Hindi man lang naligalig si Jim.Ang kanyang buong isip ay napuno ng mga pag-iisip ng pagmamadali sa tabi ni Charlotte.Tinapunan niya ng masamang tingin si Luna, saka ibinaba ang ulo para silipin ang folder na nakapatong sa ibabaw niya. "Wala akong oras para makita kung ano pang kasinungalingan ang niluluto mo."Ibinaba niya ang kanyang ulo para sulyapan ang oras at sinabing walang kahit isang pahiwatig ng emosyon, "Bibigyan kita ng tatlong minuto."Una, si Roanne, tapos si Luna. Lahat sila ay nagluto ng iba't ibang kasinungalingan at pandaraya para 'patunayan' na masamang tao si Charlotte!Alam na alam niya kung anong klaseng tao talaga si Charlotte. Walang ibang nakakakilala sa kanya sa mundong ito kaysa sa kanya!Nagalit si Luna sa narinig.Tatlong minuto?"Sa tingin mo ba empleyado mo ako dito para ireport ang progress ko, Jim?"Ang lakas ng loob niyang nilagyan pa niya ito ng time limit?Ngumisi si Jim at hindi man lang nag-abalang tingnan si Luna. "Wala kang karapatang
Nang bumisita si Jim sa bahay ni Joshua noong nakaraang gabi, masayang nakikipag-chat si Harvey kay Bonnie at hindi man lang nagmukhang parang nakatakas lang siya sa kamatayan!"Iyon ay dahil ang mga bata ay mas nakakaalam." Ngumisi si Luna at sinulyapan siya ng malamig na tingin. "Anak mo si Harvey, at kasing talino at kasing lohikal mo siya.”"Sabihin mo sa akin: Kung ikaw si Harvey at natuklasan mo ito at alam mo pa kung sino ang may kasalanan sa likod nito, sasabihin mo ba agad sa lahat ang tungkol dito?"Naningkit ang mga mata ni Jim.Ang totoo, hindi niya gagawin.Kung hindi lang niya kilala kung sino ang salarin, baka may sinabihan na siya tungkol dito.Gayunpaman, kung alam niya nang eksakto kung sino ang gumawa nito ngunit walang sapat na ebidensya para i-back up ang kanyang mga claim, pipiliin niyang manahimik.Anuman, ito ang kanyang desisyon bilang isang may sapat na gulang. Hindi niya akalain na ang isang anim na taong gulang na batang lalaki tulad ni Harvey ay maaa
Parehong napakunot ang noo nina Luna at Joshua nang marinig nila ito.Si Shelly...anak ni Charlotte?Paano kaya iyon?Noong unang ibinigay ni Jim si Shelly kay Bonnie sa pag-asang alagaan siya nito, hindi pa natataboy si Heather sa pamilya, at nasa ibang bansa pa rin si Charlotte!Higit sa lahat, bago niya mawala ang kanyang mga alaala, si Jim ay mukhang nasusuklam sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Charlotte.Kaya naman, hindi niya siguro binigyan ng pangalawang tingin si Charlotte.Paano posibleng maging anak ni Charlotte si Shelly?Napakagat labi si Luna.Isa ito sa mga kasinungalingan ni Charlotte! Sinusubukan niyang nakawin si Shelly mula kay Bonnie at patayin siya!Sa sandaling naisip niya ito, umismid si Luna at tinapunan si Jim ng isang masamang tingin. "Naniniwala ka ba sa lahat ng sinasabi niya sayo?"Inilabas niya sa bulsa ang name card ng isang sikat na obstetrician at ibinigay kay Jim.Tinitigan siya ni Jim, na kumunot ang mga kilay sa bahagyang pagka
“Dahil sinabi ni CHarlotte na anak niya si Shelly, pwede mong tingnan kung meron siyang stretch marks na tulad ng nasa tiyan ko.” Sumingkit ang mga mata ni Luna at nagpatuloy siya, “Tutal, pinanganak niya si Shelly sa oras na nanganak din ako, kaya’t kung totoo nga ang sinasabi niya, magkakaroon siya ng peklat na tulad ng sa akin.” “Kung hindi ka nagtitiwala sa akin, Mr. Landry, pwede mong tanungin ang mga doctor ng propesyonal na opinyon nila dito.” Sumingkit ang mga mata ni Jim, ngunit bago pa siya makasagot, hinila palapit ni Joshua si Luna at sinabi niya ng may maliit na ngiti, “Kung hindi ka pa rin naniniwala sa amin, Mr. Landry, pwede mong palihim na dalhin ang mga buhok at kuko ni Ms. Charlotte para sa isang DNA test para kay Shelly. Hindi magsisinungaling ang isang DNA test.” Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi niya, “Hindi lang ‘yun, pwede mo ring ipa-DNA test sina Bonnie at Harvey para malaman mo kung sino sa pamilya mo ang tunay at kung sino ang peke.” Mas naniniwal
“Kapag natapos na ang lahat, bibigyan ko kayong lahat ng sampung milyong dolyar.” “Bakit naman ako magsisinungaling sa inyo? Ang gusto ko lang ay gumawa kayo ng pagsabog para ang mga batang nasa eroplano ay hindi na makita ang sinag ng araw.” “‘Wag kayong mag alala; tutuparin ko ang sinabi ko at ibibigay ko ang ipinangako ko…”… Tumunog ang malamig na boses ng isang babae mula sa recording device sa loob ng kotse. Humigpit ang hawak ni Jim sa manibela nang marinig niya ito. Pamilyar talaga siya sa boses na ito. Kahit sa ilang pagbigkas lang, alam niya na boses ito ni Charlotte, paano pa ang isang mahabang monologue. Ito ang pag uusap ni Charlotte at ng flight crew sa Banyan City. Hindi nagtagal, natapos na ang recording. Ang sumunod na audio clip ay ang pag amin ng isa sa mga tauhan na nakipag usap kay Charlotte sa phone. “Mr. Smith, wala pong may alam sa amin na ang babaeng ito ay balak patayin ang anak ni Mr. Joshua Lynch!” “Sinabi niya po sa amin na gusto niya
Kumirot ang puso ni Jim nang maisip niya ito. Kung… Kung sinubukan nga ni Charlotte na patayin talaga sina Harvey at Shelly… Hindi niya maisip ang mangyayari kung hindi sumama si Nigel sa eroplano kasama nila. Kung wala doon si Nigel, pupunta pa rin ba siya sa bagong bahay ni Charlotte sa mga sandaling ito na walang lungkot at pagdurusa? Habang malalim ang iniisip ni Jim, nagring ang phone niya. Ito ay mula kay Charlotte. “Nasaan ka, Jim?” Ang bati ni Charlotte ng may matamis na boses. “Sampung minuto na akong gising ngayon, kaya’t hindi na ako gaanong takot.” “Kung hindi ka pa umaalis ng bahay, hindi mo na kailangan, pero kung papunta ka na, sabihin mo sa akin para pwede kitang gawan ng agahan, okay?” Ang boses ni Charlotte ay kasing tamis at lambing ng dati. Sumingkit ang mga mata ni Jim. Hindi niya matiis ang boses ni Charlotte. Para bang may bagay sa ulo niya na nagsasabi sa kanya na mahalin at magtiwala siya kay Charlotte, ngunit…Hindi niya pwedeng balewalain
Napahinto si Charlotte nang marinig niya ang boses ni Jim mula sa likod niya. Ibinaba niya ang kanyang phone, kumalma siya, at lumingon siya para tumingin kay Jim. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Jim?” Makikita ang sakit sa mukha ni Charlotte. “Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako sayo?” Kinagat niya ang labi niya habang tumulo ang mga luha sa mukha niya. Habang nakatitig kay Jim, nagsalita siya, tila hirap siyang magsalita, “Jim, muntik na akong mamatay noong isinilang ko si Shelly, pero sa hindi ko malaman na rason, sa tingin mo ay nagsisinungaling ako na hindi ako ang nanay ni Shelly. Ito ba talaga ang tingin mo sa akin?” Tumulo ang luha sa mga mata niya at nagtanong siya, “Ano ba ang narinig mo mula sa ibang tao? Tama ka, hindi ako nag aalala para kay Shelly tulad ng dapat, pero kasalanan mo ang lahat ng ito, hindi ba?” Lumingon siya at tumingin siya kay Jim gamit ang luhaan na mga mata at sinabi niya, “Noong isinilang si Shelly, pinagbawalan mo ako na makita siya dahil nag
Tumanggi si Jim sa hiling ni Charlotte. Hindi lang ‘yun, ginawa pa ito ni Jim ng hindi nagdadalawang isip at wala nang lugar para pagtalunan pa ito. Huminga ng malalim si Charlotte, kahit na ayaw niya itong gawin, nagpanggap pa rin siya na pinag isipan niya ito at sinabi niya, “Sige pala. Susundin ko ang gusto mo.” Pagkatapos, lumapit siya sa tabi ni Jim at dahan dahan siyang kumapit sa baywang ni Jim. “Jim, kasalanan ko ang lahat ng ito. Nangangako ako na bibigyan ko ng atensyon si Shelly sa susunod, kaya’t ‘wag ka nang magalit sa akin, okay?” Habang nakatitig sa mukha ni Charlotte, ang mga salitang gustong sabihin ni Jim ay naipit sa lalmunan niya. Noong una, gusto niyang tanungin kung totoo ang recording na narinig niya sa kotse kanina, pero…” Huminga siya ng malalim at niyakap niya pabalik si Charlotte. “Sige. Sana ay bigyan mo ng atensyon ang mga bata sa susunod. Tutal…” Huminto siya ng ilang sandali bago niya sinabi, “Si Shelly ang produkto ng pagmamahalan natin.”