PASIPOL-SIPOL lamang si Rudny ng mga sandaling iyon habang naglalakad siya sa madilim na hallway ng Ecstasy Bar House. Dahil kilala na siya ng mga tao ni Bernard ay mabilis na siyang pinapasok ng mga ito mula sa loob hanggang sa opisina ng big boss ng mga ito.
Naglakad pa siya hanggang sa nakarating na siya sa dulong bahagi. Isang pulang pinto ang tumambad sa kanya. Pagkarating sa harapan niyon ay kumatok siya ng tatlong beses.
"Bukas iyan..."dinig na anang ng isang tinig mula sa loob.
Tuluyan na ngang hinawakan at ipinihit ni Rudny ang seradura niyon. Saktong pagbukas niya ay tumigil na siya sa pagsipol.
Kita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting polo na may marka ng mga dahon ng niyog. nakatuck in sa suot nitong kulay dark orange na maong slack. May tina ng blonde ang buhok nitong nakasulay palikod. Mukhang alaga sa suklay ang buhok.
Malambot ang facial expression nito, dahil na rin sa manipis na kilay, bilugan na nangungusap na mata; katamtaman na tangos ng ilong at hindi kakapalan na labi. May moreno na kulay ng balat na tatalunin pa ang isang babaeng may skin care sa pagkakinis ng kutis. Maliit itong lalaki, tumataas lamang ito ng 5'1 ft.
"Ikaw pala! Masaya ako at naisipan mong pumasyal ngayon rito. Magandang gabi Mr. Aragon ano bang maipanglilingkod ko. Nais mo bang maglameryenda ngayon? Kung may matipuhan ka sa mga babae sa club namin ay libre na sa'yo,"galak na wika nito.
Umayos ito ng upo, ang mga lalaking may malalaking katawan na tanging suot-suot lamang ay mga pulang brief ay agad na nagsitayo. Ang isa ay lumabas na muna, habang isang lalaking natitira pa ay nagpunta sa likuran ni Bernard at minasahe ang balikat nito.
"Have a seat Mr. Aragon, what do you want to drink? coffee, juice or hard drink would be?"offer pa ng binata.
Naupo naman si Rudny sa leather sofa na naroon. Ibinuka niya ang magkabilaang braso at magaan idinantay lang. Tinitigan niya lamang nang mapang-uyam ang kaharap.
"Huwag ka ng mag-abala Mr. Cripson, alam mo naman ang totoong pakay ko,"wika ni Rudny.
Nag-alis naman ng bara mula sa lalamunan si Bernard. Sa sandaling iyon ay tuluyan na nitong pinaalis ang call boy na nasa likuran niya. Matapos lumabas ito ay muli niyang binalingan si Rudny.
"Pwedi ba Mr. Aragon kung ang pamimilit niyo na magbigay ako ng buwis sa inyo sa tuwing katapusan ay ipinunta mo rito ay maari ka ng makaalis. Hindi ako katulad ng ibang business na nauuto niyo!"gigil nitong sabi sa kanya. Malakas pa nitong ipinukpok ang nakakuyom na kamao sa lamesa na kaharap.
"Humi-hindi ka ba sa utos ng mas nakatataas?"Nakangising sabi ni Rudny. Aliw na aliw siya sa reaction ng kaharap.
"Of course! Ang laki ba naman ng hinihingi niyo. My God! it's worth of half million. Anong akala niyo sa business ko nanganganak ng pera!"galit na galit nitong wika. Ikinumpas pa nito ang braso sa harapan niya.
"Alam mo Mr. Cripson, maliit na pera lamang iyon sa iyo kumbaga sa mga illegal na business na nagbabayad sa amin. Kayang-kaya mo iyon, anak ka ni Congressman Teodoro kaya easy money lang sa'yo ang pagbibigay ng ganoon halaga,"bale-walang sabi lang ni Rudny.
"Stop this Mr. Aragon. Kahit ano pang kabalbalan ang sabihin mo ay hindi ako magbibigay ni kusing!"bulyaw ni Cripson sa nagtatagis na bagang. Pinanlakihan pa nito ng mata ang ang binata.
"Are you sure Mr. Cripson, maybe this will help you change your mind."Saka inilabas ni Rudny isang katamtaman na envelope. Ibinato niya iyon sa harapan ni Bernard.
"What's this?"Nakakunot-noong aniya sa binata.
"Just open that, see it for yourself,"may maluwang na ngiti na mando ni Rudny rito.
Tinitigan na muna siya ni Bernard bago nito tuluyan dinampot iyon at binuksan.
"Ano ito! Pinapasundan mo ba ako!"asik na saad ni Bernard na mabilis na pinasadaan ng nanlalaking mata niya ang mga kuhang litrato niya. Kasama ng mga iba't ibang lalaking bayaran!
"Hindi ko na kailangan sagutin iyan Mr. Cripson. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa political career at ng family niyo ang delikadesa ng bawat miyembro sa pamilya niyo. Ayaw mo naman siguro na masira iyon ng dahil sa pagiging bakla mo,"diretsang dagdag pa ni Rudny.
"How dare you! Huwag mong isinasali-sali ang gender issue ko sa bagay na ito! Binabalaan kita!"
"Bakit ano ang gagawin mo Mr. Cripson?"
"Isusumbong kita sa Tito kong may mataas na katungkulan sa kapulisan at—"Ngunit hindi na pinatapos ni Rudny sa pagsasalita ito. Tuluyan niyang inilabas ang nakatagong baril na nasa ibaba ng suot-suot niyang sapatos.
"Sige subukan mong magsumbong at ng ora mismo ay pasasabugin ko ang bao mo ngayon!"matalim ang tinig kasabay ng panlalaki ng magkabilaang mata ni Rudny habang tutok na tutok kay Bernard ang Walther PPQ M2.
"H-hey! i-ibaba mo iyan b-baka pumutok pa iyan!"nahihintatakutan babala ni Bernard habang iwinawagayway pa nito ang dalawang palad sa harapan niya.
"Puwes! matuto kang kumunsidera ng utos ng mas nakatataas sa iyo! at isa pa kapag hindi ka sumunod ay mapipilitan akong utusan ang isang tao ko na itumba ang tatay mo ngayon."
"Hindi iyan totoo!"
"Why you don't call your Dad, ask him kung nasaan siya ngayon. Dahil ayon sa tauhan ko ay nasa green palace siya."
Nagmadali na ngang inilabas ni Bernard ang android phone na nasa bulsa nito at mabilis na idinial ang numero ng ama nito.
"H-hello Dad w-where a-are you?"anito sa nanginginig na tinig. Pasalit-salit ang ginagawa nitong pagtitig kay Rudny na tiyeso lamang nakaupo habang hinhintay siyang matapos sa pakikipag-usap.
Halos sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok, matapos nitong maibaba ang tawag.
"Ano ngayon, hindi ba't nagsasabi ako ng totoo,"tugon ni Rudny.
Hindi naman makausal ng kahit na anong salita si Bernard dahil ipit na ipit siya sa sitwasyon meron siya ngayon. Halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit maging ang dalawang mata niya ay gustong maglabas ng apoy!
"Ano na, susunod ka na ba. Are you willing to pay?"walang ano-ano'y nasabi ni Rudny.
Maya-maya'y tuluyan gumapang ang palad ni Bernard sa ilalim ng desk niya at kinapa ang nakatagong baril doon.
"Ano ako tanga! Papatayin muna kita bago ako maging sunod-sunuran sa utos ng mga katulad niyong sindikato na wala ng ginawa kung 'di humuthut sa mga katulad namin na may pera!"mataas ang tinig na sigaw nito.
Mabilis na itinutok nito sa kanya ang baril na hawak. Nagtatawa ito ng nagtatawa.
May-maya ay nakitawa na rin si Rudny.
"Anong tinatawa-tawa mo? Nabaliw ka na ba dahil anuman oras ay papatayin na kita!"
"Adik ka ba! Hoy! tanga! bago mo ako mabaril ay uunahan ka pa ng sniper na kasama ko!"Halakhak ni Rudny.
"Hindi ako naniniwala, you just scaring me you crazy son of a bitch!"
"Ganoon."Itinaas ni Rudny ang kaliwang kamay at isang pitik ng daliri ang ginawa niya. Kasabay ng pagkabasag ng salamin sa bintanang katabi kung saan nakatayo si Bernard ay isang bala ng baril ang dumaplis sa braso nito!
"F*ck you! Oh! My gosh! G*go ka!"hysterical na pagsisigaw ni Bernard sa nanlalaking mata. Halos mapasandig ito sa swivel nito habang sapo nito ng mariin ang balikat na dumudugo na ngayon.
Agad ang pagbukas ng pinto at dali-daling pumasok ang mga unipormadong tauhan ni Bernard. Agad tumutok ang mga hawak-hawak na baril ng limang tauhan nito kay Rudny na nanatili pa rin kalmado sa pagkakaupo.
Tuluyan siyang tumayo.
"Easy... kung ako sa'yo Mr. Cripson ay pagsasabihan ko ang mga tauhan mo na ibaba ang mga baril nila kung gusto ka pa nilang mabuhay. Anytime ay maaring sundan ng putok ng kasama kong sniper ang tama ng baril sa'yo or worst sa mismong kinatatayuan mo ay bawian ka ng buhay,"tugon ni Rudny.
Hindi naman umimik si Bernard akmang lilingon ito sa bintana ng biglang muling nagsalita ito.
"Kung ako sa'yo ay huwag mo ng balakin lumingon dahil hudiyat niyan para magpaputok ang tao ko."
Kaya upang wala ng magawa si Bernard.
"I-ibaba niyo na ang mga h-hawak niyong baril,"utos ni Bernard.
Tuluyan naman sumunod ang mga tauhan nito sa ipinag-uutos niya.
"S-sige na magbabayad na ako!"napipilitan ng pagpayag ni Bernard.
"Good, heto pumirma ka... ayusin mo ang paglagda."Nakangising utos ni Rudny. Tuluyan niyang inilabas ang isang folder na naglalaman ng kontrata na napag-usapan nila.
Sa nanginginig na kamay ay pumirma si Bernard. Agad na kinuha at pinasadaan ng tingin ng binata iyon ng ma-checked niyang tama naman ang pirma nito ay tuluyan na niyang kinuha iyon.
"Thanks for your cooperation Mr. Cripson, ang tao ko na lang ang siyang pupunta sa'yo rito para maningil. Binabalaan lang kita oras na may gawin kang paglabag sa napag-usapan natin ay katapusan niyo na. Huwag na huwag kang magbabalak na magsumbong sa mga pulis dahil marami akong koneksyon!"Sinaluduhan pa siya ni Rudny bago tuluyan lumabas sa opisina nito sa nagpupuyos na galit na lalaki.
"Ano ng gagawin natin boss?"wika ni Arnaldo ang kanang kamay ni Bernard. Kasalukuyan na itong ginagamot ng isang private nurse na pinasundo niya.
"Huwag kang mag-alala, dahil hindi ko mapapayagan na ganituhin lang ako ng pamilya Aragon! Darating ang oras na siya ang mismong magsisisi na kinanti pa niya ang angkan ng mga Cripson!"May banta sa tinig ni Bernard.
AGAD na inalis ni Rudny ang suot na helmet ng mga sandaling iyon matapos niyang maiparada ang sinakiyan na Ducati Panigale V4 SP. Pinakapaborito at isa sa pinakamamahal na motorbike niya. Bukod sa Dodge Tomahawk V10 superbike na nagkakahalaga rin ng halos kalahating milyon na dolyares ang halaga. Bata pa lamang siya kinahiligan na niya ang pagkolekta ng mga sasakiyan.
Bukod sa mga motorbikes ay mayroon din siyang tatlong sobrang mamahal na kotse. Ford Mustang 5.0L V8 GT na nagkakahalaga ng Million. Ang Lexus RC F at Lamborghini Gallardo na ineregalo lang naman ni Ricardo na ama niya.
Tuluyan na siyang naglakad papasok ng fire ranged na pagmama'y ari rin ng kanilang pamilya. Sa tuwing marami siyang iniisip ay doon ang lagi niyang takbuhan.
Agad siyang nagsuot ng mga safety gear at nilagyan ng bala ang hawak-hawak na baril. Matapos iyon ay tuluyan na niyang itinutok ang nguso niyon at sunod-sunod siyang nagpaputok.
Halos mapuno ng malakas na ingay ang buong paligid. Maging ang dulo ng hawak niyang baril ay umusok pa.
Maya-maya ilang magkakasunod na palakpak ang narinig ni Rudny sa may 'di kalayuan. Nang tignan niya ay ang nakababatang kapatid lang naman niyang si Rodjun. Ampon ng ama niya, anak ito ng matalik na kaibigan ni Ricardo. Diumano'y napaslang sa riot ang ama nito noong maliit pa ito. Kaya upang ito na ang maging legal guardian at maging kasapi na ito ng pamilya nila. Sa ngayon ay katatapos lamang nito sa kurso nitong Business Management sa isang kilalang Unibersidad dito sa Maynila.
"Idol talaga kita kuya Rudny, sana next time ay turuan mo naman akong humawak ng baril,"wika ni Rodjun.
Tuluyan naman pinagtatanggal ni Rudny ang mga sinuot niyang safety gear, inilapag niya sa kaharap na lamesa ang baril na hawak.
"Hindi pwedi Jun."
"B-bakit naman hindi pwedi kuya, gusto ko rin matutong bumaril. In case na kakailanganin kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga kalaban,"ungot nito. Akmang hahawakan nito ang baril, pero mabilis na hinawakan ni Rudny ang kamay niya upang pigilan siya.
"Huwag ng matigas ang ulo, andiyan naman sina Ysmael para protektahan ka,"ani ni Rudny sa mga bodyguard nito.
"Eh, iba pa rin iyon, sige na Kuya,"patuloy nito. Pero tinalikuran na siya ni Rudny.
"Ano bang ginagawa mo rito, may importante ka bang sasabihin?"tanong ni Rudny na agad iniba ang paksa ng usapan nila.
Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Rudjun.
"Ah oo Kuya, pinapunta ako ni Papa rito. Agad mo raw siyang puntahan sa mansyon dahil may pag-uusapan daw kayong mahalagang bagay,"sagot nito.
"Sige tara na,"wika ni Rudny.
"Isa pa pala Kuya, kaninang umaga may dumating kang bisita. Ang ganda-ganda niya para siyang anghel na bumaba sa langit,"habol pa ni Rodjun na nangingislap pa ang mata.
Napakunot-noo naman si Rudny, inalala niya kung sino sa mga kasalukuyan babaeng idene-deyt niya ang maaring puntahan siya sa mansyon. Hindi na lang niya tinugon ang pangangantiyaw ni Rudjun sa kanya sa lumipas na sandali ng naging byahe nila pauwi.
NAGING maayos naman ang byahe nina Rudny at Rodjun hanggang sa makarating sila sa fortress mansion nila. Dalawang kotse ang nakasunod sa kinalulunaan nilang sasakiyan, sakay ng mga iyon ay ang mga itinalagang body guards ni Ricardo para sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay hindi kumportable si Rudny sa ideya na may bumubuntot-buntot sa kaniya ng mga tao ng ama. Pero pagdating kay Rodjun ay ayos lang sa binata, pero pagdating sa kanya iritang-irita siya. Matataas ang makakapal na pader ang nakabakod sa buong paligid ng mansyon. De high tech din mula sa malaking gate hanggang looban niyon ang mga appliances. Imported at galing pa mula sa ibang bansa ang mga iyon. Hindi basta-basta nakakapasok, kakailanganin na ma-encode muna sa record ang pagkakakilanlan ng mga taong labas-pasok sa Aragon’s Mansion. Lahat ng bawat sulok ay may mga nakakabit na CCTV camera, pwera lang sa loob ng mga bedrooms. Five storey ang naturang mansion ng mga Aragon na pinapalibutan ng mga maasahan tauhan din ni
NAKARINIG siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto niya. Nang buksan niya iyon ay ang ama niyang si Don Vecenti ang nasa labas.“Are you ready iha?”tanong ng matanda. Pinasadaan pa nito ang kabuuan niya, sa mga sandaling iyon ay katatapos lamang siyang ayusan ng mga professional make up artist at hair dresser na kinuha lang naman ng Mommy niya. Bagama’t matagal ng naghiwalay ang mga magulang nina Novice ay kailanman ay hindi naman nakakalimutan ng ina niya ang obligasyon sa kanila.Pero pares sa ibang mag-asawa na naghihiwalay ay hindi magawang makasundo uli ang mga ito. Paano ba naman hindi maganda ang paghihiwalay ni Don Vecenti at ni Donya Clarrise, kahit maliit pa siya noon ay hindi na siya inosenti sa mga nangyayari sa pagitan ng Mommy at Daddy niya. Parating pinagbubuhatan ito ng ama dahil sa walang tamang lugar na pagseselos. Hindi niya masisisi ang ina kung nagpakalayo-layo at tuluyan hiniwalayan ang asawa. Dahil labis din ang naging paghihirap nito sa piling ni Don Vecenti
Ten Year's ago...MABILIS na tinakbo ng isang binatilyo na humihigit kinse anyos ang kahabaan ng Ramos road.Dinig niya ang malakas na ugong ng sirena mula sa 'di kalayuan. Kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Tuluyan na siyang lumusot sa mga makikipot na eskinita na kanyang nadadaanan.Hindi alintana ng binatilyo ang pawis na namuo sa noo niya na tumagaktak pababa hanggang sa mukha nito.Amoy na amoy niya ang pinaghalong lansa at masasangsang na amoy galing sa mga estero. Katanghalian tapat, kaya walang katao-tao.Napalunok siya ng laway, mula sa dulong bahagi ng labasan ay tumigil ang isang police patrol motor. Kaya upang matigilan siya."Shit! mga epal!"inis na anas ng binatilyo.Mabilis itong pumihit patalikod at kumaripas ng takbo, muli ay dinig na naman nito ang paparating na police patrol sa may 'di kalayuan.Kahit pagod na pagod na ay hindi siya tumigil sa matulin na pagtakbo.Hanggang sa nakakita siya ng isang bukas na bintana sa isang abandunadong gusali. Tuluyan siyang l
NAPAG-ALAMAN kalaunan ni Beatrice na isa sa matalik na kaibigan ng Kuya Novice niya ang tinatawag niyang "kuya Ruru".Hindi kasi siya tumigil hangga't hindi niya ito nakikilala sa gabing iyon. Naglupasay at nag-iiyak pa nga si Beatrice ng hindi na niya makita sa kanyang party ang lalaki.Mabuti na lang at napakalma rin siya matapos na isudgest ni Penelope na i-checked ang mga CCTV footage. Ora-orada ay dumiretso siya roon. Sumunod naman agad ang parents at Kuya Novice niya.Tinignan nila ang kuha sa oras kung saan nasa loob pa silang tatlo nina Elisse. Nanlaki ang mata ni Beatrice at mabilis na itinuro sa screen ng monitor ang papalabas na si Rudny. Kulang na lang ay yakapin at halikan iyon ni Beatrice pero pinigilan niya lang ang sarili.Hanggang sa ibunyag na nga Mommy at Daddy niya na kilala nila ang lalaking kinababaliwan niya. Walang iba kung 'di si Rudny Aragon, isa sa matalik na kaibigan mula highschool ng nakatatandang kapatid niya na si Novice.Magmula noon ay parati na niyan
SABAY na napalingon si Beatrice at Rudny sa lumabas na si Don Vecenti. Nginitian lamang ng matanda ang anak na dalaga. Habang si Rudny ay tinapik-tapik ang balikat niya."Please do take care my daughter iho,"bilin pa nito."Of course Tito, para sa akin ay nakakabatang kapatid na ang turing ko sa kanya,"taos sa puso na saad niya rito."Naku! hindi na ba magbabago ang tingin mo sa kanya, see! mukhang unang-unang magrerebelde ang anak ko sa sinabi mo,"natatawang ani nito. Nang lingunin nga ni Rudny si Beatrice ay nakalabi na naman ito.Matapos na magbilin pa ang matandang lalaki ay tuluyan na itong naglakad paalis. Muli na naman itong sinundan ng mga body guards nito.Nakita lang naman nila ang pagdating ni Lawrence Paul kasama ang kambal na anak nito kay Esteffany. Si Shin at Estellar. Nagkamustahan ang dalawang binata."Pasok muna ako sa loob,"wika ni Lawrence."Aba't sabay na tayo—"Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sinasabi ng maramdaman niya ang pinong kirot sa tagiliran niya mula
ILANG oras ng naroon si Beatrice kasama sina Penelope at Farah. Mula sa kinauupuan nilang table ay hindi naman kalayuan kung saan nakaupo si Rudny at ang tatlong kasama nito na pawang mga babae—hindi basta mga babae. Kung ‘di naggagandahan at nag-se-sexyhan ang mga ito.Mula sa palibot ng mga ito ay naroroon ang dalawang bodyguards na sa tingin ni Beatrice ay hindi naman tauhan ng binata.“Bii! Hindi pa ba tayo oorder ng drinks? Haller! Halos mag-i-isang oras na tayong narito sa Al fresco!” Pagkuha naman ng atensyon ni Penelope sa dalaga na nanatiling nakamasid sa kinaroroonan ni Rudny.Kahit madilim at magaslaw ang mga makukulay na ilaw sa lugar na kinaroroonan nila ay hindi naging hadlang iyon upang hindi masipat ni Beatrice kung anong nangyayari sa kabilang table kung saan naroroon ang lalaki.“Bahala na kayo kung anong gusto niyo, basta ito lang ipapaalala ko narito kayo para kapag kailanganin ko ng back up ay may maasahan ako!”mariin anas ni Beatrice. Mabilis nitong ibinalik ang
MAGING si Cleo ay nailayo na sa kanya dahil sa ginawang pagsabunot lang naman ni Beatrice rito.“Malandi ka! Pok! Pok! Ang kapal ng mukha mo na lumandi kay Ruru!” gigil na asik nito.“Tumigil ka! Bitch!” Baling naman ni Cleo at nakipagsabunutan na rin ito kay Beatrice.Sina Steph at Hailey naman ay akmang makikisali at pagtutulungan si Bea ngunit dali-dali naman namagitan si Penelope at Farah.“Sige subukan niyong makialam at ng hindi ko sirain ang mga mukha niyo!” Pagbabanta ni Penelope na nagbasag pa ng bote at inuumang sa dalawang babae.“Patrick akin ng baril!” mando naman ni Hailey sa isang bodyguard nito na palapit.Napabuntong-hininga naman na tumayo mula sa pagkakaupo si Rudny.“Hey Hailey easy! Ako ng bahala sa mga ito, sorry for inconvenience. Here’s the key to my condo, better na mauna na kayo, susunod ako.”“Siguraduhin mo lang, dahil kapag hindi mo ginawa ibig sabihin lang niyon ay hindi na matutuloy ang pag-i-invest ni boss.” Saka ito tuluyan tumalikod kasunod nito si S
AGAD na ipinarada ni Rudny ang dalang sasakiyan sa isang banda ng parking lot ng condominium building niya pagkarating pa lang niya sa naturang lugar. Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad papunta sa main entrance ng building."Goodevening Sir Aragon, siya po pala may tatlo hong babae ang dumating. Sinabi ng isa na kilala mo raw sila kaya pinapasok ko na, ipinakita rin niya kasi ang duplicate key ng condo niyo Sir,"magalang na pag-iimporma ng security guard na nasa harapan."Yes, thank you sa pag-aasikaso!" maiksing wika lang ni Rudny. Tinapik niya sa braso ang binatang security na hindi nalalayo sa edad niya."Sige po sir, akyat na kayo mukhang mapapalaban kayo ngayong gabi,"biro pa nito."Hindi naman business porpoises lang ang ipinunta ng mga iyon,"tugon lang niya. Naglabas siya ng sigarilyo. Agad naman sindihan ng security guard iyon gamit ang sariling lighter nito."Naku! sir noong isang araw lang ibang babae na naman ang naparito. Mukhang hindi kayo nauubusan," dagdag pa nito.
SABI nga nila nagbabago ang lahat. Katulad ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng inaasahan ni Beatrice at ng lahat, ikinasal ang Kuya Novice niya at Ate Shaina niya. Ngunit, iyon din ang araw na nawala ang anak ng mga ito.Ang saya ay kadalasan napapalitan ng lungkot. Kasama na iyon sa buhay ng isang tao, kaya madalas iba't ibang klase ang karanasan ng isang tao sa mundo.Magmula noon, natutunan ni Beatrice na i-appreciate ang mga taong nasa paligid niya. Madami pa ang nangyari pagkatapos noon na hindi inaasahan."Hello! Nasaan ka, nakita mo na ba si Kuya Novice. Ano! magsalita ka!" Pasigaw na turan ni Beatrice mula sa kabilang linya.Saglit na inilayo naman ni Rudny ang aparato mula sa kanyang teynga. Walang sandali na nabibingi siya sa kasisigaw nito sa kanya. Ngunit pinagtitiisan na lang niya, tutal malapit ng matapos ang lahat."Pwedi ba, papunta pa lang ako sa bahay bakasyunan ng Kuya mo. Kaso, ang lakas na bigla ng ulan, kaya bukas na lang ako tutuloy," sagot naman ni Ru
MAGMULA sa gabing nasaksihan ni Beatrice ang lahat ay muling nagbago siya."May problema ba tayo?" tanong ni Rudny na mabilis na hinawakan ito sa balikat.Nakasimangot naman itong lumingon at napatitig sa kanya."Ano magsalita ka, may nagawa ba ako kaya ka nagkakaganiyan?" Pag-uusisa ni Rudny."Wala, sige na at baka magtaka pa sina Kuya Novice at Ate Shaina kung bakit wala pa tayo roon," sagot nito.Rehearsal kasi sa kasal ng kapatid niya. Sa isang linggo na iyon, mabilisan ang pagpre-prepara dahil sa kasalukuyan estado ng pamangkin nito.Tuluyan na niyang tinabig ang kamay ng lalaki at diretsong naglakad papasok sa gate.Kahit walang nakuhang matinong sagot si Rudny ay kaagad na niyang sinundan ang babae. Ayaw na niyang kinukulit ito katulad ng dati, mas mahihirapan kasi siya kapag dumating ang araw na kailangan niyang iwanan ito.Halos lahat ay naroon na."Bakit ngayon lang kayo, start na tayo," wika ni Novice nang mapansin silang dumating.Nasa dati silang garden sa school nila
NANATILING lihim ang relasyon ni Beatrice at Rudny. Naging abala sila sa kanya-kanyang buhay, kaya naging madalang ang pagkikita ng dalawa."Sheena, paki-print nga ito ngayon at kailangan ko para bukas," utos niya sa kanyang secretary."Yes ma'am." Agad na inabot nito ang papel na hawak niya at nagmadaling lumabas.Muling bumalik sa kinauupuan si Beatrice habang patuloy pa rin binabasa ang dokumento na kasalakuyan niyang pinag-aaralan.Napagawi ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at iluwa si Farah."Hai Goodmorning! kumusta ka naman. Mukhang nakakulong ka na naman dito sa opisina mo huh," paunang salita ng kaibigan matapos na maiabot nito sa kanya ang dala-dalang mga papeles na kakailanganin niyang mabasa at pirmahan."Heto okay lang naman, O.A mo naman bii. Hindi naman ako workaholic katulad ng dati," iiling-iling na sabi ni Beatrice at itinuon na ang pansin sa pagbabasa.Habang ang kaibigan niya ay naglakad papunta sa coffee mixer niya upang magtimpla ng inumin na kape
MAAGANG inihatid ni Rudny sina Beatrice, ayon na rin sa huli ay kakailanganin nilang makauwi ng maaga. Dahil sa may pasok pa ito sa kumpaniya ng ama."Hindi ka na ba papasok, dito ka na kaya mag-dinner." Paanyaya ni Beatrice sa lalaki matapos na makababa mula sa loob ng sasakiyan ng binata si Jaxx Rube at makuha ito ng Yaya."Next time na lang Bea, may importante pa kong lakad," matipid na sagot ni Rudny.Mataman naman natitigan ito ni Beatrice at matipid na nangiti."Sige mag-iingat ka," tugon niya. Agad niyang iniiwas ang pansin at nag-umpisa ng magtanggal ng seatbelt.Napabuntong-hininga naman si Rudny. Kilala niya ang babae, kapag ganitong matipid itong magsalita ay may kung anong tumatakbo sa isipan nito.At sigurado siyang hindi niya gusto kung ano man iyon."Sweetheart, may problema ba?" usisa ni Rudny.Nang hindi magsalita si Beatrice ay tuluyan na niyang pinigil ito."Your not leaving my car sweety. Hangga't hindi mo sinasabi sa akin mismo kung ano na naman tumatakbo sa utak
PALABAS na si Rudny sa kanilang mansyon upang puntahan si Beatrice at Jaxx. Nang habulin siya ni Rudjun."Saan ka pupunta Kuya? Makikisabay ka na sa akin sa pagpunta sa hospital?" Sunod-sunod ang pagtatanong nito. Tinutukoy ang ama nilang itinakbo noong isang araw dahil nagkabarilan."Nope! Pero huwag kang mag-alala. Susunod ako sa iyo, puntahan ko lamang sina Bea," tugon ni Rudny. Akmang papasok ito sa loob ng sasakiyan ng pigilan siya ng binata."Teka! Bakit mo pa sila uunahin.Huwag mong sabihin mas priority mo pa sila? Unbelievable! ano ng iisipin ni Dad sa pinaggagawa mo. Kahapon ka pa niya itinatanong." Pangungulit ni Rudjun. Hindi maitangging may galit itong nararamdaman."C'mon Jun, Dad will gonna understand. Kaya sige na, susunod ako roon. Importante lang talaga ang pupuntahan namin nina Bea." Matapos sabihin iyon ay nagmadali na siyang pumasok at pinaandar ang sariling kotse.Iiling-iling naman na naiwan si Rodjun at tuluyan na rin nagmaneho papunta sa ospital kung saan naro
HINDI inaasahan ni Beatrice ang sumunod na nangyari. Dahil bigla na lang bumaba ang mukha ni Rudny palapit.Imbes na iwasan ang napipintong paghalik sa kanya nito ay kusa niyang sinalubong ang labi ng lalaki."Sweetheart I miss you so much. Kung gusto mo man akong pigilan sa ngayon... please do it. Dahil hindi ko na magagawang magpigil pagtagal," anas ni Rudny sa pagitan ng pag-angkin niya sa labi ng babae.Ngunit walang sagot mula kay Beatrice. Kahit ayaw man gawin ni Rudny ay kusa niyang binitiwan ito."Bakit ka tumigil." May yamot sa tinig na bigkas ni Beatrice.Siya na ang kusang naglapit muli sa sarili sa lalaki at isang mapusok na halik ang pinagsaluhan nilang muli.Tinugon ni Rudny ang halik ni Beatrice, nilaliman na rin niya ang paghalik dito. Mas mapaghanap... mapag-angkin.Kusang humawak ang kamay ni Beatrice sa batok ng lalaki. Habang ang huli ay binuhat siya, tuluyan kumapit ang dalawang biyas niya sa beywang nito. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang papunta sa may
MATAPOS nilang makapag-usap ni Cloe ay nagpatuloy pa rin sa pag-inom si Rudny. He need that bady now, lalo at hindi pa rin humuhupa ang pagkainis niya sa nakitang pagkakalapit at pag-uusap ni Beatrice at Zebastian.Ginagawa na niya ang lahat para siya ang piliin ng babae, halos hindi na nga niya makilala ang dating siya. Sobra siyang hirap sa sitwasyon pero pinapabayaan na lang niya ang pakiramdam na napapahiya siya. Dahil gusto niya rin makita nito na malaki na ang pinagbago niya.Ngunit 'di yata't ay wala na talagang pakialam sa kanyang nararamdaman ang babae."Ganito ka na lang ba Rudny? Iinom ka hangga't gusto mo," patutsada ng isang tinig na nanggaling mula sa likuran niya ng balingan niya ito ay nakita lang naman niya si Seth."Ano bang pakialam mo, pwedi ba umalis ka rito!" asik niya. Muli niyang sinalinan ng alak ang baso na inisang lagok niya ang nilalaman."Umagang-umaga ay nag-iinom ka, iyan ba dapat ang ginagawa ng matinong lalaki."Hindi na lamang ito pinakinggan ni Rudn
PAGKAGISING niya ng umagang iyon ay wala na sa tabi niya ang natutulog na anak na si Jaxx Rube. Nang balingan niya ang pinaghigaan ni Rudny ay wala na rin ito sa pinaghigaan nito. Iinot-inot na siyang bumangon at nag-inat.Hindi katulad noong una ay nag-aalala siya na ito ang kasama ng anak niya. Ngayon may pagtitiwala na siya sa lalaki na hindi mapapahamak ito sa piling ng ama nito.Naglakad na siya papunta sa banyo para maghilamos. Madali naman siyang nakatapos, saka siya dumiretso sa kusina para ipagluto ang sarili. Nakatitiyak siya na sa baba na kumain ang mag-ama niya.Ngunit laking gulat niya na mayroon ng nakahain sa may lamesa. Kaagad niyang inalis ang nakadikit na maliit na notes at binasa iyon."I cook this for you, kaya kumain kana dahil hihintayin ka namin sa may pool," basa ni Beatrice. Muli niyang binalingan ang mga pagkain na nasa hapag kasabay ng pag-arko ng ngiti sa kaniyang labi.Ewan niya may kilig siyang nadama.Naupo na siya at nag-umpisang kumain, kung meron lama
TULUYAN nagpaalam na aalis si Zebastian kay Beatrice. Napatango naman ang huli at muling nagpasensiya ang dalaga sa ginawang pagsuntok ni Rudny. Pahiyang-pahiya siya sa ginawa ng lalaki."Kainis ka talagang lalaki ka, kapag umuwi ka talaga mamaya rito ay makakatikim ka na!" Banta ni Beatrice sa isip kay Rudny. Na tila kaharap lang niya ang lalaking pinagbabantaan niya.Pumasok na siya sa loob ng unit nila at pabagsak na isinarado ang pinto. Mabuti na lang at matibay iyon, kung 'di ay makasira pa siya at lagot siya sa hipag kapag nagkataon. Nakakahiya rito.Tuluyan na siyang nagpunta sa shower room para makapaglinis ng katawan dahil nanlalagkit na siya. Habang naliligo ay hindi maiwasan ni Beatrice na muling maalala ang ginawang pagsuntok ni Rudny kay Zebastian.Isang quick shower lang naman ang ginawa niya at tuluyan na siyang nagbihis ng pantulog. Muli ay isang napaka-disenting damit ang isinuot niya. Ayaw niyang ma-trigger si Rudny at baka isipin nitong inaakit pa niya ito.Nakahiga