HOWALD JACOB...Panay pa rin ang silip ng tatlo sa ginang sa harapan. Nakatayo lang s'ya sa isang sulok at nakikinig sa usapan ng mga loko-lokong kaibigan.Nagbibilad ng tuyo sa labas ng bahay ang kapitbahay ni Red pero may pitbull na pinabantay na lihim n'yang ikinatawa. Minsan itong tatlong itlog na to ang naging stress reliever nilang lahat. Puro kalokohan ang alam pero pagdating sa trabaho ay maasahan naman at hindi nagpapabaya."Ang damot naman pinabantayan sa aso ang tuyo, wala tayong ulam mamaya," reklamo ni Red at napakamot pa sa ulo."Pitbull lang yan, sundalo tayo. Dito ka lang may kukunin lang ako," si Spike na agad na pumasok sa loob ng bahay at pagbalik ay may dala ng fishing rod."Oh gago, anong gagawin mo d'yan?" tanong ni Red dito. Nagtataka itong tinapunan ng tingin si Spike na ang lapad ng ngisi habang hawak-hawak ang pamingwit."Mamingwit tayo ng tuyo ni Aling Josephine. Huwag ka ngang maingay pula at baka marinig tayo! Sige ka, wala tayong ulam mamaya!" banta
HOWALD JACOB (HJ)...Narating nila ang Pilipinas na puro murahan ang naririnig nila sa buong byahe. Hindi n'ya na lang pinansin ang mga baliw na kaibigan.Nakaabang na sa kanila ang kan'yang mga taohan kasama si Henry na umuwi din pala.Hindi ito nagpasabi sa kan'ya at ang akala n'ya ay nasa America pa rin ito kasama ang kan'yang bratinelang kapatid.Agad na ipinasok nila ang tatlong bihag sa sasakyan at umalis agad ng airport."I thought you were still in America with Romeshell?" tanong n'ya rito. Napaismid naman ito at mukhang alam n'ya na kung bakit ito umuwi ng Pilipinas."Pinalayas ka" natatawang kantyaw n'ya rito. "Shut up El Frio!" bulyaw ng kaibigan at sinamaan s'ya ng tingin. Tinawanan n'ya lang ito at hindi na tinukso pa.Narating nila ang kanilang hideout. Agad na ipinasok ang tatlo at iniwan sa isang kwarto. Lumabas din agad sila matapos masigurong naka lock ng maayos ang pintoan ng kwartong pinag kulongan sa tatlo."What do you want me to do now?" tanong ni Henry sa kan'
HOWALD JACOB (HJ)..."Ahhhhhhh!" malakas na sigaw ng babae dahil sa pagkagulat sa pagpaputok ni Henry dito ng baril."Ang susunod na bala ay sa ulo mo na babaon kaya kung ako sayo magsasalita na ako habang hindi pa nauubos ang pasensya namin. Speak!" si Henry sa babae na hinawakan agad ang baba nito at pinaharap sa kan'ya."M-Maawa kayo huwag n'yo a-akong patayin, m-aawa kayo," naiiyak na pagmamakaawa ng babae kay Henry. Ngumisi lamang si Henry dito at hinawakan ang buhok ng babae at hinila."Marunong ka din palang magmakaawa, pero ng magmakaawa sayo ang kakambal mo, hindi mo man lang pinakinggan! Pinatay mo s'ya ng walang kaawa-awa!" may diin na sabi ni Henry sa babae. Nakita n'ya ang galit sa mga mata ng lalaki at mukhang may ideya na s'ya kung bakit ito galit na galit ngayon."W-Wala akong k-kakambal, w-wala akong pinatay!" pagkaila ni Trish. Isang putok ulit ang umalingawngaw sa buong kwarto and this time ay pinadaplisan na ni Henry sa hita ang babae.Malakas itong napahiyaw dahi
HOWALD JACOB (HJ)...FLASHBACK....Trish POV..!!"Hi!" malanding bati n'ya sa tatlong lalaki na nakaupo sa bleacher ng university na pinapasukan nila."Hi miss, may kailangan ka?" malapad ang ngising tanong ng isa ngunit ang kan'yang mga mata ay nakatuon lang kay Dante.Kagat labi pa s'yang nakatingin dito na nakatingin din sa kan'ya."Ahmmm! Can I talk to your friend?" tanong n'ya sa dalawang lalaki na kasama ni Dante."Whoooo! Pre mukhang ikaw ang type! Galingan mo ha! Aalis muna kami," paalam ng mga ito sabay alis. Umupo s'ya sa tabi nito at sinadyang idikit ang kan'yang mga hita sa hita ng lalaki."Anong kailangan mo?" tanong ng binata sa kan'ya."Ikaw!" deritsong sagot n'ya rito. Biglang gumalaw ang mga braso ni Dante at ipinulopot sa kan'yang bewang at hinatak s'ya palapit pa rito. Wala masyadong tao sa bahaging iyon ng university."Are you sure about this? Hmmm!" malagkit na tanong ni Dante sa kan'ya."I'm pretty sure! I like you!" agad na sagot n'ya. Walang pagdadalawang isip
HOWALD JACOB (HJ)..."How did you know all this Drake? Anong relasyon mo sa fiancee ko?" seryosong tanong n'ya sa kaibigan."She is my—,""Drake!" hindi na nito natapos ang gustong sabihin dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa nitong nakabusangot ang mukha."Yes baby?" parang maamong tupa na sagot nito sa asawa. Napalitan din ang seryoso at malamig na expression nito sa mukha.Lihim s'yang napailing dahil halatang under ito ng asawa na katulad n'ya."Where did you put my panty? Hinubad mo yon kagabi at hindi ko na mahanap. Wala tuloy akong suot na panty ngayon," sita ni Eliana dito.Mukhang hindi s'ya nito napansin dahil ang mga mata nito ay nakatuon lang kay Drake.Napaubo s'ya ng wala sa oras na agad namang ikinalaki ng mga mata ni Eliana ng mapansin s'ya."Oh my gosh!" namumulang sabi nito sabay takip ng mga palad sa mukha."Fvck you El Frio!" bulyaw sa kan'ya ni Drake ngunit nginisihan n'ya lamang ito at kinindatan."I'm sorry hubby, I thought mag-isa ka lang dito.
HOWALD JACOB (HJ)...Matapos makausap si Drake ay nagpasya s'yang bumalik agad sa America para ipaalam kay Amber ang lahat at para na rin makausap ang kan'yang ama.Kailangan n'yang maipaliwanag dito ang lahat bago pa ito may gagawin na hindi maganda kay Amber. Kilala n'ya ang kan'yang ama, may kapansanan man ito sa ngayon ngunit hindi ito maging dahilan para hindi makakilos ang ama."Henry ihatid mo ako sa airport ni Harrison, uuwi ako sa US ngayon din, ikaw muna ang bahala rito. Ang mga bihag huwag mong hahayaan na makatakas, kakailanganin ko pa sila," habilin n'ya sa binata."Ngayon ka na agad uuwi?" tanong ng kaibigan."Yeah! Kailangan kong kausapin si dad tungkol kay Amber bago pa s'ya may gagawin sa fiancee ko," sagot n'ya rito. "Pwede bang dumaan muna tayo sa mall? Bibili lang ako ng otap at kalamay para kay Hailey," mahinang sabi ng kaibigan na ikinalingon n'ya rito at binigyan ng matalim na tingin."Seriously? Nagmamadali na nga ako tapos ang pasalubong pa sa kapatid ko ang
HOWALD JACOB (HJ)..."Dad I need to talk to you and mom," s'ya sa magulang. Pagkatapos makatanggap ng tawag mula sa unknown number kanina at may kasunod pang mga litrato ng kan'yang mag-ina ay iniwan n'ya muna si Amber para kausapin ang mga magulang.Nasa opisina sila ngayon ng ama at magkaharap na nakaupo sa isang coffee table na nasa loob ng opisina nito."What is it Howald?" seryosong tanong ng ama sa kan'ya. Inabot n'ya rito ang files na mula kay Drake para ipakita ang laman nito. Kinuha naman ito ng kan'yang ama at agad na binuklat.Tahimik silang naghihintay sa sasabihin nito ngunit walang salita na namutawi sa labi ng ama hanggang matapos ang pagbuklat ng mga papel.Ang akala n'ya ay wala itong reaction sa mga nababasa ngunit nagulat sila ng ina ng bigla nitong pinukpok ang mesa at kita ang galit sa mukha ng matanda."Mga hayop sila!" mariing sabi nito. Nagsilabasan din ang mga ugat nito sa leeg at kamay. Agad na dinaluhan ito ng mommy n'ya para pakalmahin. Kaka opera lang nito
HOWALD JACOB (HJ)..."Baby what happened?" nahintakutan na tanong n'ya kay Amber sabay lapit dito at tiningnan ang kamay nitong puno ng dugo.Nanginginig ang labi ng kasintahan at namilisbis ang luha sa mga mata. Agad na niyakap n'ya ito ng mahigpit at ramdam n'ya ang panginginig ng katawan ng dalaga."It's ok! It's ok! I'm here baby, don't be scared, ok?" alo n'ya habang hinahagod ang likod ni Amber."N-Natatakot ako tay, natatakot ako," umiiyak na sumbong ni Amber sa kan'ya. Hindi n'ya pa alam kung saan ito natatakot ngunit sa sitwasyon nito ngayon ay mukhang may trauma ang kasintahan sa kinatatakutang bagay.Inangat n'ya ang ulo ni Amber at sinapo ang mukha at mariin na pinakatitigan ang mga mata nitong hilam sa luha."I'm here baby, don't be scared, ok? Hindi kita pababayaan Amber, no one can hurt you hangga't nasa tabi mo ako. I will protect you na kahit buhay ko ay itataya ko Amber," pangako n'ya sa kasintahan. Nag- uunahan sa paglandas ang mga luha nito sa pisngi."No one can