SABAY na napalingon si Beatrice at Rudny sa lumabas na si Don Vecenti. Nginitian lamang ng matanda ang anak na dalaga. Habang si Rudny ay tinapik-tapik ang balikat niya."Please do take care my daughter iho,"bilin pa nito."Of course Tito, para sa akin ay nakakabatang kapatid na ang turing ko sa kanya,"taos sa puso na saad niya rito."Naku! hindi na ba magbabago ang tingin mo sa kanya, see! mukhang unang-unang magrerebelde ang anak ko sa sinabi mo,"natatawang ani nito. Nang lingunin nga ni Rudny si Beatrice ay nakalabi na naman ito.Matapos na magbilin pa ang matandang lalaki ay tuluyan na itong naglakad paalis. Muli na naman itong sinundan ng mga body guards nito.Nakita lang naman nila ang pagdating ni Lawrence Paul kasama ang kambal na anak nito kay Esteffany. Si Shin at Estellar. Nagkamustahan ang dalawang binata."Pasok muna ako sa loob,"wika ni Lawrence."Aba't sabay na tayo—"Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sinasabi ng maramdaman niya ang pinong kirot sa tagiliran niya mula
ILANG oras ng naroon si Beatrice kasama sina Penelope at Farah. Mula sa kinauupuan nilang table ay hindi naman kalayuan kung saan nakaupo si Rudny at ang tatlong kasama nito na pawang mga babae—hindi basta mga babae. Kung ‘di naggagandahan at nag-se-sexyhan ang mga ito.Mula sa palibot ng mga ito ay naroroon ang dalawang bodyguards na sa tingin ni Beatrice ay hindi naman tauhan ng binata.“Bii! Hindi pa ba tayo oorder ng drinks? Haller! Halos mag-i-isang oras na tayong narito sa Al fresco!” Pagkuha naman ng atensyon ni Penelope sa dalaga na nanatiling nakamasid sa kinaroroonan ni Rudny.Kahit madilim at magaslaw ang mga makukulay na ilaw sa lugar na kinaroroonan nila ay hindi naging hadlang iyon upang hindi masipat ni Beatrice kung anong nangyayari sa kabilang table kung saan naroroon ang lalaki.“Bahala na kayo kung anong gusto niyo, basta ito lang ipapaalala ko narito kayo para kapag kailanganin ko ng back up ay may maasahan ako!”mariin anas ni Beatrice. Mabilis nitong ibinalik ang
MAGING si Cleo ay nailayo na sa kanya dahil sa ginawang pagsabunot lang naman ni Beatrice rito.“Malandi ka! Pok! Pok! Ang kapal ng mukha mo na lumandi kay Ruru!” gigil na asik nito.“Tumigil ka! Bitch!” Baling naman ni Cleo at nakipagsabunutan na rin ito kay Beatrice.Sina Steph at Hailey naman ay akmang makikisali at pagtutulungan si Bea ngunit dali-dali naman namagitan si Penelope at Farah.“Sige subukan niyong makialam at ng hindi ko sirain ang mga mukha niyo!” Pagbabanta ni Penelope na nagbasag pa ng bote at inuumang sa dalawang babae.“Patrick akin ng baril!” mando naman ni Hailey sa isang bodyguard nito na palapit.Napabuntong-hininga naman na tumayo mula sa pagkakaupo si Rudny.“Hey Hailey easy! Ako ng bahala sa mga ito, sorry for inconvenience. Here’s the key to my condo, better na mauna na kayo, susunod ako.”“Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi mo ginawa ibig sabihin lang niyon ay hindi na matutuloy ang pag-i-invest ni boss.” Saka ito tuluyan tumalikod kasunod nito si S
AGAD na ipinarada ni Rudny ang dalang sasakiyan sa isang banda ng parking lot ng condominium building niya pagkarating pa lang niya sa naturang lugar. Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad papunta sa main entrance ng building."Goodevening Sir Aragon, siya po pala may tatlo hong babae ang dumating. Sinabi ng isa na kilala mo raw sila kaya pinapasok ko na, ipinakita rin niya kasi ang duplicate key ng condo niyo Sir,"magalang na pag-iimporma ng security guard na nasa harapan."Yes, thank you sa pag-aasikaso!" maiksing wika lang ni Rudny. Tinapik niya sa braso ang binatang security na hindi nalalayo sa edad niya."Sige po sir, akyat na kayo mukhang mapapalaban kayo ngayong gabi,"biro pa nito."Hindi naman business porpoises lang ang ipinunta ng mga iyon,"tugon lang niya. Naglabas siya ng sigarilyo. Agad naman sindihan ng security guard iyon gamit ang sariling lighter nito."Naku! sir noong isang araw lang ibang babae na naman ang naparito. Mukhang hindi kayo nauubusan," dagdag pa nito.
"That's it! ugh! sarap!" baliw na anas at magkasunod na ungol ang namutawi sa bibig ni Rudny. Enjoy na enjoy ito sa ginagawa ng tatlong babae sa ibabang bahagi niya kung saan walang sawa lang naman tinitikman lang naman ng mga ito ang t*t* niya."Ganito ba kabilis ang gusto mo hmmm..." Kasabay ng mas pinabilis pa na pagtaas baba ni Cleo sa kahabaan niya gamit lang naman nito ang dalawang palad na hindi magkandaugaga sa pagsalsal. Habang si Steph naman ay tuluyan naglumikot ang dila nito sa butas ng ibabaw ng t*t* niya, may kiliting sarap ang hatid niyon sa kanya. Halos basang-basa na rin ng laway ang betlog niya sa ginagawa ni Hailey.Hindi nagtagal ay tuluyan niyang hinila paitaas si Cleo. Muli na naman silang naghalikan, habang ang dalawang kasama nito ay abalang-abala pa rin sa tumitigas pa rin niyang sandata.Tuluyan itinaas ni Rudny ang mini skirt ni Cleo, tama nga ang hinala niya. Walang suot na underwear ito, kaya kitang-kita niya ang katambukan ng p*k-p*k nito at ang mumunting
HALOS mag-i-isang linggo na ang lumipas ng huling magkita at magkausap si Beatrice at Rudny. Tinotoo nito ang pagsunod sa napag-usapan nila na hindi na niya ito susundan-sundan. Ngunit, marahil sa pagka-atat sa pagtupad naman ng ipinangako nitong halik ni Rudny kapag nag-behave siya ay hindi na napigilan ng dalaga ang sarili.“Come on! Answer my call Ruru!”inip na bulong sa kawalan ni Beatrice habang pinapakinggan niya ang patuloy na pag-ring ng tawag niya. Inis niyang muling idinial ang numero ng binata at nagpatuloy pa rin siya sa kakatawag dito. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang nagpadala ng messages sa lalaki. Maging sa mga social media account nito ay tinadtad niya ng sent message ang inbox nito. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay unseen at hindi siya nire-replayan nito. Naiikot na lamang ni Beatrice ang mata dahil kitang-kita naman niya na available ito!“I hate you!”gigil na anas na naman niya. Sa sandaling iyon ay nagpost na siya ng status niya sa accoun
Napatango-tango naman si Beatrice. Maya-maya ay dumating na ang mga meryenda na ipinahanda ng kapatid ni Rudny. Inilapag iyon ni Yaya Simang.“Wow! Cookies, kayo po ba ang nagbake ho nito?”tanong ni Beatrice na agad kumuha at kumagat.“Naku iha, binili ko lang iyan sa may bakery masarap ba?”“Opo, alam niyo po ba na marunong po akong magbake nag-aral po ako sa abroad ng culinary kong hindi nito naitatanong mahilig po talaga akong magluto,”pagmamalaki ni Beatrice na wala naman pagyayabang na mababanaag sa tinig nito. Kumbaga ay normal na rito na ipinagsasabi ang mga talent nito.“Talaga iha, naalala ko tuloy ang asawa ko,”bulong ni Ricardo.“Bakit po Tito?Ahy! Nasaan po pala si Tita? ”tanong naman ni Beatrice na kinuha ang isang baso ng mango juice para makainom.“Alam mo kasi Ate mahilig talagang magbake si Tita noong buhay pa siya. Lagi niyang ipinagluluto dati sina Kuya,”malungkot na salaysay ni Rodjun.Kita ni Beatrice ang pagkalungkot sa mukha ng Daddy ni Rudny, kaya maging siya
AGAD niyang inilapag ang kinakain, kahit ang totoo ay sarap na sarap pa siya sa pagkain niyon.Nag-alis siya ng bara matapos na makainom ng ice tea."Nasaan siya?"seryusong tanong ni Rudny."Si Ate Beatrice? nasa taas sa first room pinapatayo niya iyong dress niya na nabasa ko. Nakakahiya nga kasi—"Hindi na pinatapos ni Rudny sa pagsasalita ang kapatid dahil tumuwid na siya ng tayo at nag-excuse sa mga kasama.Panay pa ang pagtawag sa kanya ni Rodjun ngunit hindi na niya pinapakinggan ito dire-diretso siya. Agad niyang natumbok ang silid na sinabi ng nakakabatang kapatid na pinasukan ni Beatrice. Mabilis niyang ipinihit ang seradura niyon at ibinukas."Bea! Where are you?"Ngunit walang sagot mula rito. Lalo tuloy nairita si Rudny. Agad niyang hinalughog ang buong silid, pero halos napuntahan na niya ang bawat sulok niyon ay hindi niya pa nakikita ni kahit anino ng babae.Kaya upang tuluyan siyang lumabas sa silid na iyon, baba na sana siya upang itanong sa kapatid kung nasaan si Beatr
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga