“Dinala ng butler ang mga tauhan niya para tulungan ako na patayin ang apoy habang nanatili siya para alagaan si Shelly.” “Nang makarating kami doon, natuklasan namin na ang basura ay aksidente na nasunog, at mabilis namin na pinatay ang apoy at bumalik agad kami sa bahay.” “Pero nang makabalik na kami, natuklasan namin na walang malay ang butler, at may kumuha kila June at Shelly!” “Sinubukan ko silang habulin, pero pumasok na sila sa kotse… at hindi ko sila masundan!” Malungkot na pinanood ni Sean habang palayo ng palayo ang kotse at lumuhod siya sa sahig at sinabi niya ng pagod. “Pero, nagawa kong isulat ang plate number, at isesend ko na agad ito sa inyo!” Pagkatapos, ibinaba niya ang phone at nagsend siya ng test message na may laman ng plate number ng kotse na nakatakas. Naging blanko ang utak ni Bonnie habang tumunog ang ring tone sa tainga niya. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya. Bakit… Bakit may taong kikidnap kay Shelly? Ang tao na tanging naisip n
Hindi ba’t sinabi ni Sean na dinukot sina June at Shelly? Kung ganun, ano ang ginagawa ni June sa bahay ni Joshua? Nalito din si Luna dahil dito. “Ano… Ano ang nangyayari?” Nang makita na gulat ang mga mukha nila Bonnie at Luna, ngumisi si Joshua, lumapit siya kay June, at hinimas niya ang ulo nito. “Bakit hindi mo sabihin sa dalawang tita mo kung ano ang nangyari?” Dating natatakot si June sa malamig at makapangyarihan na ugali ni Joshua, at dahil hinimas ni Joshua ang ulo niya, sa sobrang kaba niya ay nanginig ang ngipin niya. Gayunpaman, inilarawan niya pa rin ang karanasan niya. “May lalaki po na pumasok mula sa backdoor para hanapin kami, at dinala po kami ni Mr. Butler sa kotse.” “Pagkatapos po, bumalik po siya ng bahay habang dala ang maliit na manika kapalit ni Shelly, at dumating na po kami dito!” Pagkatapos, tumuro siya sa kwarto sa likod niya. “Nandoon po si Shelly, natutulog!” Agad na umiyak dahil sa tuwa si Bonnie nang marinig niya ito. Agad niyang nilagp
Sa sandali na maisip niya ito, hindi mapigilan ni Luna na tumingin kay Joshua. Lumaki lang lalo ang paghanga at pagmamahal niya kay Joshua. Gayunpaman… Ang paghihiganti sa mga pamilya nila ay hindi pa nareresolba. Sa sandali na pumasok ng bahay si Bonnie, nakita niya si Shelly sa stroller, na siyang tumatawa at nakikipaglaro kay Nigel. Sandali siyang nabigla sa nakita niya. Kasing edad ni Nigel si Harvey, ngunit sa hindi malamang rason, habang nakatitig siya kila Nigel at Shelly, hindi niya mapigilan na isipin na magkahawig sila kaysa kumpara kila Harvey at Shelly. Nawala ang saya niya nang maisip niya ito. Ano ang tunay na pagkakakilanlan ni Shelly? Hindi siya ang anak ni Charlotte, at hindi rin siya anak ni Jim. Bakit pala dinala ni Jim ang batang ito at sinabi niya kay Bonnie na anak niya ito? Bakit trinato ni Jim ang sanggol na ito na para bang anak niya ito? Ang tanging paraan para masagot ang mga tanong niya ay kung bumalik ang mga alaala ni Jim… Nang maisi
Ngumisi si Bonnie sa pag uugali ni Jim. Hindi siya makapaniwala na kahit na sa panahong ito, ang ginagawa lang ng lalaking ito ay insultuhin siya. Mahirap para sa kanya na isipin na ito ay ang maamo at mabait na lalaki na minahal niya noong isang taon na ang nakalipas. Kahit na sinabi ng butler sa kanya na hindi siya naaalala ni Jim dahil masyado siyang mahalaga para kay Jim, hindi niya pa rin mapigilan na maisip na nakakatawa ito. “Ano ang tinatawanan mo?” Ang malamig na tanong ni Jim habang nakakunot ang noo niya nang marinig niya na tumawa si Bonnie. Patuloy sa pagtawa si Bonnie ng matagal bago siya huminga ng malalim at sinabi niya, “Tumatawa ako dahil isa kang ipokrito. Jim Landry, ang anak mo ang nawawala ngayon, at hindi lang sa hindi mo siya hinahanap, tumawag ka pa sa akin para tanuning ako?” “Kahit na hindi mo nakalimutan ang mga anak mo pagkatapos mawala ng mga alaala mo, hindi sila mahalaga para sayo!” “HIndi mo sila tinanong noong nasa Banyan City sila, at ng
“Hindi ako makapaniwala nang marinig ko ito.” “Masyado pang bata si Shelly, dalawang buwan pa lang siya. Paano ito nagawa ng isang tao sa kanya?” Nagpadala nga ng mga tao si Quentin sa Landry Mansion para patayin ang sanggol, ngunit… huli na ang lahat para sa kanila. Nang dumating na ang mga tauhan, ang tanging nakita nila ay hinahabol ni Sean ang isang kotse pagkatapos dukutin ang sanggol. Ito ang rason kung bakit lumapit si Charlotte kay Jim; hindi niya malaman kung sino ang may gusto ng batang ito. Gayunpaman, kung sino man ito, basta’t buhay pa ang bata, hindi makakapagpahinga si Charlotte hangga’t hindi niya nahahanap ang bata! Hindi niya pwedeng hayaan na matuklasan ni Jim na hindi niya anak si Shelly, at least hindi bago ang kasal nila. Nang maisip niya ito, lumingon si Charlotte para tumitig ng luhaan sa gwapong mukha ni Jim. “May nahanap ka na bang mga pahiwatig, Jim?” Sumingkit ang mga mata ni Jim at sinabi niya kay Charlotte ang tungkol sa plate number ng kot
Kinagat ni Charlotte ang labi niya at tumingin siya ng kabado kay Jim. Nang makita niya ang determinadong tingin ni Jim, pumikit siya at sinagot niya ang phone call. “Roanne, alam ko na ikaw ang kumuha kay Shelly, kaya’t ibalik mo siya ngayon na!” “Tandaan mo: Anak namin ni Jim si Shelly, at kahit na patawarin kita para dito dahil magkapatid tayo ng maraming taon na, hindi ibig sabihin nito na patatawarin kita ng basta basta!” Galit na nagsalita si Charlotte nang sagutin ang tawag. Pinapahiwatig niya kay Roanne na nakatayo si Jim sa tabi niya at hindi dapat siya magsalita ng bagay na hindi dapat. Hindi isang tanga si Roanne; agad niyang naintindihan ang balak sabihin ni Charlotte. Gayunpaman, ngumisi pa rin siya at pinaalala niya kay Charlotte, “Naiintindihan ko ang lahat ng sinabi mo, pero kung hindi mo tutuparin ang mga hiling ko, Charlotte, hindi ko masasabi kung anong magagawa ko, hindi ba?” Kinagat ni Charlotte ang labi niya at wala siyang magawa kundi sabihin ng nahih
Gayunpaman, hindi makapaniwala si Jim na ang babaeng ito ay ang taong si Number-9. Pwede siyang magpanggap na hindi niya narinig ang recording noon, pero paano naman ito? Ano ang eksenang ito na nasa harap niya, ang imahe na nilalagyan ni Charlotte ng gamot ang pagkain niya? Kahit na hindi niya alam kung ano ang magagawa ng gamot, alam niya na ang babaeng nagprotekta sa kanya sa bahay ampunan ay hindi gagawin ito. Nagbago ba siya dahil sa oras? O hindi kaya… Ang mga alaala niya ay parte lang ng mali niyang pagkakaunawa? Kinurot ni Jim ang noo niya sa inis at pumikit siya. Kahit na ayaw niya itong aminin, nasa harap na ng mga mata niya ang katotohanan. Totoo ang sinasabi nila Joshua at Luna. Kaninang hapon, ilang minuto lang bago matapos ang buhay ni Assistant Clark, nakuha niya na magsend ng isang duguan na DNA report kay Jim. Ayon sa report, wala sa sample ng dalawang babae ang may kadugo kay Shelly. Ibig nitong sabihin ay hindi nanay ni Shelly sina Bonnie o si C
“Jim!” Desperado na kumatok si Charlotte sa pinto. “Naniniwala ka ba talaga sa mga kasinungalingan nila Bonnie at Luna? Bakit mo naman kailangan pag isipan ang relasyon natin? Hindi ba’t perpekto naman tayo bago ang lahat ng ito? Pati…” Kinagat niya ang labi niya. “Kailangan ko pa makipagkita kay Roanne bukas para iligtas ang Shelly natin!” Napuno ng kirot ang mga mata ni Jim nang marinig niya ang desperado na mga sigaw ni Charlotte. Gayunpaman, hindi niya maitatanggi ang katotohanan na sinubukan siyang lasunin ni Charlotte. Hindi niya pwedeng itanggi na binayaran ni Charlotte ang flight crew sa Banyan City para patayin sina Harvey at Shelly. Baka, baka lang, ang lahat ng sinasabi nila Bonnie at Luna ay totoo rin. Dati, tiniis ito ni Jim at naawa siya kay Charlotte, naisip niya na ang lahat ng ginawa ni Charlotte ay dahil desperado lang ito na makasama siya, ngunit sa sandaling ito… Hindi niya na kayang magsinungaling sa sarili niya. Nagbago na si Charlotte. Siya ay n