¤Katerina¤Dahil sa nangyari sa kanya ay inimbestigahan ang Vice President at napatunayan na ito nga ang may pakana ng assassination. Isa pa ay naungkat din ang corruption na ginawa nito kaya tuluyang nadisqualify at nakulong. Valentino won the presidency race na kanyang ikinatuwa. His vote reached almost three fourth of the people in the Philippines."Ready?"Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin kung saan nakikita niya rin ang pagsungaw ng ulo ni Damon sa pintuan at hinagod siya ng tingin. Pumasok ang asawa niya at marahang naglakad palapit sa kanya habang hindi humihiwalay ang tingin nito sa mga mata niya."You're so beautiful agapi mou," bulong ng lalaki sa kanyang tenga at marahang hinaplos ang nakalitaw niyang balikat mula sa half turtleneck gown na suot."You're so handsome too," puri niya sa lalaki.Damon was dazzling hot with his three piece black suit. Because of his new clean cut hair ay napansin niya ang hikaw nito sa kaliwang tenga na bumagay sa bad boy aura ng asawa.
¤Katerina¤"Are you mad?" Tanong niya kay Damon.Lulan sila ng sasakyan ng lalaki pabalik ng mansyon. Pansin niya ang pagiging tahimik ni Damon simula ng makaalis sila ng venue. Bumuntong hininga ito saka siya sinulyapan. Nagtaka naman siya ng biglang itinigil ng lalaki ang sasakyan sa gilid ng daan."I'm sorry, agapi mou.""For what?""Your dress got ruined. I should have been there to protect you," masuyo nitong saad. "Did she do anything bad aside from the wine?"Tipid siyang napangiti at umiling. "It's okay Damon. I just thought you're not believing me earlier that made me feel bad," pag-amin niya.Hinawakan ni Damon ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito saka pinatakan ng isang banayad na halik. "I will always believe you Katerina, always."Damon got busy the next few days and so was she. Valentino's victory brought a lot of investors in both of their companies kaya halos hindi rin sila magpang-abot ng asawa niya."Ma'am hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ni Lia.Nag-angat s
¤Katerina¤Gamit ang liwanag na nagmumula sa flashlight ng kanyang cellphone ay dahan dahan niyang binagtas ang hagdanan pababa. She felt afraid at baka kung ano ang naghihintay sa kanya sa dulo ng hagdanang iyon but her curiosity to know was killing her. At isa pa, this is Damon's house, hindi naman siguro siya mapapahamak sa sariling bahay ng asawa niya diba?Lumingon siya sa pinanggalingan niya kanina, she can't see the light coming from Damon's room down there which means medyo malayo na siya. Kunot noo siyang natigilan nang makarinig ng mahinang ungol sa unahan pero maya maya pa ay nawala din ang mga iyon kaya sandali siyang napatigil.Now she was doubting kung tutuloy pa ba siya o babalik na lang sa itaas. "Ano ba kasing nandito. Dinosaur ba?" Bulong niya sa sarili habang hinay hinay na tumuloy sa paglalakad.Kalaunan pa ay may natanaw siyang mumunting liwanag na sa tingin niya ay lampara kaya naman binilisan niya ang kanyang hakbang subalit natigilan siyang muli nang nanuot sa
¤Katerina¤Unti unting iminulat ni Katerina ang kanyang mga mata at napakurap kurap ng ilang beses bago inilibot ang tingin sa paligid. After checking herself, she realized that she was already clean. Bago na ang kanyang suot na damit and most of all, lying on a soft mattress in the room she used to sleep in her first few days of being married to Damon.Fear crept into her after remembering Damon and what he had done on the underground—ang pagpatay nito sa lalaking hindi niya kilala at ang mga nakakulong sa ilalim ng bahay na nilalakaran niya. Muli niyang sinuyod ng tingin ang paligid at nagpasalamat nang mapagtantong mag-isa lang siya sa silid.Sinubukan niyang ibinaba sa sahig ang kanyang mga paa. Her whole body was aching maybe because of running away and exhaustion. Ganunpaman ay sinubukan niya paring maglakad patungo sa pinto subalit ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang lalaking kinakatakutan niya her own husband—Damon Achilles Caste
¤Katerina¤Matamlay siyang pumasok sa opisina kinabukasan. She didn't have enough sleep dahil nasanay na siyang laging katabi si Damon sa pagtulog kaya ngayon ay naninibago siya."Good morning po Ma'am Katerina," magalang na bati ni Lia.Isang tango lang ang isinagot niya dito at pumasok na sa loob saka pabagsak na umupo sa kanyang swivel chair. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang nakatulala. Bumalik lang siya sa huwisyo nang marinig ang pagbukas ng kanyang pinto at iniluwa ang hindi niya inaasahang panauhin.Agad siyang napatayo nang makita kung sino ang bisita niya. Kung noong nakaraan ay masaya siya kapag nakikita ito because she sees him as a father figure pero ngayon ay nag-iba na ang pakiramdam niya. His presence seems a threat."D—dad…Napadaan po kayo?" Hilaw niyang tanong.Pilit din siyang ngumiti upang huwag ipahalata sa lalaki na alam na niya ang tunay na pagkatao nito. Now she realizes how powerful Valentino is, knowing that he was sitting as the president of
¤Katerina¤Hindi siya magkamayaw sa kakaiyak nang abutan siya ng kanyang kaibigang si Wilma sa loob ng kanyang condo."My God bestie! You look like a shit!" Bulalas nito at dinaluhan siya ng yakap.Mahigpit siyang yumakap pabalik sa kaibigan para doon kumuha ng lakas ng loob habang umiiyak. Pinigilan siya ni Damon kanina na umalis pero buo na ang loob niya. No matter how much she loves him ay hindi siya magpapakatanga sa lalaki. Ang daming bagay na ang nakapagitan sa kanilang dalawa kaya mas mabuti pang tapusin na lang nila kung anumang meron sila."Ano bang nangyayari sayo Katerina? Kinakabahan na ako at kanina ka pa walang tigil kakaiyak?" Nakasimangot na tanong ni Wilma."Damon and I…We already broke up, best…""B—broke up? As in break na kayo?"Isang tango ang sinagot niya dito bago ikinuwento sa kaibigan ang lahat. She told him every single details of her past with Damon, wala siyang inilihim sa kaibigan dahil alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito."Eh, gago naman pala yang lala
¤Katerina¤Wala sa sarili siyang naglakad pabalik sa kanyang silid habang iniisip ang naging usapan nila ni Isaac. Pagkapasok sa loob ng kanyang kwarto ay napalinga siya sa kama kung saan naroon si Damon at mahimbing na natutulog.Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. She doesn't know what to do anymore. Things are way too complicated than what she expected. Pagod siyang humilata sa sofa at sinubukang ipikit ang mga mata. Pipilitin niya ang sarili na makatulog kahit konti man lang at hindi naman siya nabigo dahil mabilis siyang tinangay ng antok.Nagising siya dahil sa mumunting sikat ng araw na tumagos sa salaming dingding ng kanyang condo. Dahan dahan siyang umunat pero agad ding natigilan nang mapagtantong nasa kama na siya at wala sa sofa kung saan siya nahiga kagabi. Inilinga niya ang tingin sa paligid subalit hindi niya nakikita si Damon sa loob.'Did he leave already?' Tanong ng kanyang isipan.Bahagya siyang nakaramdam ng kahungkagan sa dibdib pero ipinilig
¤Katerina¤"Katerina, are you alright? Answer me!" Sigaw ni Damon sa kabilang linya.Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa takot at kabang nararamdaman. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay pero pilit niya pinakalma ang sarili at baka iyon pa ang maging dahilan na madisgrasya siya. She doesn't wanna die yet!"Katerina!""I—I'm fine…""Thank God," buntong hininga nitong sambit.Muli niyang tiningnan ang rearview mirror at nakitang dalawa na ang nakasunod sa kanya."What am I going to do, Damon? There are two of them now.""Just focus on driving and follow my instructions. Trust me on this, okay?""O—okay.""Now, turn left…" anito na sinunod naman niya. "Just go straight, agapi mou then you'll see an intersection ahead, turn left again."Where is this heading, Damon?" Nag-aalala niyang tanong ng makitang kumukonti na lang ang sasakyang nadadaanan niya. Ilang saglit pa ay dumaan siya sa isang mahabang tunnel road.Malakas man ang aircon sa loob ng sasakyan ay pinagpapawisan parin siya n