Si Officer Wilson ay labis na nabigo dito kaya sinimulan niyang ihagis ang mga papeles sa buong opisina niya sa galit. Alam niyang hinihintay pa rin ni Hunter si Lola Quinn na iligtas siya mula sa sitwasyong ito, ngunit ang katotohanan ay... Mula nang mahuli siya, walang sinuman sa pamilya Quinn ang nakapansin sa kanya. Higit pa rito, nang interbyuhin ng mga reporter ang butler ng pamilya Quinn tungkol dito, sinabi sa kanila ng mayordomo na matagal nang nawalan ng kontak si Hunter sa pamilya Quinn, at wala silang ideya kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa panahong ito. Gayunpaman, nakita si Hunter na pumapasok at lumabas sa Quinn Mansion isang araw lang bago siya arestuhin. Sa sandaling naisip niya ito, hindi napigilan ni Officer Wilson na maawa kay Hunter. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at inutusan ang isa sa kanyang mga tauhan na tawagan si Granny Quinn at papuntahin ito sa istasyon ng pulisya upang bisitahin si Hunter. “Hindi ko dadalawain ang piraso ng t*e na i
Sa pagkadismaya ni Hunter, hindi siya dinalaw ni Granny Quinn. Sa halip, ang taong nakaupo sa harap niya ay si Malcolm na nakangisi. “Naging isang walang kwentang instrumento ka lang din,” Ang sabi ni Malcolm habang tumatawa.” Binigyan ako ng pera ni Granny kagabi, at ang kapalit nito, dapat kitang bisitahin ngayong araw, kaya’t alam mo ang ibig sabihin nito, hindi ba?” “Hindi ako makapaniwala na kahapon, sinabi ko sayo na balang araw ay ikaw ang magiging tagapagmana ng pamilya Quinn. Nakakagulat ito!” Tumitig ng malamig si Hunter kay Malcolm na para bang papatayin niya na ito ng kahit anong sandali. Nang maramdaman ang kamuhian sa titig ni Hunter, huminga ng malalim si Malcolm at umupo siya ng mas komportable sa upuan niya. “Alam ko kung bakit humihingi ka ng tulong kay Granny: Gusto mong tulungan kita na lumabas sa problemang ito, hindi ba?” “Pero, dahil sinabi niya sa akin na puntahan kita ng wala siyang inuutos na iba, ang hula ko ay wala siyang intensyon para palabasin
“Alam ko na walang paraan para makatakas ako dito, at aamin na ako sa lahat ngayon, pero una sa lahat, gusto kong tawagan si Joshua Lynch. Kailangan ko siyang makita.”… “Sir.” 10 a.m. Agad na lumapit si Lucas kay Joshua pagkatapos ng meeting na naabala kahapon. “Tumawag po si Officer Wilson kanina at sinabi niya po na umamin si Hunter sa pagpatay kay Cheryl, pero… gusto ka niya pong makita.” Tumigil si Joshua sa pagsusulat ng notes nang marinig niya ito. Gusto siyang makita ni Hunter? Hindi niya maalala kung may kinalaman siya sa lalaking ito. Gayunpaman, ito ang taong pumatay kay Cheryl, at kapag nakipagkita sila sa isa’t isa, walang rason para tumanggi si Joshua. Ibinaba ni Joshua ang mga papeles na nililigpit niya, inayos niya ang kwelyo niya, at pumunta siya sa police station. Nang huminto ang itim na Masevati ni Joshua sa harap ng police station, lumabas mula dito sina Luna at Charlotte, nag uusap sila tungkol sa Landry Group. Medyo nabigla si Luna nang maki
Parang isang sampal na pampagising ang mga salita ni Charlotte. Habang nakaupo sa loob ng kotse, nararamdaman niya ang lamig sa buto niya kahit na Hunyo pa lang. Tinulungan ni Joshua… si Hunter na makatakas para tumagal ang pagkakakulong niya? Alam ba ni Joshua kung anong klaseng tao si Hunter? Siya ang pinaka madumi at walang hiyang lalaki sa pamilya Quinn, ang taong may pinaka madugong kamay sa lahat! Laging gumagamit ng panloloko at pakana si Malcolm para makuha ang mga layunin niya, pero iba si Hunter. Ginawa niya ang lahat ng pagpatay at krimen na kailangan gawin ng pamilya Quinn. Ito ay isang lalaki na hindi nagdadalawang isip na pumatay, at ang mga kamay niya ay madumi sa dugo ng maraming tao na namatay dahil sa pamilya Quinn. Paanong tutulungan ni Joshua ang isang taong tulad niya? Bukod pa doon… ang tao na pinatay ni Hunter ngayon… ay si Cheryl, ang babaeng nagtrabaho para kay Joshua at ang babaeng trumato sa kanya ng mabuti ng higit sa anim na buwan. Ang i
Pagkatapos, huminga ng malalim si Hunter at tumingin siya kay Joshua. “Kung tama ang hula ko, sesentensyahan ako ng kamatayan.” “Pero, wala na akong makakapitan, kaya’t may gusto akong sabihin sayo tungkol sa pamilya Landry at pamilya Lynch noong matagal nang panahon.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Isa kang Quinn, at hindi ka pa pinapanganak noong nangyari ang lahat ng ito, kaya’t paano mo malalaman ang lahat ng tungkol dito?” Ang nangyari sa pagitan ng pamilya Landry at pamilya Lynch ay walang kinalaman sa pamilya Quinn. Bukod pa dito, nangyari ang lahat ng ito ng matagal na panahon na, at kahit si Joshua ay walang buong larawan kung ano ang nangyari, kaya’t paano naman ito malalaman ni Hunter? “Sa totoo lang, may alam ako.” Huminga ng malalim si Hunter at nagpatuloy siya, “Kung tama ang hula ko, may lalaking nagngangalang Quentin na darating sa tabi ng lola ko sa loob ng ilang araw, at ang lalaking ito ang tumulong kay Granny sa lahat ng malupit na krimen niya dati.” Sumingki
Nawala ang iniisip ni Luna dahil sa nakakabinging sigaw. Lumingon siya para tumitig sa kwarto kung saan galing ang sigaw, puno ng pagdududa at pagkalito ang tingin niya. “Si… tatay ba ‘yun?” Tumanggi siya na tanggapin at maniwala dito. Nasa limampung taong gulang na si Charles at malapit na siya maging animnapung taong gulang, ngunit ang sigaw na ito… Nagbuntong hininga si Jim at tumingin siya kay Luna, ngumiti siya ng mapait. “Bumalik ang sakit niya, at ito ang nangyari sa kanya tuwing nauubos ang gamot na ginawa ni nanay para sa kanya.” Pagkatapos, huminga ng malalim si Jim at binuksan niya ang pinto. Sa loob ng kwarto, nakaupo si Charles sa isang sulok, may suot siyang patient’s gown na may stripes at hawak niya ang kumot. “Rosalyn, Rosalyn, dadalhin na kita pauwi ngayon. Dadalhin na kita pauwi ngayon…” “‘Wag kang matakot; uuwi na tayo ngayon!” “Lumayo ka sa akin! ‘Wag mong hawakan ang Rosalyn ko!”… Gulat na tumitig si Luna sa eksenang nasa harap niya at hindi
Nang lumabas si Luna ng hospital, naghihintay pa rin si Charlotte sa kotse. Huminga ng malalim si Luna habang binuksan niya ang pinto at pumasok siya ng passenger seat. “Saan na tayo pupunta ngayon?” “Sa bahay mo, kaya’t mag ayos ka na ng gamit,” Sumagot si Charlotte habang pumipindot siya sa laptop niya. “Dahil ikaw na ang bagong CEO ng Landry Group, hindi ka na dapat nakatira sa isang bahay sa labas ng bayan.” Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. Tama si Charlotte. Simula sa araw na ito, marami siyang kailangan asikasuhin sa Landry Group, at hindi maganda kung nakatira pa rin siya sa labas ng bayan. Ngunit, sa ikinagulat ni Luna, nang makarating na siya sa bahay niya, may ilang mga excavator na nakapark sa labas ng gate, kasama ang mga grupo ng construction worker. Nakatitig si Luna sa mga malalaking makina at sa mga trabahador, nakakunot ang noo niya. “Ano ang…” “Ngayon at nakuha mo na ang bago at mataas na posisyon mo, marami kang naiwan na
Nagulat ang mga mamamayan ng Merchant City sa balita na giniba ni Luna ang bahay niya para patunayan ang determinasyon niya sa pagbalik sa Landry Group. Nasiglahan ang mga empleyado ng Landry Group dahil sa mga nakakalat na balita sa iba’t ibang media outlet. Ang alam ng lahat na dahil matapang si Luna para gumawa ng desisyon na ito, kaya niyang igabay ang Landry Group sa mga paghihirap na hinaharap nito. “Sino ang nagturo sayo nito? Nagkakaroon ito ng epekto as sigla ng mga empleyado,” Ang sabi ni Jim, may maliit na ngiti sa kanyang mga labi, habang nakatitig siya kay Luna noong nagkita sila sa loob ng president’s office sa Landry Group Tower. Samantala, habang nasa sofa, nagtext si Luna kay Charlotte habang sumagot siya ng nakangiti, “May kaibigan ako na marunong sa negosyo na tumutulong sa akin.” Ngumisi si Jim. “Saan mo nakilala ang taong ito? Pwede mo ba akong ipakilala sa akin?” Nagkibit balikat si Luna. “Ipapakilala ko siya sayo sa tamang panahon.” Noong una, gusto n