HOWALD JACOB (HJ)...Lahat ay inilahad n'ya kay Amber. Lahat ng nalaman n'ya ay sinabi nya sa nobya. Walang tigil ang iyak nito sa mga nalaman at nandoon lang s'ya para alalayan ito.Nasasaktan din s'ya na nakikita n'ya itong umiiyak. Kung pwede lang sana na akuin n'ya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito ay gagawin n'ya.Matapos nilang maligo kanina ay agad na binuhat n'ya ito patungo sa kama. Binihisan n'ya muna ang dalaga bago kinausap. Mahigpit itong nakayakap sa kan'ya ngayon habang umiiyak."Stop na baby please, nasasaktan din ako na nakikita kang nasasaktan. Don't worry, I will do everything para matapos na itong problema natin. Hmmm!" alo n'ya rito."B-Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya ko Howald? Ano ba ang nagawa naming kasalanan, bakit pinaparusahan kami ng ganito?" "Wala ka o kayong nagawa na kasalanan Amber. May mga tao lang talaga na hindi masaya lalo na sa tagumpay ng iba kaya pilit na nanghihila pababa o di kaya ay naninira ng kapwa," paliwanag n'ya rito."Gulo
AMBER RIZALYN JOY...Simula ng umalis si Howald para umuwi ng Pilipinas ay araw-araw na s'yang nakakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang numero.Babae ang palaging tumatawag sa kan'ya at sinisisi s'ya nito sa nangyari dito na hindi n'ya naman alam kung ano ang nagawa n'yang kasalanan sa babae.Natatakot s'ya at kinakabahan ngunit nilabanan n'ya ito at pinakalma ang sarili.Nasa poder sila ng mga magulang ni Howald at alam n'yang safe silang dalawa ni Joshua kaya kahit papaano ay nakakabawas ito sa takot na kan'yang nararamdaman.Hindi n'ya din ipinapahalata sa pamilya ng kasintahan ang kan'yang totoong nararamdaman sa araw-araw dahil sa mga pananakot na natatanggap mula sa hindi kilalang babae.Napaisip s'ya kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay n'ya, nilang dalawa ni Joshua. Tahimik naman silang namumuhay dati ng anak. Kahit mahirap at kapos sila sa pera ay masaya sila at wala silang problema na ganito.Walang nagtatangka sa kanilang buhay at hindi sila nasa panganib araw-ar
HOWALD JACOB (HJ)...Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakabalik si Amber. Hindi n'ya namalayan ang minutong nagdaan dahil kausap n'ya si Henry sa kan'yang cellphone. Ipinaalam ng binata na may namataan itong umaaligid sa kan'yang bahay at parang nagmamatyag. Hinabol ito ng kanilang mga taohan ngunit mabilis itong nawala at hindi na nakita pang muli.Hindi maganda ang kutob n'ya nang hindi pa rin bumabalik si Amber mula sa pagbanyo nito kaya agad n'ya itong sinundan sa banyo ng mga babae."Baby! Amber!" malakas na tawag n'ya sa kasintahan. Walang sumagot kaya nagpasya s'yang pumasok at agad na binuksan isa-isa ang mga cubicle na naroon. Walang katao-tao sa naturang banyo kaya malaya s'yang nakapasok sa palikuran ng mga babae na hindi naiilang na may makakita sa kan'ya.At kahit pa may makakita ay wala s'yang pakialam sa mga ito. Hahanapin n'ya pa rin si Amber sa loob."Amber! Baby are you here?" malakas na tawag n'ya ulit sa dala
HOWALD JACOB (HJ)...Matapos masigurong tulog na si Amber ay lumabas s'ya ng kwarto at tinawagan si Red.Agad namang sinagot ng kaibigan ang kan'yang tawag at parang hinihintay talaga nito na tumawag s'ya."Mabuti naman at nakatawag ka na, kanina pa kita hinihintay.""Sorry bro, pinakalma ko pa at pinatulog si Amber," hingi n'ya ng paumanhin dito."Anong plano mo ngayon?" seryosong tanong ni Red."Stick to the main plan. I will end this bullshit Red, hindi na sila nakakatuwa!" galit na sagot n'ya sa kaibigan."Good! Maghahanda na kami, just let us know kung kailan mo gagawin ang plano," sagot ni Red sa kan'ya."Very soon! Nag-aabang lang ako ng magandang pagkakataon. Si Amber lang ang pag-asa ko, s'ya ang susi ng lahat para matuldokan na ang pambubwesit ng mga taong iyon," igting ang mga panga na sagot n'ya rito."Then stick to her and watch her. One of these days ay babalik ang mga taong may gawa no'n sa kan'ya, sigurado ako d'yan. Kailangan mong maging alerto El Frio," habilin nito.
HOWALD JACOB (HJ)..."Boss she went out," isang boses ang narinig n'ya sa suot na earpiece."Let her! Don't stop her," bilin n'ya rito."Roger that boss," sagot ng kan'yang taohan. Inaasahan n'ya na ito na mangyari."She went out El Frio," sabi ni Red sa kan'ya. Hindi mga managers n'ya ang kan'yang ka meeting kundi ang mga kaibigan.Ang nakasunod na sasakyan sa kanila kanina ay ang mga taohan n'ya at ang mga kaibigan na tinawagan n'ya na para paghandain bago pa s'ya lumabas ng kwarto kung saan s'ya natulog.Alam n'yang mangyayari ito at napag planohan na nila ito ni Red na gagawin."Let her," balewalang sagot n'ya sa mga kaibigan. Kasabwat n'ya si Mr. Pascual at nakausap na ito ni Red sa gagawin nito at sa sasabihin sa kan'ya para makapunta s'ya sa meeting room."Did you put the tracker on her?" tanong ni Tobias na ang mga mata ay nasa malaking screen sa harap."Yes I did! Hayaan n'yo muna s'ya na makarating sa kung saan man s'ya pupunta. Bigyan natin ng magandang show ang mga putang'
AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na parang nahihirapan sa kan'yang posisyon. Napaungol s'ya dahil hindi n'ya magalaw ang kan'yang kamay at paa.Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at nagulat s'ya ng makitang nakatali ang kan'yang mga kamay at paa. Inilibot n'ya din ang tingin sa paligid at nakitang nasa isang kwarto s'ya na walang ka laman-laman."N-Nasaan ako?" tanong n'ya sa sarili. Nakaramdam s'ya ng takot lalo na ng maalala ang nangyari sa comfort room ng punerarya na pinagdalhan sa kan'yang mga pekeng magulang."A-Anong nangyari? Tulong! Tulongan n'yo ako!" malakas na sigaw n'ya at nagbabasakali na may darating para alisin s'ya sa lugar na iyon.Namamaos na s'ya sa kakasigaw ngunit walang kahit isa ang nagbukas ng pinto para tulongan s'ya. Pinilit n'yang kalagan ang mga kamay ngunit napakahigpit ng pagkakatali sa kan'ya.Hindi n'ya man lang ito nagalaw at parang mas lalo pang humigpit ang pagkakatali. Nakaramdam na din s'ya ng hapdi sa balat dulot ng mahigpit na pagkakatal
HOWALD JACOB (HJ)..."Howald!" nanginginig ang boses na tawag ni Amber sa kan'ya. Nakita n'ya ang gulat sa mga mata ng dalawang babae.Ang Amber na nakasama n'ya kagabi at ang impostor na ina ni Amber na ang akala ng lahat ay patay na ay buhay na buhay na nakatayo sa harapan n'ya ngayon.Hindi n'ya alam kung paano nangyari pero nakikita n'yang matagal nang pinaghandaan ng mga ito ang pagpapabagsak sa mga El Frio. Patunay lang ang babaeng ginawa ng mga ito na kamukha ni Amber.Lumipat ang tingin n'ya sa kasintahan at nagtagis ang kan'yang bagang ng makita ang namumulang mukha at sabog na buhok ng dalaga. "H-Howald a-anong ginagawa mo rito?" pagdadrama na tanong ng babae na kamukha ni Amber. Ang akala siguro nito ay mapapaniwala s'ya na ito si Amber. Dahan-dahan s'yang lumapit rito habang nakaumang ang baril sa babae. Nakita n'ya ang paggalaw ng mga mata ng dalaga at pa simpling inilibot ang tingin sa paligid.Sinigurado siguro nito kung nag-iisa lang s'ya o may kasama pang iba."To
AMBER RIZALYN JOY...She was hurt by Lucy but the fact that they are cousins at ramdam n'ya din sa sarili n'ya na hindi ito masamang tao ang s'yang nagtulak sa kan'ya para pigilan si Howald sa akmang pagbaril dito.Hindi n'ya alam pero may pakiramdam s'ya na gusto n'yang iligtas si Lucy mula sa madilim na mundo na kinalakihan nito.Masalimuot man ang buhay na naranasan n'ya sa kamay ng mga pekeng magulang ay di hamak na mas masagana naman s'ya sa material na bagay at pera habang lumalaki.Naaawa s'ya sa kan'yang pinsan. Ramdam n'ya ang sakit na nararamdaman nito sa mga mapait na karanasan sa mga kamay ng mga walang kwentang magulang.Hinarang n'ya ang katawan kay Lucy ng akmang babarilin ito ni Howald. Nakiusap s'ya sa kan'yang kasintahan na huwag ituloy ang balak.Lucy on the other hand is pushing her away at gusto na lang din nito na magpabaril kay Howald— but not her. Walang mamatay sa kanila at kung meron man siguro ay mas mainam na lang kung ang kan'yang ina-inahan yon.Mabuti na