PAGKALABAS na pagkalabas namin ng office ni Miss Felestine ay kaagad kong hinila si Vincent papunta sa may lobby.“Bakit mo sinabi kay Miss Felestine ang tungkol doon?”“Told her what?”“Alam mo ang dahilan kung bakit kita iniwan doon! Paano mo nagawang palabasin na ako pa ang may kasalanan?”Ipinagkrus niya ang mga braso niya saka tumingin sa akin. “You should be thankful because I didn’t mention about what you did to me yesterday. Don’t you know how much that hurt? You kicked my balls, don’t you want to have kids anymore?”Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niyang iyon. “A-Anong anak ang sinasabi mo?! H-Hoy, napakamanyak mo kahapon kaya ko ginawa iyon! Muntik mo na akong ma-rape sa loob ng stock room!”“Rape? Oh, Sophie. You kissed me back and you even moaned when I touched you, would you call it rape if you yourself got aroused by my touch?” taas-kilay niyang sabi.“Vincent, puwede bang itigil na natin ito? Hindi ako pupunta sa dinner na iy
“VENOM, puwede mo ba akong samahan sa ball bukas?” tanong ko kay Venom pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo.Tumingin naman siya sa akin. “Oo naman, Miss Sophie. I-a-announce na rin ng mommy mo na ikaw ang matagal niya nang nawawalang anak, hindi ba?”“Well, oo. Kinakabahan nga ako, e. Tapos nandoon pa ang lalaking iyon.”“Lalaki?”Bumuntong-hininga ako. “Vincent.”“Pupunta rin si boss?”“Uh-huh, at tingin ko may plano na naman siya.”“Malalaman na rin niyang nahanap mo na ang nawawala mong ina.”Naupo ako sa may kama. “Para namang may pakialam siya roon.”“Siyempre naman, Miss Sophie. May pakialam siya sa ’yo,”Nag-iwas ako ng tingin saka inabot na lamang ang hair brush ko. “Alam mo? Iniligtas na naman ako ni Lance ngayong araw. Sinubukan kasi akong kunin na naman ni Vincent, mabuti na lamang at biglang dumating si Lance at nagpanggap siyang boyfriend ko.”Nanlaki ang mga mata ni Venom. “Nagpanggap siya bilang boyfriend mo?”“Oo. Nagulat nga rin ako, e.”“Siguradong mas lalong nagali
SOPHIE’S POV“NAPAKAGANDA MO, SOPHIE!” bulalas ni Sabrina nang makita niya akong nakabihis na.Suot ko ang isang black Tulle bustier gown with black underlay with two front slits. Nilagyan din nila ako ng simpleng make up tapos kinulot ang dulo ng buhok ko.Ngumiti ako kay Sabrina. “Salamat sa pagpunta, Sab.”“At bakit ko naman hahayaang ma-miss ang pinakamahalagang araw sa buhay ng best friend ko? Siyempre, ako ang pinakaunang magko-congratulate at papalakpak sa ’yo kahit na mukhang may bago ka nang best friend,” nagtatampo niyang sabi habang nakatingin kay Venom na kasalukuyang nakaupo sa may couch.Natawa ako dahil sa sinabi niya. Parati niya ngang sinasabi sa akin kung gaano siya nagseselos kay Venom. Sinasabi niya pa sa aking mas madalas kong kasama si Venom kaysa sa kaniya.“Sabrina, hanggang kailan ko ba sasabihin sa ’yo na si Venom ay parang ate ko na?”“Oo na, alam ko ’yon, at best friend mo lang ako, gano’n?” naka-pout naman niyang sabi.Tumayo ako saka siya niyakap. “You a
PATULOY sa panginginig ang mga kamay ko habang hinihintay kong tawagin ako mula sa dressing room. Nagsimula na ang event, at naghihintay na lamang akong sabihin sa akin na oras na para lumabas ako.Sakto ay bigla na lamang bumukas ang pinto.“Miss Sophie, puwede ka nang lumabas,” tawag sa akin ni Sol.“O-Okay, lalabas na ako.” sabi ko saka tumayo.Bakit ba ako kinakabahan?At bakit feeling ko may mangyayari ngayong gabi?Dinig ko ang boses ni Miss Felestine habang nakatayo ako backstage, hinihintay na tawagin niya ang pangalan ko.“I have been looking for her for almost twenty years now. Long ago, I thought I would never find her again. But then God is too good because He let her live. And guess what? He even made a way for me to get close to my daughter. I didn't even know that the person I had been looking for was already right beside me. Ladies and gentlemen, I would like all of you to meet my one and only daughter, and also the next president of Felestine Company.”At nang marinig
“MAY I dance with the most beautiful girl here tonight?” bigla na lamang sabi sa akin ni Vincent habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.Masama akong tumingin sa kanya bago inabot ang kamay niya.Inilagay ni Vincent ang mga kamay niya sa bewang ko. Nagsimula kami sa mabagal na pagsasayaw. Noong una ay hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil nakatitig lamang siya sa akin. “I didn’t know that your real mother is Felestine,” bigla niyang sabi.“Hindi mo naman kailangan pang malaman.”“I have to, I’m your husband.”Tumingin ako sa kanya. “Hindi. Nakalimutan mo na bang may boyfriend na ako?”“Come on, Sophie. You can’t fool me with that. I know you’re just pretending.”Paano niya nalaman?“See? I know you’re lying when you said that Lance is your boyfriend. I was the one who made you forget about him, remember?”“W-Well, hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi ko na siya kayang mahalin ulit—lalo na matapos ang ginawa mo sa akin.”“Of course, you can’t because you are only mine, Soph
MAYA-MAYA ay bigla na lamang tuluyan na namatay ang lahat ng mga ilaw.‘What happened? Where’s everyone?!’Patuloy lamang sa pagsigaw ang mga tao sa paligid namin.Tapos ay bigla ko na lamang narinig ang boses ni Vincent.“Let’s go, Sophie.”“H-Huh? Saan?”“Somewhere far from here.”“Ano? Pero—”Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa kamay ko saka kami nagsimulang tumakbo sa isang direksiyon na hindi ko rin naman alam kung saan patungo.“Vincent, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya?”Nang muling bumukas ang mga ilaw ay doon ko lamang na-realize na nasa labas na kami ng venue, may helicopter na nasa harapan namin at naroon din ang mga tao ni Vincent.Napatingin ako kay Vincent na hawak pa rin ang kamay ko.“Anong ibig sabihin nito, Vincent?”“Please go with me, Sophie.”“Pero Vincent.”Binitiwan niya ang kamay ko saka tumingin sa akin. “Will you go with me?”“Sophie!”Bigla ay nakita ko sina Lance, Miss Felestine, Sabrina at Venom.“Sophie, huwag kang sumama sa kanya!” sigaw n
SOPHIE’S POVINALALAYAN ako ni Vincent habang pababa na kami mula sa private jet niya. Dinala niya ako sa isang private island.“’Sa ’yo ’to?” tanong ko sa kanya.“Ours.”Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng isla at hindi ko naiwasan ang mamangha sa taglay nitong ganda.“This is beautiful,” bulong ko.“But you’re still the most beautiful.”Ngumiti naman ako sa kanya. Hinawakan ni Vincent ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng isang villa.Ang villa na iyon ay nakatayo sa ibabaw ng isang malaking bato, kaya naman tanaw na tanaw ang napakagandang karagatan mula roon. Mayroon itong private plunge pool at covered veranda.“Would you like to take a bath first before eating, or would you like to eat now?” tanong sa akin ni Vincent.“Gusto kong maligo na muna. Gusto ko rin sanang magpalit ng damit, pero wala akong dala. Mayroon bang mabibilhan dito ng damit?” “There are dresses inside the walk-in closet. You can choose there.”“Huh?”“I already bought some clothes for you. I al
“MARRY me again, Sophie.”Nanlaki ang mga mata ko. “A-Ano?”Diretso siyang tumingin sa akin. “Marry me again.”“Vincent, seryoso ka ba? Kasal pa rin naman tayo. Hindi ka pa nag-fa-file ng divorce, hindi ba?”“That marriage was fake. I only married you because I wanted someone to entertain me, but this time, I want it to be a real marriage. I want us to start all over again. I want you to marry me again, Sophie. I want you to spend the rest of your life by my side. Will you marry me?”Nakatitig lamang siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.Napakalakas ng tibok ng puso ko at bigla ko na lamang naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko lahat sa paligid namin ay bigla na lamang naglaho.“S-Siyempre naman, pakakasalan kita. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Alam mo naman kung gaano ako ka-willing na makasama ka kahit na ilang beses mo na akong nasaktan. Mananatili ako sa tabi mo kahit na ano pa man