Ibinaba ni Jim ang kanyang ulo, at ang tanging nakita niya ay ang magandang mukha ni Bonnie na nakatagilid sa isang tabi para hindi niya makita ang mga luha nito.Siya ay sobrang payat, kaya't ang kanyang jawline ay parang inukit ng lapis, napakatulis na hindi na niya kailangan ng anumang highlighter o bronzer upang bigyang-diin ito.Ang mga bahid ng luha niya ay kumikislap sa maliwanag na ilaw.Napabuntong-hininga si Jim, ngunit kahit anong pag-aatubili niyang gawin ay inabot pa rin niya ang kanyang kamay.Nang dumapo ang mainit nitong palad sa kanyang tiyan, nanigas ang buong katawan ni Bonnie na parang tinamaan ng kidlat.Nanlamig ang buong katawan niya sa gulat, ngunit ang mainit na kamay ni Jim ay marahang hinaplos ang kanyang tiyan habang bumubulong, "Magiging maayos na ito, B. Magiging maayos ka na..."Kahit na ang kanyang tono ay hindi natural na matigas, walang kahit isang pahiwatig ng lambing sa loob, naramdaman pa rin ni Bonnie na lumambot ang kanyang puso sa narinig.
Kumunot ang noo ni Theo at mabilis na dinecline ang tawag nang marinig niyang nagtatanong si Jim tungkol kay Roanne. "Ako...hindi ko pa siya nakakausap. Baka nagkakamali ka."Kasama niyon, nagpakawala ng hininga at umikot lampas kay Jim. "Well, kailangan kong makabalik agad, kaya aalis na ako."Paanong hinayaan ni Jim si Theo ng ganun-ganun lang?Kinidnap ni Roanne si Shelly at hiniling na makipagkita kay Charlotte kinabukasan.Sa sandaling ito, nasalubong niya si Theo, na may dalang bote ng gamot na pambata at nakatanggap ng tawag mula kay Roanne. Walang paraan na hindi maghihinala si Jim sa kanya, at hindi niya ito papayagang umalis nang ganoon kadali."Theo." Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata at mariing sinabi, napako ang tingin sa mukha ni Theo, "Kasama mo ba dito si Roanne? Para kay Shelly ba ang gamot? Nagkasakit ba si Shelly?"Hindi alam ni Theo kung paano sasagutin ang mga tanong na ito, ngunit habang tumatagal siya ay nanahimik, mas lalong lumaki ang tiwala ni Jim sa k
Nag-propose ba si Jim kay Bonnie bago mawala ang kanyang mga alaala?Ang batang ipinalaglag ni Bonnie ay…pag-aari niya?"Hoy, maiging linawin mo ng ang sarili mo!" Nang makitang sasakay na si Theo sa kanyang kotse, sa huli ay hindi na napigilan ni Jim ang sarili at sinugod si Theo. Hinawakan niya ang kwelyo ng lalaki at idiniin ito sa kotse. "Kailan ako nag-propose kay Bonnie? May katibayan ka ba niyan?"Basta't makapagbibigay si Theo ng ebidensya para patunayan ang kanyang mga sinasabi, maniniwala siya dito, ito man ay isang maikling clip o kahit isang maikling pangungusap na naglalarawan sa okasyon.Gayunpaman, kumunot ang noo ni Theo at sumagot, "Saan naman ako kukuha ng patunay nito?"Narinig niya ang tungkol sa proposal ni Jim kay Bonnie mula kay Luna, kaya paano magkakaroon ng lakas ng loob si Jim na humingi ng ebidensya mula sa kanya?Paano kaya siya magkakaroon ng ebidensya?Isang kislap ng pagkabigo ang sumilay sa mga mata ni Jim nang marinig niya ito.Pinikit niya an
Tanong ni Bonnie sa mahinang boses na nakakunot ang noo nang makaalis na si Jim, "Anong nangyari kay Roanne ngayon?"Parehong inakala nina Jim at Charlotte na kinidnap ni Roanne si Shelly, ngunit alam ni Bonnie na, sa katunayan, ligtas at maayos si Shelly sa bahay ni Joshua, nakikipaglaro sa iba pang mga bata.Ito ang dahilan kung bakit siya naging kalmado nang banggitin ni Jim si Roanne at tinanong pa si Theo tungkol sa kanya.Isang awkward na ubo ang pinakawalan ni Theo. “Hindi rin naman ako sigurado. Sinabihan niya akong padalhan siya ng pagkain at mga gamit pambata, kaya ginawa ko.”"Gayunpaman, hindi niya ako pinapasok sa silid at sinabihan akong umalis kaagad kapag naibigay ko na ang mga bagay na gusto niya."Nagpakawala siya ng buntong-hininga at inangat ang kanyang ulo para tapunan si Bonnie ng isang naguguluhang sulyap. "Diba nasa bahay ni Joshua ngayon si Shelly? Kung ganun, bakit pinadala pa ni Roanne sa akin ang mga gamit ng mga bata? Sino ang kasama niya ngayon?"Nag
"Gagawin ko ang sinabi mo.""Ihahatid ko na kayo." Agad na sumakay sa sasakyan si Theo na kanina pa gustong umalis. "Babalik kami ni Bonnie sa bahay ni Joshua sa oras na maihatid ka namin sa lugar ninyo, Sean."Sumulyap si Sean kay Theo at tumango. "Salamat."Sumakay na silang tatlo sa sasakyan.Matatagpuan ang bahay ni Sean sa isang liblib na bahagi ng bayan, napakalayo sa lungsod kaya hindi maiwasan ni Bonnie na isipin na ang lugar na ito ay magiging isang perpektong lugar para kunan ng pelikula ang isang horror film.Tahimik ang gabi bukod sa mahinang huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon. Sa wakas, sa direksyon ni Sean, nakarating sila sa kanyang bahay, at ipinarada ni Theo ang sasakyan.Bumalot sa kanila ang amoy ng kabulukan at amag pagkabukas pa lang nila ng pinto. Nagsalubong ang kilay nina Bonnie at Theo dahil sa pagkasulasok.Pinisil agad ni Bonnie ang ilong niya. "Paano ka nabubuhay sa ganitong lugar, Sean?"Tsaka hindi ba sinabi ni Sean na may sakit ang kapatid
Madilim ang ilaw sa bahay, ngunit nakikita ni Bonnie na maraming mga larawan na nakasabit sa dingding.Lahat ng mga larawan ay kasama si Lucy.May mga larawan niya kasama ang isang nakababatang si Sean at ang ilan ay siya at isang batang babae na may pigtails.Nakilala ni Bonnie ang babae bilang kapatid ni Sean, si Nikki.Ang mga larawan sa dingding ay inayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, mula sa pagkabata ni Sean hanggang sa kanyang paglaki.Ang huling larawan ay isa kina Lucy, Sean, at Nikki. Sa larawan, si Sean ay mukhang mga 14 o 15 taong gulang, samantalang si Nikki ay mukhang 10.Pakiramdam ni Bonnie ay nanlamig ang kanyang dugo.Paano ito nangyari?Hindi ba namatay si Lucy mahigit 20 taon na ang nakalilipas? Bakit siya lumitaw sa mga larawan kasama si Sean, na, sa pinakahuling isa, ay tila nasa kanyang teenage years?Si Sean ay 20 taong gulang lamang sa kasalukuyan, na nangangahulugang...Si Lucy ay buhay pa at least anim na taon na ang nakalilipas!Hi
Hindi lang iyon, nagpahayag pa si Bonnie na isisilang niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan, na nagpapahiwatig kay Nikki na hindi siya interesado kay Sean.Hindi napigilan ni Nikki na maramdaman maging tanga kung ihahambing sa katapatan ni Bonnie.Napayuko siya sa hiya at tumalikod. "Sean, medyo masama ang pakiramdam ko, kaya sa tingin ko ay matutulog na ako."Kasama niyon, tumalikod na si Nikki at umalis.Walang magawang sumulyap si Sean sa direksyon na iniwan niya, saka lumingon kay Bonnie. "Pakiusap huwag mo itong personalin, Ms. Craig. Ang kanyang kalusugan ay hindi maganda, at hindi ito dahil sa ayaw niya sa inyo.""Ayos lang." Humalakhak si Bonnie. "Hindi ko ginustong mag-host sa akin ang isang maysakit."Dahil doon, muli niyang sinulyapan ang mga larawan sa dingding. "Ngayon lang, sinabi ng kapatid mo na ang babae sa mga litratong ito ay nanay mo."Napatingin siya kay Sean sa gilid ng mata niya. "Okey lang ba kung tatanungin ko...kung anong pangalan ng nanay mo?"Nagu
Namalaging maliwanag ang bahay ni Joshua sa buong magdamag.Samantala, sa Landry Mansion, si Jim, ay gising din buong gabi.Kinaumagahan, inihatid ng mayordomo ang kanyang almusal sa kanyang silid sa ganap na alas-8 ng umaga. "Master Landry, buong gabing sumisigaw si Ms. Charlotte sa cellar, kaya't nawalan na siya ng boses ngayon. Hindi mo ba siya… papalabasin?"Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata ngunit hindi man lang niya sinulyapan ang dala niyang pagkain. "Hayaan mo siyang manatili doon.""Pero..." Medyo hindi komportable ang butler. "Ngayon lang, sumisigaw siya na si Shelly ay kinidnap ni Roanne, at hiniling nito na makipagkita si Ms. Charlotte sa kanya ng eksaktong 10 ng umaga dala ang gusto nitong pera.”"Dalawang oras na lang ang natitira, at kung hindi mo siya papakawalan sa lalong madaling panahon, maaaring maging huli na ang lahat…”"Kung may masamang mangyari kay Shelly dahil dito...magkakaroon kayo ni Ms. Charlotte ng mabigat na kasalanan habang buhay."Napakunot n
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya