"Huwag mo akong hawakan!" Napaatras si Harvey, napaatras habang nakatitig kay Jim nang maingat. "Iniisip mo pa bang hanapin si Number-9? Iniisip mo pa rin ba na pakasalan siya?”"Sabi mo magpapakasal ka kay Mommy at makakasama mo siya, pero nagsisinungaling ka lang sa akin, 'di ba? Para sa iyo, si Number-9 ang pinakamahalagang tao sa mundong ito—mas mahalaga kaysa sa akin, kay Mommy, at kayShelly. Napakaimportante para kalimutan mo kami, di ba?"Lalong lumaki ang sakit sa puso ni Harvey nang lalo niyang ibinuhos ang laman ng kanyang puso."Paulit-ulit mong sinira ang puso ni Mommy nang akala mo si Charlotte ay si Number-9, lahat ng ito ay dahil sa mahal mo siya. Lahat ng iyon, at hinahanap mo pa rin siya hanggang ngayon!”"Paano kung mahanap mo siya? Iiwan mo ba si Mommy, ako, at si Shelly? Kung ganoon, hahanapin ko sina Grandpa at Grandmom bukas para palitan ang pangalan ko! Hindi na Harvey Landry ang pangalan ko; Magiging Harvey Craig na lang ako!"Nag-aalab sa galit ang mga tin
Nagsalubong ang kilay ni Jim habang nakatingin sa teleponong iniabot ni Bonnie sa kanya.Ang screen ay nagpapakita ng isang larawan ni Charlotte na nakahiga sa isang piitan sa Quinn Mansion. Makulimlim at mamasa-masa ang piitan noon, ngunit sa larawang ito, tila pinalamutian ito ng mas maliwanag na liwanag na may malaking kama, at mayroon pa itong aroma diffuser at mga recreational facility.Ang marangyang setting ay hindi na ginawang parang piitan; ito sa halip ay mukhang isang lugar para sa isang bakasyon.Naningkit ang mga mata ni Jim. Upang makahiling ng ganoong pagtrato sa piitan ng Quinn Mansion... Iyon ay nangangahulugan na si Charlotte ay isang napakahalagang tao sa pamilya Quinn o, mas partikular, kay Quentin.Inangat niya ang ulo niya at tumingin kay Bonnie. "Papunta na sila?""Oo," sagot ni Bonnie. Kinuha niya ang phone niya at naglakad patungo sa pinto. "Alam ko na si Mr. Jim ay isang nostalhik na tao. Kung ayaw mong hanapin si Charlotte kasama namin, ayos lang."Dah
Tumingin si Bonnie sa labas ng bintana at hindi na siya nag abala na tumingin kay Jim. “Ah, ‘wag mo nang alalahanin ‘yun.” Ayaw niya rin naman sabihin ang katotohanan, at dahil sinabi ni Jim ang mga ito, hindi niya na rin babanggitin ang nakaraan sa usapan nila. Bukod pa dito, kahit na sinabi siya kay Jim na siya si Number-9, iisipin lang ni Jim na gumagawa lang siya ng pakana para maging malapit kay Jim. Hindi ito maganda. Hindi nagtagal, nakarating ang kotse sa Quinn Mansion. Nang makarating sina Bonnie, sina Joshua, Luna, Luke, at Gwen ay naghihintay na sa loob ng lobby ng mansion. Nang mapansin ang pagdating nila Jim at Bonnie, ngumiti ng maliit si Gwen, may panunuya sa kanyang mga mata. “Gumaling na ba ang kamay ni Mr. Jim sa pagkapaso? Bakit ka pumunta dito?” Naalala niya na sa napaso ang kamay nito dahil kay Charlotte, lumapit si Jim para kay Charlotte, nilagay ang kamay sa takure para tahimik na ipagtanggol at humingi ng tawad para kay Charlotte. “Ang sakripisyo ni
Sumingkit ang mga mata ni Quentin sa mga litrato sa sahig, at dumilim agad ang kanyang mga mata. Ito ay ang mga litrato ni Charlotte na masaya lang, nakahiga sa kama ng kulungan ng Quinn Mansion. Base sa anggulo ng mga litrato, kinuha ito sa loob ng kulungan sa harap ni Charlotte. Wala sa mga tao nila Joshua o Luke ang makakapasok sa sikretong lugar sa mansion. Isa lang ang ibig sabihin nito: ang mga tauhan ni Joshua o Luke ay nakalusot sa mansion, at may nakatanim silang tauhan sa gusali! Habang iniisip ito, ngumiti si Quentin at umupo siya, kinuha niya ng isa isa ang mga litrato. “Saan nakuha ni Mr. Jones ang mga litrato na ito?” Ngumisi si Luke at tumingin siya kay Quentin. “Bakit? Umaasa ka ba na matutulungan kita na matanggal ang problema sa mansion mo?” Tumawa si Quentin. “Syempre hindi. Kaya nga lang…” Tumawa ulit siya. “Peke at inedit ang mga litrato na ito.” Lumingon si Quentin at umupo siya sa sofa, elegante at mapagmataas, habang sinuri niya ang mga litrato. Ma
“Hindi kaya’t tinatago mo talaga si Ms. Jacobs, Mr. Landry?” Sumulyap si Jim kay Quentin, humigpit ang kanyang mga kamao. Makalipas ang ilang sandali, uminom ng tsaa si Joshua at sumingit siya, “Tama si Mr. Landry. Hindi kami pupunta dito kung wala kaming ebidensya.” Tumingin siya kay Quentin at sinabi niya, “Kailangan ko pa ba ipakita sayo ang ebidensya na dinukot si Charlotte ng kotse na pag mamayari ng pamilya Quentin? Sigurado ako na alam mo ang kahihinatnan kapag binigay ko ang ebidensya na ito sa pulis at kapag inilabas ito sa media.” Sumingkit ang mga mata ni Quentin, ngunit may bahid ng kalupitan sa mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Nakatanggap siya ng impormasyon tungkol kay Joshua mula kay Laura, ngunit ito ang unang beses na nakaharap niya si Joshua. Kahit na mayabang at malamig lagi, hindi niya inaasahan na organisado at agresibo si Joshua pag kinakailangan. Hindi niya agad binigay ang ebidensya sa pulis at sa halip ay dumirecho siya sa mansion
Nang marinig ang mga sinabi ni Joshua, tumawa si Quentin. “Hindi ba’t nangyari ang pag aaway ng pamilya Landry at ng pamilya Quinn dahil pinatay ng mga Landry si Lucy?” Hinawakan niya ang baba niya at sinabi niya, “Naaalala ko na sobrang sama ng itsura ni Lucy noong namatay siya…” May pekeng lungkot sa mukha ni Quentin habang nagbuntong hininga siya. “Isa siyang maganda at matalinong babae. Sayang… pumanaw siya dahil hindi siya inalagaan at pinabayaan siya ni Charles Landry. Tsk, tsk, tsk! Nabalitaan ko na dose dosenang mga lalaki ang—” “Tumahimik ka!” Ang galit na sinabi ni Jim, tumayo siya mula sa upuan bago pa matapos magsalita si Quentin. Dahil galit na galit si Jim, malupit niyang pinagalitan si Quentin, “Hindi ko hahayaan na sabihin ang ganitong mga bagay tungkol sa nanay ko!” Gayunpaman, tumawa lang si Quentin sa galit na ekspresyon ni Jim. “Mr. Landry, bakit ka galit na galit? Naaalala ko na isang taong gulang ka pa lang noong pumanaw si Lucy. Inalagaan ka ni Rosalyn s
Ito ay para bang alam ni Quentin ang lahat tungkol kay Jim… ngunit ito ang unang beses na nakaharap niya si Jim. Nakuntento si Quentin sa ekspresyon ni Jim. Ngumiti siya ng maliit kay Jim, pagkatapos ay tumingin siya kay Luke. “Paano ka nakakasiguro na ang babaeng si Charlotte ay nandito, Mr. Jones?” Habang nakaupo siya ng mas komportable sa sofa at tumingin siya sa lahat, muling ngumisi si Quentin. “Sasabihin ko ulit ito: wala kaming kulungan na puno ng dekorasyon dito, at wala kaming malaking kama at mga pasilidad dito. Bukod pa dito, sumusunod sa batas ang pamilya Quinn at hindi kami nagtatago ng isang kriminal na si Charlotte.” Naglabas siya ng isang sigarilyo at sinindihan niya ito. Ngunit, pagkatapos ng isang hithit, bigla siyang may naalala at tumingin siya kay Bonnie. “Ms. Craig, ayos lang ba sayo na mag sigarilyo ako? Kung hindi, papatayin ko na ito.” Nabigla dito si Bonnie. Tumingin siya kay Quentin, na siyang nakangiti habang nakatingin ito sa tiyan niya. “Ayos lan
Tumingin si Joshua sa dokumento na pinasa sa kanya ni Quentin. Samantala, nagsalubong ang mga kilay ni Jim. Sa mga sandaling ito, doon nila pinag isipan ng tahimik kung nandito talaga si Charlotte sa Quinn Mansion, nang makita nila ang kampanteng mukha ni Quentin. Gayunpaman, pinalibutan na ng mga tauhan nila Joshua at Luke ang paligid at kontrolado na nila ang mansion, ang bawat kilos ay nakamonitor at inimbestigahan ng dalawang araw. Sinuri pa ng mga tauhan nila ang mga basura na tinapon mula sa mansion. Kumpirmado nila na nasa mansion pa rin si Charlotte at hindi pa ito nililipat. Gayunpaman, kahit na ginawa nila ang lahat ng ito, mas naging maingat sina Joshua at Jim sa pagkilos ni Quentin. Tangka ba ito para magtago, o palihim na inilipat si Charlotte sa ibang lugar? “Ano sa tingin niyo? Kaya niyo bang sumugal?” Ngumiti si Quentin habang humithit siya sa sigarilyo. Mahinahon ang tingin at boses niya, sinabi niya, “Kung hindi kayo papayag, makakaalis na kayo. Butler