Hindi lang ‘yun, tila maganda pa ang impresyon nila Rosalyn at Charles kay Sirius. Hindi mailalabas ni Joshua ang video sa ganitong sitwasyon. Mga magulang ito ni Luna, na kakagaling lang mula sa malalang mga kalagayan. Hindi mabuti kung maglalabas siya ng ebidensya na nagpapahiwatig na ang malapit na kaibigan nila, na namatay na ng higit sa 20 taon na, ay pumatay ng tao. Kaya naman, walang magawa si Joshua kundi magbuntong hininga at humanap ng dahilan. “Wala. May mga nakita lang kami na may kinalaman sa kanya noong iniimbestigahan namin ang nakaraan.” Tumigin siya kay Rosalyn at idinagdag niya, “Noong una, akala ko ay buhay pa si Sirius, kaya’t gusto kong kumuha ng mas maraming impormasyon mula sa kaya, pero dahil namatay na siya ng higit sa 20 taon na…” “Iimbestigahan ko pa ito; baka mali ang natuklasan ng team ko.” Pagkatapos, tumayo siya at yumuko siya kela Rosalyn at Charles. “Sir, Ma’am, mauuna na po ako. May mga bagay pa ako na kailangan kong asikasuhin. Nandito s
Hindi mapigilan ni Rosalyn na tumawa nang maalala niya ang nangyari. “Baka imahinasyon ko lang ang lahat ng ito. Isang mabait na tao si Sirius, kaya’t paano nangyari na sinaktan niya si Lucy?” Pagkatapos, napatingin siya kay Charles. Noong una, akala ni Rosalyn ay sasama ang loob ni Charles nang mabanggit ang pagpanaw ni Lucy, ngunit sa ikinagulat niya… Ngumiti ng maliit si Charles nang marinig niya ito. “Sang ayon ako; sa tingin ko ay hindi gagawa ng ganito si Sirius.” Pagkatapos, tumingin siya ng tapat kay Rosalyn at sinabi niya, “Bukod pa dito, ayaw ko na may kinalaman ang pagkamatay ni Lucy sayo o sa mga tao sa paligid mo.” Higit sa 20 taon niya nang kasama si Rosalyn, at alam niya ang mga sakripisyo na ginawa nito para sa kanya. Sa mga sandaling ito, kaya niya nang umamin, 20 taon pagkatapos ng pagkamatay ni Lucy, na nahulog na siya para kay Rosalyn. Ayaw niyang ang pagkamatay ni Lucy ay may kinalaman kay Rosalyn. Kahit na paulit ulit niyang pinagdudahan ang sarili
“Sinasabi ng mga tao na ang mga asawa na walang pakialam at hindi nagseselos sa ibang babae, ibig bang sabihin nito ay hindi mo na ako mahal, Mrs. Lynch?” Umikot ang mga mata ni Luna. “Kailan ka pa naging ganyan, Joshua Lynch?” Pinili niyang maniwala kay Joshua dahil sa pinagdaanan nila, kaya’t paano sinabi ni Joshua ang ganitong bagay sa kanya? Magiging masaya ba si Joshua kapag pinagdudahan siya ni Luna? Hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti nang marinig niya ito. Itinaas niya ang baba ni Luna at hahalikan niya na ito nang umubo ng awkward ang taong nasa tabi nila. “Uhm…” Nakabilog ang kamay ni Caleb sa harap ng bibig niya, nagpanggap siya na umuubo. Sinabi niya ng nahihiya, “Pasensya na; mali ba oras ng pagdating ko?” May galit na napunta sa mga mata ni Joshua. Agad na tinulak ni Luna palayo si Joshua at lumingon siya para ngumiti ng awkward kay Caleb. “Hindi. Hindi naman.” Lumingon si Joshua para tumingin ng malamig kay Caleb, pinigilan niya ang inis sa puso niya.
“Sige, gagawin ko na ito.” Nagbuntong hininga si Theo at niyakap niya si Roanne. “Roanne.” Ang boses ni Theo ay kasing lambot ng balahibo. “Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sayo kung hindi mo ako nakilala, pero ang alam ko lang ay kung hindi dahil sa akin, hindi ka mapupunta sa ganitong sitwasyon, at hindi ka sana magdurusa ng ganito.” Namamaos na ang boses ni Theo habang hawak niya ng malapit ang katawan ni Roanne. “Roanne, hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang lahat…” Pumayag lang siya sa hiling ni Joshua noong sinabi sa kanya nito na dalhin si Roanne para makilala si Joshua. Sinubukan niyang tulungan sina Joshua at Luna na kumbinsihin si Roanne na takasan si Charlotte bago maging huli ang lahat. Hindi inaasahan ni Theo na ang maliit na mga kilos niya ay magkakaroon ng malaking epekto at nabuwis pa ang buhay ni Roanne dahil dito! Ang alaala kung paano sinaksak ni Charlotte si Roanne sa tiyan ng paulit ulit ay laging nasa isip niya na parang multo. Huminga ng
Biglang naramdaman ni Theo na gumaang ang bigat sa mga braso niya, at ang ulo ni Roanne at napunta sa gilid na parang wala nang buhay. Nabigla si Theo na para bang tinamaan siya ng kidlat. Yumuko siya at tumitig siya ng takot kay Roanne. “Roanne?” “Patay na siya,” Tumunog ang malamig na boses ng isang babae mula sa direksyon ng pinto, ngunit tila matalino at elegante ang tunog nito. Ang boses na ito… Lumingon si Theo sa gulat at agad niyang nakita na nakatayo si Rachel sa harap ng pinto. May suot siyang light green na damit at puting pantalon at nagmukha siya matalino, matagumpay, at elegante. Nang makita niya na nakatingin sa kanya si Theo, nilabas niya ang phone niya para tawagan ang hospital staff at lumapit siya ng mabagal kay Theo. Sa sandali na makita ni Theo si Rachel, ang lahat ng paghanga at pagkagusto niya dito dati ay nawala at napalitan ng pag aalala kay Roanne. Agad siyang lumapit para hawakan ang braso ni Rachel. “May paraan ka siguro para iligtas siya, hi
Alam ni Rachel na hindi dapat siya magselos sa isang patay na babae, ngunit hindi niya ito maiwasan. Hindi niya matanggap na nagtapat sa kanya ng pagmamahal si Theo habang may kasama na ibang babae sa mga panahong ‘yun. Hindi lang ‘yun, wala pa siyang alam tungkol sa babaeng ito hanggang sa araw na ito. Kung hindi siya sumunod kay Caleb para samahan sina Rosalyn at Charles pabalik ng Merchant City, hindi niya malalaman ang katotohanan; na ang lalaking nagsabi sa kanya na mahal siya ay hawak ang isang babae at hinalikan pa ito bago mamatay. “Rachel.” Kumunot ang noo ni Theo habang hawak niya ang hindi na humihinga na si Roanne. “Naging mahirap ang buhay niya. Makikipagtalo ka ba talaga sa akin sa harap ng patay na katawan niya?” Ang awa at konsensya niya kay Roanne ay nilagpasan na ang lahat ng ibang emosyon niya, at habang hawak niya ng malapit ang katawan ni Roanne, hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ugali ni Rachel. Hindi ba makapag hintay si Rachel bago maasik
Alam ni Luna na parang may mali kay Rachel, ngunit dahil hindi siya gaano pamilyar kay Rachel, hindi na siya nagsalita. Tumingin si Caleb kay Rachel habang naglalakad ito palayo, pagkatapos ay pumasok siya ng kwarto kasama sina Luna at Joshua. Sa loob, inaayos ni Theo ang damit ni Roanne habang may doctor na sumusuri sa vital signs ni Roanne. Nang marinig niya ang mga yapak sa likod niya, akala niya ay si Rachel ito na bumalik at sinabi niya ng hindi man lang tumatalikod, “Rachel, akala ko ay mature at maunawain ka sa mga ganitong sitwasyon, ngayon at mas matanda ka kaysa sa akin.” “HIndi ko inaasahan na ang tanging nasa isip mo habang pinapanood mo mamatay ang isang babae ay ang pagseselos mo sa kanya.” “Sa tingin ko ay magulo na ang lahat sa atin, kaya—” “Kaya gusto mo makipaghiwalay sa kanya?” Sumingit ng malamig si Caleb bago pa matapos sa pagsasalita si Theo. Kumunot ang noo niya habang sinabi niya kay Theo. “Alam mo ba kung gaano siya kasaya kagabi sa sandali na nal
Nabigla si Luna. Naiintindihan niya ang galit ni Theo ngayon, ngunit hindi niya inaasahan na sisisihin ni Theo sila ni Joshua. Kung plano nga talaga ni Joshua na gamitin si Theo para sirain ang relasyon nila Roanne at Charlotte, ibig bang sabihin nito ay alam niya sa simula pa lang na mamamatay si Roanne? Ang pagkamatay ni Roanne ay isang aksidente; sino ang mag aakala na palihim na magdadala ng patalim si Charlotte at hindi siya magpapakita ng awa sa ‘kapatid’ niya na kasama niya ng higit sa sampung taon? Bukod pa dito… ibig bang sabihin nito ay kung hindi plinano ni Joshua ang pagtatagpo nila Theo at Roanne, hindi pagtataksilan ni Roanne si Charlotte at hindi siya papatayin sa huli? Ang lahat ng nangyari simula noong unang nagkita sina Theo at Roanne hanggang sa pagkamatay ni Roanne ay isang aksidente lang. Gayunpaman, sa sobrang lungkot ni Theo sa mga sandaling ito ay sinisi niya si Joshua para sa lahat ng ito! “Theo, kumalma ka.” Kumunot ang noo ni Joshua at sinabi ni