Napahinto si Charlotte nang marinig niya ang boses ni Jim mula sa likod niya. Ibinaba niya ang kanyang phone, kumalma siya, at lumingon siya para tumingin kay Jim. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Jim?” Makikita ang sakit sa mukha ni Charlotte. “Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako sayo?” Kinagat niya ang labi niya habang tumulo ang mga luha sa mukha niya. Habang nakatitig kay Jim, nagsalita siya, tila hirap siyang magsalita, “Jim, muntik na akong mamatay noong isinilang ko si Shelly, pero sa hindi ko malaman na rason, sa tingin mo ay nagsisinungaling ako na hindi ako ang nanay ni Shelly. Ito ba talaga ang tingin mo sa akin?” Tumulo ang luha sa mga mata niya at nagtanong siya, “Ano ba ang narinig mo mula sa ibang tao? Tama ka, hindi ako nag aalala para kay Shelly tulad ng dapat, pero kasalanan mo ang lahat ng ito, hindi ba?” Lumingon siya at tumingin siya kay Jim gamit ang luhaan na mga mata at sinabi niya, “Noong isinilang si Shelly, pinagbawalan mo ako na makita siya dahil nag
Tumanggi si Jim sa hiling ni Charlotte. Hindi lang ‘yun, ginawa pa ito ni Jim ng hindi nagdadalawang isip at wala nang lugar para pagtalunan pa ito. Huminga ng malalim si Charlotte, kahit na ayaw niya itong gawin, nagpanggap pa rin siya na pinag isipan niya ito at sinabi niya, “Sige pala. Susundin ko ang gusto mo.” Pagkatapos, lumapit siya sa tabi ni Jim at dahan dahan siyang kumapit sa baywang ni Jim. “Jim, kasalanan ko ang lahat ng ito. Nangangako ako na bibigyan ko ng atensyon si Shelly sa susunod, kaya’t ‘wag ka nang magalit sa akin, okay?” Habang nakatitig sa mukha ni Charlotte, ang mga salitang gustong sabihin ni Jim ay naipit sa lalmunan niya. Noong una, gusto niyang tanungin kung totoo ang recording na narinig niya sa kotse kanina, pero…” Huminga siya ng malalim at niyakap niya pabalik si Charlotte. “Sige. Sana ay bigyan mo ng atensyon ang mga bata sa susunod. Tutal…” Huminto siya ng ilang sandali bago niya sinabi, “Si Shelly ang produkto ng pagmamahalan natin.”
Pagkatapos umalis ng bahay, bumalik si Jim sa Landry Mansion. Hindi siya bumalik ng study room para magtrabaho, sa halip ay pumasok siya sa kwarto niya para humiga sa kama dahil sa pagod. Sa hindi malamang rason, tuwing may gagawin na siya kay Charlotte, hihinto siya at bigla niyang maaalala ang mukha ni Bonnie. Ito ay para bang may boses sa ulo niya na nagsasabi na pagtaksilan niya si Charlotte. Nalilito si Jim dahil dito. Bakit siya nakakaramdam ng konsensya para kay Bonnie habang kasama si Charlotte? Ilang beses siyang gumulong sa kama ngunit hindi siya makatulog. Bigla niyang narinig ang mga boses ng mga bata na tumatawa. Kumunot ang noo ni Jim at agad niyang binuksan ang pinto ng balkonahe para hanapin ang ingay na ito. Nahanap niya na ito sa huli. Ang mga boses na ito ay galing sa direksyon ng bahay kung saan nakatira si Bonnie. Sa mga sandaling ito, maliwanag ang sinag ng araw, at nakatayo si Bonnie sa yard, hawak niya ang isang stroller habang naglalaro sina
“Masusunod po, Sir!” Pagkatapos, lumabas na ng kwarto ang assistant ni Jim. Nang umalis na ang assistant, nakasalubong niya ang butler na siyang may dalang tray ng tsaa para kay Jim. Tumingin ang butler sa bag na hawak ng assistant at agad niyang nalaman kung para saan ito. May ilang hibla sa loob ng bag, at halata na para sa isang DNA cross-matching ang mga ito. Ngayon at bumalik ng Merchant City sina Harvey at Shelly kahapon, halata kung kanino balak gawin ni Jim ang DNA test. Nang maisip ito ng butler, mabilis siyang nag utos ng tao para bantayan ang assistant. Pagkatapos, dinala niya ang tray sa study room na para bang walang nangyari. Habang nasa loob ng study room, nakasandali si Jim sa upuan, pagod ang mga muscle at mukha niya. “Master Landry.” Ngumiti ang butler pagkatapos ibaba ang tray. “Hindi po ba kayo magbibigay ng oras para kina Young Master Harvey at Little Miss Shelly? Parang hindi po maganda na hayaan niyo sila na tumira sa hiwalay na bahay pagkatapos
Nang makarating ang butler sa maliit na bahay, nakikipaglaro si Bonnie kay Shelly ng may ngiti sa kanyang mukha. Sa mga kamay ni Bonnie, ngumiti at tumawa ang sanggol. Sa sobrang ginhawa sa puso ng nakita ng butler ay hindi niya inabala sina Bonnie. “Mr. Butler!” Si Harvey, na siyang kakapasok lang ng pinto, ay nakita ang butler at mabilis siyang yumakap dito. “Namiss po kita ng sobra!” May isang anak lang ang butler, si Mickey. Gayunpaman, walang interes si Mickey sa pagpapakasal at ang lahat ng atensyon niya ay nasa research niya lang. Dahil dito, tuwang tuwa ang butler kay Harvey dahil naiisip niya ang isang apo na wala siya. Noong si Charles pa ang namumuno ng pamilya Landry, sinabi niya sa butler na ang kahit sinong apo ng pamilya Landry ay apo na rin ng butler. Habang pinapanood si Harvey na yumayakap sa kanya, hindi niya mapigilan na maramdaman na natunaw ang puso niya. Kinarga niya si Harvey at tumingin siya kay Bonnie. “Hello, Ms. Craig.” Napagtanto ni Bonnie
“Tama po kayo; isang mabuting tao si Jim bago nawala ang mga alaala niya. Hindi niya… gagawin ang isang bagay na ganun.” Gayunpaman, tuwing nakikita ni Bonnie si Jim sa nakalipas na mga araw, kumikirot ang puso niya, hindi dahil sa masamang pagtrato sa kanya ni Jim, ngunit dahil… Tuwing nakikita niya kung gaano kalamig ang ugali ni Jim sa kanya, hindi niya mapigilan na maalala kung gaano kabait si Jim sa kanya dati. Tuwing iniisip niya na ang isang mabait, determinado, at maprinsipyo na lalaki ay hindi na babalik sa kanya, pakiramdam ni Bonnie na para bang sinaksak siya sa puso niya. “Tama kayo sa isang bagay; isang mabuting lalaki si Master Landry bago nawala ang mga alaala niya.” Huminga ng malalim ang butler at tumitig siya ng determinado sa mukha ni Bonnie. “Kaya naman, dapat nating gawin ang lahat ng makakaya natin para bumalik ang mga alaala niya.” Umiling si Bonnie, ngumiti siya ng mapait. “Wala po akong kapangyarihan para gawin ito.” Kahit ilang beses niyang subukan
Tila tumalon ang puso ni Bonnie sa dibdib niya nang marinig niya ang sinabi ng butler. Sigurado siya na si Shelly ay hindi ang anak ni Charlotte, gayunpaman, gusto niya pa rin malaman ang resulta ng DNA test. Paano kung… Paano kung ang mga bagay ay iba kumpara sa iniisip niya? Tutal, hindi pa sinabi ni Jim sa kanya ang pagkakakilanlan ng nanay ni Shelly. Walang intensyon ang butler na itago ang resulta kay Bonnie. Sa halip, nilagay niya sa speaker ang phone, at tumunog ang boses ng isang lalaki, “Pagkatapos po umalis ni Assistant Clark ng DNA Diagnostic Center, bumalik po ako at kinumbinsi ko siya na bigyan ako ng kopya ng DNA test result dahil sinabi ko po na nawala ang orihinal na kopya niya.” Puno ng pagkasabik ang boses ng lalaki at sinabi niya, “May natuklasan po ako!” Kinagat ni Bonnie ang labi niya. Kahit ang butler ay nasabik malaman ang katotohanan. “May limang DNA sample po na dinala para sa testing; isang matandang lalaki, dalawang matandang babae, isang anim
Gayunpaman… Kasing edad ni Harvey ang anak niya. Nang maisip niya ito, napuno ng pagkasabik ang puso ni Bonnie. Paano kung… si Harvey ang nawawala niyang anak? Hindi na ito pwedeng patagalin pa. Pagkatapos ibigay si Shelly sa butler, agad na pinapunta ni Bonnie si Harvey sa kotse. “Saan po tayo pupunta, Bonnie?” Medyo nalilito si Harvey sa pag uugali ni Bonnie. “Iiwan po ba natin si Shelly ng ganito lang?” Tinikom ni Bonnie ang mga labi niya. “May bagay lang ako na kailangan kong siguraduhin.” Kung… Kung anak niya talaga si Harvey… Sa hinaharap, tatagawin ni Harvey na Mommy si Bonnie sa halip na pangalan niya lang! Parang isang pangarap na natupad ito kapag anak niya nga talaga si Harvey. Patuloy ang pag andar ng kotse ni Bonnie. Sa sobrang tuwa niya ay hindi niya napansin ang itim na kotse na sumusunod sa kotse nila. Sa loob ng itim na kotse, tumawag ang driver habang sumusunod kila Bonnie, “Ms. Charlotte, nakumpirma ko na po na ang destinasyon na pupuntahan ni