Ito ang rason kung bakit nagawa ni Charlotte na inisin si Jim ng paunti unti hanggang sa sumobra na siya. Hindi lang sa nagsinungaling si Charlotte kay Jim tungkol sa pagkakakilanlan ni Shelly, sinubukan niya pang patayin si Shelly at lasunin si Jim. Kahit na hindi alam ni Jim kung anong gamot ang nilagay ni Charlotte sa pagkain, pinili niya pa rin na kainin ito. Kung sa huli ay nakakamatay na lason ito, bahala na. Nararapat sa kanya na mamatay. Ito ang nararapat sa kanya! Pumikit siya at nilunok niya ang pagkain, ang buong puso niya ay napuno ng sakit at lungkot. Hindi siya makapaniwala kung gaano kadali para masira ang lahat sa kanya. Ang babaeng minahal at prinotektahan niya ng buhay niya ay isang kriminal sa huli. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Gayunpaman, sa ikinagulat ni Jim, ang gamot na nilagay ni Charlotte sa gamot niya ay hindi isang lason, at hindi rin ito pampatulog. Ang epekto lang nito ay uminit ang buong katawan niya. Ang init na ito ay tila galin
Agad na kumunot ang noo ni Bonnie nang marinig niya ang boses na ito.Sabay silang lumingon ni Sean at napagtanto nila na may taong nakaupo sa bench na gawa sa bato sa isang sulok ng hardin. Kahit na madilim at hindi niya makita ang mukha ni Jim, alam agad ni Bonnie na si Jim ito, base sa tunog ng boses at sa lamig ng aura mula sa katawan nito. Gayunpaman, kahit na alam niya nandito si Jim, hindi siya nahihiya sa sinabi niya tungkol kay Jim at kumunot lang ang noo niya sa pandidiri. “Ano ang ginagawa mo dito?” Hindi ba’t dapat ay kasama ni Jim si Charlotte ng ganitong oras? Bakit siya nagpakita sa hardin? Hindi mapigilan ni Jim na ngumisi nang marinig niya si Bonnie. “Bakit, hindi ba ako pwede dito, sa hardin ng sarili kong bahay?” Tumayo siya, lumapit siya kay Bonnie, at sinabi niya ng malamig, “Bukod pa dito, hindi ko maririnig ang pag amin ni Ms. Craig kung hindi ako pumunta dito.” Sumingkit ang mga mata niya at lumapit siya ng lumapit kay Bonnie, may delikadong ekspr
Hindi lang ‘yun, sinabi pa ni Bonnie na ang sanggol na pinalaglag niya ay kay Jim. Kahit na baliw si Bonnie, at least alam ni Jim na nababaliw si Bonnie para sa kanya, kaya bakit… Gaano katagal nang kilala ni Bonnie ang lalaking si Sean? Paano siya nahulog para sa ibang lalaki ng sobrang bilis? Totoo ba ang sinasabi niya? Nagsisinungaling lang ba si Bonnie kay Jim tungkol sa mga nararamdaman niya? Pinaglalaruan niya lang ba si Jim sa mga panahong ito? Akala niya ba ay laro lang ang lahat ng ito? Sa sandali na maisip niya ito, lumapit ng mabilis si Jim at hinawakan niya ang balikat ni Bonnie. “Hindi ka pwedeng sumama sa kanya!” Wala na sa kanya si Charlotte, ang mahal niyang Number-9. Kaya’t hindi rin pwedeng mawala sa kanya si Bonnie. Hindi pwedeng sumuko si Bonnie kay Jim at lumipat sa iba ng ganito kabilis; hindi ito hahayaan ni Jim! Tila may kakaibang lakas na dala ang gamot sa kanya, pwersahan na hinila ni Jim si Bonnie palapit sa kanya. Tumama ang balikat ni Bonn
Nababaliw na si Jim! Patuloy si Bonnie sa pagtakas sa hawak ni Jim. “Bitawan mo ako!” “Hindi ka makasagot, tama ba?” Nawala na ang pagiging rasyonal ni Jim dahil sa epekto ng gamot. Tumitig siya sa mukha ni Bonnie at sinabi niya ng malamig, “Bonnie, ito ba ang pagmamahal mo sa akin na sinasabi mo?” Walang pasabi, hinawakan niya ang baba ni Bonnie at hinalikan niya ito sa labi. Biglaan ang halik at lumaki ang mga mata ni Bonnie sa gulat. Hindi niya inaasahan na pagkatapos mawalan ng mga alaala, hahalikan pa rin siya ni Jim… Matagal siyang napahinto, nabigla siya dito, at sa huli ay naalala niya kung ano ang ginagawa niya. Muli niyang sinubukan na tumakas, ngunit biglang may ibang kamay ng lalaki na humawak kay Jim at hinila si Bonnie mula sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, tumama ang kamao ni Sean sa mukha ni Jim. “Bitawan mo siya!” Tumingin siya kay Bonnie, pagkatapos ay tumitig siya kay Jim. “Nagbabanta ako na magpakita ka ng respeto kay Ms. Craig!” Sa nakalipa
Sandaling nabigla si Jim sa mga mabilis na pangyayari. Kahit si Sean ay walang masabi sa kanyang nakita, nakanganga siya at hindi makapaniwala. Sa huli, si Jim ang unang nawala sa pagkatulala. Niyakap niya si Bonnie at tumingin siya ng masama kay Sean. “Ano ang hinihintay mo? Kunin mo ang kotse at dalhin natin siya sa hospital!” Tumigil ng ilang sandali si Sean, pagkatapos ay tumakbo siya palabas ng yard. Kumunot ang noo ni Jim, binuhat niya si Bonnie at naglakad siya palabas ng yard at sinabi niya ng may mababang boses, “Hindi ba’t nagpalaglag ka? Ano ang ginagawa mo? Ano ang nagbigay sayo ng karapatan para makialam sa away ng dalawang lalaki? Hindi mo ba matiis na makita na masaktan ang boyfriend mo?” Sa sobrang sakit ng nararamdaman ni Bonnie ay nakapikit siya at hindi siya sumagot. Nang marinig niya ang boses ni Jim, tumawa siya ng mapait at sinabi niya, “Oo, hindi ko matiis na makita na masaktan ang boyfriend ko, tulad ng hindi mo matiis na makita ang mahal mong si Cha
Lumingon si Bonnie at tumitig siya sa gwapong panga ni Jim, nanginginig ang mga pilikmata niya. “Ano… Ano ang sinabi mo?” “Magiging ayos ka rin, B,” Inulit ito ni Jim ng walang pag aatubili. Sa sandali na sabihin niya ito, huminto siya. Bakit… ito ang tawag niya kay Bonnie? Buong pangalan ang tawag niya kay Bonnie sa sandali na nakilala niya ito, at hindi lang sa hindi niya tinawag na ‘B’ si Bonnie dati, hindi niya narinig ang kahit sino, kahit ang mga malapit na kaibigan ni Bonnie, na tawagin siya ng ganito. Kung ganun, bakit niya tinawag ng ganito si Bonnie? Kumpara sa gulat ni JIm, ang mukha ni Bonnie ay sabik at hindi makapaniwala. Nang sabihin ito ni Jim, ang lahat ng mga salita na lumabas sa bibig ni Jim, pati ang tono niya, at pareho sa dating Jim! Ibig bang sabihin nito ay… malapit nang bumalik ang dating Jim? Sa sandali na maisip niya ito, tumitig si Bonnie sa gwapong mukha ni Jim, puno ng luha ang mga mata niya. “Jim…” Nanginginig ang boses niya nang sabih
Ibinaba ni Jim ang kanyang ulo, at ang tanging nakita niya ay ang magandang mukha ni Bonnie na nakatagilid sa isang tabi para hindi niya makita ang mga luha nito.Siya ay sobrang payat, kaya't ang kanyang jawline ay parang inukit ng lapis, napakatulis na hindi na niya kailangan ng anumang highlighter o bronzer upang bigyang-diin ito.Ang mga bahid ng luha niya ay kumikislap sa maliwanag na ilaw.Napabuntong-hininga si Jim, ngunit kahit anong pag-aatubili niyang gawin ay inabot pa rin niya ang kanyang kamay.Nang dumapo ang mainit nitong palad sa kanyang tiyan, nanigas ang buong katawan ni Bonnie na parang tinamaan ng kidlat.Nanlamig ang buong katawan niya sa gulat, ngunit ang mainit na kamay ni Jim ay marahang hinaplos ang kanyang tiyan habang bumubulong, "Magiging maayos na ito, B. Magiging maayos ka na..."Kahit na ang kanyang tono ay hindi natural na matigas, walang kahit isang pahiwatig ng lambing sa loob, naramdaman pa rin ni Bonnie na lumambot ang kanyang puso sa narinig.
Kumunot ang noo ni Theo at mabilis na dinecline ang tawag nang marinig niyang nagtatanong si Jim tungkol kay Roanne. "Ako...hindi ko pa siya nakakausap. Baka nagkakamali ka."Kasama niyon, nagpakawala ng hininga at umikot lampas kay Jim. "Well, kailangan kong makabalik agad, kaya aalis na ako."Paanong hinayaan ni Jim si Theo ng ganun-ganun lang?Kinidnap ni Roanne si Shelly at hiniling na makipagkita kay Charlotte kinabukasan.Sa sandaling ito, nasalubong niya si Theo, na may dalang bote ng gamot na pambata at nakatanggap ng tawag mula kay Roanne. Walang paraan na hindi maghihinala si Jim sa kanya, at hindi niya ito papayagang umalis nang ganoon kadali."Theo." Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata at mariing sinabi, napako ang tingin sa mukha ni Theo, "Kasama mo ba dito si Roanne? Para kay Shelly ba ang gamot? Nagkasakit ba si Shelly?"Hindi alam ni Theo kung paano sasagutin ang mga tanong na ito, ngunit habang tumatagal siya ay nanahimik, mas lalong lumaki ang tiwala ni Jim sa k