Pagkatapos, huminga ng malalim si Hunter at tumingin siya kay Joshua. “Kung tama ang hula ko, sesentensyahan ako ng kamatayan.” “Pero, wala na akong makakapitan, kaya’t may gusto akong sabihin sayo tungkol sa pamilya Landry at pamilya Lynch noong matagal nang panahon.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Isa kang Quinn, at hindi ka pa pinapanganak noong nangyari ang lahat ng ito, kaya’t paano mo malalaman ang lahat ng tungkol dito?” Ang nangyari sa pagitan ng pamilya Landry at pamilya Lynch ay walang kinalaman sa pamilya Quinn. Bukod pa dito, nangyari ang lahat ng ito ng matagal na panahon na, at kahit si Joshua ay walang buong larawan kung ano ang nangyari, kaya’t paano naman ito malalaman ni Hunter? “Sa totoo lang, may alam ako.” Huminga ng malalim si Hunter at nagpatuloy siya, “Kung tama ang hula ko, may lalaking nagngangalang Quentin na darating sa tabi ng lola ko sa loob ng ilang araw, at ang lalaking ito ang tumulong kay Granny sa lahat ng malupit na krimen niya dati.” Sumingki
Nawala ang iniisip ni Luna dahil sa nakakabinging sigaw. Lumingon siya para tumitig sa kwarto kung saan galing ang sigaw, puno ng pagdududa at pagkalito ang tingin niya. “Si… tatay ba ‘yun?” Tumanggi siya na tanggapin at maniwala dito. Nasa limampung taong gulang na si Charles at malapit na siya maging animnapung taong gulang, ngunit ang sigaw na ito… Nagbuntong hininga si Jim at tumingin siya kay Luna, ngumiti siya ng mapait. “Bumalik ang sakit niya, at ito ang nangyari sa kanya tuwing nauubos ang gamot na ginawa ni nanay para sa kanya.” Pagkatapos, huminga ng malalim si Jim at binuksan niya ang pinto. Sa loob ng kwarto, nakaupo si Charles sa isang sulok, may suot siyang patient’s gown na may stripes at hawak niya ang kumot. “Rosalyn, Rosalyn, dadalhin na kita pauwi ngayon. Dadalhin na kita pauwi ngayon…” “‘Wag kang matakot; uuwi na tayo ngayon!” “Lumayo ka sa akin! ‘Wag mong hawakan ang Rosalyn ko!”… Gulat na tumitig si Luna sa eksenang nasa harap niya at hindi
Nang lumabas si Luna ng hospital, naghihintay pa rin si Charlotte sa kotse. Huminga ng malalim si Luna habang binuksan niya ang pinto at pumasok siya ng passenger seat. “Saan na tayo pupunta ngayon?” “Sa bahay mo, kaya’t mag ayos ka na ng gamit,” Sumagot si Charlotte habang pumipindot siya sa laptop niya. “Dahil ikaw na ang bagong CEO ng Landry Group, hindi ka na dapat nakatira sa isang bahay sa labas ng bayan.” Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. Tama si Charlotte. Simula sa araw na ito, marami siyang kailangan asikasuhin sa Landry Group, at hindi maganda kung nakatira pa rin siya sa labas ng bayan. Ngunit, sa ikinagulat ni Luna, nang makarating na siya sa bahay niya, may ilang mga excavator na nakapark sa labas ng gate, kasama ang mga grupo ng construction worker. Nakatitig si Luna sa mga malalaking makina at sa mga trabahador, nakakunot ang noo niya. “Ano ang…” “Ngayon at nakuha mo na ang bago at mataas na posisyon mo, marami kang naiwan na
Nagulat ang mga mamamayan ng Merchant City sa balita na giniba ni Luna ang bahay niya para patunayan ang determinasyon niya sa pagbalik sa Landry Group. Nasiglahan ang mga empleyado ng Landry Group dahil sa mga nakakalat na balita sa iba’t ibang media outlet. Ang alam ng lahat na dahil matapang si Luna para gumawa ng desisyon na ito, kaya niyang igabay ang Landry Group sa mga paghihirap na hinaharap nito. “Sino ang nagturo sayo nito? Nagkakaroon ito ng epekto as sigla ng mga empleyado,” Ang sabi ni Jim, may maliit na ngiti sa kanyang mga labi, habang nakatitig siya kay Luna noong nagkita sila sa loob ng president’s office sa Landry Group Tower. Samantala, habang nasa sofa, nagtext si Luna kay Charlotte habang sumagot siya ng nakangiti, “May kaibigan ako na marunong sa negosyo na tumutulong sa akin.” Ngumisi si Jim. “Saan mo nakilala ang taong ito? Pwede mo ba akong ipakilala sa akin?” Nagkibit balikat si Luna. “Ipapakilala ko siya sayo sa tamang panahon.” Noong una, gusto n
Noong una, akala ni Luna na ang lalaking ito ay kaedad niya, ngunit sa ikinagulat niya… Nang makarating siya sa Lucky Den at nakita niya ang isang lalaking nasa singkwenta ang edad at may malaking tiyan, at makinang na kalbong ulo, hindi niya mapigilan na kumunot ang noo niya. Tumingin si Luna sa dress na suot niya, kinagat niya ang labi niya at sinabi niya habang pinindot niya ang earpiece sa tainga niya. “Bakit isang matandang lalaki si Harold Chance?” Medyo naiinip ang boses ni Charlotte habang sinagot niya si Luna sa phone, “Siya lang ang taong nasuhulan ko na isama ka para makita si Mr. Hanson.” “Luna, may misyon ka sa trabaho, hindi para humanap ng lalaki, kaya’t ayusin ang pag iisip mo!” Hindi komportable si Luna sa mapang utos na tono ni Charlotte, ngunit dahil dumating na siya sa Lucky Den, at gumastos na si Charlotte para suhulan si Harold… wala siyang magawa kundi sumunod na lang dito. Huminga ng malalim si Luna at bumalik siya sa sarili niya bago siya lumapit sa
Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ang pangalan ni Joshua. Kinagat niya ang labi niya at humigpit ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Hindi siya makapaniwala na… dadalo rin si Joshua sa dinner na ito. “Mukhang gusto rin ng Lynch Group ng isang kasunduan kay Mr. Hanson,” Tumunog ang boses ni Charlotte sa tainga ni Luna. “Luna, dapat kang kumalma at ‘wag mo hayaan na maimpluwensyahan ka ni Joshua.” “Ang motibo mo ngayong gabi ay para maging kaibigan si Mr. Hanson.” Kinagat ni Luna ang labi niya at tinakpan niya ang bibig niya gamit ang manggas niya at bumulong siya pabalik, “Pero sinabi na ni Mr. Hanson na kaibigan niya na si Joshua…” Dahil nakilala na nila Joshua at Mr. Hanson ang isa’t isa, bakit niya pa kailangan magsikap? Sa tingin niya ay hindi niya kayang gawin na piliin siya ni Mr. Hanson kaysa kay Joshua. Ngumisi si Charlotte at sumagot siya, “Anong problema? Natatakot ka ba at gusto mo nang sumuko?” “Luna, paano ka magiging bagong CEO ng Landry G
Pagkatapos, nagpatuloy si Harold ng may mahinang boses, “Hindi mo ito siguro alam, tama ba?” “Ang dinner party na ito ay hindi isang regular na dinner party… ito ay isang orgy kung saan nagpapalit kami ng mga babaeng kasama namin ng buong gabi.” Napatingala si Luna sa gulat, kasing laki ng plato ang mga mata niya. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya kay Harold. “Ano ba ang sinasabi mo?” “Ang sinasabi ko ay hindi ka marunong dahil gusto mong makipag kasundo kay Mr. Hanson nang hindi mo pa alam kung paano ang trabaho para sa amin…” Ang mga salita ni Harold ay parang isang suntok kay Luna. Kinagat niya ang labi niya at mabilis niyang pinindot ang earpiece para kausapin si Charlotte ng may mahinang boses, “Nagbago ang plano; magpadala ka ng tao para sunduin ako.” Hindi isang tanga si Luna. Kahit na hindi siya pamilyar kay Mr. Hanson, naghanda pa rin siya ng backup plan kasama si Charlotte sa takot na baka may masamang mangyari sa party. Dahil dito, naghanda sila ng mga
Tumahimik ang buong kwarto nang marinig nila ito. Habang tinutulak si Luna sa pader, hindi alam ni Mr. Hanson kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Joshua. Gayunpaman, sa mga sandaling ito, sa sobrang labo ng isip ni Luna ay hindi niya maintindihan ang nangyayari. Sa pagkalito niya, naririnig niya lang ang boses ni Joshua. Kinagat niya ang ngipin niya at sinabi niya, “Joshua…” Dahil sa pagiging lasing at sa posisyon niya sa pader, maamo at nakakaakit ang tono ng mga sinabi niya. Dumilim ang ekspresyon ni Joshua. Tumayo siya at lumapit siya kay Mr. Hanson. “Kung hindi ka pa rin makahanap ng paraan para alagaan siya, ako na lang ang kukuha ng responsibilidad na ito mula sayo.” Pagkatapos, tinulak niya palayo si Mr. Hanson at niligtas niya si Luna. Sa sobrang lakas ng pagtulak ni Joshua kay Mr. Hanson ay tumama ang buong katawan nito sa dulo ng mesa, at may malakas na tunog ng mga pagbagsak ng mga plato at baso sa sahig. Tumayo si Mr. Hanson sa kalagitnaan ng ingay at