“YOU did really great, Sophie. I was really impressed!” puri sa akin ni Miss Felestine habang naglalakad kami papunta sa company lounge area.“Kinakabahan nga po ako kanina. Buong akala ko tuluy-tuloy na akong mabubulol habang nagp-present.”Naupo kami sa isang couch. “Ni hindi ko nga nakitang kinakabahan ka. You looked sp confident, sweetheart.”“Masyado niyo po akong pinupuri, Miss Felestine.”Umiling siya. “No, honey. Sinasabi ko lang ang totoo. You really did great and I am so proud of you.”“Thank you po!” “By the way, nakita ko iyong guwapong binatang naghatid sa ’yo kaninang umaga. Boyfriend mo ba siya?”“Huh? Naku, hindi po—malapit na kaibigan lang po siya.”“Really? Pero bagay kayong dalawa. I think you’ll make a great couple.”Ngumiti lamang ako sa kanya.“Sophie, can we go for a dinner next week? Gusto ko lang sana na mas makilala ka pa,” nakangiti ring sabi sa akin ni Miss Felestine.“Dinner next week? Sure, Miss Felestine. Gusto ko po iyon.”Tumayo siya kaya tumayo na ri
“ANO, Sophie? Kamusta ang hitsura ko? Mukha na ba akong presentable? Ah, bakit ba ako kinakabahan?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Daddy habang nasa loob kami ng kotse niya. Si Seb naman ay nag-volunteer na ipag-drive kami.Hindi ko naman naiwasan ang mapatawa dahil sa inaasal ni Dad. “Dad, bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Miss Felestine.”“Alam ko naman ’yon, anak. Hindi ko lang talaga maiwasan na kabahan. Of course, gusto kong ipakita sa kanya na presentable ang daddy mo.”“Presentable ka naman, daddy. Actually, ang guwapo mo nga today.”Tumawa siya. “Napakagaling mo talagang mambola, anak.”“Sophie, sinabi mo rin ba sa kanya na sasama ang napakaguwapo mong kapatid?” pagbibiro naman sa akin ni Seb.“Oo naman. Tinawagan ko siya kagabi at sinabihan ko rin siya tungkol sa ’yo.”“At sinabi mo rin ba sa kanya na puwede niya akong ampunin at gawing model?” pagbibiro niya.“Hahaha! Ikaw talaga, Seb!”***“ANG sabi po ni Miss Felestine ma-le-late siya ng dating. May meeting pa
“DAD, kilala mo siya? Kilala mo si Miss Felestine?” panay ang tanong ko kay Daddy pero hindi niya ako sinasagot.Tumingin naman ako kay Miss Felestine at nakita ko ang luha sa mga mata niya. “Albert, how can you do this to me? I thought you already died.”“N-Namatay?” nagtataka kong tanong.“Anna. Anong—”Tumingin sa akin si Miss Felestine. Tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya habang naglalakad palapit sa akin. “S-Siya ba ang anak ko?”Nanlaki ang mga mata ko. “A-Anak? D-Dad, anong ibig niyang sabihin? P-Please, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari, Dad!” sigaw ko habang umiiyak na rin.“Sophie. ”“Siya ang mommy mo, anak.”Napanganga ako dahil sa narinig ko. “P-Pero alam ko ang mukha ng mommy ko! May picture niya pa nga ako!”“Hindi iyon ang mommy mo, Sophie.”“A-Ano?”“Ang nanay mo ay si Felestine—kapatid siya ng Aunt Natalie mo. N-Nagkaroon kami ng affair noon at ikaw ang naging bunga niyon. Nang malaman namin na buntis siya, nag-isip kaagad kami ng paraan par
NAPAGPASYAHAN kong bisitahin ang mommy ko na si Hannah sa libingan niya para bigyan siya ng bulaklak.“Momy, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung nandito ka lang sana, siguradong sasabihin mo sa akin ang totoo. Ikaw lang ang paniniwalaan ko.”Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko. “Kumusta ka na, mommy? Sana ayos ka lang diyan sa langit. I love you so much, mom.”Nanatili ako roon sandali hanggang sa mapagpasyahan ko nang tumayo. “Babalik ako, mommy.”Aalis na sana ako, pero bigla na lamang may dumating na babae at may hawak na isang bouquet.Si Miss Felestine.“Sophie.”“M-Miss Felestine.”Ngumiti siya saka naglakad palapit sa akin. Inilapag niya libingan ni mommy ang bouquet na dala niya. “Gusto kitang pasalamatan, Hannah. Gusto kitang pasalamatan dahil inalagaan mo ang anak ko. Matagal akong nangulila sa kanya. Ang buong akala ko nga ay patay na siya.Kung hindi mo siya kinuha noong sinubukan siyang itapon ni Natalie, hindi ko alam kung
SOPHIE’S POV“PUWEDE ko bang malaman kung saan ka pupunta, Miss Sophie?” tanong sa akin ni Venom nang makita niya akong nag-aayos.Nagsuot lamang ako ng simpleng yellow chiffon dress at itinali ang buhok ko ng papusod. Simple lang din ang make up na in-apply ko. “Mag-di-dinner lang kaming dalawa ni Lance.”“T-Talaga?”“Oo. May sasabihin daw siyang importante sa akin.”Tumango naman siya. “Natutuwa ako dahil may lakas ka nang magsimula ulit, Miss Sophie.”“Ano? Venom, magkaibigan lang kaming dalawa ni Lance.”“Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na kayo puwedeng magkaroon ng relasyon na higit pa roon.” panunukso pa niya.Umiling-iling na lamang ako habang nakangiti nang bigla na lamang mag-ring ang phone ko.“Hello, Lance?”“Nasa labas na ako. Ready ka na?”“Oo. Bababa na lang ako, hintayin mo ako.”“Okay.”Matapos kong ibinaba ang tawag ay nakangiti akong tumingin kay Venom. “Aalis na ako, ha?”“Sige, Miss Sophie. Mag-iingat ka.”“See you later.”Matapos na iyon ay lumabas na rin a
“SIGURADO ka bang ayos lang na mag-isa kang pumunta ron?” tanong sa akin ni Miss Felestine.Miss Felestine pa rin ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko pa rin siya kayang tawaging mommy or mom. Sinabi niya rin naman sa akin na kaya niyang maghintay hanggang sa masanay na akong tawagin siyang ganoon.Ngumiti ako sa kanya. “Gusto ko rin po kasing mag-practice na makipag-usap sa mga company investor natin. Parati nalang po kayong sumasama sa akin at madalas kayo na rin ang nagsasalita para sa akin. Tingin ko po hindi ko ma-pa-practice ang marketing skills ko kung ganoon—parati na lang po akong mag-re-rely sa inyo.”“But I like it when you rely on me.” Ngumiti siya. “Alright then. Hahayaan kitang makipag-usap sa biggest investor natin today. He would meet you at the conference room at 10 am today.”“B-Biggest investor? P-Pero Miss Felestine, paano kung hindi ko siya ma-convince?”“Then we lose our biggest investor,” kaswal niyang sabi na para bang hindi iyon big deal.“Pero—”“I trust you,
“GOOD morning, Miss Laurens.”Nanlaki ang mga mata ko at ang ngiti sa mga labi ko ay awtomatikong naglaho nang makita ko ang mukha niya.Siya iyon.Si Vincent.“Why are you looking at me like that, Miss Laurens? Is there something wrong?” inosente niyang tanong habang nakakalokong nakangiti sa akin.Anong ginagawa niya rito?“I-I’m sorry, pero tingin ko nagkakamali ka. Hinihintay ko si Mr. Dylan Jacobs, hindi ikaw. Please lang lumabas ka na,” sabi ko sa kanya.Naupo lamang siya sa katapat kong upuan saka ipinagkrus ang mga braso niya. “I am Dylan Jacobs.”“Vincent, hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo. May importante akong meeting sa biggest investor namin ngayon kaya please lang, tigilan mo na ang kalokohang ito at lumabas ka na,” nanggagalaiti kong sabi sa kanya.“Miss Laurens, I am not playing with you too. I am Dylan Jacobs—your biggest investor.”Masama akong tumingin sa kanya. “Vincent, seryoso ako rito!”“I only use Vincent Hastings as a mafia boss, but when it comes to the real bu
“ANO? Ang biggest investor ninyo ay si boss?” sabi ni Venom nang sabihin ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga lang.Tumango ako. “Oo. Nagulat nga rin ako. Totoo bang ginagamit niya ang pangalang Dylan Jacobs?”“Oo. Ginagamit niya ang pangalan na iyon kapag nakikipag-usap siya sa mga businessman, pero mas madalas niyang gamitin ang Vincent Hastings.”“Talaga? Hindi ko alam iyon.”“Siguro hindi niya lang talaga sinabi sa ’yo. Oo nga pala, Miss Sophie. Anong naramdaman mo nang makita mo siya ulit?”Kaagad akong nag-iwas ng tingin mula kay Venom. “W-Wala. Wala akong naramdaman.”“Talaga?”“Fine. I missed him too. Inaamin kong ang guwapo niya kanina.”Tumingin lamang sa akin si Venom habang nakangiti.“Pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto ko na siyang bumalik. Galit pa rin ako sa kaniya. Na-miss ko lang siya, iyon lang. Alam mo, normal naman na ma-miss ang ex mo kapag matagal na mula nang huli kayong mag-kita.”“Miss Sophie, hindi mo na kailangan pang itago ang totoong nararamdaman mo