"D-Daddy, you're driving to fast." Humigpit ang yakap ko sa teddybear ko dahil sa matinding takot. "I-I'm scared, d-daddy. Slow down, please." Pakiusap ko sa kanya pero imbis na pabaglin ang takbo ng kotse ay mas lalo pa n’ya itong binilisan.
Lumingon sa akin si mommy na nasa passenger seat saka n'ya inabot ang kamay ko.
"Don't be scared, princess. Mommy's here."
"B-But mommy..." I'm on the verge of crying but because of my mother's warm hands, my fear slowly fades away. She sang my favorite song and I sing along with her.
Napansin ko ang panaka-nakang pagsulyap ni daddy sa rear view mirror pero hindi s'ya sa akin tumitingin kundi sa labas ng bintanang nasa likuran ko. Lumingon ako sa bintana pero wala naman akong nakitang kakaiba.
Walang mga sasakyan sa likuran at unahan namin, tanging kami lang.
"Mommy, saan tayo pupunta? Lilipat na naman po ba tayo ng house?"
"Y-Yes, princess."
"Pero bakit po gamit ko lang ang inimpake ninyo?" I asked again.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni mommy dahil sa pangingilid ng mga luha n'ya.
"Mommy?"
"Do you remember your ate Delilah?"
"Yes mommy! Miss ko na s'ya."
Si ate Delilah ang nag-alaga sa akin simula ng baby ako pero last year nang mag-resign s'ya sa trabaho bilang yaya ko. I was so sad when she leave. Para ko na rin kasi s'yang mama dahil sobrang bait n'ya sa akin. She always braid my hair and secretly gave me sweets.
"Kikitain natin ngayon ang ate Delilah mo. Sa kanya ka muna namin iiwan habang inaayos pa namin ng daddy mo ang paglipat natin."
"Pero susunod kayo sa amin, diba?"
"O-Oo, princess. Susunod kami ni daddy sa'yo. B-Be a good girl to ate Delilah, huh? Huwag mong papasakitin ang ulo n'ya."
"I'm a good girl naman mommy eh. Naughty lang minsan." I giggled.
Inabot ni mommy ang pisngi ko saka n'ya ito masuyong hinaplos. "I love you princess."
"I love you too mom and dad."
"I love you too, pretty girl," saad ni daddy.
I smiled at them sweetly.
"H-Honey," tawag ni mommy kay daddy.
"Sh*t!" mura ni dad. "Malapit na tayo sa port. Ready her things. Nag-aantay sa harap ng barko si Delilah," pahayag ni daddy. He's serious and mad of something.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa bintana ay nakita ko ang malalaking barko na nakadaong sa pier. Napa-'o' ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha.
"Princess," tawag sa akin ni mommy kaya mabilis akong napalingon sa kanya. Tumigil na rin ang sasakyan. "You need to go out na, princess. Your ate Delilah is waiting for you," pahayag ni mommy saka n'ya tinanggal ang seatbealt ko at inilagay sa likuran ko ang pink kong backpack.
"Hindi n'yo ako sasamahan papunta sa kanya?"
"N-No. N-Nagmamadali kasi kami ng daddy mo. I-I'm sorry." Hinawakan ko ang pisngi ni mommy saka ko pinunasan ang mga luha n'ya. "See that ship baby? Diretso lang ang lakad mo, don't look back, okay?"
"O-Okay."
"Sige na. Naghihintay na sa'yo ang ate Delilah mo."
"Princess," tawag sa akin ni dad. Dumukwang ako papalapit sa kanya saka n'ya ako binigyan ng halik sa noo ko.
Lumabas ako sasakyan na mabigat ang dibdib dahil ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa mga magulang ko. I need to be brave. Alam kong bibilisan nila ang pag-aasikaso para makita ulit ako.
After all, they love their naughty princess more than anything else.
Sinunod ko ang instructions ni mommy. Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa ship. Lumawak ang ngiti ko nang makita si ate Delilah na kumakaway sa akin kaya naman kumaway din ako sa kanya pabalik.
"Ate!" I called her, pero kaagad na nawala ang tuwa sa mukha n'ya at napalitan 'yon ng takot at pagkagulat.
Nang lumingon ako sa likuran ko ay nakita ko ang dahilan nang naging reaksyon ni ate Delilah. Nakita ko ang pagbalot ng apoy sa sasakyang kinalalagyan ni mommy at daddy. They're still inside, watching me from a far, their eyes are sad but they're still smiling.
"M-Mommy! D-Daddy!" Iyak ko. Tatakbo na sana ako papalapit sa kinaroroonan nila nang isang malakas na pagsabog ng tuluyang nagwasak sa buong sasakyan. Bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga binti ko. I screamed and cried in horror. "No! No!"
***
TAGAKTAK ang pawis ko nang bumangon ako mula sa lupang kinahihigaan ko. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa kakapusan sa hangin habang hawak ang dibdib. Ganito ako sa tuwing nagigising. Parang hinihika kahit wala naman ako ganoong sakit.
"C-Calm d-down, Tabitha" I whispered to myself.
Sa araw-araw na ginawa ng maykapal ay walang palya ang mga panaginip kong iyon sa pagpapaalala sa akin kung paano namatay ang mga magulang ko sa mismong harapan ko. Dapat sanay na ako pero hindi. Mga magulang ko 'yon at kahit kelan ay hindi ako masasanay na makita silang araw-araw na namamatay sa panaginip ko.
Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid . Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang pares ng mga itim na matang nakatitig ng mariin sa akin. Nakaupo s'ya sa lupa habang nakasandal sa puno.
Mula sa maganda n'yang mukha ay bumaba ang tingin ko sa katawan n'yang pinagpala. Nakagat ko ang ibaba kong labi ng makitang may abs s'ya.
Kyahhh! First time ko makakita ng abs.
One, two...sheyt! Namamalikmata ata ako. Bakit ang dami? Eight ang pandesal n'ya!
Yummy!
"N-Nasa heaven na ba tayo?" wala sa sariling taong ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay n'ya at nag-igting ang panga n'ya. "Anghel ka ba?" sunod kong tanong sa kanya.
Imbis na matakot sa sama ng tingin n'ya sa akin ay kinilig pa ako. Willing akong magpabalat sa kanya ng buhay.
"Tsk. Why did I even saved her?" narinig kong bulong n'ya sa sarili n'ya.
Ang pogi naman ng pogito ko!
Chineck ko ang sarili ko at nang makita ang naka-print na mukha ni Capitan sa t-shirt ko ay doon ko napagtantong buhay ako at wala sa langit.
Kasi naman si pogi! Akala ko s'ya na ang magdadala sa akin kay San Pedro.
"Anong nangyari? Nasaan na ang mga lalaking humahabol sa–!" Napasinghap ako nang maalala ang na witness ko kanina bago ako mawalan ng malay. "M-Murderer!" sigaw ko sabay turo ko kay pogi.
Walang nagbago sa ekspresyon n'ya. Umiwas s'ya ng tingin sa akin saka n'ya isinandal ang ulo n'ya sa katawan ng puno bago pumikit.
Sana all, tree.
Tinampal ko ang labi ko dahil sa salitang lumabas kanina mula sa bibig ko. He killed someone to save me. Wala kang utang na loob, Tabitha!
Now what? Pwede na ba akong umalis?
Malapit nang lumubog ang araw kaya kailangan ko nang umalis para hindi ako abutan ng dilim pababa rito sa bundok. Baka nag-aalala na rin sa akin si mama Delilah. Ang paalam ko kasi sa kanya kanina ay mag-aani lang ako ng kamote na pangbenta ko bukas.
'Yong kamote ko nga pala.
"Ehem." Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni pogito. Na-mezmerize na naman ako nang makita ang nakakalunod n'yang itim na mga mata. "S-Salamat nga pala sa pagmurder–I mean sa pagligtas mo sa akin kanina. Don't worry, wala akong pagsasabihan sa ginawa mo."
Nakipag-eye to eye lang s'ya sa akin bago muling pumikit.
Back to you, Tabs!
"Aalis na ako. Salamat ulit."
Bago pa man ako maka-isang hakbang palayo ay nahawakan na n'ya ang pulso ko.
"Who told you to leave?"
"Huh? H-Hindi pa ba pwede?" Inosente kong tanong sa kanya.
"Tsk. Walang akong sinabi na pwede kang umalis."
"P-Pero kasi..."
Napaluhod ako sa harap n'ya nang bigla n'ya akong hilahin. Hawak ng isa kong kamay ang balikat n'ya samantalang mahigpit pa rin ang kapit n'ya sa pulso ko.
"You owed me big time. Hindi libre ang pagligtas ko sa'yo, miss."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.
Oh em gee! Katulad din ba s'ya ng mga palaka kanina? Katawan ko lang din ba ng habol n'ya?
Owkie. Warakin mo na ako.
Ack! Alagad ka ni Maria Clara, Tabitha! Huwag kang papadarang sa alindog n'ya!
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha n'ya at doon ko napansin ang pamumutla n'ya.
"A-Ayos ka lang ba?" tanong ko. Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi n'ya nang bigla na lang bumaksak ang ulo n'ya sa balikat ko. "P-Pogi? Anyare? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod kong tanong.
Dahan-dahan ko s'yang isinandal sa puno at chineck kung may lagnat s'ya o sugat. Nang ilapat ko ang palad ko sa noo n'ya ay normal naman ang temperatura n'ya pero napansin ko ang pamamawis ng noo at leeg n'ya.
"Oh ghad! Anong nangyayari sa kanya? Huwag ka munang made-deds pogi. Sayang ng genes mo!"
Aanakan mo pa ako!
Jusko Tabitha! Malala ka na!
Nahagip ng mga mata ko ang duguan n'yang hita kaya naman doon na ako nag-panic ng bongga. Nakapulupot doon ang damit n'ya na punong-puno na ng dugo. Ito siguro ang dahilan kung bakit s'ya namumutla at nanghihina.
"A-Anong gagawin ko?"
Kumalma ka muna, Tabitha! Think!
Wala akong alam sa medisina pero may alam ako ng kaunti sa pagiging albularyo. Future doctor quack-quack kaya 'to.
"D-Dito ka lang, pogi. Kukuha lang ako ng tubig panglinis sa sugat mo at mga halamang gamot."
Halos magkandarapa ako sa pagtakbo. Ayokong abutang patay na si pogi kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras.
Malapit na lang dito ang narra. May maliit na sapa 'ron na pwede kong pagkunan ng malinis na tubig. Pumitas na rin ako ng mga halamang gamot saka 'yon inilagay sa may bra ko, wala akong bulsa 'e.
Hindi ka pupweding madedo, pogi! Wait for me, bebe ko!
I will save you, pogito! Hindi ka pa pweding kunin ni kamatayan. Kailangan mo munang ikalat ang lahi mo dahil endager na ang mga katulad mo. Kung hindi ka para sa akin, malay mo, anak mo na pala ang ka-meant to be ko.
Hingal na hingal ako pagbalik ko sa kinaroroonan ni pogito. Dali-dali akong lumapit sa kanya saka ko s'ya inalalayang makahiga. Pinunit ko ang laylyan ng suot kong t-shirt saka ko pinunasan ang noo at leeg n'ya.
Mamaya ko na hahawakan ang abs n'ya.
Nanginginig ang mga kamay ko nang tanggalin ko ang nakapulupot na tela sa hita n'ya. Sinimulan kong linisan ang sugat n’ya at lagyan ito ng halamang gamot. Matapos ang ilang minutong paggagamot sa kanya ay nagawa kong iligas s'ya kay kamatayan.
"In your face, reaper!"
Nakita ko ang pag-relax ng mukha ni pogi habang mahimbing na natutulog.
Bago ako umalis ay inayos ko muna ang pwesto n'ya. Pinag-cross ko ang braso n'ya sa dibdib n'ya matapos kong palibutan ng mga bato ang gilid n'ya. Hehehe.
Wala na akong oras para hanapan s'ya ng mga flowers kaya bato na lang ang ipinalibot ko sa kanya. Pinatungan ko rin s'yang dahon ng saging para hindi s'ya lamigin.
"Ayan!" I exclaimed while clapping my hands. "Bye muna, pogi."
Aalis na sana ako nang maalala ko ang abs n'ya. Baka hindi ko na s'ya makita bukas kaya naman lumapit ako sa kanya at pasimpling pinindot isa'isa ang walo n'yang pandesal.
"Sheyt."
***
"BA'T ngayon ka lang? Saan ka na naman naglayas?" Mataray na tanong sa akin ni Margo a.k.a Magot, anak ni mama Delilah.
"D'yan lang sa farm ko," sagot ko na ikinangiwi n'ya.
"Feelingera ka talaga! E hindi naman 'yon sa'yo! Nang-angkin ka lang ng lupa."
Atleast napakinabangan ang lupa!
"Hehehe. Farm ko 'yon kasi nandoon ang mga tanim kong mga kamote."
"Ewan ko sa'yo, Tabs. Kumain ka naman siguro ng lupang polluted."
"Hoy! Grabe s'ya! Pataba ang kinain ko kaya brainy ako."
"Ano na naman ang pinagtatalunan n'yong dalawa d'yan?" tanong ni mama Delilah na kakalabas lang sa kusina bitbit ang platong may pritong galunggong.
"Aba mama! May pa-galunggong ka ah! Malakas ba kita sa palengke?" tanong ko kay mama.
"Oo anak."
"Syempre, ako kasi nagbantay." Proud na saad ni Magot sabay flip ng hair n'ya.
"Stop flipping your hair! Baka lumipad kuto mo sa pagkain!" suway ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.
"Wala akong kuto!"
"Akala mo lang wala! Pero meron! Meron!" Ma-dramang sigaw ko sa kanya.
"Aba–" Hindi na naituloy ni Magot ang dapat na sasabihin n'ya ng pumasok sa loob si papa Roman at Dorothy a.k.a Dori.
"Papa!" Lumapit si Magot sa ama n'ya saka s'ya nag-bless sa kamay nito. Lumapit rin ako kay papa Roman pero katulad ng parati n'yang ginagawa ay sinamaan n'ya lang ako ng tingin kaya naman umatras ako at itinago ang kamay ko sa likuran ko. "Labhan mo. Kailangan ko 'yan bukas," utos n'ya sa akin.
"Hmp. Sampid." Narinig kong bulong ni Dori.
Lumabas ako sa bahay at nagtungo sa poso para labhan ang jacket ni papa Roman. Tahimik lang ako habang naglalaba ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama Delilah.
"Kumain ka muna, anak. Dinalhan na kita ng pagkain."
"Salamat, mama."
"Pagpasensyahan mo na ang papa Roman mo. Pagod lang siguro 'yon sa trabaho."
"A-Ayos lang po. Sanay na po ako," sagot ko na nagpalamlam ng mga mata ni mama Delilah.
Simula ng manirahan ako sa bahay nila noong sampung taong gulang palang ako ay malamig na talaga ang pakikitungo sa akin ni papa Roman. Ilang beses ko silang naririnig ni mama Delilah na nag-aaway nang dahil sa akin.
Ayaw ni papa Roman na sumasabay ako sa kanila sa pagkain dahil naaalibadbaran daw s'ya sa pagmumukha ko kaya simula nun ay mag-isa na akong kumakain.
Wala namang problema 'yon sa akin dahil totoo namang sampid lang ako sa pamilya nila. Si mama Delilah lang ata ang kakampi ko sa bahay samantalang si papa Roman naman at Dori ang magkakampi sa pagda-down sa akin. Si Magot, mabait naman s'ya sa likod ng kasungitan n'ya pero kahit ganun ang turing nila sa akin ay mahal na mahal ko pa rin sila.
Sila na ang pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.
"Oh? Saan ka na naman maglalakwatsya?" Mataray na tanong sa akin ni Magot. Abala si Dori sa pagkukuto sa kanya samantalang s'ya naman ang taga-tiris. Teamwork!"Sa kalupaan ko.""Feeling ka talaga kahit kelan 'e hindi naman 'yon sa'yo. Nang-angkin ka lang!" Inirapan ako ni Dori pero pinakyuhan ko naman s'ya mentally. "Sa bundok ka lang naman pala pupunta 'e bakit naka-dress ka pa?""Syempre. Malay mo may makasalubong akong gwapo sa daan.""At bakit suot mo ang heels ko? T*ngina! Aakyat ka ng bundok ng naka-high heels? Hubarin mo nga 'yan! Kapag 'yan nasira, hindi ka na makakahiram sa akin ng mga damit at sapatos." Pagbabanta sa akin ni Magot kaya napanguso ako."Bakit ba kasi pinapahiram mo 'yang sampid na 'yan ng mga damit mo, Margo? Paano kung magka-putok ka?"Kahit naman puro pagsusungit lang ang alam gawin sa akin ni Magot ay hindi naman s'ya sa akin madamot hindi katulad ni Dori na super damot, may anghit naman."Oyy! Grabe s'ya! Wala naman akong putok!"Ikaw 'yong meron - sigaw
"Hindi tayo cheap pagdating sa lalaki, Barbie. May taste tayo! Ligwak sila for me.""May mga itsura naman ah. May breed lang sila ng human and tadpoles pero magtitiyagaan na." Humagikgik s'ya sabay hampas sa balikat ko. Muntik na akong matumba kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin. "Sareh! Tama ka, sis. Pang high class na fafaballs ang target natin at hindi cheapsteak. ""Tara na nga.""Saan next raket mo?" tanong sa akin Barbie."Sa karenderya ni Aling Loleng.""Sige, baks. Text mo na lang ako kapag may pogi kang customer.""Tss. Same faces everyday ang mga kumakain sa karenderya ni Aling Loleng tsaka bihira ang mga dayo. Text kita kapag nakita ko na lang si Goku mo."Ngumiwi si Basilyo kaya naman napahagalpak ako ng tawa. Si Goku ang inaasar kong boylet sa kanya. Sabungero 'yon at mortal enemy ni bakla. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, 'Opposite do attract,' kaya ayon, naka-ship sila sa akin though hindi ko naman talaga gusto ang lalaking 'yon for him. Pang asar lang talaga."Busa
"Pogito!" I chimed when I saw him. Hindi ko s'ya nakita kahapon dahil busy ako sa mga raket ko kaya naman masayang-masaya ako ngayon na makita ang kagwapuhan n'ya. Nakaka-inspired. Ako ang nangangailangan ng sugar daddy pero pagdating sa kanya ay willing akong maging mama de asukal n'ya. "Are you nuts? Why the hell re you here?!" Iritable n'yang sigaw sa akin habang mahigpit ang hawak sa bewang ko at inaalalayan ako. Muntik na kasi akong tangayin ng ilog habang tumatawid ako pero mabuti na lang ay nakita n'ya ako kaagad. Basang-basa na s'ya at ganun din ako kahit may suot naman akong kapote. Malakas na kasi ang bagsak ng ulan dahil sa bagyo. "Tara na! Mamaya mo na ako sigawan. May alam akong pwede nating silungan." Naramdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin. Ilang beses akong muntik nang madulas dahil sa basa at madulas na lupa pero nakaabang si Sage sa likuran ko para alalayan ako. Kenekeleg aketch! "Tada! Welcome, sa aking secret hideout!" Isa itong mini cave na nakatago sa ma
Hmm. Bango-bango!Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa yakap kong unan dahil sa nag-uumapaw na bango nito. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko pa naman nalalabhan ang unan kong babad na sa natuyo kong laway pero bakit ganito? Bakit nakakatakam ang bango?Mas lalo bang bumabango ang panis na laway kapag tumatagal?Kung oo ay aba! Never na akong magpapalit ng punda at never ever ko na rin lalabhan ang unan ko!Hmm. Chalap-chalap.Sininghot-singhot at hinalik-halikan ko ang unan ko dahil feeling ko yakap ko na rin ang boyfriend ko.“The heck! Woman!”Mabilis akong napabalikwas ng marinig ang malakas na sigaw na iyon ng lalaki. Wala sa sariling binatukan ko ang sarili ko para ibalik sa katinuan ang inaantok ko pang kaluluwa.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang katabi ko si pogito na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Nang bumangon s’ya at naupo sa tabi ko ay kaagad na tumama sa pisngi n’ya ang palad ko.Mas malutong pa ata sa chicharon ang tunog ng sapak ko sa kanya.“Manyak ka! Anong gi
“How long? How long mo na akong nilolokong traydor ka? Hmp,” tanong ni Barbie habang masama pa rin ang tingin sa akin. Nakita ko ang pasimple n’yang paghaplos sa braso ni Sage kaya naman pumagitna ako sa kanilang dalawa. “Huh!” ingos n’ya sabay irap sa akin.“Beshy kong pak na pak sa ganda. ‘Wag ka na tampo, hmm? Mas lalo ka kasing gumagwapo sa paningin!” Paglalambing ko kay Barbie na mas lalo n’yang ikinabusangot. “Hindi pala gwapo, ganda pala. Ganda-ganda mo talaga! Para kang doll…chakadoll.”“Heh!”Niyakap ko ang braso n’ya saka ‘yon niyugyog.“Hindi naman kita trinaydor noh! Lalandi pa rin tayo toge―”Mabilis akong napahiwalay kay Barbie nang may humapit sa bewang ko. Nang lingunin ko kung sino ‘yon ay walang iba kundi si pogito.“I’m hungry, woman.” Mariin n’yang saad.“Come here, pogi! Ako ang magpapakain sa’yo dahil wala namang pera ‘yan si Tabitha. Hindi ka n’yan mabubuhay. Anong gusto mong fodams? Bibingka ko?” Malanding pahayag ni Barbie kaya naman binatukan ko ang siraulong
Naningkit ang mga mata ko ng makita si Ginny at Dori na kinakausap si Sage. Kitang-kita ko kung paano malanding haplusin ni Ginny ang braso n’ya habang maarte itong tumatawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ng impakta. Nagmumukha s’yang tanga dahil hindi naman bumubuka ang bibig ni Sage.Ang sarap suntukin sa ngala-ngala ni Ginny. Nanggigigil ako!Sinabi ko kay Sage kahapon na huwag na s’yang pupunta rito sa palengke pero heto s’ya’t agaw pansin sa lahat ng mga kababaihan.Alam kong wala akong karapatan para pagbawalan s’ya sa mga gusto n’yang gawin pero concern lang naman kasi ako sa kanya. Paano kung makita s’ya ng mga taong humahabol sa kanya rito? Edi dedu s’ya?Bahala nga s’ya sa buhay n’ya!May tumawag kay Sage na lalaki kaya kaagad n’yang tinalikuran ang dalawang chanak. Nakita ko kung paano mag-flex ang biceps n’ya nang buhatin n’ya ang isang sako ng bigas. Parang lahat ng mga kababaihan sa paligid n’ya ay natigil sa ginagawa nila dahil sa panunood sa kanya.Pogi
“Ilang araw ko ng na no-notice na palagi mong iniiwasan si daddy Sage? Pabebe yurn?”“Shut up!”“I-chika na ‘yan!” Binangga ni Basilyo ang balikat ko kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin bago umayos ng tayo.“Napagtanto ko lang na masyado pala akong maganda at perfect para sa kanya. I think, he deserves better even though wala nang mas bi-better pa sa akin,” pahayag ko dahilan para makatanggap ako ng malakas na batok mula sa kanya.“Pasalamat ka kaibigan kita dahil kung hindi, mukha mo ang binatukan ko imbis na ‘yang batok mo,” banta n’ya. “Pero seryoso nga, anong nangyari after n’yang malaman na nage-emote ka sa eskinita?”Anong nangyari?Naglaplapan lang naman kami. Ako ang unang nag-initiate na halikan s’ya kaya naman hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili kong ginawa ko ‘yon para iligtas si Sage sa mga taong humahabol sa kanya ay hindi pa rin ‘yon sapat para mabawasan ang kahihiyang nararamdaman ko.“Ikaw ang nagsabi sa kanyang nandoon ako sa es
“Iyan ang napapala ng mga pabebe! Main goal, magpahabol pero ang resulta hindi naman hinabol. Okay kayo ‘e. Nakita ko ang chemistry n’yong dalawa pero dahil sa kaartehan mo ay napunta s’ya sa iba,” litanya ni Barbie mong Basilyo.“Hindi naman ako nagpapahabol ‘e.” Nakanguso kong depensa. “Nagpabebe lang naman ako.”“Ganun din ‘yon, gaga!” Singhal n’ya pa. “Kapag ‘yon namarkahan na ni Mosa, wala na, finish na. Babye ka na kay Pogito mo.”Napasabunot ako ng bongga sa sarili kong buhok. Ayan, Tabitha! Mag-inarte ka pa!“Hindi ko hahayaan mangyari ‘yon!” Malakas na loob na saad ko.“Tama ‘yan, gurl! Pinalaki lang kitang malandi pero hindi duwag! Miyembro tayo ng samahang Maria Clara at Gabriela kaya walang bibitaw kay daddy Sage!”“T*ngina n’yo naman. Dito pa talaga kayo sa eskinita nagpaplano ng kasamaan n’yo.”Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Basilyo kay Magot. Naka-squat kasi kami na parang tumatae sa kasulok-sulukan ng eskinita. Nakapamewang ito sa amin habang naka-angat ang isang
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Nagtungo ako sa parking lot para hanapin si Evan. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad kong nakita ang sasakyan n’ya pero bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan n’ya ay may malakas ng kamay ang bigla na lang humila sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahang pagkaladkad n’ya sa akin.“Sage, ano ba! Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. “Nasasaktan ako!”Napadaing ako nang bigla n’ya akong itulak. Tumama ang likuran ko sa isang itim na kotse at laking gulat ko nang bigla n’ya na lang akong marahas na halikan.Anak ka ng!Pinilit kong ilayo s’ya sa akin pero masyado s’yang malakas para magawa ko iyon. Napadaing ulit ako nang bigla n’yang kagatin ang ibabang labi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa sugat na ginawa n’ya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak.This is harassment!Napahikbi ako hindi lang dahil sa ginawa n’yang pananakit sa akin kundi pati na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.Sumalubon
“Order anything you want, hija. Ako na ang bahalang magbayad,” nakangiting pahayag ni Tita Mayumi. Tipid akong ngumiti sa kanya bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.How did I end up here again?Paalis na ako sa trabaho nang makita ko ang paglabas ni Sage sa elevator. Nag-panic ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na may plastic na halaman. Nagawa kong s’yang takasan pero nanay n’ya naman ang kumorner sa akin and that’s when she invited me for dinner and who I am to refuse?Nakita ko pa ang masamang tinging ipinukol sa akin ni Ms. Hera kanina nang masaksihan n’ya ang pagbeso sa akin ng asawa ng boss n’ya at doon pa lang ay alam ko nang inggit na naman s’ya sa beauty ko.I shouldn’t get close to Tita Mayumi. Hindi tama ‘to lalo na’t paghihiganti sa pamilya nila ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon. Mabilis akong ma-attached at iyon ang hindi ko dapat maramdaman sa mga taong naging dahilan ng pagiging ulilang lubos ko.This will be th
“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.Bahala na talaga si Batman.Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.Para
“Kill Sage Magnus. Kung kailangan mo s’yang akitin bago mo itarak sa puso n’ya ang kutsilyo mo o ‘di naman kaya ibaon sa sintido n’ya ang bala ng baril mo ay gawin mo. I will give you a month or maybe 2 to kill him, if you’re too coward, I have no other choice but to do it myself.”Tinatakot n’ya lang ako. Sigurado akong hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon. Tama! Akala n’ya siguro ay madadala n’ya ako sa pananakot n’ya.Pero paano nga kung totohanin n’ya?Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Winakli ko ang takot sa isipin bago marahas na bumuga ng hangin. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi ay masasayang ang lahat ng mga pinaghandaan ko para sa pagpasok ko sa kompanyang ito.“Fighting! Just stick to your plan, Tabitha,” bulong ko sa sarili ko.“Ginagawa mo?”“Ay butiking baog!” tili ko nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Seul. “Ano ba! Bakit ba ang hilig mong manggulat!” Reklamo ko sa kanya na ikinatawa n’ya. Hahampasin ko na sana s’ya nang mabilis s’yang naka
Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
“Sayaw Dora, sayaw Dora. Ipakita mo ang iyong galing! Kendeng bebeng bulol!” Pa-kantang saad ko habang pinapalakpakan si Ariella. Kanina pa s’ya todo sayaw nang i-play ko ang paborito n’yang nursery rhyme pero nang sabayan ko ito ng sarili kong lyrics version ay napangiwi ito at napatigil sa pagsayaw.“No no!” Maktol ni Ariella saka s’ya padabog na sumalampak sa sahig. Lihim akong natawa dahil sa ka-cute-an n’ya. Kaya gustong-gusto kong iniinis s’ya dahil ang cute-cute n’ya.Hahaha! Ang bad ko.“Bakit?” natatawang tanong ko sa kanya.“Aaway mo kow. ‘Di akow, Dora. Ayella akow. Ayella name kow.” Humalukipkip s’ya habang nakausli ang mapupula n’yang nguso.Natawa rin si Nanay Inday ng makita ang inasal ni Ariella. Napahinto s’ya sa nagtutupi ng mga damit at sinabayan ako sa pagtawa.Kapag tinatawag s’yang Dora ayaw n’ya pero kapag bulol ay okay lang sa kanya.“Ikaw talaga, Tabitha. Iniinis mo na naman ang bata.” Napapailing na lang na pahayag ni Nanay Inday.“Bad sissy! Bad naynay!” sig