¤Katerina¤Patuloy sa pagbuhos ang kanyang luha habang pinapanood kung paano nagpakasaya sa ibang babae ang asawa niya. The lights of the video aren't that clear but she's sure it was Damon together with Nicole sharing a hot and fiery sexual intimacy. Parang pinipilipit ang puso niya dahil sa sobrang sakit habang nanlalabo na ang kanyang paningin."Is the food not here ye—what's wrong, agapi mou?"Hindi siya sumagot sa tanong ni Damon bagkus ay nanatiling nakapako ang tingin niya sa video na isenend sa kanya ng kung sinuman ay hindi niya alam."Damn! Why are you crying, Katerina?"Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sa lalaking kaharap. How could he break her heart all the time? Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Paulit ulit kang masasaktan?Kita niya ang naguguluhang ekspresyon nito pero wala siyang lakas ng loob na magsalita. She can feel the numbness of her heart. Napatingin si Damon sa hawak niyang cellphone at marahan itong hinablot. His eyes widened upon seeing the video s
¤Katerina¤Pareho silang walang imik at tanging kalansingan lang ng kubyertos ang maririnig sa buong dining room pero ganunpaman ay ramdam niya ang manaka-nakang sulyap na ipinupukol ni Damon sa kanya. Ilang saglit pa ay narinig niya ang ilang tikhim na pinakawalan ni Damon kaya nag-angat siya ng tingin."Uh…I will be going to Mindanao with dad tomorrow, agapi mou," panimula nito."Oh, is it about the campaign?""Yeah, is it fine with you? I mean, I can refuse dad kung hindi komportable sa'yo na pumunta ako knowing that Nicol—""It's fine, Damon. You can go, walang problema sakin yun," putol niya rito. Naalibadbaran kasi siya tuwing binabanggit ni Damon ang pangalan ng higad na yun."Talagang ayos lang sayo?" Nahihiwagaan nitong tanong kaya tumango siya ulit.Mataman naman siyang pinagmasdan ni Damon na para bang inaarok nito ang takbo ng utak niya pagkatapos ay napailing pa. "I thought pagbabawalan mo ako," bulong pa nito pero dinig na dinig naman niya.Ngumiti siya ng matamis kaya
¤Damon¤Hawak niya ang kamay ni Katerina habang lulan sila ng ambulansya papunta sa pinakamalapit na ospital. She was shot on her chest at marami ng dugo ang umagos mula sa sugat ng babae na labis niyang ipinag-alala.He was brave, dahil narin sa klase ng mundong kinalakihan niya but he can't help himself from getting afraid for his wife's situation. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari. If he was fast enough ay hindi matatamaan ng bala si Katerina. But he was weak! Wala siyang silbi at hindi naprotektahan ang babaeng mahal niya.Fuck!Ramdam pa niya ang panginginig ng kalamnan na para bang bumabalik siya sa nakaraan. Hindi niya maiwasang mapaiyak nang maalala kung paano bumagsak sa kanyang harapan ang mommy niya noon nang patayin ito ng kanilang kalaban sa organisasyon na walang iba kundi ang ama ni Connor na siyang nagsilbing bodyguard ni Katerina."Sir, hanggang dito lang po kayo, hindi po kayo pwedeng sumama sa loob," awat ng nurse sa kanya.Kahit labag man sa kanyang loob ay w
¤Katerina¤Labis na uhaw ang nararamdaman ni Katerina nang magising siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at naaninag ang puro puting kisame na kinalalagyan niya. Nang subukan niyang gumalaw ay napagiwi siya dahil sa pagsigid ng kirot sa kanyang dibdib at saka lang niya naalala ang nangyari sa Miting de Avance.She was shot on her chest by a sniper and bled till she passed out…Lumingon siya sa kanyang tagiliran at nakita si Damon na nakayukyok habang hawak ang kanyang kamay."Damon…" Mahinang anas niya.Agad na nag-angat ng tingin ang asawa at rumehistro ang tuwa sa mga mata nang makitang gising na siya."You're awake, agapi mou!" Bulalas nito at hinalikan ang kanyang kamay. "Anong pakiramdam mo? Masakit ba ng sugat mo? Do you want anything?" Natataranta pa nitong tanong.Tipid siyang napangiti. "I'm thirsty Damon.""W—wait, I'm gonna call the doctor, okay?"Pinindot nito ang intercom at ilang sandali lang ay magkasunod na pumasok ang ilang nurses at mga doctor. Pagkata
¤Damon¤Lihim siyang napangiti nang mapasulyap kay Katerina na nakanguso habang lulan ng kanyang sasakyan. Ayaw niya sanang payagan ang babae sa gusto nito subalit hindi niya naman mahindian lalo na at bigla na lang itong nagalit sa kanya. That's why he came up with a brilliant idea, he called his men to back them up and not to mention the snipers who already positioned themselves around the area kung saan gagala ang kanyang mahal na asawa."I will just wait here in the car," aniya nang maipark na ang sasakyan sa Lava Cafe."Okay," mahinang tugon ni Katerina."Are you mad at me, agapi mou?"Tanging iling lang ang naging sagot nito kaya marahan niyang ginagap ang kamay ng babae."I'm sorry if you're uncomfortable with this setup. I just can't risk your safety once again," masuyo niyang saad.He doesn't know what was going on on Nicole's mind right now. Masyadong unpredictable ang kababata niya kaya hindi siya pakakampante."I was just not used to this Damon. Dati kasi ay si Silvestre l
¤Katerina¤Dahil sa nangyari sa kanya ay inimbestigahan ang Vice President at napatunayan na ito nga ang may pakana ng assassination. Isa pa ay naungkat din ang corruption na ginawa nito kaya tuluyang nadisqualify at nakulong. Valentino won the presidency race na kanyang ikinatuwa. His vote reached almost three fourth of the people in the Philippines."Ready?"Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin kung saan nakikita niya rin ang pagsungaw ng ulo ni Damon sa pintuan at hinagod siya ng tingin. Pumasok ang asawa niya at marahang naglakad palapit sa kanya habang hindi humihiwalay ang tingin nito sa mga mata niya."You're so beautiful agapi mou," bulong ng lalaki sa kanyang tenga at marahang hinaplos ang nakalitaw niyang balikat mula sa half turtleneck gown na suot."You're so handsome too," puri niya sa lalaki.Damon was dazzling hot with his three piece black suit. Because of his new clean cut hair ay napansin niya ang hikaw nito sa kaliwang tenga na bumagay sa bad boy aura ng asawa.
¤Katerina¤"Are you mad?" Tanong niya kay Damon.Lulan sila ng sasakyan ng lalaki pabalik ng mansyon. Pansin niya ang pagiging tahimik ni Damon simula ng makaalis sila ng venue. Bumuntong hininga ito saka siya sinulyapan. Nagtaka naman siya ng biglang itinigil ng lalaki ang sasakyan sa gilid ng daan."I'm sorry, agapi mou.""For what?""Your dress got ruined. I should have been there to protect you," masuyo nitong saad. "Did she do anything bad aside from the wine?"Tipid siyang napangiti at umiling. "It's okay Damon. I just thought you're not believing me earlier that made me feel bad," pag-amin niya.Hinawakan ni Damon ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito saka pinatakan ng isang banayad na halik. "I will always believe you Katerina, always."Damon got busy the next few days and so was she. Valentino's victory brought a lot of investors in both of their companies kaya halos hindi rin sila magpang-abot ng asawa niya."Ma'am hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ni Lia.Nag-angat s
¤Katerina¤Gamit ang liwanag na nagmumula sa flashlight ng kanyang cellphone ay dahan dahan niyang binagtas ang hagdanan pababa. She felt afraid at baka kung ano ang naghihintay sa kanya sa dulo ng hagdanang iyon but her curiosity to know was killing her. At isa pa, this is Damon's house, hindi naman siguro siya mapapahamak sa sariling bahay ng asawa niya diba?Lumingon siya sa pinanggalingan niya kanina, she can't see the light coming from Damon's room down there which means medyo malayo na siya. Kunot noo siyang natigilan nang makarinig ng mahinang ungol sa unahan pero maya maya pa ay nawala din ang mga iyon kaya sandali siyang napatigil.Now she was doubting kung tutuloy pa ba siya o babalik na lang sa itaas. "Ano ba kasing nandito. Dinosaur ba?" Bulong niya sa sarili habang hinay hinay na tumuloy sa paglalakad.Kalaunan pa ay may natanaw siyang mumunting liwanag na sa tingin niya ay lampara kaya naman binilisan niya ang kanyang hakbang subalit natigilan siyang muli nang nanuot sa