Ang mga panahon na wala si Joshua ay nakalipas na. Ano pa ang punto at binanggit niya ang mga ito? Hindi na magkasintahan sina Luna at Joshua. At hindi rin sila estranghero sa isa’t isa. Magkalaban sila. “Gusto ko lang maintindihan.” Ngumiti ng maliit si Joshua. Tumigil siya sa pakikipag usap kay Luna, uminom siya ng tubig mula sa isang bote ng tubig. Pagkatapos ng isang oras, tumunog ang iyak ng isang sanggol mula sa delivery room. Sa sobrang sabik ni John ay halos tumulo ang mga luha niya. Mahigpit ang hawak niya sa braso ni Christopher at sinabi niya, “Magiging isang tatay na ako! Magiging tatay na ako! Christopher, magiging tatay na ako!” Ngumiti ng awkward sa kanya si Christopher. Tumayo rin ng sabik si Luna sa tabi ng pinto ng delivery room, hinihintay niya para dumating sina Anne. Nanatiling nakaupo si Joshua. Habang nakatingin sa pagiging sabik ni John, ngumiti siya ng mapait. Kung nandoon siya nang manganak ng triplets si Luna noon, magiging sabik siguro siya t
Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya sa harap. Nakatayo sa harap ng entrance ng bahay ni Bonnie ay sina Nigel, Neil, at Nellie, pati na rin sina Harvey at June. Nakatayo ang limang bata doon, kumakaway sila ng walang tigil kay Luna. Sina Harvey at Neil ang nasa magkabilang dulo, hawak nila ang isang malaking pulang banner na may dilaw na mga salita. Ang ekspresyon nila ay may halong kaligayahan at pag aatubili dahil pinilit silang hawakan ang banner. Ang nakalagay sa banner ay, [Maligayang pagdating sa diyosa namin, si Ms. Luna!] Nasa bulsa ang mga kamay ni Nigel, elegante siyang nakatayo sa tabi ni Neil. May hawak na malalaking bouquet sina Nellie at June. Nawala agad ang kalungkutan ni Luna dahil sa eksenang nasa harap niya. Hindi niya mapigilan na mamula ang mga mata niya. Suminghot siya at pinilit niya na hindi bumagsak ang mga luha niya. Hindi siya pwedeng umiyak sa sandaling ‘yun. Ngunit, kahit pilitin niya, isa talaga itong nakakaiyak na sandali. Sina Nigel
Nakaupo si Lucas sa driver’s seat, kumunot ang noo niya at sinabi niya, “Sir, nakakatuwa po talaga. Kung sana lang—” Nagbuntong hininga si Lucas at nagpatuloy siya, “Kung sana lang po ay nasa tabi niyo si Ma’am. Mas magiging mabuti ito.” Pumikit si Joshua at sumandal siya. Elegante siyang sumandal sa leather seat. “Kamusta na ang bagay na inutos ko sayo na imbestigahan mo?’ Huminto ng ilang sandali si Lucas bago niya inayos ang mga emosyon niya. Seryoso siyang nag report, “May natuklasan po kami.” “Kahit na ang taong si Todd na bumunggo po kay Heather ay nakatira ngayon sa Merchant City, noong nakalipas na dalawampung taon, nakatira po siya sa Banyan City, tulad ng mga Landry at mga Quinn. Noong una po, isa lang siyang ordinaryong truck driver.” Tumigil ng ilang sandali si Lucas bago niya sinabi, “Ang isa po sa mga driver na dating malapit kay Todd ay sinabi na noong isang gabi, kumatok po si Todd sa pinto niya at sinabi na may pinatay po siya, sinabi niya po na kailangan n
Napansin ni Lucas kung paano nakatingin si Joshua kay Luna at palihim niyang inatras ang kotse sa orihinal na pwesto. Pagkatapos ay kinumbinsi niya si Joshua, “Sir, bakit hindi po… kayo pumasok? Halos isang buwan niyo na rin pong hindi nakikita ang mga bata.” Kumunot ang mga kilay ni Joshua. Muli siyang tumingin sa message sa phone niya bago siya bumaba ng kotse. Habang nakasandal sa kotse, nilabas ni Joshua ang phone niya at tumawag siya kay Luna habang nakatingin kay Luna sa balkonahe. Sinagot ni Luna ang phone. “Akala ko ay iisipin mo na makakasira lang ako sa kasiyahan.” Kumunot ang noo ni Luna. Tumingin siya sa dalawang bata na nakatingin sa kanya mula sa malayo. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Miss ka na rin nila.” Kung ayaw nila na sumama sa pagsasalo si Joshua, hindi sana palihim na sasabihin ni Nigel kay Luna na pumunta ng balkonahe para makita ang kotse ni Joshua. Hindi sana sisilip sina Nellie at Neil na may ekspresyon na puno ng pag asa. Nasa awkwa
Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Joshua. Nanatili siyang nakaupo. “Kailangan ko bang magpaalam sayo, Mr. Lynch?” Akala niya ay ang pag imbita kay Joshua ay higit sa sapat na. Tumingin sa kanya si Joshua at sinabi niya ng kalmado, “Ngayong araw ang araw ng pagkamatay ni Granny. Balak ko siyang bisitahin.” Nabigla si Luna dahil dito, at napatingin siya sa petsa. Mukhang ang araw na ito ay araw nga talaga ng pagpanaw ni Granny Lynch noong isang taon na ang nakalipas. Bumalik si Joshua sa Banyan City sa araw na ito hindi dahil kay Luna, kung hindi dahil araw ng pagkamatay ni Granny Lynch? Iniisip pa rin ni Luna na sinasadya siyang sinundan ni Joshua… Habang iniisip ito, namula ang mukha ni Luna. Ang pakiramdam niya ay para bang isa siyang narcissist. Tumayo siya at sinabi niya, “Sasama ako sayo.” Minsan naging masama ang ugali ni Granny Lynch sa kanya at sinaktan pa nito ang pamilya niya. Gayunpaman, bago namatay si Granny Lynch, binigay niya ang antidote kay Ne
Nilagay ni Joshua si Luna sa likod niya, prinotektahan niya ito. “Gusto ni Granny si Luna noong buhay pa siya, kaya’t dinala ko siya dito.” Tumingin ng sobrang lamig si Joshua kay Adrian na para bang kaya niyang gawin na yelo ang kahit sino. “Paano ka naman? Ang asawa mo ngayon ang pinaka ayaw ni Granny noong buhay pa siya, pero dinala mo pa rin siya dito para dumalaw. Kapag nakita ito ni Granny mula sa langit, baka multuhin ka niya habang natutulog ka.” Pagkatapos, kumunot ang noo ni Joshua at tinanong niya, “Bakit kayong dalawa lang ang nandito? Nasaan ang mahal niyong anak, si Michael?” Pagkatapos, nagpanggap si Joshua na naalala niya. “Ah, oo nga pala! Nasa kulungan pa siya.” Nang mabanggit si Michael, namutla ang mukha nila Adrian at Celia. Isang taon na ang nakalipas, sinentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong si Michael sa pagpatay kay Granny Lynch. Kasabwat si Adrian, pero hindi siya sumama sa araw ng pagpatay, kaya’t nasentensyahan lang siya ng ilang buwan sa
Palihim na humigpit ang mga kamao ni Joshua dahil sa mga sinabi ni Celia. Nang maramdaman ang pagiging seryoso ni Joshua, kinagat ni Luna ang labi niya. Alam niya na ginagawa ni Joshua ang lahat para pigilan ang galit niya. Parang kutsilyo ang mga salita ni Celia, lumilipad papunta sa mga sensitibong ugat ni Joshua. Nakita ni Luna kung gaano kahigpit ang kamao ni Joshua. Kumunot ang noo niya at lumapit siya kay Joshua. “Joshua, kumalma ka,” Kinumbinsi niya si Joshua ng may mahinang boses habang hinawakan niya ang braso nito. Sa mga sandaling ito, wala siya sa posisyon para ipagtanggol si Joshua, kaya’t ito lang ang pwede niyang gawin. Gayunpaman, kumalma ng kaunti si Joshua dahil sa boses at hawak ni Luna, at humupa din ang nagliliyab na galit sa mga mata niya. Nang makita na pinapakalma ni Luna si Joshua, tumawa lalo si Celia. Kung sabagay, wala na ang buhay mayaman niya at hindi niya na makikita ang anak niya. Sasabihin niya ang kahit anong gusto niya. Wala na siyang paki
Nabigla si Luna sa mga tanong ni Joshua. Kinagat niya ang labi niya, hindi niya alam kung paano siya sasagot. Siya… ang lalaki na ang prayoridad ang pagaaway ng pamilya kaysa sa relasyon niya. Kung hindi niya binalewala, pinalayo, at laging binasag ang puso ni Luna, hindi pipiliin ni Luna na bumalik sa mga Landry. Nangyari ang lahat ng ito, at may lakas ng loob si Joshua na itanong kay Luna kung mas importante ang pagaaway ng pamillya kaysa sa kanya. Kung dati, sasabihin pa ni Luna na mas importante si Joshua para kay Luna, ngunit… matagal na panahon na silang magkahiwalay. Nasa magkabilang panig na sila ngayon, at hindi madaling pagbibigyan ng mga Landry ang pagkamatay ni Colin. Samantala, ang mga Lynch ay hindi palalampasin ang pagkamatay nila Lucy at Granny Lynch. Walang kwenta na para isipin kung si Joshua o ang pagaaway ng pamilya ang mas mahalaga. Nagbuntong hininga si Luna at sinabi niya, “Hindi na ito mahalaga.” Saglit na huminto ang kamay ni Joshua na nilal