Share

CHAPTER 82: MOVING OUT

“SIGURADO ka na ba talaga rito, Sophie?” tanong sa akin ni Lance.

Ngumiti ako sa kanya saka tumango. “Oo, ito na ang una kong hakbang, Lance. Salamat dahil pinatuloy mo kaming dalawa ni Venom rito. Utang na loob namin lahat sa ’yo. Maraming salamat.”

“Hindi rin ako magsasawang sabihin ito sa ’yo dahil hindi ka nagsasawang magpasalamat sa akin. Hindi mo na ako kailangan pang pasalamatan pa, Sophie. Lagi lang akong nandito para sa ’yo kahit na anupaman ang mangyari. At ngayong aalis ka na, gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako parati sa tabi mo at sobrang proud ako sa ’yo.”

Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko saka ko siya mahigpit na niyakap. “Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi dahil sa ’yo, Lance.”

Tinapik-tapik lamang niya ako sa balikat saka kami humiwalay mula sa isa’t-isa. “Ano, tara na sa bago mong bahay?”

“Tara!”

Bumili ako ng unit sa isang condominium malapit sa kompanyang pinagt-trabahuhan ko. Nagpupunta pa rin naman ako sa university pero binibigyan na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status