kilala mo ako. Noong dinala ako sa hospital, sobrang takot ako tuwing iniinjectionan ako ng nurse. Paano ko naman masisikmura na gumamit ng injection sa ibang tao?” Suminghot siya. “Pero iba si Mr. Landry. Ang nanay niya ay isang kilalang researcher na specialized sa mga lason, at ang bestfriend niya ay isang doctor. Normal lang na alam niya kung paano gumamit nito.” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang matapos si Nikki. “Tama yun.” M
Medyo nabigla si Nikkie nang marinig niya ang sinabi ni Sean. Kinagat niya ang labi niya at kumapit siya sa braso ni Sean, “Hayaan na natin ito, Sean. Umalis na tayo!” “Hindi na natin kailangan makita ang surveillance footage o marinig ang voice recording. May matibay na ebidensya na para patunayan na pinatay ni Mr. Landry si Ms. Craig. Walang kwenta na para itanggi niya ito! Tayo ay…” Kinagat niya ang labi niya. “Umalis na tayo ngayon. Hindi natin siya pwedeng hayaan na magkaroon ng pagkakataon na sabihin niya na magkasintahan sila ni Ms. Craig, at pareho tayong estranghero na nagsabwatan para isetup siya.” Gayunpaman, hindi kumbinsido si Sean. “Kung ganun, dapat tayong manatili hanggang sa dumating ang mga pulis, mapapatunayan nila na inosente tayo!” Tumingin siya kay Jim, proud siya sa pagiging makatarungan niya. “Gusto kong makita na maaresto ang lalaking ito!” Suminghal si Jim dahil sa sinabi ni Sean. Habang nakahalukipkip, sinabi niya, “Malalaman din natin kung ako o an
“Tara na, Sean.” Kumunot ang noo ni Sean. “Nikki, bakit mo ba ako pinipilit na umalis?” ‘Hindi ba’t dapat silang manatili para mapanood nilang maaresto si Jim ng mga pulis para mapatunayan ni Nikki na inosente siya? Bakit paulit ulit na gusto ni Nikki na umalis?’ Ang naisip ni Sean. “Natatakot siya na baka maaresto siya,” Sumingit si Assistant Coleman. “Mr. Wheeler, paanong hindi mo alam ngayon at halata ang kinikilos ng babaeng ito? Siya ang tumurok ng lason sa katawan ni Ms. Craig. Bakit pa ba siya matatakot sa mga pulis? Bakit niya pipilitin na umalis kayo?” Sumingkit ang mga mata ni Sean at binitawan niya ang kamay na nakahawak kay Nikki. Naisip niya na hindi mabuti ang mga tao na nagtatrabaho para kay Jim, ngunit… may katuturan ang sinasabi ni Assistant Coleman. Kung inosente talaga si Nikki, bakit niya pagpipilitan na umalis? Bakit hindi niya hihintayin na dumating ang mga pulis? “Kasi…” Kinagat ni Nikki ang labi niya at tumahimik siya ng ilang sandali. Sa huli, hindi
Tumawa si Jim. “Tinulak ko ba ang paratang sa kapatid mo, o kabaliktaran ito?” Tumingin si Jim sa luhaang mukha ni Nikki. “Ah, tama. Ano nga ba ang sinabi mo? Ayaw mong pumunta ng police station para hindi mo maalala ang panahon na ginahasa ka, ganun ba?” “Nikki Wheeler, pinagsamantalahan ka ba talaga ng isang lalaki?” Ang mga salita ni Jim ay parang martilyo na dumurog sa puso ni Sean. Lumingon si Sean para tumingin ng galit kay Jim. “Ano ang sinabi mo?” Napuno ng galit si Sean, binitawan niya si Nikki at lumapit siya para hawakan sa kwelyo si Jim, puno ng galit ang mga mata niya. “Kinulong mo sa kotse si Bonnie, at kinailangan ko siyang iligtas. Ito ang rason kung bakit nagahasa ang kapatid ko! Walang hiya ka para sabihin ito! Jim Landry, isa ka bang tao talaga?!” Sumingkit ang mga mata ni Jim at ngumisi siya, “Hindi ako isang tao?” Tumingin siya kay Nikki. “Sigurado ako na alam mo kung totoo ang sinasabi ko.” Ang malupit na tingin ni Jim ay masyadong mabigat para kay N
“‘Wag kang mag alala.” Nangako si Sean na poprotektahan niya si Nikki ngayon. “Kahit na nandito na ang mga pulis, wala kaming kakatakutan dahil hindi namin ito ginawa, kaya…” Bago pa matapos magsalita si Sean, lumapit sa kanila ang mga pulis at pinakita nila kay Nikki ang ID badge nila. “Ms. Wheeler, may sapat na ebidensya kami para patunayan na gumawa kayo ng krimen sa pagtatangka sa buhay ni Ms. Craig, pati na rin ang pag gahasa kay Mr. Terry Simmons. May awtoridad kami para arestuhin ka. Pakiusap, sumunod ka sa amin.” Nabigla si Sean nang marinig niya ito. Huminto siya at tumingin siya sa mga pulis na para bang hindi siya makapaniwala, tumayo siya sa harap nila at protektahan niya si Nikki. “N—Nagkakamali ba kayo?” Si Nikki ang biktima, hindi ba? Hindi ba’t si Jim ang nanakit kay Nikki, at si Terry ang umagaw ng pagiging puro ni Nikki? Bakit baligtad ang sinasabi ng mga pulis? “Sir, kung wala kaming matibay na ebidensya, hindi namin aarestuhin ang kahit sino,” Ang sagot ng
Huminto ng ilang sandali si Jim. Baka hindi alam ni Sean kung kanino ang boses na ito, ngunit pamilyar si Jim dito. Sa sandali na natulala si Jim, tumama ang kamao ni Sean sa mukha niya, at halata kung gaano kalakas ang suntok na ito. Binigay ni Sean ang lahat ng makakaya niya dito. Lumabas ang dugo mula sa ilong ni Jim habang napaatraas siya ng ilang sandali bago siya tumayo ng maayos. “Jim!” Tumakas si Rosalyn mula sa suporta ni Charles, at tumakbo siya papunta kay Jim. Gayunpaman, masyadong mahina ang katawan niya para suportahan ang sarili niya, bumigay ang mga binti niya pagkatapos tumakbo ng ilang hakbang at bumagsak siya sa sahig, tumama ang mukha niya sa sahig. Tumayo siya agad pagkatapos at tumakbo siya papunta kay Jim na para bang wala lang ito sa kanya. “Jim! Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Rosalyn. Nandoon si Assistant Coleman para suportahan si Jim. Medyo malabo ang paningin ni Jim, ngunit alam niya na nag aalala na lumapit sa kanya si Rosalyn. Uminit at huma
“Mas mabuti ka kaysa sa tatay ko, ito ang masasabi ko.” Nilagpasan ni Sean si Charles at naghanda na siyang umalis. Habang nasa malayo, kumunot ang noo ni Jim at tumingin siya kay Sean. Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya pa nabanggit kila Charles at Rosalyn ang tungkol sa hindi pagkamatay ni Lucy sa nangyari, kahit na alam ng lahat na namatay doon si Lucy. Natatakot siya na babanggitin ni Sean ang tungkol kay Lucy at sa sitwasyon ng pamilya nila pagkatapos sabihin kay Charles na mas mabuting tatay si Charles kaysa sa tatay ni Sean. Sa hindi inaasahan, hindi na nagsalita si Sean pagkatapos nito, ngunit hinawakan ni Charles ang kamay ni Sean at sumingkit ang mga mata niya. “Hindi rin naman masama ang tatay mo, bata. ‘Wag mong maliitin ang sarili mo; masyado kang mapagkumbaba,” Ang sabi ni Charles, tila maamo at tapat ang kanyang boses. “May espesyal sa inyo ng tatay mo kaya’t sinukuan kami ni Lucy.” Tumahimik ang buong hallway pagkatapos masabi ang mga salitang ito. Gul