SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
PASIPOL-SIPOL lamang si Rudny ng mga sandaling iyon habang naglalakad siya sa madilim na hallway ng Ecstasy Bar House. Dahil kilala na siya ng mga tao ni Bernard ay mabilis na siyang pinapasok ng mga ito mula sa loob hanggang sa opisina ng big boss ng mga ito.Naglakad pa siya hanggang sa nakarating na siya sa dulong bahagi. Isang pulang pinto ang tumambad sa kanya. Pagkarating sa harapan niyon ay kumatok siya ng tatlong beses."Bukas iyan..."dinig na anang ng isang tinig mula sa loob.Tuluyan na ngang hinawakan at ipinihit ni Rudny ang seradura niyon. Saktong pagbukas niya ay tumigil na siya sa pagsipol.Kita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting polo na may marka ng mga dahon ng niyog. nakatuck in sa suot nitong kulay dark orange na maong slack. May tina ng blonde ang buhok nitong nakasulay palikod. Mukhang alaga sa suklay ang buhok.Malambot ang facial expression nito, dahil na rin sa manipis na kilay, bilugan na nangungusap na mata; katamtaman na tangos ng ilong at hindi kak
NAGING maayos naman ang byahe nina Rudny at Rodjun hanggang sa makarating sila sa fortress mansion nila. Dalawang kotse ang nakasunod sa kinalulunaan nilang sasakiyan, sakay ng mga iyon ay ang mga itinalagang body guards ni Ricardo para sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay hindi kumportable si Rudny sa ideya na may bumubuntot-buntot sa kaniya ng mga tao ng ama. Pero pagdating kay Rodjun ay ayos lang sa binata, pero pagdating sa kanya iritang-irita siya. Matataas ang makakapal na pader ang nakabakod sa buong paligid ng mansyon. De high tech din mula sa malaking gate hanggang looban niyon ang mga appliances. Imported at galing pa mula sa ibang bansa ang mga iyon. Hindi basta-basta nakakapasok, kakailanganin na ma-encode muna sa record ang pagkakakilanlan ng mga taong labas-pasok sa Aragon’s Mansion. Lahat ng bawat sulok ay may mga nakakabit na CCTV camera, pwera lang sa loob ng mga bedrooms. Five storey ang naturang mansion ng mga Aragon na pinapalibutan ng mga maasahan tauhan din ni
NAKARINIG siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto niya. Nang buksan niya iyon ay ang ama niyang si Don Vecenti ang nasa labas.“Are you ready iha?”tanong ng matanda. Pinasadaan pa nito ang kabuuan niya, sa mga sandaling iyon ay katatapos lamang siyang ayusan ng mga professional make up artist at hair dresser na kinuha lang naman ng Mommy niya. Bagama’t matagal ng naghiwalay ang mga magulang nina Novice ay kailanman ay hindi naman nakakalimutan ng ina niya ang obligasyon sa kanila.Pero pares sa ibang mag-asawa na naghihiwalay ay hindi magawang makasundo uli ang mga ito. Paano ba naman hindi maganda ang paghihiwalay ni Don Vecenti at ni Donya Clarrise, kahit maliit pa siya noon ay hindi na siya inosenti sa mga nangyayari sa pagitan ng Mommy at Daddy niya. Parating pinagbubuhatan ito ng ama dahil sa walang tamang lugar na pagseselos. Hindi niya masisisi ang ina kung nagpakalayo-layo at tuluyan hiniwalayan ang asawa. Dahil labis din ang naging paghihirap nito sa piling ni Don Vecenti
Ten Year's ago...MABILIS na tinakbo ng isang binatilyo na humihigit kinse anyos ang kahabaan ng Ramos road.Dinig niya ang malakas na ugong ng sirena mula sa 'di kalayuan. Kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Tuluyan na siyang lumusot sa mga makikipot na eskinita na kanyang nadadaanan.Hindi alintana ng binatilyo ang pawis na namuo sa noo niya na tumagaktak pababa hanggang sa mukha nito.Amoy na amoy niya ang pinaghalong lansa at masasangsang na amoy galing sa mga estero. Katanghalian tapat, kaya walang katao-tao.Napalunok siya ng laway, mula sa dulong bahagi ng labasan ay tumigil ang isang police patrol motor. Kaya upang matigilan siya."Shit! mga epal!"inis na anas ng binatilyo.Mabilis itong pumihit patalikod at kumaripas ng takbo, muli ay dinig na naman nito ang paparating na police patrol sa may 'di kalayuan.Kahit pagod na pagod na ay hindi siya tumigil sa matulin na pagtakbo.Hanggang sa nakakita siya ng isang bukas na bintana sa isang abandunadong gusali. Tuluyan siyang l
NAPAG-ALAMAN kalaunan ni Beatrice na isa sa matalik na kaibigan ng Kuya Novice niya ang tinatawag niyang "kuya Ruru".Hindi kasi siya tumigil hangga't hindi niya ito nakikilala sa gabing iyon. Naglupasay at nag-iiyak pa nga si Beatrice ng hindi na niya makita sa kanyang party ang lalaki.Mabuti na lang at napakalma rin siya matapos na isudgest ni Penelope na i-checked ang mga CCTV footage. Ora-orada ay dumiretso siya roon. Sumunod naman agad ang parents at Kuya Novice niya.Tinignan nila ang kuha sa oras kung saan nasa loob pa silang tatlo nina Elisse. Nanlaki ang mata ni Beatrice at mabilis na itinuro sa screen ng monitor ang papalabas na si Rudny. Kulang na lang ay yakapin at halikan iyon ni Beatrice pero pinigilan niya lang ang sarili.Hanggang sa ibunyag na nga Mommy at Daddy niya na kilala nila ang lalaking kinababaliwan niya. Walang iba kung 'di si Rudny Aragon, isa sa matalik na kaibigan mula highschool ng nakatatandang kapatid niya na si Novice.Magmula noon ay parati na niyan
SABAY na napalingon si Beatrice at Rudny sa lumabas na si Don Vecenti. Nginitian lamang ng matanda ang anak na dalaga. Habang si Rudny ay tinapik-tapik ang balikat niya."Please do take care my daughter iho,"bilin pa nito."Of course Tito, para sa akin ay nakakabatang kapatid na ang turing ko sa kanya,"taos sa puso na saad niya rito."Naku! hindi na ba magbabago ang tingin mo sa kanya, see! mukhang unang-unang magrerebelde ang anak ko sa sinabi mo,"natatawang ani nito. Nang lingunin nga ni Rudny si Beatrice ay nakalabi na naman ito.Matapos na magbilin pa ang matandang lalaki ay tuluyan na itong naglakad paalis. Muli na naman itong sinundan ng mga body guards nito.Nakita lang naman nila ang pagdating ni Lawrence Paul kasama ang kambal na anak nito kay Esteffany. Si Shin at Estellar. Nagkamustahan ang dalawang binata."Pasok muna ako sa loob,"wika ni Lawrence."Aba't sabay na tayo—"Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sinasabi ng maramdaman niya ang pinong kirot sa tagiliran niya mula
ILANG oras ng naroon si Beatrice kasama sina Penelope at Farah. Mula sa kinauupuan nilang table ay hindi naman kalayuan kung saan nakaupo si Rudny at ang tatlong kasama nito na pawang mga babae—hindi basta mga babae. Kung ‘di naggagandahan at nag-se-sexyhan ang mga ito.Mula sa palibot ng mga ito ay naroroon ang dalawang bodyguards na sa tingin ni Beatrice ay hindi naman tauhan ng binata.“Bii! Hindi pa ba tayo oorder ng drinks? Haller! Halos mag-i-isang oras na tayong narito sa Al fresco!” Pagkuha naman ng atensyon ni Penelope sa dalaga na nanatiling nakamasid sa kinaroroonan ni Rudny.Kahit madilim at magaslaw ang mga makukulay na ilaw sa lugar na kinaroroonan nila ay hindi naging hadlang iyon upang hindi masipat ni Beatrice kung anong nangyayari sa kabilang table kung saan naroroon ang lalaki.“Bahala na kayo kung anong gusto niyo, basta ito lang ipapaalala ko narito kayo para kapag kailanganin ko ng back up ay may maasahan ako!”mariin anas ni Beatrice. Mabilis nitong ibinalik ang
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga