HOWALD JACOB (HJ)...Matapos makausap si Drake ay nagpasya s'yang bumalik agad sa America para ipaalam kay Amber ang lahat at para na rin makausap ang kan'yang ama.Kailangan n'yang maipaliwanag dito ang lahat bago pa ito may gagawin na hindi maganda kay Amber. Kilala n'ya ang kan'yang ama, may kapansanan man ito sa ngayon ngunit hindi ito maging dahilan para hindi makakilos ang ama."Henry ihatid mo ako sa airport ni Harrison, uuwi ako sa US ngayon din, ikaw muna ang bahala rito. Ang mga bihag huwag mong hahayaan na makatakas, kakailanganin ko pa sila," habilin n'ya sa binata."Ngayon ka na agad uuwi?" tanong ng kaibigan."Yeah! Kailangan kong kausapin si dad tungkol kay Amber bago pa s'ya may gagawin sa fiancee ko," sagot n'ya rito. "Pwede bang dumaan muna tayo sa mall? Bibili lang ako ng otap at kalamay para kay Hailey," mahinang sabi ng kaibigan na ikinalingon n'ya rito at binigyan ng matalim na tingin."Seriously? Nagmamadali na nga ako tapos ang pasalubong pa sa kapatid ko ang
HOWALD JACOB (HJ)..."Dad I need to talk to you and mom," s'ya sa magulang. Pagkatapos makatanggap ng tawag mula sa unknown number kanina at may kasunod pang mga litrato ng kan'yang mag-ina ay iniwan n'ya muna si Amber para kausapin ang mga magulang.Nasa opisina sila ngayon ng ama at magkaharap na nakaupo sa isang coffee table na nasa loob ng opisina nito."What is it Howald?" seryosong tanong ng ama sa kan'ya. Inabot n'ya rito ang files na mula kay Drake para ipakita ang laman nito. Kinuha naman ito ng kan'yang ama at agad na binuklat.Tahimik silang naghihintay sa sasabihin nito ngunit walang salita na namutawi sa labi ng ama hanggang matapos ang pagbuklat ng mga papel.Ang akala n'ya ay wala itong reaction sa mga nababasa ngunit nagulat sila ng ina ng bigla nitong pinukpok ang mesa at kita ang galit sa mukha ng matanda."Mga hayop sila!" mariing sabi nito. Nagsilabasan din ang mga ugat nito sa leeg at kamay. Agad na dinaluhan ito ng mommy n'ya para pakalmahin. Kaka opera lang nito
HOWALD JACOB (HJ)..."Baby what happened?" nahintakutan na tanong n'ya kay Amber sabay lapit dito at tiningnan ang kamay nitong puno ng dugo.Nanginginig ang labi ng kasintahan at namilisbis ang luha sa mga mata. Agad na niyakap n'ya ito ng mahigpit at ramdam n'ya ang panginginig ng katawan ng dalaga."It's ok! It's ok! I'm here baby, don't be scared, ok?" alo n'ya habang hinahagod ang likod ni Amber."N-Natatakot ako tay, natatakot ako," umiiyak na sumbong ni Amber sa kan'ya. Hindi n'ya pa alam kung saan ito natatakot ngunit sa sitwasyon nito ngayon ay mukhang may trauma ang kasintahan sa kinatatakutang bagay.Inangat n'ya ang ulo ni Amber at sinapo ang mukha at mariin na pinakatitigan ang mga mata nitong hilam sa luha."I'm here baby, don't be scared, ok? Hindi kita pababayaan Amber, no one can hurt you hangga't nasa tabi mo ako. I will protect you na kahit buhay ko ay itataya ko Amber," pangako n'ya sa kasintahan. Nag- uunahan sa paglandas ang mga luha nito sa pisngi."No one can
HOWALD JACOB (HJ)..."Oh kay sarap na mabuhay sa gitna ng hita mo. Oh Emyat na kasing liwanag ng buwan ang noo mo, dalhin mo ako sa iyong palasyo," kanta ni Red habang nasa byahe sila patungo sa isang malayong lugar kung saan nabalitaan n'yang nagtatago ang mga impostor na magulang ni Amber.Pagkatapos malaman ng kasintahan ang tungkol sa tunay nitong pagkatao ay nag-usap silang dalawa at nagkasundo na s'ya lang ang maghahanap sa mga magulang nito at mananatili silang dalawa ni Joshua sa poder ng mga magulang n'ya para mapanatag ang kan'yang loob habang hinahanap n'ya ang mga pekeng Borris."Liwanag sa dilim. Hiludin mong mabuti ang madilim kong kili-kili, oh Emyat kong malagkit pa sa kulangot ni Totoby," dagdag pa ni Red na ikinatanggap ng isang malakas na batok mula kay Tobias na katabi nito."Putang'ina! Anong problema mo Lewis? Bakit ka nananakit na gago ka? Kumakanta lang yong tao eh," singhal ni Red kay Tobias."Wala akong problema Red, pero sa punyeta mong kanta, malaki. Tang'
HOWALD JACOB (HJ)..."Good evening madlang mga manananggal, my name si Redenenta Deawataa Bolocboloc, mula sa kaharian ng mga dyosang isinumpa ni san Pedro kaya naging sigbin pero hindi bulok katulad ng apelyedo ko. Naniniwala po ako sa kasabihan — " Na sa Panahon ng Krisis at sa pataas na pataas na Ppresyo ng langis, ma swerte ang mga mangkukulam sa Capiz dahil ang gamit nila ay walis! And I thank you! Candidate number one Redenenta Deawataa Bolocboloc!" malakas na sigabong ng palakpakan ang umalingawngaw sa buong plaza matapos magpakilala si Red na s'yang nangunguna sa pageant."Parang gusto kong mamulot ng bato at batuhin ang mga gago na yan. Ano bang nakain nila na sumali sila sa Miss Gay na yan!" igting ang mga panga na reklamo ni Sebastian."Hayaan mo na dude at susuportahan na lang natin kung ano ang ikakasaya ng mga hayop na yan," sabat naman ni Ashton."Sino ang nag make-up sa kanila?" si Totoby na nakatingin kay Spike na s'yang sumunod na lumabas. Todo kembot pa ito pero pa
HOWALD JACOB (HJ)...Nagtagumpay na makapasok si Spike at Nicollai sa loob. Agad na nabuksan ng mga ito ang maliit na gate sa gilid.Maingat silang pumasok sa loob at nagtago muna sa isang sulok."What's next Red?" tanong ni Ashton kay Red na s'yang may hawak na maliit na device para malaman ang nangyayari sa loob."Wait for a while! Marami pang bantay sa paligid," seryosong sagot ni Red. Ito lang ang ikinaganda ng kaibigan loko-loko, maloko ito pero pagdating sa trabaho ay seryoso masyado.Hindi na nila ito dinisturbo at naghintay na lamang ng signal mula kay Red. Inilibot n'ya ang paligid at masasabi n'yang fully secured ang buong lugar at hindi basta-bastang napapasok."I found a lot of bombs in the entire vicinity. Naka program ito at anytime ay pwedeng sumabog once na napindot ng may control ng main button ng bomba," pagbibida alam sa kanila ni Pula."Then hack it and change to your own program para ikaw ang magpasabog n'yan mamaya," si Tobias kay Red."That's what I am doing I
HOWALD JACOB (HJ)...Mabilis ang mga kilos na nagtago s'ya ng paulanan ng bala ng mga taohan ng mag-asawa. Nakita n'yang papasakay na ang mga ito sa isang helicopter kaya ginawa n'ya ang lahat para makaganti sa mga nagpapaulan sa kan'ya ng mga bala."Don't yeah worry El Frio, I got you," boses ni Cassy at maya-maya pa ay nakita n'yang nag-aapoy na ang nakapark na helicopter na sasakyan sana ng mag-asawa."Fvck!" mariing pagmumura mura n'ya ng biglang may lumusot na bala sa pader."I'm done with my part, hindi na makakaalis ang dalawang yan, now finish that five idiots at hulihin mo ang mag-asawang yan. Don't kill them, kailangan mo silang iharap kay Amber. Marami ka pang malalaman na mga lihim sa dalawang yan," utos ng kaibigan sa kan'ya.Hindi na s'ya sumagot pa rito ngunit alam nitong narinig n'ya ang lahat ng sinabi ni Cassandra.Kumuha s'ya ng magandang pagkakataon at agad na binaril ang mga taohan ng mag-asawa. Nakita n'yang tumakbo ang mga ito pabalik sa pinto na dinaanan ng mg
HOWALD JACOB..."Fvck! Sino ang babaeng yon?" gigil na tanong n'ya habang pinagsisipa ang gulong ng kanilang sasakyan.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naisahan sila ng isang babae. Parang ang hirap tanggapin pero nasa harapan na nila ang ebedensya.Patay na ang dalawang tao na gustong-gusto n'yang iharap sa kasintahan."Anong plano mo ngayon El Frio?" tanong ni Tobias sa kan'ya."I have no idea. I don't know what to do with this two," sagot n'ya rito. Totoo naman kasing wala s'yang alam na gagawin ngayon, gulong-gulo ang isip n'ya sa mga nangyari ngayong araw."Go back to US and tell everything to your woman. Huwag muna nating ilibing ang dalawang ito in case gusto pang makita ng girlfriend mo," suhestyon ni Tobias sa kan'ya.Naisip n'ya din yan pero hindi n'ya alam kung paano ipapaalam kay Amber ang lahat. Umaasa kasi ito na makakausap pa ang mga pekeng magulang para maitanong ang tungkol sa pamilya nito."Sa palagay ko ay may malaking tao sa likod ng lahat ng ito El Frio. Pina