Hmm. Bango-bango!
Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa yakap kong unan dahil sa nag-uumapaw na bango nito. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko pa naman nalalabhan ang unan kong babad na sa natuyo kong laway pero bakit ganito? Bakit nakakatakam ang bango?
Mas lalo bang bumabango ang panis na laway kapag tumatagal?
Kung oo ay aba! Never na akong magpapalit ng punda at never ever ko na rin lalabhan ang unan ko!
Hmm. Chalap-chalap.
Sininghot-singhot at hinalik-halikan ko ang unan ko dahil feeling ko yakap ko na rin ang boyfriend ko.
“The heck! Woman!”
Mabilis akong napabalikwas ng marinig ang malakas na sigaw na iyon ng lalaki. Wala sa sariling binatukan ko ang sarili ko para ibalik sa katinuan ang inaantok ko pang kaluluwa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang katabi ko si pogito na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Nang bumangon s’ya at naupo sa tabi ko ay kaagad na tumama sa pisngi n’ya ang palad ko.
Mas malutong pa ata sa chicharon ang tunog ng sapak ko sa kanya.
“Manyak ka! Anong ginawa mo sa akin?!” I screamed while embracing myself.
Nagsalubong ang perpekto n’yang mga kilay kaya naman napa-isip din ako bigla.
Ay pucha!
I forgot. Hindi nga pala ako nagpa-virgin sa kanya kagabi ng sabihin n’yang need n’ya ang body heat ko. Hindi ako nag-second emotion kagabi pero pa-victim naman ang peg ko ngayon.
Hmp! Nakakahiya ka, Tabitha!
Pasundo ka na kay Lucifer!
Kasing kapal ng feslak mo ang kalyo mo!
“He-he. P-Peace?” Alanganin akong ngumiti kay Sage.
Sana all fresh kaagad sa umaga.
“Ako pa talaga ang manyak ‘e ikaw ‘tong nang molestya sa akin.”
“Grabe ka naman maka-molestya!”
Gusto ko s’yang sapakin ulit pero hindi na sa mukha. Huwag ang fes. Sayang ang fes!
“Are you aware of what you had done to me?” tanong n’ya kaya umiling ako.
“Ang likot ko bang matulog? Sorry naman!"
"Hindi ka lang malikot! Para ka ring aso na sumisinghot sa leeg ko tapos may padila-dila pa. Mabuti na lang nagising kaagad ako dahil baka nauwi sa―”
“Heh! Ang arte mo!” singhal ko sa kanya kahit deep inside ay hiyang-hiya na ako. “Pabebe ka pa ‘e for sure naman nag-enjoy kang kayakap ako!”
Arrgghh! Sh*t ka! Tabitha!
Isa kang kahihiyan sa kampo ni Maria Clara!
“W-What?”
“What?” I mimicked him. “Huwag nga ako pogito! Pasalamat ka nga dahil diyosa ng Barangay Datung Ermita ang kayakap mo kagabi. Alam mo bang mahaba ang pila maligawan lang ang isang katulad ko?” puno ng pagmamalaking pahayag ko.
Ngumiwi s’ya na para bang diring-diri sa sinabi ko.
Walangya naman! Bulag ba s’ya para hindi n’ya makita ang nag-uumapaw kong beauty?
“Conceited.” Narinig kong bulong nya kaya pinanliitan ko s’ya ng mata.
Padabog akong tumayo saka s’ya inirapan. Hmp!
“Lakas ng loob umirap may muta naman.”
Mukhang wala nang sinat ang g*go! Lakas na kasi makapanira ng mood.
“Che!” Pasimple kong inalis ang morning glory ko bago sumilip sa labas. Siguro ay mag-aalas syete palang ng umaga. Umaambon pa pero carry na ‘yan. I should go home baka nag-aalala na sa akin si mama Delilah.
Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni pogito.
“Bakit? Gusto mo ng goodbye kiss?”
“Saka na kapag hindi na amoy imburnal ‘yang bibig mo.”
Hindi ko akalaing magaling din pala mambara ang lalaking ‘to. Dahil ba magaling na ang sugat n’ya kaya nasa mood na s’yang dumada? Dati naman ay behave lang s’ya pero ngayon ay parang sinapian na ng sampung demonyo ang bibig n’ya.
Napapadyak ako ng parang bata dahil sa inis lalo na ng itapon n’ya sa akin ang kapute ko.
“Bahala ka rito magutom! Hindi na kita dadalhan ng pagkain!” sigaw ko bago ako kumaripas ng takbo.
***
“KAHIT kelan talaga ay wala ka ng ginawa kundi ang magdala ng problema sa pamamahay na ‘to!” bulyaw sa akin ni papa Roman.
“Roman!” suway sa kanya ni mama Delilah.
Nanubig ang mga mata ko nang malakas na tumama sa mukha ko ang mabigat n’yang palad.
“Alam mo bang hindi nakatulog si Delilah dahil sa pag-aalala sa’yo? Paano kung inatake na naman ang asawa ko sa puso? May pera ka bang maipangtutustos sa pagpapa-hospital sa kanya, huh?! P*tangina ka! Sampid ka lang dito kaya ayos-ayusin mo ‘yang pag-uugali mo!” sigaw ni papa kaya naman tuluyan na akong napahikbi.
“T-Tama na Ramon!”
Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni papa. Hindi ako nagagalit, alam kong nag-aalala lang s’ya sa lagay ni mama kaya n’ya nagawang saktan ako.
Ang tanga-tanga ko para kalimutan ang sakit ni mama. Pinag-alala ko si mama kaya deserve ko ang sampal na iyon ni papa sa akin. Mas inuna ko pa ang kapakanan ng ibang tao kesa sa kapakanan ng sarili kong ina.
“S-Sorry p-po…” Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang panginginig nito.
“Sa susunod na magbigay ka ulit ng problema sa amin ay papalayasin na talaga kita rito sa pamamahay ko! Sawang-sawa na ako sa perwisyong dala mo sa pamilya ko!”
Nang makaalis si papa Roman ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni mama Delillah.
“S-Sorry mama. Sorry po. Hindi na po talaga mauulit.”
“Sshh! P-Pagpasensyahan mo na ang papa Roman mo. H-Hindi n’ya gustong saktan ka.”
Tanggap ko naman na ayaw talaga sa akin ni papa Roman dahil bukod sa sampid lang ako sa pamilya n’ya ay ako rin ang naging dahilan kung bakit nalaglag ang batang nasa sinapupunan noon ni mama
Katulad ko ay nasaksihan rin ni mama Delilah ang pagkamatay ng mga magulang ko. Naging bangungot ‘yon para sa aming dalawa. Kung nagagawa kong itago ang trauma ko ay kabaliktaran nun si mama.
Takot na takot si mama Delilah noon. Isang beses ay narinig ko sila ni papa Roman na nag-uusap. Nangangamba si mama na matunton ang pamilya n’ya at patayin katulad ng nangyari sa mga magulang ko. Masyado pa akong bata para maintindihan ang mga kaganapan sa buhay ko pero nang magka-isip ako ay doon ko na napagtantong hindi aksidente ang pagkamatay nina mommy at daddy.
Gusto kong tanungin si mama Delilah kung may alam s’ya sa kung sino ang pumatay sa mga magulang ko pero natatakot akong ma-trigger ko ang trauma n’ya.
“Naiintindihan ko po si papa.” Tipid akong ngumiti kay mama saka s’ya muling niyakap. “Sorry ulit mama. Pinag-alala na naman kita.”
“Normal lang sa isang magulang na mag-alala sa anak n’ya.”
Matapos ang iyakan ay kasunod nun ang masayang kwentuhan naming dalawa ni mama habang nag-aagahan kami. Apektado pa rin ako sa mga binitawang salita ni papa Roman pero hindi ko ‘yon ipinahalata kay mama Delilah.
Pagpasok ko sa kwarto ay doon na muling bumuhos ang mga luha ko.
“Malandi ka kasi!” Kastigo ko sa sarili ko. Nahiga ako sa banig saka niyakap ang mapanghi kong unan dahil sa natuyo kong laway.
Panira naman ng moment ang amoy nito!
“Hoy Tabitha!” sigaw ni Magot na bigla na lang pumasok sa munti kong kwarto. “Pahiram ng suklay! Bungi na ‘tong akin oh!”
“Luh! Ayoko! Mahawaan mo pa ako ng kuto mo!”
“Nung pinahiram ba kita ng mga dress ko nagreklamo ba ako na baka mahawaan mo ako ng putok mo?! Letse ka!” singhal sa akin ni Magot.
“Wala akong putok noh! Si Dori lang meron!” depensa ko.
“Peste kayo! Dinamay n’yo na naman ang pangalan ko!” Narinig kong sigaw ni Dori sa labas.
Mga istorbo naman ‘to! Nagse-sente pa nga ako rito ‘e!
“Piram na kasi ng suklay!"
“Ayon kunin mo…” Turo ko sa kanya. “...saksak mo sa lalamunan mo.”
“Anong sabi mo?!”
“Sabi ko, I love you, sis! Mwah!” Nanginig ang balikat n’ya na para bang diring-diri sa sinabi ko. Arte! Kutuhin naman!
***
SARADO ngayon ang karenderya ni Aling Loleng kaya naman pumunta akong palengke para maghanap ng ibang sideline.
“Good morning, Mang Buknoy!” Magiliw kong bati sa kanya.
“Magandang umaga rin sa’yo ganda! Bakit ngayon ka na lang ulit napadaan dito, hah?” tanong n’ya.
“Hehe. May ibang raket po kasi ako nitong mga nakaraang araw. Kailangan n’yo po ba ng taga-kaliskis ng isda o taga-linis ng pusit? Available po ang ganda ko ngayon.”
Tumawa si Mang Buknoy. Hindi ko alam kung mao-offend ako o sasabayan ang tawa n’ya. Hindi naman kasi joke ang beauty ko noh! Conceited na kung conceited pero true naman kasing ako lang ang ipinagpalang maganda sa barangay na ‘to.
“Tamang-tama. Maraming huli ngayon na pusit kaya kailangan ko ng mga taga-linis.”
“Yun oh! Salamat, Mang Buknoy! Hulog ka talaga ng mga shokoy! Charr lang!”
“Ikaw talagang bata ka. Oh s’ya! Pumwesto ka na ‘ron at mag-trabaho.”
“Tabitha!” tawag sa akin ni Guko. “Swerte ko naman at nasilayan ko ang ganda mo. Nawala tuloy bigla pagod ko,” pahayag nito pero mabilis na nalipat ang tingin ko sa katabi n’yang babae dahil sa pag-ingos nito.
Si Ginny. Bestfriend ni Dori na may crush kay Mario Jose na naiinggit sa akin.
“Oh, nandito pala ang reyna ng mga posit,” pahayag ko.
“Anong sinabi mo? Kung isampal ko kaya ‘tong pusit sa mukha mo,” pagbabanta n’ya na nagpa-ikot ng mga mata ko.
“Ikaw naman, jino-joke lang kita! Hahaha. Masyado ka namang affected, gurl!” Tawa ko pero mas lalo lang sumama ang tingin n’ya sa akin.
“Nagjo-joke lang naman pala si ganda ‘e! Masyado kang seryoso, Ginny!”
“Shut up, Goku! Ikaw nga mukha kang manok na pangsabong!”
Sumama ang timpla ng mukha ni Goku kaya lihim akong napatawa.
"Bawiin mo ‘yon!”
"Oh, bakit masyado ka ring seryoso? Jino-joke lang naman kita,” singhal sa kanya ni Ginny.
Habang abala sa pagtatalo ang dalawa sa tabi ko ay sinimulan ko na ang paglilinis sa mga pusit.
Sanay na ako sa gan’tong trabaho. Gustuhin ko man na makahanap ng maganda at maayos na trabaho ay hindi sapat ang pinag-aralan ko para makapag-apply sa malalaking kompanya. Isa pa, ayoko rin na mapalayo ako sa pamilya ko. Minsan na akong nawalan ng mga magulang ay ayokong mangyari ‘yon ulit.
***
“SALAMAT po, Mang Buknoy!” pahayag ko ng iabot n’ya sa akin ang sahod ko ngayong araw na ‘to. Naka-ilang planggana rin ako ng pusit kaya naman tuwang-tuwa rin sa trabaho ko si Mang Buknoy.
“Magkano nakuha mo?” Mataray na tanong sa akin ni Ginny habang sinisilip ang kamay kong may hawak na pera.
“150.”
“Tsk. Bakit 85 pesos lang sa akin?”
“Malay ko.” Aalis na sana ako nang magpantig ang tenga ko sa sunod n’yang sinabi.
“Baka naman kasi trinabaho mo rin si Mang Buknoy. Eww."
“Come again?” tanong ko nang muli ko s’yang lingunin.
“Doon ka naman talaga magaling, diba? Ang lumandi para mahuthutan ng pera ang mga lalaking alam mong may gusto sa’yo?”
Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ‘yong pinagbibintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. Malinis ang konsensya at hangarin ko sa trabaho.
Kahit naman malandi ang inner self ko ay hindi ko naman ginagamit ang katawan ko para makakuha ng pera sa ibang tao. Oo nga’t maraming lalaki ang nag-aalok sa akin pero kahit isa sa kanila ay wala akong in-entertain.
“Huwag mo masyadong ipahalata ang pagkainggit mo sa akin, gurl dahil mas lalo ka lang nagmumukhang talunan. Here’s an advice, kung gusto mong malamangan ang ganda ko ay linisin mo muna ‘yang matiim mong budhi katulad ng ginagawa mong paglinis sa mga kauri mong pusit.”
Nag-walk out ako sabay flip ng hair ko. Sumabit pa ang daliri ko sa mga sabit-sabit kong buhok pero keri lang.
Narinig ko ang pagtili ni Ginny sa inis kaya napangisi ako. Tabs for the win!
“Gigiling ka lang pogi sa tabi ko habang ako naman ang magbebenta ng kalamansi. Dali na! Diba sabi mo gusto mo ng trabaho?” Narinig ko ang boses ni Basilyo kaya naman hinanap ko s’ya.
“I didn’t say that.”
“Ehehe! Pogi-pogi mo talaga.” Hagikgik ni Basilyo.
Nanliit ang mga mata ko nang makita kung sino ang kausap n’ya.
What the! Si pogito?! Anong ginagawa n’ya rito sa palengke?!
Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata ng mga taong nakapaligid kay Sage lalo ng mga babaing akala mo naman ay single pa. ‘Yong iba nga ay menopause na pero nagagawa pa rin magpa-cute sa kanya.
Noo! He’s for my eyes only!
“Sage!” Mabilis na nabaling ang tingin sa akin ni Sage. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay bigla na lang kumibot-kibot ang malandi kong puso.
“A-Anong ginagawa mo rito?”
“I’m looking for you. I’m hungry.”
Tss. Akala ko pa naman na-miss n’ya ako. Panira ng kilig ang lintik! Napa-facepalm ako pero kaagad ding nalipat ang atensyon ko kay Basilyo nang tumikhim s’ya sa harap ko.
“Basilyo!”
“Barbie nga kasi!” Maktol n’ya. “Kilala mo si pogi?”
“Ahm…p-parang ganun na nga.” Napakamot ako sa kilay ko.
“You liar! Akala ko ba bestfriend tayo na lalandi together pero bakit? Bakit mo ako binitray?” atunggal ni Basilyo.
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Kaya ayokong ilabas sa madla ang lalaking ‘to dahil gagawa lang ng komusyon ang kapogian n’ya!
“How long? How long mo na akong nilolokong traydor ka? Hmp,” tanong ni Barbie habang masama pa rin ang tingin sa akin. Nakita ko ang pasimple n’yang paghaplos sa braso ni Sage kaya naman pumagitna ako sa kanilang dalawa. “Huh!” ingos n’ya sabay irap sa akin.“Beshy kong pak na pak sa ganda. ‘Wag ka na tampo, hmm? Mas lalo ka kasing gumagwapo sa paningin!” Paglalambing ko kay Barbie na mas lalo n’yang ikinabusangot. “Hindi pala gwapo, ganda pala. Ganda-ganda mo talaga! Para kang doll…chakadoll.”“Heh!”Niyakap ko ang braso n’ya saka ‘yon niyugyog.“Hindi naman kita trinaydor noh! Lalandi pa rin tayo toge―”Mabilis akong napahiwalay kay Barbie nang may humapit sa bewang ko. Nang lingunin ko kung sino ‘yon ay walang iba kundi si pogito.“I’m hungry, woman.” Mariin n’yang saad.“Come here, pogi! Ako ang magpapakain sa’yo dahil wala namang pera ‘yan si Tabitha. Hindi ka n’yan mabubuhay. Anong gusto mong fodams? Bibingka ko?” Malanding pahayag ni Barbie kaya naman binatukan ko ang siraulong
Naningkit ang mga mata ko ng makita si Ginny at Dori na kinakausap si Sage. Kitang-kita ko kung paano malanding haplusin ni Ginny ang braso n’ya habang maarte itong tumatawa. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtawa ng impakta. Nagmumukha s’yang tanga dahil hindi naman bumubuka ang bibig ni Sage.Ang sarap suntukin sa ngala-ngala ni Ginny. Nanggigigil ako!Sinabi ko kay Sage kahapon na huwag na s’yang pupunta rito sa palengke pero heto s’ya’t agaw pansin sa lahat ng mga kababaihan.Alam kong wala akong karapatan para pagbawalan s’ya sa mga gusto n’yang gawin pero concern lang naman kasi ako sa kanya. Paano kung makita s’ya ng mga taong humahabol sa kanya rito? Edi dedu s’ya?Bahala nga s’ya sa buhay n’ya!May tumawag kay Sage na lalaki kaya kaagad n’yang tinalikuran ang dalawang chanak. Nakita ko kung paano mag-flex ang biceps n’ya nang buhatin n’ya ang isang sako ng bigas. Parang lahat ng mga kababaihan sa paligid n’ya ay natigil sa ginagawa nila dahil sa panunood sa kanya.Pogi
“Ilang araw ko ng na no-notice na palagi mong iniiwasan si daddy Sage? Pabebe yurn?”“Shut up!”“I-chika na ‘yan!” Binangga ni Basilyo ang balikat ko kaya naman sinamaan ko s’ya ng tingin bago umayos ng tayo.“Napagtanto ko lang na masyado pala akong maganda at perfect para sa kanya. I think, he deserves better even though wala nang mas bi-better pa sa akin,” pahayag ko dahilan para makatanggap ako ng malakas na batok mula sa kanya.“Pasalamat ka kaibigan kita dahil kung hindi, mukha mo ang binatukan ko imbis na ‘yang batok mo,” banta n’ya. “Pero seryoso nga, anong nangyari after n’yang malaman na nage-emote ka sa eskinita?”Anong nangyari?Naglaplapan lang naman kami. Ako ang unang nag-initiate na halikan s’ya kaya naman hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili kong ginawa ko ‘yon para iligtas si Sage sa mga taong humahabol sa kanya ay hindi pa rin ‘yon sapat para mabawasan ang kahihiyang nararamdaman ko.“Ikaw ang nagsabi sa kanyang nandoon ako sa es
“Iyan ang napapala ng mga pabebe! Main goal, magpahabol pero ang resulta hindi naman hinabol. Okay kayo ‘e. Nakita ko ang chemistry n’yong dalawa pero dahil sa kaartehan mo ay napunta s’ya sa iba,” litanya ni Barbie mong Basilyo.“Hindi naman ako nagpapahabol ‘e.” Nakanguso kong depensa. “Nagpabebe lang naman ako.”“Ganun din ‘yon, gaga!” Singhal n’ya pa. “Kapag ‘yon namarkahan na ni Mosa, wala na, finish na. Babye ka na kay Pogito mo.”Napasabunot ako ng bongga sa sarili kong buhok. Ayan, Tabitha! Mag-inarte ka pa!“Hindi ko hahayaan mangyari ‘yon!” Malakas na loob na saad ko.“Tama ‘yan, gurl! Pinalaki lang kitang malandi pero hindi duwag! Miyembro tayo ng samahang Maria Clara at Gabriela kaya walang bibitaw kay daddy Sage!”“T*ngina n’yo naman. Dito pa talaga kayo sa eskinita nagpaplano ng kasamaan n’yo.”Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Basilyo kay Magot. Naka-squat kasi kami na parang tumatae sa kasulok-sulukan ng eskinita. Nakapamewang ito sa amin habang naka-angat ang isang
“Ang tagal n’ya naman,” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa batuhan dito sa may ilog. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig at tahimik itong pinagmamasdan.Hinihintay ko kasi si Sage. Alam kong dito s’ya dadaaan sa ilog kaya naman dito ko s’ya napiling abangan. Hindi ko s’ya nagawang kausapin kanina. Bukod kasi sa lintik na babaing kasama n’ya ay talagang iniiwasan n’ya rin ako.Nasasaktan ako dahil sa cold treatment n’ya sa akin pero naisip kong kasalanan ko rin naman kung bakit s’ya ganun sa akin. I pushed him away at ngayong lumalayo na s’ya sa akin ay ako naman ‘tong naghahabol sa kanya.Marahas akong napabuntonghininga. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang unti-unti nitong pagdilim. Ang magagawa ko na lang ay ang humingi ng sorry sa kanya. Nagalit ako dahil sa mababaw na kadahilanan kaya kasalanan ko kung bakit lumamig ang treatment n’ya sa akin.“Hindi kaya sa bahay na s’ya ni Mosa tumutuloy ngayon?” tanong ko sa sarili ko saka ko yinakap ang dalawang binti ko.Sino
“Sage…Pogito?”Sinusubukan kong kunin ang atensyon n’ya pero nanatili s’yang walang pakialam sa akin.Okay naman kami kanina ah! Hinalikan n’ya pa nga ang noo ko bago n’ya harapin ang mga kalaban n’ya. He even checked if my hands are fine, kaya bakit bumalik na naman ang panlalamig n’ya sa akin?Pa-fall talaga! Tapos ako naman, laging nafa-fall!Wait, did I already fall?Tumakbo na ako para masabayan s’ya sa paglalakad. Palagi kasi akong nahuhuli dahil sa laki ng mga hakbang n’ya. Hindi ko alam kung sinasadya n’ya ‘yon para maisawan ako, noon naman kasi ay palagi n’ya akong sinasabayan sa paglalakad ko.Haist! Ang daming issue, Tabitha?“Sage, sorry na. Bati na tayo please? Hindi ko naman―”“You almost got hurt today because of me. Mas makakabuti kong lalayo ka na lang sa akin.”“Ayoko! Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy palayo sa’yo ay paulit-ulit din kitang kukulitin at lalapitan. Hindi lang ako muse sa baryong ‘to, ako rin ang Ms. Persistent ng Brgy. Datung Ermita, just so you kn
Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa noo at leeg ko pati na rin ang panginginig ng mga kamay ko.Same nightmare again. Hindi talaga ako tinitigilan ng mga alaala ng pagkamatay ng mga magulang ko. All this years, ay paulit-ulit nitong sinisira ang tulog ko.Ikinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig nito. Inayos ko ang pagkakahiga ko bago ipako sa kisame ang mga mata ko pero kaagad din na nalipat ang tingin ko kay Sage nang maalalang katabi ko s’ya ngayon.Tumagilid ako ng higa saka ko pinagmasdan ang maamo n’yang mukha. Kahit tulog s’ya ay mukha pa rin s’yang nagsusungit sa akin pero infairness, ang gwapo-gwapo n’ya pa rin.Gusto ko s’yang yakapin pero baka isipin n’yang minomolestya ko s’ya kahit yakap lang naman ang gusto ko.Managinip ka na lang ulit, Tabitha!Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ayaw n’yang kontakin ang pamilya n’ya. Kung tatawaga
“Galit ka?!” Pagkompronta ko kay Sage pagpasok ko sa bodegang kinaroroonan n’ya.Sinigurado ko talagang masosolo ko s’ya bago ko s’ya sugurin para makapag-usap kami ng matino ng walang iistorbo sa amin.Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sugurin at sigawan s’ya ngayon. Gulong-gulo na kasi talaga ako kung bakit s’ya pabago-bago ng mood kapag kaharap n’ya ako.Kagabi lang ay halos kainin na namin ang dila ng isa’t isa sa sobrang okay naming dalawa tapos ngayon ay bigla s’yang manlalamig sa akin?Bipolar ba s’ya?“Sage!” sigaw ko sa pangalan n’ya nang hindi n’ya ako lingunin. Napapadyak ako sa inis. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanya saka ko marahas na hinila ang braso n’ya para iharap s’ya sa akin.“Kanina pa kita kinakausap! Ano ba talagang problema mo, huh?” Nanggagalaiti kong asik habang masama ang tigin sa kanya.Mula sa pagiging seryoso n’ya ay bigla na lang gumuhit sa labi n’ya ang isang pilyong ngisi.“A-Anong nginingisi-ngisi m-mo r’yan?! Am I joke
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Nagtungo ako sa parking lot para hanapin si Evan. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad kong nakita ang sasakyan n’ya pero bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan n’ya ay may malakas ng kamay ang bigla na lang humila sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahang pagkaladkad n’ya sa akin.“Sage, ano ba! Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. “Nasasaktan ako!”Napadaing ako nang bigla n’ya akong itulak. Tumama ang likuran ko sa isang itim na kotse at laking gulat ko nang bigla n’ya na lang akong marahas na halikan.Anak ka ng!Pinilit kong ilayo s’ya sa akin pero masyado s’yang malakas para magawa ko iyon. Napadaing ulit ako nang bigla n’yang kagatin ang ibabang labi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa sugat na ginawa n’ya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak.This is harassment!Napahikbi ako hindi lang dahil sa ginawa n’yang pananakit sa akin kundi pati na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.Sumalubon
“Order anything you want, hija. Ako na ang bahalang magbayad,” nakangiting pahayag ni Tita Mayumi. Tipid akong ngumiti sa kanya bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.How did I end up here again?Paalis na ako sa trabaho nang makita ko ang paglabas ni Sage sa elevator. Nag-panic ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na may plastic na halaman. Nagawa kong s’yang takasan pero nanay n’ya naman ang kumorner sa akin and that’s when she invited me for dinner and who I am to refuse?Nakita ko pa ang masamang tinging ipinukol sa akin ni Ms. Hera kanina nang masaksihan n’ya ang pagbeso sa akin ng asawa ng boss n’ya at doon pa lang ay alam ko nang inggit na naman s’ya sa beauty ko.I shouldn’t get close to Tita Mayumi. Hindi tama ‘to lalo na’t paghihiganti sa pamilya nila ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon. Mabilis akong ma-attached at iyon ang hindi ko dapat maramdaman sa mga taong naging dahilan ng pagiging ulilang lubos ko.This will be th
“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.Bahala na talaga si Batman.Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.Para
“Kill Sage Magnus. Kung kailangan mo s’yang akitin bago mo itarak sa puso n’ya ang kutsilyo mo o ‘di naman kaya ibaon sa sintido n’ya ang bala ng baril mo ay gawin mo. I will give you a month or maybe 2 to kill him, if you’re too coward, I have no other choice but to do it myself.”Tinatakot n’ya lang ako. Sigurado akong hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon. Tama! Akala n’ya siguro ay madadala n’ya ako sa pananakot n’ya.Pero paano nga kung totohanin n’ya?Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Winakli ko ang takot sa isipin bago marahas na bumuga ng hangin. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi ay masasayang ang lahat ng mga pinaghandaan ko para sa pagpasok ko sa kompanyang ito.“Fighting! Just stick to your plan, Tabitha,” bulong ko sa sarili ko.“Ginagawa mo?”“Ay butiking baog!” tili ko nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Seul. “Ano ba! Bakit ba ang hilig mong manggulat!” Reklamo ko sa kanya na ikinatawa n’ya. Hahampasin ko na sana s’ya nang mabilis s’yang naka
Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
“Sayaw Dora, sayaw Dora. Ipakita mo ang iyong galing! Kendeng bebeng bulol!” Pa-kantang saad ko habang pinapalakpakan si Ariella. Kanina pa s’ya todo sayaw nang i-play ko ang paborito n’yang nursery rhyme pero nang sabayan ko ito ng sarili kong lyrics version ay napangiwi ito at napatigil sa pagsayaw.“No no!” Maktol ni Ariella saka s’ya padabog na sumalampak sa sahig. Lihim akong natawa dahil sa ka-cute-an n’ya. Kaya gustong-gusto kong iniinis s’ya dahil ang cute-cute n’ya.Hahaha! Ang bad ko.“Bakit?” natatawang tanong ko sa kanya.“Aaway mo kow. ‘Di akow, Dora. Ayella akow. Ayella name kow.” Humalukipkip s’ya habang nakausli ang mapupula n’yang nguso.Natawa rin si Nanay Inday ng makita ang inasal ni Ariella. Napahinto s’ya sa nagtutupi ng mga damit at sinabayan ako sa pagtawa.Kapag tinatawag s’yang Dora ayaw n’ya pero kapag bulol ay okay lang sa kanya.“Ikaw talaga, Tabitha. Iniinis mo na naman ang bata.” Napapailing na lang na pahayag ni Nanay Inday.“Bad sissy! Bad naynay!” sig