Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2022-10-04 09:51:13

PALAISIPAN pa rin kay Claire ang babala ni Kaloy sa kanya kagabi. Tatanungin pa sana n’ya kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit mabilis na itong pumuslit paalis nang marinig ang papalapit na mga katrabaho.

Tinanong pa s’ya ng mga ito kung bakit s’ya nasa likod ng restaurant pero mas minabuti na lang n’yang ilihim ang nangyari.

Sa isip-isip n’ya ay baka kinain lang ng galit ang gwardya kay Luca dahil ito ang dahilan ng kanyang pagkasisante. Mukhang nasali pa nga sa gulo ang gwardya dahil sa mga pasa at sugat nito sa mukha. Mukhang hindi naging maganda ang pagtanggap ni Kaloy sa nangyari. Wala pang isang araw ay sinisira na agad nito ang kanyang buhay.

“Claire?”

Nilingon ng dalaga ang lalaking tumawag sa kanya. Walang iba kundi ang kanyang Tito Alfred. Umupo ito sa bangkong kaharap ng kanyang kama.

“Are you still mad at me?” malambing na tanong nito sa kanya. Humaba ang nguso ng dalaga at masungit na nag-iwas ng tingin sa matanda. “I’m sorry, pamangkin. I was just worried about you.” Nanatiling tahimik ang dalaga. “Hindi mo ba kayang patawarin ang napakagwapo mong Tatay?” pabiro nitong saad at sinundot pa ang kanyang lumolobong pisngi na palagi nitong ginagawa no’ng bata pa lamang s’ya.

Hindi na napigilang mapangiti ng dalaga. Kahit kailan talaga ay alam nito kung paano s’ya papaamuhin.

Si Alfred na ang tumayong tatay n’ya magmula ng mamatay ang kanyang Daddy. Tinuring n’ya itong tunay na ama at gano’n din naman ito sa kanya.

Yumakap si Claire sa lalaki. “Thank you po. I know letting me do this was a hard choice for you, but you still trusted me,” nangingilid ang luhang wika nito. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Alfred. Natutuwa s’yang marinig ang sinabi ng dalaga. Ni minsan ay hindi nito kinuwestiyon ang kakayahan ni Claire. Katunayan nga ay s’ya ang unang taong laging sumusuporta rito.

Marahang hinaplos ng matanda ang buhok ng pamangkin. “Maghahanda ka ba sa trabaho o gusto mong mag-iyakan na lang tayo dito buong magdamag?” biro ni Alfred.

Natatawang pinunasan ni Claire ang basa n’yang pisngi at matamis na ngumiti sa matanda.

NAHULI na ng dating ang dalaga sa pinagtatrabahuhang ospital dahil sa traffic. May banggaan kasing nangyari sa highway na nagdulot nang magkakabuhol na sasakyan at motorista. Bahagya pang gusot ang mukha ng doktora sa inis dahil aksidenteng natapon sa kanya ang biniling kape nang bigla na lang may sumingit na motor sa harapan n’ya.

Hinintay ni Claire ang pagbati ng masayahing gwardya sa kanya ngunit ganon na lang ang lungkot n’ya nang maalala na natanggal na nga pala ito sa trabaho.

“Hello, Doctor Claire!” nakangising bati ng pilyong doktor sa dalaga.

Tanging tango ang naging sagot ni Claire sa binata. Wala s’yang interes na kausapin ang makulit na lalaki. Mas gugustuhin pa n’yang malugmok dahil sa pagkawala ni Kaloy sa ospital kaysa makausap ito. Mukhang hindi naman nakuha ng pilyong doktor ang mensahe ni Claire at bumuntot pa rito hanggang makapasok sa kanyang opisina. Hindi naman s’ya napansin ng dalagang may okupadong isip kaya gano’n na lang ang gulat nito nang makita itong nasa likuran n’ya.

“Do—Doctor Josh! Bakit kayo nandito?” naiilang na tanong n’ya habang nanlalaki ang dalawang mata. Hindi s’ya sinagot ng lalaki. Sa halip ay pilyong ngiti lang ang sinukli nito sa kanya. “May kailangan ka ba?” muling tanong n’ya. Napakunot ang noo ni Claire nang kusa nitong isinara ang pinto ng kanyang opisina.

Binalot ng kaba ang magandang doktora.

Mukhang may masamang balak sa kanya ang katrabahong si Josh.

“I’m not asking you again, Doctor Garcia. This is my office and you’re invading my privacy!”

Hindi na napigilang magtaas ng boses ni Claire. Hindi n’ya alam kung dahil ba ito sa motorista o sa traffic na naranasan n’ya kanina, o sadyang mainit lang talaga ang dugo n’ya sa lalaki. Kagabi pa n’ya napapansin ang malagkit na tingin nito sa kanya kagabi. Makailang beses din nitong sinubukang pagdikitin ang kanilang mga balat kahit na kusa na s’yang lumalayo. Isinawalang bahala n’ya ito dahil sa pag-aakalang baka gano’n lang talaga ang lalaki pero ibang usapan na yata ngayon ang pagsunod nito sa private space n’ya.

Kinapa n’ya ang malaking stapler sa lamesa at tinutok sa lalaki.

Agad na itinaas ng binatang doktor ang kanyang mga kamay. “Woah! Woah! Chill…” Masama n’yang tiningnan ang lalaki. “I’m not here to do whatever it is you’re thinking right now, Claire. Nandito ako to ask for some spare folders. I ran out kasi e,” wika nito. Napakurap ang dalaga sa sinabi ng lalaki.

Spare folders? Iyon lang naman pala ang kailangan nito. Bakit pa s’ya kailangang sundan na parang isang manyakis.

“G—Gano’n ba. I’ll see if I have some.”

Nakangising pinanood ng pilyong doktor ang pagtuwad ni Claire para maghanap ng folder sa kanyang desk.

Inabot ng doktora sa lalaki ang nahanap na folder. Isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya. “Thanks, doctor…” pilyong saad nito bago umalis ng kanyang opisina.

Agad na napadantay sa lamesa ang doktorang si Claire. Masyado na yata s’yang paranoid. Nakuha pa tuloy n’yang pagbintangan ang katrabahong si Josh. Malay ba n’ya kung ganito lang talaga ito umakto. May mga tao kasing parang manyakis kung umasta pero gentleman naman pala talaga. Kagaya ng Tito Alfred n’ya. Mukha itong istrikto sa itsura pero deep inside ay mas malambot pa ito sa bulak.

Nagpalit lang saglit ng damit si Claire bago umakyat ng ika-13 na palapag ng ospital. Sapat ma siguro ang isang gabing pahinga n’ya para bumalik sa normal. Bagaman at sariwa pa sa kanyang isip ang ginawa nitong kalokohan sa kanya ay pinili n’yang iwaksi ang nararamdamang hiya at inis sa pasyente. Gusto n’yang matulungan ito.

Habang nagsusulat sa log book ay napansin s’ya ng isang nars na nakasama kagabi.

“Good morning, Doctor Claire. Medyo late tayo ngayon, ah?” bati nito. Ngumiti si Claire sa babae. Sinilip n’ya ang likuran nito na tila may hinahanap. Napansin naman ito ng nars. “Si Nars Stella po ba? Eh nasa Room 214 po. Naghatid ng gamot.” Kusa na itong nagpaliwanag sa doktora. Alam kasi n’yang hinahanap lang nito ang lagi n’yang kasamang nars.

“Sorry. Nakakapanibago lang na hindi mo s’ya kasama. You’re always together kasi when I do my rounds on this floor.”

“Ahaha! Close po kasi talaga kami ng babaeng iyon. Lagi ko nga po iyon kas—”

“AHHHHH!”

Isang malakas na sigaw ang pumutol sa pagsasalita ng nars. Nagkatinginan ang dalawang babae. Hindi sila p’wedeng magkamali. Galing ito sa kwarto kung nasaan ngayon si Stella.

Mabilis silang tumakbo papunta sa Room 214 kung saan nila dinatnan ang nars na takot at nakaupo sa sahig. Agad s’yang nilapitan ng kasamang nars. “Bakit, Stella?! Ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong nito at ilang ulit na inalog ang balikat ng kaibigan.

Nanlalaki ang mata nitong tinuro ang kama ng pasyente. “S—Si Mayor Jaime…” nauutal nitong saad. Agad dinapuan ng tingin ni Claire ang tinuturo ng nars at napaawang ang bibig n’ya sa nakita.

Ang pasyenteng nakalawit ang dila at bali ang leeg ay walang buhay na nakatingin sa kanya.

Related chapters

  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 5

    “Get out of here now!” mariing utos ni Claire sa dalawang nars na tulalang nakasalampak sa sahig. “I’m calling the police. Bring her outside.” Tiningnan n’ya ang nars na kausap kanina. Nanlalambot naman nitong tinulungan itayo ang kanyang kaibigan.Agad pinindot ni Claire ang emergency button sa silid. Mabibilis ang bawat hinga n’ya habang tinatawagan ang numero ng malapit na police station.Hindi lang ito basta-basta simpleng pagkamatay. Sigurado s’yang hindi natural death ang sanhi ng pagkamatay ng pasyente dahil sa bakas ng kamay nito sa leeg. Malaki ang paniniwala n’yang pinatay ang pasyente.“Hello?... This is Hope Psychiatric Hospital. We have a situation here… I—I don’t know… I’m not sure, but it could be murder… P—Please, come fast. The culprit couldn’t have gone far…”Mabilis ang tibok ng pusong napatingin ang doktora sa pasyente.Sino naman ang papatay dito?“Claire!” nag-aalalang tawag ng mga katrabaho. Agad nilang niyakap ang ninenerbyos na dalaga. “What happened here?” tan

    Last Updated : 2022-10-04
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 6

    "PAKAWALAN MO AKO NGAYON DIN!" matapang na sigaw ni Claire sa kabila nang kanyang pagkakapos sa upuan. Kung umasta ito ay parang may kakayahan s'yang sunggaban ng suntok ang lalaki. "H'wag mo 'kong subukan. Baka gusto mong sa 'yo ko i-apply ang mga natutuhan ko sa Karatedo," naghahamong dagdag pa nito na lalong nagpalawak ng ngisi ng lalaki. "This is exactly why I like you, Doctor Claire. You're fearless," mapang-akit na saad ni Luca. Bahagyang natahimik ang babae sa narinig. Sa loob-loob n'ya ay, 'Ano kaya ang dahilan at dinala s'ya nito dito?' Pinagmasdan ni Claire ang paligid. Isang malinis at malaking silid. Sa palagay n'ya ay ito ang kwarto ng lalaking nakaupo sa harapan n'ya ngayon."What do you want from me?" masama ang tingin na tanong ng doktora sa lalaki. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Luca. "You... I want you."Lalong sumama ang tingin ni Claire sa lalaki.Gusto s'ya nito? Bakit? Ano ba s'ya? Isang bagay na kapag nagustuhan ay p'wedeng kuhanin na parang larua

    Last Updated : 2022-11-02
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 7

    NAWALAN ng pag-asa ang kaninang pursigidong makatakas na si Claire. Diretso n'yang tiningnan sa mata ang matandang akala n'yang tutulong sa kanya. Ito pa pala mismo ang maghahatid sa kanya sa kaaway."Thank you, Manang Rosita. I'll make sure you'll get rewarded for this," seryoso ngunit bakas ang paggalang na wika ni Luca sa matandang matamis na nakangiti sa kanya."Walang anuman po iyon, Senyorito Luca."Wala sa sariling nahilamos ni Claire ang mukha. Unti-unti na n'yang naiintindihan kung bakit s'ya hindi pinansin n'ong unang dalawang babaeng hiningan n'ya ng tulong at kung bakit tinaraydor s'ya ni Manang Rosita. Lahat sila ay nagtatrabaho para kay Luca."Take her..." malamig na utos ng Mafia Leader. Wala nang nagawa si Claire nang hablutin ng dalawang lalaking kasama ni Luca ang kanyang dalawang kamay. Maarte pa s'yang dumaing dahil sa diin ng kapit ng mga ito sa maliit na braso n'ya."Aray ko naman!" masungit na reklamo n'ya.Nakarating naman ito sa Mafia boss na hindi rin gusto

    Last Updated : 2022-11-03
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 8

    RINIG sa buong malawak na hardin ang tugtog ng mga musikerong may hawak na violin. Kapansin-pansin din ang mga babaeng maninipis ang suot at nagse-serve sa mga bisita.Puno ng mga taong halatang may mga kapangyarihan at nakaaangat sa buhay ang party. Bawat isa sa kanila ay may mga glass of champagne sa kamay na ipinamamahagi ng isang waiter. Isang matamis na ngiti ang ibinati ni Luca sa mga bisita. Magiliw nitong pinakisamahan ang mga bisitang tinatawag n'yang ally."I'm proud of you, iho."Natutuwang tinapik ng isang matandang lalaking may gintong ngipin si Luca sa balikat. Kinamayan pa nito ang binata na maluwag naman nitong tinanggap. "It's a good thing to settle at a young age, Iho. You don't know when will be your last day on Earth," hirit pa nito at saka nagpakawala ng malakas na tawa na sinabayan naman ng mga kasama nito. Nanatiling tahimik at nakangiti si Luca.Hindi maalis sa isip n'ya ang pasuway na doktora.Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon?NAGTATAKANG pinagmasdan ni

    Last Updated : 2022-11-14
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 1

    GINISING ng takatak ng sapatos ni Claire ang tahimik na pasilyo ng ospital. Pasado alas dose na ng tanghali ngunit madilim pa rin sa loob ng establisyemento. Nakadagdag pa tuloy sa nakatatakot na ambiance ng lugar ang madilim na paligid.Ngayon ang unang araw n’ya bilang sikayatris sa Hope Psychiatric Hospital. Bagaman at baguhan ay hindi ito naging hadlang para matanggap s’ya sa trabaho.Labis kasi ang pangangailangan ng bansa sa mga kagaya n’yang doktor sa isip.Nasa kalagitnaan nang paglalakad si Claire nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid n’ya. “Good morning, Ma’am!” biglang bati nito na nagpagulat sa dalaga. Napakamot naman ang lalaki sa ulo. Hindi nito sinasadyang gulatin ang magandang doktora. “Ako po si Kaloy. Isa po ako sa mga gwardya sa ospital na ito. Pasensya na po, Ma’am. Nagulat ko po yata kayo.”Umiling s’ya at pilit na ngumiti. “No, it’s okay. May iniisip din po kasi ako kaya siguro hindi ko kayo napansin,” wika n’ya.“Kayo po ba si Doktora Gomez?” Halos map

    Last Updated : 2022-10-04
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 2

    HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Claire sa nangyari. Natatandaan pa n’ya ang salitang binitawan sa gwardya bago n’ya pinuntahan ang pasyente sa Room 213.Mukhang kinain n’ya rin ang kanyang sinabi dahil nakita na lang n’ya ang sariling sumasagot sa halik ng lalaki kahapon. Kung hindi pa siguro dahil sa tunog na nilikha ng pager ng ospital ay hindi magigising sa kapusukan ang doktora. Hindi na rin naman s’ya pinigilan nito nang kumalas s’ya sa halik at umalis.Wala sa sariling hinawakan ni Claire ang mga labi. Sariwa pa rin sa kanya ang lambot ng mga labi ng binata. Ngayon ay naiintindihan n’ya na kung bakit pumatol ang mga doktor sa pasyente.Wala ka na kasi talagang takas oras na mahulog ka sa alindog ng binata.“Claire?”Parang hibang na nabalik sa reyalidad ang dalaga nang marinig ang pagtawag ng kanyang Tito Alfred. Agad n’yang binura ang kapilyahan sa isip at bumangon sa kama. Ang pagtawag kasi ni Alfred ay hudyat na handa na ang almusal nila.Hindi nga nagtagal ay

    Last Updated : 2022-10-04
  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 3

    SALUBONG ang kilay habang nakatingin sa kawalan ang banas na si Claire. S’ya ang sikayatris pero mukhang s’ya pa ang mas masisiraan ng bait.Hindi n’ya matanggap na naloko na naman s’ya ng baliw na pasyente at nakuha pa s’ya nitong dalhin sa kama. Nag-init ang magkabilang pisngi ng dalaga nang maalala ang pagnginig ng katawan sa ilalim ng pasyente bago ito nailayo sa kanya.Nahihiyang nasapo ni Claire ang mukha.“Nakakahiya!” parang batang hiyaw n’ya at ilang ulit na sinipa sipa ang paa.Ano na lang ang mukhang ihaharap n’ya sa pasyente n’ya? Sigurado s’yang naramdaman nito ang pagresponde ng katawan n’ya sa makasalanang ginawa nito.Kung hindi pa dahil kay Kaloy na agad rumesponde ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya. Hiniwalay kasi nito ang pasyenteng nakaibabaw sa kanya at sinuntok sa mukha. Nakangisi lang naman na pinunasan nito ang dugo sa labi na lalong kinaasar ng gwardya. Lalo tuloy itong nagwala at kinailangan pang awatin ng mga kapwa gwadya.Hindi n’ya maiwasang huwag

    Last Updated : 2022-10-04

Latest chapter

  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 4

    PALAISIPAN pa rin kay Claire ang babala ni Kaloy sa kanya kagabi. Tatanungin pa sana n’ya kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit mabilis na itong pumuslit paalis nang marinig ang papalapit na mga katrabaho.Tinanong pa s’ya ng mga ito kung bakit s’ya nasa likod ng restaurant pero mas minabuti na lang n’yang ilihim ang nangyari.Sa isip-isip n’ya ay baka kinain lang ng galit ang gwardya kay Luca dahil ito ang dahilan ng kanyang pagkasisante. Mukhang nasali pa nga sa gulo ang gwardya dahil sa mga pasa at sugat nito sa mukha. Mukhang hindi naging maganda ang pagtanggap ni Kaloy sa nangyari. Wala pang isang araw ay sinisira na agad nito ang kanyang buhay.“Claire?”Nilingon ng dalaga ang lalaking tumawag sa kanya. Walang iba kundi ang kanyang Tito Alfred. Umupo ito sa bangkong kaharap ng kanyang kama.“Are you still mad at me?” malambing na tanong nito sa kanya. Humaba ang nguso ng dalaga at masungit na nag-iwas ng tingin sa matanda. “I’m sorry, pamangkin. I was just worried about you.”

  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 3

    SALUBONG ang kilay habang nakatingin sa kawalan ang banas na si Claire. S’ya ang sikayatris pero mukhang s’ya pa ang mas masisiraan ng bait.Hindi n’ya matanggap na naloko na naman s’ya ng baliw na pasyente at nakuha pa s’ya nitong dalhin sa kama. Nag-init ang magkabilang pisngi ng dalaga nang maalala ang pagnginig ng katawan sa ilalim ng pasyente bago ito nailayo sa kanya.Nahihiyang nasapo ni Claire ang mukha.“Nakakahiya!” parang batang hiyaw n’ya at ilang ulit na sinipa sipa ang paa.Ano na lang ang mukhang ihaharap n’ya sa pasyente n’ya? Sigurado s’yang naramdaman nito ang pagresponde ng katawan n’ya sa makasalanang ginawa nito.Kung hindi pa dahil kay Kaloy na agad rumesponde ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya. Hiniwalay kasi nito ang pasyenteng nakaibabaw sa kanya at sinuntok sa mukha. Nakangisi lang naman na pinunasan nito ang dugo sa labi na lalong kinaasar ng gwardya. Lalo tuloy itong nagwala at kinailangan pang awatin ng mga kapwa gwadya.Hindi n’ya maiwasang huwag

  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 2

    HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Claire sa nangyari. Natatandaan pa n’ya ang salitang binitawan sa gwardya bago n’ya pinuntahan ang pasyente sa Room 213.Mukhang kinain n’ya rin ang kanyang sinabi dahil nakita na lang n’ya ang sariling sumasagot sa halik ng lalaki kahapon. Kung hindi pa siguro dahil sa tunog na nilikha ng pager ng ospital ay hindi magigising sa kapusukan ang doktora. Hindi na rin naman s’ya pinigilan nito nang kumalas s’ya sa halik at umalis.Wala sa sariling hinawakan ni Claire ang mga labi. Sariwa pa rin sa kanya ang lambot ng mga labi ng binata. Ngayon ay naiintindihan n’ya na kung bakit pumatol ang mga doktor sa pasyente.Wala ka na kasi talagang takas oras na mahulog ka sa alindog ng binata.“Claire?”Parang hibang na nabalik sa reyalidad ang dalaga nang marinig ang pagtawag ng kanyang Tito Alfred. Agad n’yang binura ang kapilyahan sa isip at bumangon sa kama. Ang pagtawag kasi ni Alfred ay hudyat na handa na ang almusal nila.Hindi nga nagtagal ay

  • Mafia Undercover: The Patient in Room 213   Kabanata 1

    GINISING ng takatak ng sapatos ni Claire ang tahimik na pasilyo ng ospital. Pasado alas dose na ng tanghali ngunit madilim pa rin sa loob ng establisyemento. Nakadagdag pa tuloy sa nakatatakot na ambiance ng lugar ang madilim na paligid.Ngayon ang unang araw n’ya bilang sikayatris sa Hope Psychiatric Hospital. Bagaman at baguhan ay hindi ito naging hadlang para matanggap s’ya sa trabaho.Labis kasi ang pangangailangan ng bansa sa mga kagaya n’yang doktor sa isip.Nasa kalagitnaan nang paglalakad si Claire nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa gilid n’ya. “Good morning, Ma’am!” biglang bati nito na nagpagulat sa dalaga. Napakamot naman ang lalaki sa ulo. Hindi nito sinasadyang gulatin ang magandang doktora. “Ako po si Kaloy. Isa po ako sa mga gwardya sa ospital na ito. Pasensya na po, Ma’am. Nagulat ko po yata kayo.”Umiling s’ya at pilit na ngumiti. “No, it’s okay. May iniisip din po kasi ako kaya siguro hindi ko kayo napansin,” wika n’ya.“Kayo po ba si Doktora Gomez?” Halos map

DMCA.com Protection Status