Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
"Koya…huwag pooo!" eskandalosa kong sigaw nang may bigla na lang sumulpot na lalaki out of nowhere habang naliligo ako sa ilog. Mabilis s'yang napalingon sa akin. Kung hindi ako sumigaw ay baka hindi n'ya mapapansin na may diyosang nag-aala mermaid sa mabatong ilog.Kumunot ang noo n'ya sa akin. Bumagsak ang panga ko nang makita ang kabuoan ng mukha n'ya paglingon n'ya sa gawi ko. Jusmeyo marimar! Mapapasigaw ka na lang talaga ng 'warakin mo ako' dahil sa taglay n'yang kagwapuhan at kakisigan. Tirik na tirik pa ang araw kaya naman sureball akong hindi katulad ni Mario Jose, na manliligaw ko ang mukha at tindig n'ya. Siguro ay 1000x na paligo ang lamang n’ya kay Mario Jose. Oh shet! Warakin mo ako! Chariz lang! Kasing hinhin dapat tayo ni Maria Clara. Dalagang pilipina yurn? "Damn it!" Narinig kong mura ni pogito. Mabilis s'yang napalingon sa likuran n'ya bago muling bumaling sa akin pero kaagad n'ya rin akong iniwasan ng tingin. Ehh? Tumawid s'ya sa ilog hanggang sa makarating
"D-Daddy, you're driving to fast." Humigpit ang yakap ko sa teddybear ko dahil sa matinding takot. "I-I'm scared, d-daddy. Slow down, please." Pakiusap ko sa kanya pero imbis na pabaglin ang takbo ng kotse ay mas lalo pa n’ya itong binilisan.Lumingon sa akin si mommy na nasa passenger seat saka n'ya inabot ang kamay ko."Don't be scared, princess. Mommy's here.""B-But mommy..." I'm on the verge of crying but because of my mother's warm hands, my fear slowly fades away. She sang my favorite song and I sing along with her.Napansin ko ang panaka-nakang pagsulyap ni daddy sa rear view mirror pero hindi s'ya sa akin tumitingin kundi sa labas ng bintanang nasa likuran ko. Lumingon ako sa bintana pero wala naman akong nakitang kakaiba.Walang mga sasakyan sa likuran at unahan namin, tanging kami lang."Mommy, saan tayo pupunta? Lilipat na naman po ba tayo ng house?""Y-Yes, princess.""Pero bakit po gamit ko lang ang inimpake ninyo?" I asked again.Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni
"Oh? Saan ka na naman maglalakwatsya?" Mataray na tanong sa akin ni Magot. Abala si Dori sa pagkukuto sa kanya samantalang s'ya naman ang taga-tiris. Teamwork!"Sa kalupaan ko.""Feeling ka talaga kahit kelan 'e hindi naman 'yon sa'yo. Nang-angkin ka lang!" Inirapan ako ni Dori pero pinakyuhan ko naman s'ya mentally. "Sa bundok ka lang naman pala pupunta 'e bakit naka-dress ka pa?""Syempre. Malay mo may makasalubong akong gwapo sa daan.""At bakit suot mo ang heels ko? T*ngina! Aakyat ka ng bundok ng naka-high heels? Hubarin mo nga 'yan! Kapag 'yan nasira, hindi ka na makakahiram sa akin ng mga damit at sapatos." Pagbabanta sa akin ni Magot kaya napanguso ako."Bakit ba kasi pinapahiram mo 'yang sampid na 'yan ng mga damit mo, Margo? Paano kung magka-putok ka?"Kahit naman puro pagsusungit lang ang alam gawin sa akin ni Magot ay hindi naman s'ya sa akin madamot hindi katulad ni Dori na super damot, may anghit naman."Oyy! Grabe s'ya! Wala naman akong putok!"Ikaw 'yong meron - sigaw
"Hindi tayo cheap pagdating sa lalaki, Barbie. May taste tayo! Ligwak sila for me.""May mga itsura naman ah. May breed lang sila ng human and tadpoles pero magtitiyagaan na." Humagikgik s'ya sabay hampas sa balikat ko. Muntik na akong matumba kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin. "Sareh! Tama ka, sis. Pang high class na fafaballs ang target natin at hindi cheapsteak. ""Tara na nga.""Saan next raket mo?" tanong sa akin Barbie."Sa karenderya ni Aling Loleng.""Sige, baks. Text mo na lang ako kapag may pogi kang customer.""Tss. Same faces everyday ang mga kumakain sa karenderya ni Aling Loleng tsaka bihira ang mga dayo. Text kita kapag nakita ko na lang si Goku mo."Ngumiwi si Basilyo kaya naman napahagalpak ako ng tawa. Si Goku ang inaasar kong boylet sa kanya. Sabungero 'yon at mortal enemy ni bakla. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, 'Opposite do attract,' kaya ayon, naka-ship sila sa akin though hindi ko naman talaga gusto ang lalaking 'yon for him. Pang asar lang talaga."Busa
"Pogito!" I chimed when I saw him. Hindi ko s'ya nakita kahapon dahil busy ako sa mga raket ko kaya naman masayang-masaya ako ngayon na makita ang kagwapuhan n'ya. Nakaka-inspired. Ako ang nangangailangan ng sugar daddy pero pagdating sa kanya ay willing akong maging mama de asukal n'ya. "Are you nuts? Why the hell re you here?!" Iritable n'yang sigaw sa akin habang mahigpit ang hawak sa bewang ko at inaalalayan ako. Muntik na kasi akong tangayin ng ilog habang tumatawid ako pero mabuti na lang ay nakita n'ya ako kaagad. Basang-basa na s'ya at ganun din ako kahit may suot naman akong kapote. Malakas na kasi ang bagsak ng ulan dahil sa bagyo. "Tara na! Mamaya mo na ako sigawan. May alam akong pwede nating silungan." Naramdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin. Ilang beses akong muntik nang madulas dahil sa basa at madulas na lupa pero nakaabang si Sage sa likuran ko para alalayan ako. Kenekeleg aketch! "Tada! Welcome, sa aking secret hideout!" Isa itong mini cave na nakatago sa ma
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Nagtungo ako sa parking lot para hanapin si Evan. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad kong nakita ang sasakyan n’ya pero bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan n’ya ay may malakas ng kamay ang bigla na lang humila sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahang pagkaladkad n’ya sa akin.“Sage, ano ba! Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. “Nasasaktan ako!”Napadaing ako nang bigla n’ya akong itulak. Tumama ang likuran ko sa isang itim na kotse at laking gulat ko nang bigla n’ya na lang akong marahas na halikan.Anak ka ng!Pinilit kong ilayo s’ya sa akin pero masyado s’yang malakas para magawa ko iyon. Napadaing ulit ako nang bigla n’yang kagatin ang ibabang labi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa sugat na ginawa n’ya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak.This is harassment!Napahikbi ako hindi lang dahil sa ginawa n’yang pananakit sa akin kundi pati na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.Sumalubon
“Order anything you want, hija. Ako na ang bahalang magbayad,” nakangiting pahayag ni Tita Mayumi. Tipid akong ngumiti sa kanya bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.How did I end up here again?Paalis na ako sa trabaho nang makita ko ang paglabas ni Sage sa elevator. Nag-panic ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na may plastic na halaman. Nagawa kong s’yang takasan pero nanay n’ya naman ang kumorner sa akin and that’s when she invited me for dinner and who I am to refuse?Nakita ko pa ang masamang tinging ipinukol sa akin ni Ms. Hera kanina nang masaksihan n’ya ang pagbeso sa akin ng asawa ng boss n’ya at doon pa lang ay alam ko nang inggit na naman s’ya sa beauty ko.I shouldn’t get close to Tita Mayumi. Hindi tama ‘to lalo na’t paghihiganti sa pamilya nila ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon. Mabilis akong ma-attached at iyon ang hindi ko dapat maramdaman sa mga taong naging dahilan ng pagiging ulilang lubos ko.This will be th
“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.Bahala na talaga si Batman.Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.Para
“Kill Sage Magnus. Kung kailangan mo s’yang akitin bago mo itarak sa puso n’ya ang kutsilyo mo o ‘di naman kaya ibaon sa sintido n’ya ang bala ng baril mo ay gawin mo. I will give you a month or maybe 2 to kill him, if you’re too coward, I have no other choice but to do it myself.”Tinatakot n’ya lang ako. Sigurado akong hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon. Tama! Akala n’ya siguro ay madadala n’ya ako sa pananakot n’ya.Pero paano nga kung totohanin n’ya?Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Winakli ko ang takot sa isipin bago marahas na bumuga ng hangin. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi ay masasayang ang lahat ng mga pinaghandaan ko para sa pagpasok ko sa kompanyang ito.“Fighting! Just stick to your plan, Tabitha,” bulong ko sa sarili ko.“Ginagawa mo?”“Ay butiking baog!” tili ko nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Seul. “Ano ba! Bakit ba ang hilig mong manggulat!” Reklamo ko sa kanya na ikinatawa n’ya. Hahampasin ko na sana s’ya nang mabilis s’yang naka
Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
“Sayaw Dora, sayaw Dora. Ipakita mo ang iyong galing! Kendeng bebeng bulol!” Pa-kantang saad ko habang pinapalakpakan si Ariella. Kanina pa s’ya todo sayaw nang i-play ko ang paborito n’yang nursery rhyme pero nang sabayan ko ito ng sarili kong lyrics version ay napangiwi ito at napatigil sa pagsayaw.“No no!” Maktol ni Ariella saka s’ya padabog na sumalampak sa sahig. Lihim akong natawa dahil sa ka-cute-an n’ya. Kaya gustong-gusto kong iniinis s’ya dahil ang cute-cute n’ya.Hahaha! Ang bad ko.“Bakit?” natatawang tanong ko sa kanya.“Aaway mo kow. ‘Di akow, Dora. Ayella akow. Ayella name kow.” Humalukipkip s’ya habang nakausli ang mapupula n’yang nguso.Natawa rin si Nanay Inday ng makita ang inasal ni Ariella. Napahinto s’ya sa nagtutupi ng mga damit at sinabayan ako sa pagtawa.Kapag tinatawag s’yang Dora ayaw n’ya pero kapag bulol ay okay lang sa kanya.“Ikaw talaga, Tabitha. Iniinis mo na naman ang bata.” Napapailing na lang na pahayag ni Nanay Inday.“Bad sissy! Bad naynay!” sig