Share

Chapter Fifty One (SPG)

PABAGSAK na isinarado ni Beatrice ang pinto ng sariling silid niya. Dumiretso siya sa kama, mabigat niyang ibinagsak ang katawan roon. Masamang-masama ang loob niya dahil lang naman sa naging engkuwentro nila ng kanyang ama na si Don Vicenti.

Hindi niya matanggap ang mga inakusa nito sa lalaking mahal na mahal niya.

"A-ang sama mo Dad! Napakasama mo! Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Dahil mahal din ako ni Rudny!" sigaw ng dalaga. Nanginginig na ang buong katawan niya sa labis na sama ng loob.

Sa ganoon naman siya napasukan ni Rudny.

"Anong problema?" agad nitong tanong. Sa itsura nito'y tiyak ni Beatrice na kakabangon lang nito. Gulo-gulo pa ang buhok ng binata, boxer lang din ang suot nito sa mga sandaling iyon.

"W-wala..."nasabi ni Beatrice. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki ang naging pagtatalo nila ng sariling ama sa opisina nito. Hindi niya gugustuhin na makarating sa binata ang mga pinagsasabi nito, ayaw na niyang bigyan ng anuman isipin ito. Lalo at isa sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status