Chapter 127 Masaya akong nakikita silang tatlong desperadong mapabagsak ako, habang papalit ang isa upang patamaan n'ya ako sa hawak nyang espada. Tanging ilag lang ang aking ginawa hanggang ang dalawa ay pumunta sa aking dereksyon upang matamaan ako sa hawak nilang kadena. "Tsk! Para kayong mga batang naglalaro lamang. Ni isa sa inyong hampas ay hindi nakatama sa akin. " Ngising sabi ko sa kanilang tatlo. Nakita ko sa kanilang mga mata ang labis na galit hanggang nag-uusap ang mga ito kung paano nila ako patayin. Bilang isang assassin, marami na akong hinarap na mga hamon at banta, ngunit ang tatlong kaaway sa harap ko ay nagdulot ng ibang uri ng panganib. Sila ay mga miyembro ng kilalang drug cartel, na naghahangad na alisin ako upang makalaya sila sa pagkabihag. Bagamat ang kanilang masamang layunin ay may taong nasa likod nito walang iba kundi si Bea. Ngunit kailangan ko ng sapat na ebidensya upang may dahilan akong patayin ito, nagawa kong iwasan ang kanilang mga atake sa
Chapter 128 Hindi nagtagal ay agad akong nakarating sa mansyon ni Tito Dark kaya agad akong pinarada ang aking motor kung saan ko ito kinuha. Mabilis ang lumipas ng oras agad din ako nagbihis at pumunta sa okasyon kung saan naghihintay ang aking mga kapatid. Hindi nagtagal ay agad akong lumabas at nagtungo agad sa Hotel. Hindi nagtagal ay agad din ako nakarating. "Mabuti at nakarating kana!" bungad sa aking kambal habang nakakapasok ako sa bulwagan. "Syempre, papalampasin ko ba naman nito!" ngising sabi ko. Pagpasok namin ay agad bumungad sa aking paningin ang mga taong nagsasaya at nagsasayawan. Ang malawak na ballroom ng Santiago Grand Hotel ay parang isang dagat ng mga kumikinang na mga gown at maayos na tahi na mga amerikana, lahat ay umiikot sa isang kasiyahan ng magalang na usapan at tawanan. Ito ang anibersaryo ng Santiago's Empire isang gabi ng pagdiriwang, isang gabi ng kapangyarihan. Habang naglalakad ako sa gitna ng mga tao, lahat sila ay tumingin sa akin na
Chapter 129Pagkatapos niyang sabihin ay agad itong nagpaalam dahil may pasyente pa itong kailangan sa kanyang serbisyo. "Sige Doc Marcos, mag-iingat ka!" saad ko rito. "Ikaw din, kung maari ay wag kanang uminom ng alak!" wika n'ya sa akin. "Sana ay hindi ito ang huling pagkikita natin, Enna!" dagdag nitong wika. Dahilan upang malihim akong mapangiti sa kanyang sinabi. Hindi nagtagal ay tuluyan itong umalis na mag-isa. Kaya agad rin akong tumayo at bumalik sa aking kapatid kung saan sila nagkasayahan. Nakita ko sa sulok ng aking mata si Bea na umalis at nagmamadali ang bawat galaw nito. Kaya sumenyas na lamang ako sa aking mga kapatid na ako'y uuwi na. Saka ako pumunta kung saan dumaan si Bea. Nakita ko itong may kausap na tatlong lalaki kaya agad akong nagtago sa madilim na bahagi. Habang nakatayo ako sa dilim, nakatutok sa pagpasok ni Bea sa madilim na eskinita sa likod ng klinika, isang pagsabog ng galit at determinasyon ang pumuno sa akin. "Iniisip niya mo ba Bea na makak
Chapter 130 Sabi ko habang may ngiti sa labi nakapaskil. "Shadow!" tawag ko sa isang babaing nakatago sa dilim. Ito ang kapatid ni Marcos na si Cici. "Anong gusto mong gawin ko sa kanya?" tanong ko dito. Agad namang umirap dahil sa tanong ko. "Tanong ka pa 'ano?" sagot n'ya. "Ano pa ba ang magagawa ko d'yan sa patay na?" wika nito sabay iling sa kanyang ulo. Napakamot na lamang ako sa aking batok ng napagtanto ko ang kanyang sinabi. "Iba ka din 'ano? Di ka man lang mag tira sa akin kahit isang hininga man lang," wika nito ulit. Kaya sumimangot ako. "Kasalanan ko pa talaga!? Hay naku, pwede mo namang ipaghiwalay ang ulo n'ya sa kanya katawan upang i-regalo sa kanyang ama o 'di kaya ay sunugin mo!" sabi ko dito. "At tutal hindi ka naman nila kilala kaya chance mo na ito upang mapaghiganti mo ang iyong magulang," dagdag kong sabi. Kaya agad ring ngumiti ito sa akin. "Ang galing mo talaga magbigay ng payo, talagang mana ka ng iyong ina, na akyat bahay!" ngising sabi nito.
Chapter 131 Hindi nagtagal ay agad akong nakarating sa mansyon. Agad akong bumusina upang pagbuksan ako ng gate. Tanging malaking ilaw ang pinatama sa aking kotse saka nilabas ko ang aking kamay upang malaman nila kung sinong sakay sa loob. Ilang saglit ay agad bumukas ang gate kaya agd kong pinasok ang aking kotse sa loob. Pagpasok ko ay agad akong magtungo sa may intrada ng mansyon saka hininto ko ang kotse. Agad akong sinalubong ng isang tauhan namin dito sa mansyon kaya ibinigay ko dito ang susi ng aking kotse saka pumasok ako sa loob ng mansyon. Bumungad sa akin ang katahimikan sa loob. Tanging tunog laman ng wall clock ang aking narinig, mapait akong napangiti dahil dati ay puno ito ng tawanan at asaran ngayon ay may kanya-kanyang na kaming pananaw. Ang aming bunsong kambal ay hindi ko alam kong anong mangyari sa kanilang hinaharap dahil taglay nito ang kanilang mapaglaro sa mga babae. Si Kuya Xenno ay unti-unting bumabalik ang kanyang ugali at ang buhay nito ay may p
Chapter 132 "Okay ka lang princes?" sabi ni Dad na may pag-alalang boses. "O-okay lang ako," sagot ko dito. "Kailangan pa kayo nakauwi?" tanong ko dito. Agad din napako ang aking mata sa aking Ina ma seryoso itong tumingin sa akin. "At paano kayo nakapasok sa silid ko?" takang tanong ko kay Dad. Subalit hindi ito sumagot sa aking mga tanongtingi, ngunit agad din ako napaiwas sa aking mga tingin ng nakita kong seryoso ang mukha ng aking ina. "Lumabas ka muna Dave, may pag-uusapan kami ng ating anak," seryosong sabi nito. Kaya agad akong kinabahan na baka may alam na ito sa aking pinag-gagawa. Nakita ko ang mukha ni Dad na parang ayaw umalis kaya tinaasan ito ni Mommy ng kilay dahilan upang magbunton hininga na lamang ito saka lumabas sa aking silid. "M-mommy!" utal kong sabi. "Hanggang kailan mo itatago ito, Princess Xenna Clinton Santiago!" sabi nito. Kapag ganito ang tuno sa kanya boses at bigkasin ng buo ang aking pangalan ay siguradong may alam na ito. 'Shit Xenna
Chapter 133 Napangiti lamang ako sa aking nakikita at nasaksihan. Hanggang bumabalot ang pag-iisip ko sa akin panaginip kaya agad kong tumayo at pumunta sa aking mga gamit. Agad kong hinalungkat ang mga gamit ko doon dahil makakatulong ito sa gagawin kong misyon. Habang naghahalungkat ako ay may nakita akong isang kwintas na may hugis anghel kaya agad ko itong tiningnan at sinuri hanggang pumasok sa aking alaala ang isang batang lalake na aking iniligtas noon. Flashback. "Kuya Enno, when I see you, you have to buy me ice cream, okay!" sabi ko. "Yes, so start counting," sagot naman ng aking kakambal. "Hide and seek, the moon is bright, when I count to ten, you all should be hidden. One, two, three, four, five, six, sev—" ngunit naputok ang aking pagbibilang ng may narinig akong sumisigaw kaya pinakinggan ko ito mabuti kung saan nanggaling. "Help, help! Please help me. I don't know how to swim," sabi sa humihingi ng tulong. Kaya agad akong pumunta sa isang talon kung
Chapter 134 Agad akong pumasok sa may Bar dahil ito lang ang nakatutok sa may daan. Pagpasok ko pa lang ay napansin ko agad ang isang lalake nakatayo sa may gilid kaya pinakiramdaman ko ito dahil iba ang aking nararamdaman dito na hindi ko maintindihan kung ano. Paglampas ko dito ay agad akong pumunta may unahan para tanungin king sino ang in-charge sa CCTV kaya lang parang takot silang tumingin sa aking likuran kaya naging alerto ako. Nakita ko sa reflection sa bote ng alam ang dalawang lalaking papalapit sa aking direksyon. Hahampasin na sana ako ng isang patuta kaya agad akong umilag at saka pinakawalan ko ang aking kamao at sinuntok ko ang isang lalake na unang umatake. Agad ding sumunod ang isang lalake ito yung nakita ko sa may gilid kaya agad ko itong sinipa sa tyan at sinuntok sa panga sinugod na naman ako ng isang ding lalaki na una kong sinuntok. Agad kong kinuha ang isang bote ng alak saka ko ito hinampas sa ulo dahilan upang dumaing ito sa sakit ang isa ay akmang aalis