Share

CHAPTER 89: REUNITING

NAPAGPASYAHAN kong bisitahin ang mommy ko na si Hannah sa libingan niya para bigyan siya ng bulaklak.

“Momy, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung nandito ka lang sana, siguradong sasabihin mo sa akin ang totoo. Ikaw lang ang paniniwalaan ko.”

Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko. “Kumusta ka na, mommy? Sana ayos ka lang diyan sa langit. I love you so much, mom.”

Nanatili ako roon sandali hanggang sa mapagpasyahan ko nang tumayo. “Babalik ako, mommy.”

Aalis na sana ako, pero bigla na lamang may dumating na babae at may hawak na isang bouquet.

Si Miss Felestine.

“Sophie.”

“M-Miss Felestine.”

Ngumiti siya saka naglakad palapit sa akin. Inilapag niya libingan ni mommy ang bouquet na dala niya. “Gusto kitang pasalamatan, Hannah. Gusto kitang pasalamatan dahil inalagaan mo ang anak ko. Matagal akong nangulila sa kanya. Ang buong akala ko nga ay patay na siya.Kung hindi mo siya kinuha noong sinubukan siyang itapon ni Natalie, hindi ko alam kung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status