“Ang tagal n’ya naman,” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa batuhan dito sa may ilog. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig at tahimik itong pinagmamasdan.Hinihintay ko kasi si Sage. Alam kong dito s’ya dadaaan sa ilog kaya naman dito ko s’ya napiling abangan. Hindi ko s’ya nagawang kausapin kanina. Bukod kasi sa lintik na babaing kasama n’ya ay talagang iniiwasan n’ya rin ako.Nasasaktan ako dahil sa cold treatment n’ya sa akin pero naisip kong kasalanan ko rin naman kung bakit s’ya ganun sa akin. I pushed him away at ngayong lumalayo na s’ya sa akin ay ako naman ‘tong naghahabol sa kanya.Marahas akong napabuntonghininga. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang unti-unti nitong pagdilim. Ang magagawa ko na lang ay ang humingi ng sorry sa kanya. Nagalit ako dahil sa mababaw na kadahilanan kaya kasalanan ko kung bakit lumamig ang treatment n’ya sa akin.“Hindi kaya sa bahay na s’ya ni Mosa tumutuloy ngayon?” tanong ko sa sarili ko saka ko yinakap ang dalawang binti ko.Sino
“Sage…Pogito?”Sinusubukan kong kunin ang atensyon n’ya pero nanatili s’yang walang pakialam sa akin.Okay naman kami kanina ah! Hinalikan n’ya pa nga ang noo ko bago n’ya harapin ang mga kalaban n’ya. He even checked if my hands are fine, kaya bakit bumalik na naman ang panlalamig n’ya sa akin?Pa-fall talaga! Tapos ako naman, laging nafa-fall!Wait, did I already fall?Tumakbo na ako para masabayan s’ya sa paglalakad. Palagi kasi akong nahuhuli dahil sa laki ng mga hakbang n’ya. Hindi ko alam kung sinasadya n’ya ‘yon para maisawan ako, noon naman kasi ay palagi n’ya akong sinasabayan sa paglalakad ko.Haist! Ang daming issue, Tabitha?“Sage, sorry na. Bati na tayo please? Hindi ko naman―”“You almost got hurt today because of me. Mas makakabuti kong lalayo ka na lang sa akin.”“Ayoko! Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy palayo sa’yo ay paulit-ulit din kitang kukulitin at lalapitan. Hindi lang ako muse sa baryong ‘to, ako rin ang Ms. Persistent ng Brgy. Datung Ermita, just so you kn
Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy sa noo at leeg ko pati na rin ang panginginig ng mga kamay ko.Same nightmare again. Hindi talaga ako tinitigilan ng mga alaala ng pagkamatay ng mga magulang ko. All this years, ay paulit-ulit nitong sinisira ang tulog ko.Ikinuyom ko ang mga kamao ko para pigilan ang panginginig nito. Inayos ko ang pagkakahiga ko bago ipako sa kisame ang mga mata ko pero kaagad din na nalipat ang tingin ko kay Sage nang maalalang katabi ko s’ya ngayon.Tumagilid ako ng higa saka ko pinagmasdan ang maamo n’yang mukha. Kahit tulog s’ya ay mukha pa rin s’yang nagsusungit sa akin pero infairness, ang gwapo-gwapo n’ya pa rin.Gusto ko s’yang yakapin pero baka isipin n’yang minomolestya ko s’ya kahit yakap lang naman ang gusto ko.Managinip ka na lang ulit, Tabitha!Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ayaw n’yang kontakin ang pamilya n’ya. Kung tatawaga
“Galit ka?!” Pagkompronta ko kay Sage pagpasok ko sa bodegang kinaroroonan n’ya.Sinigurado ko talagang masosolo ko s’ya bago ko s’ya sugurin para makapag-usap kami ng matino ng walang iistorbo sa amin.Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sugurin at sigawan s’ya ngayon. Gulong-gulo na kasi talaga ako kung bakit s’ya pabago-bago ng mood kapag kaharap n’ya ako.Kagabi lang ay halos kainin na namin ang dila ng isa’t isa sa sobrang okay naming dalawa tapos ngayon ay bigla s’yang manlalamig sa akin?Bipolar ba s’ya?“Sage!” sigaw ko sa pangalan n’ya nang hindi n’ya ako lingunin. Napapadyak ako sa inis. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanya saka ko marahas na hinila ang braso n’ya para iharap s’ya sa akin.“Kanina pa kita kinakausap! Ano ba talagang problema mo, huh?” Nanggagalaiti kong asik habang masama ang tigin sa kanya.Mula sa pagiging seryoso n’ya ay bigla na lang gumuhit sa labi n’ya ang isang pilyong ngisi.“A-Anong nginingisi-ngisi m-mo r’yan?! Am I joke
Kaagad din na umalis si Tiyo Manolo nang malamang wala si papa Ramon sa bahay. Hindi ko na s’ya pinansin kanina habang kausap s’ya ni mama Delilah dahil naiilang ako sa ngiting ibinibigay n’ya sa akin.Ngiting timang kasi. Kainis!“Para saan ‘to?” tanong ni mama Delilah ng abutan ko s’ya ng pera.“Sahod ko po ngayong buong linggo, mama. Inipon ko po talaga ‘yan para may pangbili po kayo ng gamot n’yo,” sagot ko.Hindi ‘yon ganun kalaki pero makakabili na s’ya ng ilang tableta ng gamot n’ya para sa sakit n’ya sa puso.Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni mama at pangingilid ng luha n’ya.“Salamat anak, pero hindi ko matatanggap ‘to. Gusto kong ipunin mo ‘to para sa mga pangangailangan mo.”“Pero mama,”Kinuha n’ya ang kamay ko saka n’ya ibinalik sa palad ko ang perang para dapat sa kanya.“Huwag mong isipin na responsibilidad mo kami, Tabitha. Isipin mo rin ang sarili mo. Wala akong perang naiaabot sa’yo para sa mga pangangailangan mo habang lumalaki ka at ngayong nagagawa mo ng su
“Will you take responsibility of this? Kasalanan mo kung bakit ‘yan gustong manuklaw, Tabitha," pahayag ni Sage sa akin.Talaga bang itatanong n’ya ‘yan sa akin habang tinutusok-tusok ako ng sawa n’ya?Unbelievable!Ibang klase rin ‘tong mag-amo. Parehong walang awa. Paano ako makakahindi kung kumakatok na sila sa perlas ng silanganan ko?“I’m f*cking hard because of you.”“Wala naman akong ginawa ah. Ikaw ang unang humalik at nanglamas ng melon boobey ko.”“M-Melon boobey?”“Boobs ko.”“Oww. But he’s reacting for you.”“S-Sage!” Napatili ko nang hawakan n’ya ang magkabilang hita ko saka n’ya ito ipinalibot sa bewang n’ya. Mahigpit akong napayakap sa batok n’ya dahil sa ginawa n’ya at mas lalo ko rin naramdaman ang sawa n’ya sa posisyon namin ngayon.Lumalim ang paghinga ko at nawala rin ang panlalamig na nararamdaman ko dahil sa init na ibinibigay ng katawan naming dalawa sa isa’t isa. Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple ni Sage habang mariin ang titig sa mukha ko.“Kung makati
“Gaano mo ako ka-like? Baka naman hanggang kama lang. Naku, Sage! Ipapaputol ko talaga ‘yang sawa mo kay Basilyo kapag ‘yan ang narinig kong sagot mo sa akin,” pagbabanta ko sa kanya na ikinatawa n’ya.“Ikaw ang unang babaing nagustuhan ko, Tabitha. Kung sa kakulitan mo palang ay nakuha mo na ang loob ko paano pa kaya ngayong nagkakainan―I mean, nagkaaminan na tayo? I won’t force you to make out with me dahil una sa lahat hindi ang katawan mo ang naging basehan ko kung bakit kita nagustuhan,” pahayag n’ya na nagbigay kilig na naman sa akin.Walang katapusang kilig.Haist! Ang hirap maging marupok.“When I first you in the river, akala ko may engkanto akong nakita,”“Maka-engkanto ka naman! Hindi ba pwedeng diyosa na lang?”“Magandang engkanto kasi.”“Tss.”“Pero nang makita kita ay nakuha mo na kaagad ang pansin ko. Madami na akong babaing nakita pero ikaw ang pinakamaganda,”“Weh? Kinabog ko sila lahat?”“Yeah. Kinabog mo sila. You’re beautiful, my pogita, with or without your clothe
“Edi ‘wag!” Mataray na pahayag ni Margot saka n’ya ako inirapan. Lihim akong natawa dahil sa inakto n’ya. Hindi kasi ako pumayag na samahan n’ya ako kay Tiyo Manolo kasi alam kong kailangan s’ya ni mama sa palengke. Ayoko namang maka-istorbo kaya humindi ako sa kanya, at isa pa, kaya ko naman kasi mag-isa. Labing limang minuto lang naman ang byahe sa tricycle papunta sa kabilang baryo kung saan nakatira si Tiyo Manolo. Magtatanong-tanong na lang ako sa mga tao kung nasaan ang pasugalang pagmamay-ari nito. Sabi kasi ni mama Delilah ay doon daw ito naglalagi kapag gan’tong oras. “Masyado ka namang concern sa akin, Magot. Hindi ako sanay,” pabirong pahayag ko na ikinakunot n’ya ng noo. “Yuck!” “Sus!” Sinundot ko ang tagiliran n’ya kaya napatalon s’ya palayo sa akin. “Bwisit ka!” “I love you too. Sige na, una na ako. Kapag nagtanong si Basilyo kung nasaan ako sabihin mo nasa rainbow, magwa-walking.” “Siraulo. Pero sure ka ba na kaya mo mag-isa. Alam mo namang hindi mapagkakatiwal
Hindi pa ako nakakapasok sa kwarto ni Ariella ay dinig ko na kaagad ang malakas na iyak at sigaw n’ya. Dali-dali akong pumasok sa loob at doon na bumungad sa akin ang ginagawang kahayupan ni Antonette sa sarili n’yang anak. “M-Mama no!” hagulgol ni Ariella habang hatak-hatak s’ya ng ina n’ya sa braso. Sumiklab ang galit ko ng ibalibag ni Antonette sa sahig ang bata na para bang laruan lang ito sa paningin nya.Ang hayop na ‘to!Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya saka ko malakas na hinatak ang buhok n’ya dahilan para magsisigaw s’ya na parang nangingitlog na manok.“Binalaan na kita noon!” asik ko. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang mapalingon s’ya sa akin. Hindi n’ya inaasahan ang pagdating at gagawin ko kaya naman sa gulat n’ya ay nawalan s’ya ng balanse matapos tumama ng palad ko sa mukha n’ya. Unang bumagsak ang pwetan n’ya sa sahig kaya naman napahiyaw s’ya. Makikita sa mukha n’ya ang takot. Halatang takot s’yang masira ang pwet n’yang gawa sa silic
Bumagsak ang likuran ko sa malambot na sofa samantalang dumagan naman sa ibabaw ko ang lalaking dapat na kinamumunghian ko ng sobra. Patuloy naming hinahagkan ang labi ng isa’t isa―malalim ang halik at puno ng pananabik na imbis na pandirihan ko ay gustong-gusto ko pa. Ayokong mag-assume pero iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.What the hell am I doing?Bakit hinahayaan ko s’ya na gawin ang bagay na ‘to sa akin?Pahamak talaga ang karupukan ko sa lalaking ‘to. Hindi lang sarili ko ang tinatraydor ko kundi pati na rin ang mga namayapa kong mga magulang. Kung nandito siguro ngayon sina mommy at daddy ay baka na disappointed na sila sa akin.Akala ko ay matagal ko nang naibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero kahit anong subok ko ay natatandaan pa rin pala ng puso ko ang lalaking itinitibok nito.Ano bang solusyon sa problema kong ito sa puso? Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagu-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ay tinatraydor ko ang sarili ko
Tabitha?” gulat na sambit ni Basilyo nang makita n’ya ako. Gusto ko s’yang ambahan ng yakap pero ikinalma ko ang sarili ko. Wala kasi akong nakikitang excitement sa mukha n’ya kaya nagdal’wang isip ako. Hindi ba s’ya masayang makita ako?Ngumiti ako sa kanya pero ako naman ‘tong nagulat nang magbago ang ekspresyon n’ya. Sumeryoso s’ya saka n’ya ako inirapan. Sanay na ako sa mga pabiro n’yang irap noon sa akin pero ngayon ay mababakas sa mga mata n’ya ang galit sa akin. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa naging reasksyon n’ya.“Bossing, naghihintay na sa’yo ang mga ka-meeting mo. Gorabells na at baka ako na naman ang pag-initan ng mga tanders na ‘yon,” pahayag n’ya na para bang wala lang ako sa kanya. “Tell them to f*cking wait,” matigas na pahayag ni Sage. “Basilyo―” Hindi ko na naituloy ang sanang sasabihin ko nang mabilis n’ya akong talikuran. Akmang hahabulin ko na sana s’ya nang may kamay ang pumigil sa akin pero marahas ko ‘yong winakli at patakbong sinundan ang kaibigan k
Nagtungo ako sa parking lot para hanapin si Evan. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad kong nakita ang sasakyan n’ya pero bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan n’ya ay may malakas ng kamay ang bigla na lang humila sa braso ko. Muntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahang pagkaladkad n’ya sa akin.“Sage, ano ba! Bitawan mo nga ako!” inis kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko sa kanya. “Nasasaktan ako!”Napadaing ako nang bigla n’ya akong itulak. Tumama ang likuran ko sa isang itim na kotse at laking gulat ko nang bigla n’ya na lang akong marahas na halikan.Anak ka ng!Pinilit kong ilayo s’ya sa akin pero masyado s’yang malakas para magawa ko iyon. Napadaing ulit ako nang bigla n’yang kagatin ang ibabang labi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa sugat na ginawa n’ya kaya naman hindi ko na napigilang maiyak.This is harassment!Napahikbi ako hindi lang dahil sa ginawa n’yang pananakit sa akin kundi pati na rin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.Sumalubon
“Order anything you want, hija. Ako na ang bahalang magbayad,” nakangiting pahayag ni Tita Mayumi. Tipid akong ngumiti sa kanya bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.How did I end up here again?Paalis na ako sa trabaho nang makita ko ang paglabas ni Sage sa elevator. Nag-panic ako kaya naman dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking paso na may plastic na halaman. Nagawa kong s’yang takasan pero nanay n’ya naman ang kumorner sa akin and that’s when she invited me for dinner and who I am to refuse?Nakita ko pa ang masamang tinging ipinukol sa akin ni Ms. Hera kanina nang masaksihan n’ya ang pagbeso sa akin ng asawa ng boss n’ya at doon pa lang ay alam ko nang inggit na naman s’ya sa beauty ko.I shouldn’t get close to Tita Mayumi. Hindi tama ‘to lalo na’t paghihiganti sa pamilya nila ang dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon. Mabilis akong ma-attached at iyon ang hindi ko dapat maramdaman sa mga taong naging dahilan ng pagiging ulilang lubos ko.This will be th
“Miss.” Kaagad akong napahinto dahil sa pagtawag sa akin ni Sage. Ako lang naman kasi ang isa pang babae rito bukod kay Ms. Bylthe kaya malamang sa malamang ako ang miss na tinutukoy n’ya. “You drop your handkerchief,” dugtong n’ya.Nagtatalo ang utak ko kung lilingon ako sa kanya o magbibingi-bingihan na lang. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at parang ‘yon lang ang naririnig ko sa mga oras na ‘to ngayon.Bahala na talaga si Batman.Saktong pagharap ko sa kanya ay s’ya ring mabilis n’yang paglingon kay Ms. Blythe dahil sa pagtawag nito sa kanya.“High Society Condominium is now under investigation. Hindi pa tukoy kung sinadya ang pagsunog dito o aksidente lang pero ayon sa report kahapon ay wala naman daw nasaktang mga construction worker sa lugar,” pahayag ni Ms. Blythe.Pinasadahan ako ng mabilis na tingin ni Ms. Blythe bago muling ibaling kay Sage ang tinign n’ya. Samantala, hinablot ko ang hawak na panyo ni Sage bago mabilis na tumalikod sa kanya at pumasok sa elevator.Para
“Kill Sage Magnus. Kung kailangan mo s’yang akitin bago mo itarak sa puso n’ya ang kutsilyo mo o ‘di naman kaya ibaon sa sintido n’ya ang bala ng baril mo ay gawin mo. I will give you a month or maybe 2 to kill him, if you’re too coward, I have no other choice but to do it myself.”Tinatakot n’ya lang ako. Sigurado akong hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon. Tama! Akala n’ya siguro ay madadala n’ya ako sa pananakot n’ya.Pero paano nga kung totohanin n’ya?Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko. Winakli ko ang takot sa isipin bago marahas na bumuga ng hangin. Kailangan kong mag-focus dahil kung hindi ay masasayang ang lahat ng mga pinaghandaan ko para sa pagpasok ko sa kompanyang ito.“Fighting! Just stick to your plan, Tabitha,” bulong ko sa sarili ko.“Ginagawa mo?”“Ay butiking baog!” tili ko nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Seul. “Ano ba! Bakit ba ang hilig mong manggulat!” Reklamo ko sa kanya na ikinatawa n’ya. Hahampasin ko na sana s’ya nang mabilis s’yang naka
Kaagad kong inilibot sa paligid ang paningin ko para hanapin si Ariella. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung may nakita silang batang babae na naka-ballet dress pero wala ‘ni isa sa kanila ang nakapansin man lang dito.Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdam ko. Natatakot akong mapasakamay ng masasamang tao ang Ariella ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.Jusko! Bakit ko ba kasi binitawan ang kamay n’ya?Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil kagagahan ko. Ang tanga-tanga mo, Tabitha.Ipinagpatuloy ko ang paghahanap kay Ariella hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag ng mall. Halos kalahating oras na akong naglilibot pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang bakas n’ya. Habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang kabang nararamdaman ko.Paano kung nakalabas na s’ya ng mall? Paano kung may ibang tao na ang nakakuha sa kanya?Baka takot na takot na sa mga oras na ‘to si Ariella or baka umiiy
“Sayaw Dora, sayaw Dora. Ipakita mo ang iyong galing! Kendeng bebeng bulol!” Pa-kantang saad ko habang pinapalakpakan si Ariella. Kanina pa s’ya todo sayaw nang i-play ko ang paborito n’yang nursery rhyme pero nang sabayan ko ito ng sarili kong lyrics version ay napangiwi ito at napatigil sa pagsayaw.“No no!” Maktol ni Ariella saka s’ya padabog na sumalampak sa sahig. Lihim akong natawa dahil sa ka-cute-an n’ya. Kaya gustong-gusto kong iniinis s’ya dahil ang cute-cute n’ya.Hahaha! Ang bad ko.“Bakit?” natatawang tanong ko sa kanya.“Aaway mo kow. ‘Di akow, Dora. Ayella akow. Ayella name kow.” Humalukipkip s’ya habang nakausli ang mapupula n’yang nguso.Natawa rin si Nanay Inday ng makita ang inasal ni Ariella. Napahinto s’ya sa nagtutupi ng mga damit at sinabayan ako sa pagtawa.Kapag tinatawag s’yang Dora ayaw n’ya pero kapag bulol ay okay lang sa kanya.“Ikaw talaga, Tabitha. Iniinis mo na naman ang bata.” Napapailing na lang na pahayag ni Nanay Inday.“Bad sissy! Bad naynay!” sig