Share

Maddening Desires
Maddening Desires
Author: VANILLARIOT

Chapter 1

Author: VANILLARIOT
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Jacintha's

"Hey Hon, wake up. It's almost time. Wake up, your gonna be late", isang malumanay na boses ang tumatama sa tenga ko at pilit akong ginigising at ang isang kamay naman nito ay marahan akong niyuyogyog.

"Wake up", ulit nito sabay gawad sa akin ng mga maliliit na halik sa aking mukha patungo sa aking mga balikat. Hindi man iminumulat ang mga mata ay napangiti ako sa ginagawa nito at higit na iniyakap ang sarili dahil sa kiliting nararamdaman ko. Pahalik halik pa rin ito na nilalaro na ako hanggang sa ang kamay nito ay nasa tiyan ko na. Hinuli ko ang mukha nito saka iminulat ang aking mga bata.

"Adolf", tawag ko sa pangalan ng boyfriend ko. Nangiti ito ng napakatamis sa akin saka ako hinalikan sa aking pisngi saka kinua ang dalawa kong kamay at mapaglarong pilit ako itinatayo. Isang taon na kami. Nakilala ko ito sa Bar na pinalalagian ko kapag gusto kong kalimutan ang buhay mayrooon ako, at kahit na don kami nagkita ay dama kong iba ito at ipinakita naman nito iyon sa kung paano ako nito tinatrato. Adolf is the peace I needed right now. Bago ko muling lusungin ang buhay na kinalakhan ko na pero kahit kailan ay hindi ko pa rin magawang makasanay.

"Sigurado ka na ba? Hindi pa naman sigurado niya nabasa yun. You can still change it". Kinuha ko palayo rito ang aking mga kamay saka napaupo sa kama. Tiningala ko ito, mapaglarong iniaangat-baba pa nito ang kilay niya at nangiti sa akin.

"That was all the life you knew,". Dagdag pa nito. Ang hindi nito alam ay ayoko sa buhay na mayroon ako. Wala akong magawa noon pero iba na ngayon at nais kong kalimutan ang buhay na ito kasama ng lalaking pinakamamahal ko. Tumayo ako at niyakap ito ganun rin ito sa akin.

"Thank you", wika ko rito. "Pero gaya ng sabi ko sayo pinal na ang desisyon ko. Aalis ako. At wag ka mag-aalala, sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat para sa ating dalawa".

Hinawakan ko ito sa pisngi, "I want to spend the rest of my life with you". Malawak ang ngiti ko rin sabay halik sa mga labi nito ngunit agad naman nito iyong pinutol. "Maghanda ka na. May ball kang pupuntahan di ba". Binitiwan ako nito saka nagpunta ng banyo. Agad kong hinanap ang bag ko at inilabas ang damit ko pero bago ako nagpalit ay sinilayan ko muna ang binili sa akin ni Adolf na sundress na siyang suot ko ngayon. Di maialis sa mukha ko ang ngiti habang nakatingin sa salamin na anduon.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin, suot suot ko ang bigag na sundress ni Adolf. Sa tuwa ko, natulog na ako ng nakaganuon. Pakiramdam ko ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Sa loob loob ko ay napangiti ako. Kung maaayon lahat ngayon sa plano ay araw-araw ko nang mararanasan ito.

Hindi naman na ako nagtagal doon umalis na rin ako sakay ng motor bike. Isang oras na lang mula ngayon ay magsisimula na ang ball. Isa iyong pagtitipon-`tipon ng mga kilalang organisasyon ng mga delikadong tao o kung tawagin nila ay Mafia pero walang may nakakaalam niyon bukod sa mga tao sa loob ng organisasyon. Ang buhay na kinalakhan ko na, kung saan ako namulat sa tindi ng buhay. Kung saan walang lugar ang kahinaan. Kung saan utak ang puhunan at walang puwang ang pusong mamagitan.

Sa Hotel Casino gaganapin ang ball. Nasaparking lot ako at papasok na sana ng elevator ng pagbukas nito ay busangot na mukha agad ni Niko ang bumungad sa akin.

"San ka galing? I can't reach you", tanong agad nito.

"May inayos lang", sagot ko rito. Pumasok na ako sa loob, hindi ito lumabas siguro hinahanap ako nito.

"Andito na siya?", baling ko rito.

"Hours ago. Hinahanap ka niya. He wants you to report to him"

Di na nadugtungan ang usapan ng marating na namin ang floor kung saan ako magpapalit. Wala na akong oras, magpapalit na muna ako nga damit at mag-aayos saka magre-report sa kanya. Dali dali ang kilos ko, pagkapasok ko sa hotel room ko ay bumungad agad sa akin si Ellen isang petite na babaeng Chinese na palaging nag-aayos at nagdadamit sa akin.

"You are late Miss. Mr. Desjardin would not be happy if he knows this", dismayadong boses nitong boses na wika sa akin na may Chinese accent pa.

"I'm sorry Helen, please just let this pass, okay? Don't tell him. Andito naman na ako, okay?", wika ko ko rito sa nagsusumamong boses. Napabuntong hininga lang ito at pinaningkit pang lalo ang mata saka tumango at iginaya ako para makapagsimula na kami.

"Thank you!"

Isang sage green, long sleeved, na cowl neckline ang napili nito na natatakpan ang ang dibdib. Ang maalon at kayumanggi kong buhok naman ay simpleng naka-low bun lang. Hinila ko ang neckline gamit ang dalawang daliri ng paluin nito iyon.

"Ah-", nagulat ako sa ginawa nito

"Don't pull. You will ruin the dress"

Inayos ko nalang ang sarili ko. Ganun na lang kasi palagi ang ipanapasuot nito sa akin, palagi akong balot na balot.

"Miss Helen, alam niyo ho, ang gaganda ng mga damit" pagsisimula ko. Naglalagay ito ng mga konting touch ups sa buhok ko.

"Pero mas maganda kong ibang style naman... yung di ako masyadong balot?", nakangiting wika ko rito. Hindi ito agad sumagot at inilagay ang hawak nitong clip sa vanity.

"No. Mr Desjardin wouldn't like it", saad nito.

Nagpantay ang aking kilay sa sinabi nito. Ano naman ngayon kung di niya magustuhan. Kailangan ko lang naman magpunta doon, at kung pupunta ako gusto ko rin naman iyong komportable ako. Imposible namang nakikialam siya sa kung paano ako magdadamit. Hindi naman kasi ito ganito noon, ako lang naman ang nagdadamit sa sarili ko. Hanggang sa isang araw bigla nalang itong sumulpot at sinabing siya na ang magdadamit sa akin, sa utos nito. Hindi ko iyon kinuwestyon, wala namang nais na kwestyunin ito; walang magkakamali.

Marahan akong napabuntong hininga at tiningnan ang sarili sa vanity na anduon. Dahil siguro sa ampon ako ng mga ito, kaya kahit papaano kargo nila kung paano ko i-presenta ang sarili. Oo, ampon ako ng mga Desjardin ang nagmamay ari ng Hotel Casino na ito at sa 'Pacific' ang katapatan ko. Ang pamilyang Desjardin ang dahilan ng buhay ko ngayon.

"You are done", pukaw ni Helen sa akin. Sinuot ko ang beige heel na anduon saka hinigpitan ang strap ng baril sa magkabilang binti at inilagay sa aking tenga ang ear piece na anduon. Narinig ko iyong nag-static bago marinig ang boses ni Niko.

"This is Orchin, everyone in?", isa-isa namang sumagot ang mga nasa linya.

"Annual Ball ito, maraming possible partners, maraming bago. Let's keep ourselves on guard"

Lumabas na ako ng hotel room at nagtungo sa kwarto niya. May dalawang guards doon ang nagbabantay at ng makita ako ay agad naman nilang pinapasok at ginaya ako patungo kung asaan ito. Nasa harap ako ngayon ng walk in closet.

"Sir, andito na ho si Miss Jacintha"

Hindi ito sumagot at iniwan na ako ng mga ito sa loob. Inayos ko ang aking tayo, at malalim na napabuntong-hininga bago ito harapin.

"Come in", hudyat nito. Iginaya ko na pabukas ang sliding door ng dahan dahan. Doon ay nakita ko itong naghahalukat ng relong susuotin. Ang buhok nito ay slicked back na binabagayan ang bigote nitong halatang kaka-trim lang.

"Jorge, pasensya na at pinaghintay kita"

"Where were you?", tanong agad nito sa akin. Napalunok ako bago sumagot.

"May inaayos lang sa--", natigil ako sa pagsasalita ng hinarap ako nito.

Pakiramdam ko ay may kung ano sa aking sikmura ang nais kumawala ng dahil lang sa mga tingin na ibinibigay nito sa akin. Ayoko niyon. Ang walang emosyon ang itim nitong mga mata, na tila binabasa ang bawat galaw ko at binibigyang kahulugan ang bawat salitang maaring lumabas sa bibig ko dahilan upang dapat kang mag-ingat. Dahil kong hindi ay lalapain ka nito ng buhay, gaya ng isang hayop sa biktima nito at hindi iyon magiging maganda para sa akin.

Unti-unti itong lumalapit sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Sa cargo. May shipment mamayang gabi-- oh", naputol ang aking pagsasalita at napalitan iyon ng pagkabigla ng walang ano nitong inilapit ang mukha sa kanyang leeg. Dama ko ang hininga nito dahilan para hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"You smell like mint", kaba ang nangibabaw sa akin. Ayaw nga pala nito sa amoy na iyon.

"Pabango ko ito. Nakalimutan kong ayaw mo nang amoy. Papalitan ko nalang sa susunod", ipinatong ko ang aking kamay sa leeg kong inamoy nito.

"Helen should've known"

"Hindi ito kasalanan ni Helen. maglalagay ako ng ibang pabango mamaya, I'm sorry, Sir"

Tinitigan lang ako nito. Hindi iyon pabango na inilagay ni Helen at mas lalong hindi ko pabango. Kay Adolf iyon, halos buong araw ako sa condo niya. Di maiiwasang kumapit sa akin ang pabango nito.

Walang emosyon pa rin ang mukha nitong nakatingin sa akin. Nakatingala lang ako rito at di maiwasang mapatingin sa matangos nitong ilong at sa divides chin nito. Hindi nito iniaalis ang tingin sa akin. Mahigpit kong naipulupot ang isang kamay sa sarili. Napansin siguro nito ang pagkailang ko kaya agad itong tumalikod at kinuha ang black coat nito saka iyon isinuot.

"I want reports on my office at home tomorrow",

"Okay Sir, tatawagin ko na ho ba si Melinda?" tanong ko rito. Si Melinda ang fling nito ngayon, na nakakasama niya sa mga ganitong event.

"No, she will not be my date anymore"

"Okay Sir, kailangan ko bang doblehin ang security kasama mo? Paniguradong marami na namang mga babae ang pipiliting makausap ka"

Pagkatapos kong magsalita ay siya namang pagkatapos nito at agad akong hinarap. Napansin kong wala ang crest ng 'Pacific' sa suot nito. Hinanap iyon ng aking mga mata at nakita iyon sa may glass table sa gilid nito.

"May nakalimutan ho kayo, Mr. Desjardin".

Kinuha ko iyon, lumapit rito at ni-pin iyon sa suot nito. Dama ko ang mga tingin nito sa akin.

"Jacintha". Malumanay ang boses na tawag nito. Sa gulat ko ay naitusok ko sa aking daliri ang pin at di ko pa man natitingnan ang aking daliri ay hinuli na nito iyon dahilan upang mas mapalapit ako rito at mapahawak sa dibdib nito.

"Fuck, woman!", sa nagdudugong daliri ko lang ito nakatingin.

"Wala lang ito kaya ko na". Babawiin ko na sana ang aking kamay ng agad itong makakuha ng tissue at pinunasan iyon. Nakatingin lang ako rito habang ginagawa iyon, matapos ay saka lang nito iyon binitawan.

"Iyong pin", turo ko sa pin na nalaglag.

"I can do it"

Matapos ang kaganapang iyon ay agad kaming nagtungo sa hall kung saan gaganapin ang ball.

Sa iilang taon ko nang nakasanayan ang mga pagtitipon-tipon ng mga taong ito ay wala ng bago sa akin. Di rin naman ako masyadong nakikihalubilo. Nasa tabi lang ako, nagmamasid ng kakaina, malapit kay Jorge na pwede nitong tawagin kong kinakailangan kaya ng matapos itong mag-speech at magsayaw sa iilang mga matatanda na halatang lihim na inaaakit siya ay nagpaalam akong magbabanyo kaya ng bumalik ako at hindi ito makita kahit saang dako ng party ay lumabas na ako at nagtungo sa labas ng hotel kung. Paniguradong anduon lang ito sa paborito nitong lugar at hindi nga ako nagkamali.

Kita ko ang pigura nito sa harap ng napakalaking fountain na nagmimistulang pool na sa laki. Lakad takbo ang aking ginawa hanggang nasa likod na ako nito Gumalaw ang ulo nito, alam na nito ngayon ang presensya ko.

"Inside was suffocating. Gusto ko lang magpahangin sandali"

Hindi ako sumagot, sa isip ko ay pagkakataon na itong maipaalam ang nais ko.

"Pwede ba kitang makausap?", tanong ko rito. Hinarap naman ako nito, lumapit ako rito. Magkaharap na kami ngayon. Kinakabahan man ay tinatagan ko ang sarili ko.

"Sa loob ng labing-limang taon naging tapat ako sa inyo, at di mawawala iyon at nagpapasalamat ako--"

"Get to the point, Jacintha",

"Nais ko nang umalis!"

Sa mabilis nitong pagputol sa akin ay ganun din kabilis ang balik ko sa gusto kong ipunto rito. Kahit ako ay nabigla sa bilis ng pagkakasabi ko. I want out.

"I want out...", naglabas ako ng isang buntong hininga sabay ang pagkuha muli bg lkas ng loob bago nagsalita. "Out of the organization, out of Pacific, Jorge"

"And why is that?", may kuryusidad sa boses nito.

Kinuha ko ang buong tapang at lakas nga loob na magsalita. Ito ang matagal ko nang ninanais, papanindigan ko ito.

"I, I have my personal reasons. Kung-".

"No", putol nito sa sasabihin ko pa sana. Blanko ang tugon ng itim nitong mga mata. Inaasahan ko na ito pero hindi ako bibitaw sa desisyon ko.

"Ipinangako mo iyon sa akin. Nang iligtas kita ", umisang hakbang akong nagsasalita. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperada dahil totoo naman.

"I see you far from being stupid, Jacintha. This is disappointing". Tiningnan ko ito ng may pagtatanong.

"Hinding-hindi ko ta-traydorin ang mga Desjardin".

Umisang hakbang pa ako papalapit rito at sa wala nang ibang maisip na paraan upang kumbinsihin ito ay iniangat ko ang aking kamay patungo sa dibdib nito upang gawin iyon ng hindi pa man ay hinuli na nito ang kamay ko at hinawakan ako ng napakahigpit sabay hapit nito sa akin papalapit. Kita ko ang malaking peklat nito sa kaliwang kamay na umaabot hanggang sa gitna ng gitnang daliri at palasinsingan nito. Ipinalibot nito ang isang kamay sa aking bewang ng mahigpit. Mabuti nalang at naiharang ko ang aking malayang kamay. Gulat na tiningala ko ito.

"The Desjardin Promise, is far more than what you think it is, Jacintha. If you are to do that, you will be bound to me, till death do us part", malumanay ngunit mapusok na pagkakabiglas nito sa bawat salitang binitawan na pakiramdam ko ay itinatali ako sa kanya. "As certain as that".

Hindi pa rin ako nito binibitawan. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Umiinit ang pakiramdam ko. Delikado ito, ayoko nito. At sa gitna ng lahat nito ang siya namang pagbalot ng kanta sa buong paligid, kasabay ng paggalaw ng tubig sa fountain. Kasunod ng paglakas ng hangin na nagkakalma ng kahit papaano sa nararamdaman ko.

"Dahil akala ko may isang salita ka pero tama pala talaga sila--", nagtagis ang aking bagang sa galit. "Makasarili ka rin pala".

Itinulak ko ito palayo sa akin sabay naman iyon ng pagtawag sa kanya ni Niko. Tinatawag na ito sa loob, naglakad na ito papasok na para bang walang nangyari habang ako naman ay naiwan doon ng bigla itong napahinto sa paglalakad.

"I may be a lot of things, Jacintha", wika nito ng nakatalikod sa akin. "But I was never selfish, at least not to you"

Related chapters

  • Maddening Desires   Chapter 2

    Jacintha's"I may be a lot of things Jacintha, but I was never selfish; at least not to you""Ahw!", higpit akong napakamao, ng mapaso ang kamay ko ng mainit na tubig. Nagtitimpla ako ng tsaa, di ko namalayang sobrang init pala ng baso ko. Nakatunghay lang kasi ako sa bintana ng kusina ng maalala ang mga katagang binitawan nito sa akin."Kung saan saan kasi naglalakbay yang utak mo", nabaling ang tingin ko kay Diane. katiwala ng mansion na kasing edad ko lang. May dala itong box ng sa tingin ko ay gulay, delivery nga pala ngayon. "May iniisip lang", tinabi ko muna ang baso at tinulungan ito."Mula ng bumalik si Sir dito ganyan ka na ah. May nangyari ba?", muntik ko pang mabitawan ang mga mansanas na hawak ko."Ayaw niyang umalis ako, Diane", natigil ito sa ginagawa at napahawak sa island counter na anduon at tila naghihintay ng susunod ko pang sasabihin. Alam kasi nitong nais ko nang umalis."Ginawa ko iyon bilang respeto sa pamilya nila. Akala ko kahit papano ay ikokonsedera niya an

  • Maddening Desires   Chapter 3

    Jacintha's "You keep drawing blood, that's a bad omen".Nasa loob kami ng opisina nito at nakaupo sa sofa nito malapit sa mesa niya habang hinahanap naman nito ang first aid kit niya. "She isn't suppose to be here. Security must be tighter. Sisiguraduhin kong hindi na ito mauulit". Kanina pa ito pilit na nagsisimula ng isang conversation pero hindi ko naman ito sinasagot dala ng inis ko. Marahan itong napabuntong-hininga. Hawak na nito sa kamay ang first aid kit at naupo na sa gilid ko. Hinarap ko ito at akmang kukunin na sana ang hawak ng ilayo nito iyon sa akin. Nakaangat na ngayon sa wala ang mga kamay ko."I can manage, maliit na sugat lang naman ito kaya ko na""Iniiwasan mo pa rin ako".Ibinaba ko ang aking mga kamay."Hindi kita iniiwasan""It's been a week since I've been here and you haven't given me a report""Inilagay ko iyon sa mesa mo. Maybe you should check", tinuro ko pa ang table nito.Tiningnan ako nito ng mapakla. Gloomy na ngayon ang itsura nito pero wala akong p

  • Maddening Desires   Chapter 4

    Jorge's/flashback/"There is nothing to it, Sir"Nagtiim ang aking mga bagang sa sinabi nito at mahigpit na hinawakan ang baso ng alak na kanina ko pa hawak hawak na siyang nagpapakalma sa akin habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon nito. Pero sa huli, wala pa rin."You may leave and like I've said before keep this a secret", inisang lagok ko ang laman ng baso."I've been ages in the business, I value professionalism, nothing will come out of this, Mr. Desjardin. It's a pleasure to work with you"Tuluyan nang lumabas ang amerikanong detective na kinuha ko. Wala akong napala dito. This is frustrating. Iniwan ko pa ng isang buwan ang Pacific para maka focus dito pero wala akong nahita. I need my next move, it will not be over with nothing. Nasa malalim akong pag-iisip ng may kumatok sa pinto. "Sir, Mr Donovan is here", pagkasabi nitong iyon ay mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo. At nang aking lingunin ay si Donovan nga may dala itong envelope. Ang alam ko kay nasa States

  • Maddening Desires   Chapter 5

    Jorge's "I want all the corners of the house surrounded. No one can get in without me knowing and best of all, I don't want her leaving this place without me", utos ko sa head ng security na ibinigay ng Hive sa akin; Donovan's security company. Nagawi ang aking tingin sa aking likod. Nasa ancestral home kami ng Mama'. Kung paano nito iniwan sa akin ay ganuon pa rin ang itsura niyon. Isang all white two story mansion na may malawak na bakuran at fountain sa harap. Tahanang minsang napuno ng masasayang ala-ala hanggang sa mamatay ang Papa' at sumunod na rin ito.Nasa malalim akong pag-iisip ng habol hiningang natakbo papalapit sa akin ang isang security, duguan ang labi nito."Sir, gising na po siya"Why am I not shocked?Dagliang naglakad ako papasok ng bahay at inakyat ang kwarto kung asaan ito naroon at di pa man ako nakapasok ay rinig ko na ang bagsakan ng mga gamit. Pagkapasok ko ay kamuntikan na akong tamaan ng plorerang ibinato

  • Maddening Desires   Chapter 6

    Jacintha's May lima sa north and south side na nagpapalitan sa umaga at hapon. Tatlo naman sa harap at likod na ganuon din ang oras ng shifting. Magubat rin ang parteng likuran at ang North at south wing. Mahina akong napabuga ng hangin. Masyadong mahirap labasin lalo na at hindi ko alam kung anong mayroon sa kabila ng mga matatayog na punong iyon. Usisa ko habang nasa balkonahe ng bahay at nakamasid lang sa mga ito.Inalis ko ang kamay sa aking bibig bago ko pa maubos na ngatngatin ang mga kuko ng daliri ko kakaisip kong paano ako makakalabas dito. Kakainin na kasi yata ako nga boredom sa bahay na ito. Sa laki ba naman kasi at ako lang ang nakatira sa loob maliban ang iilang mga katulong at mga security na nasa labas na hindi man lang ako kinakausap ng matino ay lalanggamin ako ng wala sa oras."Ate Jacintha, ready na ako. Pwede na tayong mag pingpong", napapikit ako ng maalala. Oo nga pala, andito ito ngayon. Hindi ko ito nilingon. Nakatuon pa rin ang a

  • Maddening Desires   Chapter 7

    Jorge's "Are you packing for a family of five?", kunot noo ako nitong tiningnan. Napahalukipkip ako. It was an exxageration, yes, pero napakarami nitong ipinapasok sa bag nito. Paniguradong mabibigatan itong dalhin iyon."Sabi mo sa akin isang bag pack, kaya ito""But I didn't tell you to fill it to the brim. Isang araw lang tayo dun""Babae ako, Jorge", nimuwestra pa nito ang kamay sa kanya. "May mga kailangan ako na hindi mo maiintindihan"Her she comes again with her never ending bickers. Alam ko naman iyon, pero hindi talaga nito magawang magpatalo sa akin. Hahayaan ko na ito... but not with a tease."I know", isang matagal na pagtigil bago muling nagsalita. "You have your needs", saad ko sa nanunudyong boses.Hindi ito naimik at bahagyang napahinto bago muling bumalik sa pag-eempake ng hindi man lang ako binabalingan.A grin formed in my face looking at her. Di man ako nito matingnan ng deritso ay kita ko ang pamumula nito."A-asaan ba kasi iyong insect repellent ko--", lalampas

  • Maddening Desires   Chapter 8

    Jorge's "What's taking her so long?", inis kong usal. Andito na ang abogado na magkakasal sa amin pero wala pa rin ito. I dontt thinks she plans on escaping, we had an agreement at kahit pa subukan niya ng paulit-ulit, hindi ako nito kayang takasan."Jorge, man, kumalma ka. It's her wedding day. Hindi gugustuhin ni Jacintha ang lumabas na nangangatog siya, give her the benefit of the doubt""Its just a fucking ceremony. I want this done and over, fast", maloko itong napa- side eye."What?""Naalala ko yung vows mo habanv nagpapractice ka. It's what the Gen Z's call, cringey", siniko ko ito. "Fuck you!"."I know you want her so bad but chill your balls. Napaghahalataan ka masyado""Hush you", inis na balik ko rito. Wala na tlaga itong ginawa kundi ang asarin ako./flashback/~A day before the wedding..."Saan tayo pupunta?""You'll see"Paakyat kami ngayon bundok. Hindi naman iyon kataasan. Its just, that is where our helicopters land.Patuloy lang kami sa paglalakad. Nasa likod ko it

  • Maddening Desires   Chapter 9

    Jacintha's Itinatali ko ngayon ang aking buhok sa isang ponytail, lumaylay pa iyon, hinayaan ko na. Tingin ko ay anxious na ako, kahit ano ano nalang kasi ang ginagawa ko.Six hours, at forty five minutes.Isang oras na akong naghihintay habang nakaupo sa sofa na hindi inaalis ang tingin sa pintuan.Tatlong araw na rin itong hindi man lang ako inuuwi. Paniguradong sa security na nakapalibot sa buong bahay ito nakakakuha ng impormasyon kung sinubukan mam nitong alamin kong ano ang nangyayari sa akin."Ma'am Jacintha, hindi ho ba kayo kakain?", kuha ng atensyon sa akin ni Diane. Tinupad ni Jorge ang sinabi nitong ang mga ito ang magiging kasama ko sa bagong bahay."Mamaya na, Diane", napahalukipkip ako lng napasandal sa sofa."Hinihintay niyo pa rin ho ba si Sir Jorge?", hinarap ko ito at natango. "Nagpapasabi ho siyang mauna na muna daw kayong kumain at hindi ka niya masasabayan ngayon""At bakit?""Iyon lang ho ang sinabi niya", napapikit ako at napahawak sa aking sentido."Diane, p

Latest chapter

  • Maddening Desires   Epilogue

    Jacintha'sFive months after...Napatingin ako sa aking relo, quarter to ten na ay wala pa rin si Akari sa cafe' niya. Nagbukas lang pala nito dahil inutosan nito si Dahlia at Sean na mga workers niya. Panay itong out of reached kahit si Tito, ang Tatay niya ay ako na ang kino-contact at nag-aalala sa kanya. Nag rerespond naman ito sa mga text namin but she refuse to answer calls at kilala ko si Akari, hindi ito ang normal niyang ginagawa. Something is bothering her, may nangyaring hindi nito sinasabi sa amin.Nasa malalim akong pag-iisip ng makita ko itong papasok ng coffee shop. Magulo ang buhok nitong naka bum, suot nito ang itim niyang shades at pinatungan lang ang satin pajama nito ng itim na cardigan at hawak sa kamay ang cellphone at susi ng kotse sa kabila. Tuluyan na itong pumasok at babati na sana ng inunahan ko ito. Tumayo akong nakapameywang saka ito tinawag sa buo niyang pangalan."Aeva Akari Veluz!""Kabayong Blue!

  • Maddening Desires   Chapter 21

    Jacintha's"Emerald Pearl Desjardin"My daughter's name, iyon ang mga katagang binitawan ni Jorge bago ako nito iniwan sa parking lot matapos ang rebelasyon niya."I love you, Jacintha. I will grant you what you want but I'll promise to take back what's rightfully mine"Alam nito ang lahat, for the past three years, alam nito pero hinayaan lang niya ako at hindi ko alam kung bakit.Naabot ng aking tingin ang mga paper bags ng isang sikat na designer brand, iyong orange na may blue ribbon. Limang paper bags iyon na kakarating lang. Katabi pa nito sa gilid ang mga box flowers, white roses iyon at malalaking boquet ng red roses na halos punuin na ang aking kwarto. Isama pa ang mga jewelry sets ng emerald at pearls na nasa vanity ko.Lahat ng iyon ay galing sa iisang tao. Napakamot nalang ako sa aking noo. Isang linggo na ang nakalipas mula ang auction at ang pagbalik namin ng Lolo sa Pilipinas, we're staying for good. At sa unang ar

  • Maddening Desires   Chapter 20

    Jorge'sThree years after~"Did you sent the bouquet of white roses?", tanong ko bago pinunasan ang pawisan kong noo sa bimpong nakasukbit sa balikat ko. Kanina ko pa kasi kinukumpuni ang maliit at halos isang dipa lang na bahay ng mga kunehong sina Andres at Pia, which are now parents. Ipinapasuri ko muna sa vet ang mga kuneho bago ko ito iuwi. "Yes, I did, kasama ang pearl necklace na sinabi ninyo pati ang note na nais niyo ipalagay doon", puno nito habang patuloy pa rin ako sa ginagawa."Ugh, not this...", angal ko."Bakit po, Mr Desjardin?", atubiling tanong ni Kerin, my now, right hand man. "Nothing, just wrong screws""Sir, we can hire someone na pwedeng gawin iyan", ginawaran ako nito ng tingin like his questioning my whole existence, typical Kerin."When will be the auction?", pag-iiba ko nalang. Tumayo na muna ako at naghanap ng tamang screw sa tool kit ko sa may mesa."Tomorrow; ang Sovereign ang main host

  • Maddening Desires   Chapter 19

    Jacintha's"Please take these vitamins and rest. Nasa first trimester ka pa lang ng pagbubuntis mo. I heard you've been through a lot, these will help your body and the baby"Nakatutula kung saan, naririnig ko ang payo ng doktor. Habang nakaupo sa gitna ng kama. May benda at sugat sa mukha. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Scarlett, kung bakit, pero higit sa lahat ay nakumpirma ko na ang matagal ko nang hinala. Alam kong nakailang PT ako pero di pa rin ako naniwala dahil di ko nagawang magpa check-up pero ngayon ay totoo nga; buntis ako.Hinawakan ko ang aking tiyan at dinama ang maliit na umbok na inakala ko noong nanaba lang ako. Kasalanan ko ito, madalas kong nakakalimutan i-take ang pills na bigay ng doktor."I will leave you be", sa dalawang araw na narito ako ay wala akong kinakausap. Nibuka ng bibig ay di ko magawa. Masyadong maraming nangyari. Hindi ko alam kong saan ako magsisimula at ngayon ay nalaman ko pang may nabubuong buhay sa

  • Maddening Desires   Chapter 18

    Jorge's As I walk inside the house I loosened my tie. Mabigat ang pakitamdam ko, lalagnatin yata ako, nalamukos ko ang aking mukha, dama ko ang bigote kong tumutubo, di ko pa rin kasi ito naahit, I just don't have the energy ever since that night, when she knew. In a way, gusto kong maawa siya sa akin, so that she would come closer to me, so I can smell her kahit na ayoko ng mint. Ang sabihin sa kanya na maling-mali ako, at gusto kong maayos kaming dalawa na handa akong kalimutan ang lahat, ang nakaraan, kung siya rin naman ang magiging kinabukasan ko. Pero ngayon wala akong ibang kayang gawin kundi ang mapabuntong-hininga.Napahawak ako sa hagdanan at aakyat na papunta sa taas where she is pero napahinto sa gitna. I was eyeing the whole house at hindi ko maramdaman ang presensya nito. Hindi ko masabi kung ano ngunit may iba.She is not home. I am sure of it.Dagling naglakad ako pababa at, ni loosen amg necktie ko hanggang sa matanggal ito ng may tumawag sa akin."Mr. Dejardin...",

  • Maddening Desires   Chapter 17

    Jorge's"Tama ako, una pa lang tama ang hinala ko"Nasa harap ng pinto si Jacintha, nakasuot ito ng kimono na natatakpan ang suot nitong one piece. Dapat ay susunod kami at magna-night swimming kasama ang girls, but we decided to drink for a bit."Jacintha, why aren't you---""Hinanap kita, di ko akalaing may heart to heart pala kayong dalawa, at ako ang topic"Walang maaninag na ekspresyson sa mukha nito at deritso lang sa akin ang tingin, galita ito."Sa tingin ko ay kailangan ko nang umalis", "Walang aalis Donovan, kailangan kong makinig ka sa usapang ito", nanatili naman ang huli. Jacintha is at the door like she's guarding it, he won't try passing her."You...", puno ng kuryosidad ang tono ng boses ko. Looking back at her, her face screams like she's expecting this to happen. "You knew?""Iyong totoo? Hindi, pero may gut feel akong higit pa sa ipinakikita mo sa akin ang nais mo at tama nga ako", napabuga ito ng hangin"Aam

  • Maddening Desires   Chapter 16

    Jorge'sTanaw ko si Donovan, may kausap itong dalawang babae na red head at brunette, no scratch that, he is flirting. Habang nakaway naman sa amin si Akari, in her all black outfit, the girl really has no sense of fashion. Naka blacer lang naman ito at skirt na abot hanggang paa sa gitna ng tirik na tirik na araw. Hindi man lang ito pinagpapawisan. Jacintha waved back at her and run the distance between them."Really Donovan? Two? Are tou cheating on Celyn?", tukoy ko sa dalawang babae."It's supposed to be Uzman's pero nagbago ang isip niya up to the last minute and Celyn and I are over", naglabas ito ng pakete ng yosi at sinindihan iyon. He does this whenever I talk about Celyn, the woman stresses this man a lot. Bilang kaibigan, minsan ay nakakabahala na."Huh! yeah right for the ninth time?", tudyo ko "It's for good this time. Let's not talk about her. So ayun na nga, we can't just let the girl leave, can we?""I can...", pabirong sinunto

  • Maddening Desires   Chapter 15

    Jacintha'sSuot suot ang puting shirt nito ay nakaangat sa vanity ang aking mga paa habang binabasa ang nakalakip na sulat ng may ngiti sa aking mukha. Siguro ay ku g may makakakita sa akin ay aakalaing nababaliw na ako sa kakangisi. Mula ng gabing iyon ay nagbago ang lahat sa aming dalawa and I like this version of us Umayos ako ng upo at tininganan ang velvet box at binuksan uyon. Nahagip ko kaunti ang aking hininga sa nakikita.Isang jewelry set. Floral Vine green at white crystal rhinestone necklace na may glamorosang perlas na pormang bulaklak kasama nito ay ang matching earrings at bracelet. Para sa akin ito, galing kay Jorge Bumaba na ako sa kusina. Nais nitong magkasama kaming mag breakfast ngayon. Nakita ko itong sinisimsim ang kape niya habang nakatunghay sa tablet nito. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para maramdaman niyanang presensya ko, napangiti ito. Uupo na sana ako sa tabi g upuan ng hilahin ako nito paupo sa kandungan niya."Did you like it?", sabay halik nito

  • Maddening Desires   Chapter 14

    Jorge's It's been weeks mula ang nangyaring ambush sa akin sa mismong party ng Lola. Sinundan ko noon si Jacintha, na ang alam ko ay nasa silid ng Lola ng nakita ko itong nahihirapan. Lalapit na sana ako noon dito ng may humila sa aking tatlong naka-itim na tao at inundayan ako ng suntok at sipa. I was fighting for my life at nang binalingan ko si Jacintha ay wala na ito doon. Mabuti nalang at sumunod sina Kerin at Wesley na isinama ko sa security ng party, for situations like that. They saved me, while Kerin looked for Jacintha na unconscious na ng makita nito. The night was a mess, and we barely manage to live. I will make whoever did that to her pay.Hindi ko ito pinaalam sa Grandma Sol, at tila walang balita na nakarating rito. Ayokong mag-alala ito pero kailangan naming doblehin ang security ng bawat isa. But clearly, the assassins was unto Jacintha, for reasons I do not know yet. Maaring ang kabilang organisasyon ito, they must've taken a move sa nangyari kay Adolf. Duda tuloy

DMCA.com Protection Status