AMBER RIZALYN JOY...Nang hindi na makita pa si Lucy ay nagpasya s'yang bumalik sa loob ng restaurant. Ngunit akmang papasok na s'ya ng mamataan n'ya ang driver ng taxi na sinakyan n'ya kanina. Nakatayo ito sa di kalayuan at may kausap sa cellphone ngunit ang mga tingin ay nasa kan'ya.Hindi n'ya alam ngunit iba ang nararamdaman n'ya ngayon. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at ng bumalik ang tingin n'ya sa lalaki ay wala na ito sa kinatatayuan nito kanina."Anong nangyayari sa akin?" mahinang tanong n'ya sa sarili."Totoo bang nakikita ko sila o namamalikmata lang ako?" dagdag n'ya pa."Ma'am are you ok?" naalimpungatan s'ya ng marinig ang boses ng isang babae.Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya na isa sa mga staff ng restaurant na kinainan nila ni Maxine."Ahmmm! Yeah, thank you for asking," tipid na sagot n'ya rito."You're welcome! Pasok na po kayo," nakangiting sabi nito sabay mwestra ng kamay sa kan'ya na pwede na s'yang pumasok. Tumango s'ya sa babae at ngumiti ulit bago pum
AMBER RIZALYN JOY..."Ikaw?" halos panabay nila na tanong sa isat-isa ng babaeng nakabangga sa kan'ya. Agad na tumaas ang kilay nito at ang sulok ng bibig habang sinipat s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa."Inferness hindi ka na mukhang basura," maanghang na insulto nito sa kan'ya. Napangiti s'ya dahil sa sinabi ng babae. Alam n'yang bubwesitin lang s'ya nito at sasagarin ang kan'yang pasensya kung hanggang saan ngunit hindi n'ya ito papatulan.Hindi s'ya apektado sa totoo lang, dahil kung tutuusin ay mas mayaman pa s'ya rito. "Alam mo Dr. Stephanie kahit gaano ka pa kaganda kung ang ugali mo ay basura ay wala pa rin yan. Panalo pa rin ang simply lang ngunit may manners," nakangiting sagot n'ya rito. Biglang nag-iba ang hitsura nito at nanlilisik ang mga mata na sinipat s'ya ng tingin. Namumula din ang mukha ito at halatang galit na galit dahil sa kan'yang sinabi."Akala mo naman ay kung sino ka magsalita. Eh alam naman nating lahat na nilandi mo lang si Howald para magkaroon n
AMBER RIZALYN JOY...Nagulat s'ya ng may biglang nagsalita sa kan'yang likuran habang dinadayal ang numero ng taxi driver na sinakyan kanina."Joy ikaw ba yan?" boses ng lalaki. Nilingon n'ya ito at nakita n'ya ang gwapong mukha ni Gringo. Ang lalaking nakilala n'ya dati sa isang construction na pinaglalakoan nila ng ulam ni nanay Teresita sa probinsya.Ibang-iba na ang porma nito ngayon kaysa noon. Masyado na itong stylish at mayaman na kung umasta. Makikita din na mamahalin na ang mga suot nitong mga gamit at damit."G-Gringo?" paniguradong tanong n'ya rito. Mahina naman itong natawa at nakapamulsa na humarap sa kan'ya."I'm glad you still remember me Joy dahil ako ay hindi kita nakakalimutan kahit kailan. How are you? You look great!" papuri nito sa kan'ya.Medyo kinilabutan s'ya sa unang sinabi nito ngunit hindi n'ya na lang pinansin."Ahmmm, yeah! Ikaw nga din, ibang-iba ka na ngayon," pilit ang ngiti na sabi n'ya sa lalaki. Ewan ba n'ya ngunit nakaramdam s'ya ng pagkabalisa haba
AMBER RIZALYN JOY...Pagdating n'ya sa bahay ay nagbayad agad s'ya ngunit hindi tinanggap ng driver. Wala na s'yang oras para makipagpilitan pa rito sa kan'yang bayad.Nagpasalamat na lang s'ya rito at agad na bumaba. Kinakausap pa s'ya ni Leo sa labas ngunit hindi n'ya ito pinansin pa. Dali-dali s'yang pumasok sa loob at deritsong umakyat sa taas. Ang akala n'ya ay nasa bahay na si Howald ngunit wala s'yang naabutan na tao sa kanilang kwarto. Nanghihina s'yang napaupo sa kama.Kung ano-anong eksena ang pumapasok sa kan'yang isip at parang sasabog ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit at sama ng loob.Nakatungo lang s'ya sa sahig at sunod-sunod na naglandasan ang mga luha sa kan'yang mga mata nang sumagi sa kan'yang isip ang pag-uusap nila kanina ng driver ng taxi.FLASHBACK..."Don't blame yourself dahil wala ka namang ginawa. Learn to stand for yourself and for your rights Amber," sabi ng taxi driver sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang kilay dahil sa sinabi nito lalo na sa pagsa
HOWALD JACOB...Matapos ang meeting sa mga kaibigan ay nagpasya s'yang sunduin ang asawa sa mall kasama si Maxine. He open his tracker para hanapin ang exact location ni Amber. She has a tracker on her necklace at cellphone kaya mahigpit n'yang sinasabi rito na huwag na huwag huhubarin ang kwintas na suot.Before he starts the engine of his car ay na locate n'ya na ang kinaroroonan ni Amber. He drives straight to the mall at maya-maya pa ay nasa highway na s'ya at binabaybay ang daan patungo sa mall ni Lancaster.Halos kalahating oras din ang kan'yang byahe bago narating ang naturang mall. He checked his tracker again at nakitang nasa ladies section ng department store si Amber.Lumabas s'ya ng sasakyan at pumasok sa loob. Umakyat s'ya sa second floor kung nasaan ang ladies section. Malayo pa lang s'ya ay namataan n'ya na ang asawa na may kausap na lalaki.At biglang kumulo ang kan'yang dugo ng mamukhaan ang lalaking kausap ni Amber. Sinipat n'ya ang paligid at hindi n'ya nakita si M
SOMEONE'S POV...Sa hindi kalayuan ay may isang itim na sasakyan na naka park at may tatlong tao na nag-uusap at nagmamatyag sa loob ng itim na kotse.Nakatingin ang mga ito sa mansion na pag-aari ni Howald Jacob El Frio— ang successor ng El Frio clan na nagtatago sa anino ng isang El Greeco del Rio Mafia.Ang pag-aakala ng iba ay isang normal na mga mamamayan lang ang mga El Frio ngunit ang hindi alam ng karamihan ay isa ito sa mga kinatatakutan na pamilya.Ano at sino ang bumubuo ng El Grecco del Rio Mafia? Ang pinakamakapangyarihan na si Don Hendrix El Frio, ang tinaguring boss o don ng naturang clan.Marami itong galamay at connection na mga maituturing na mga makapangyarihang mga tao. Humaharap ito sa madla na isang simpling matanda lamang ngunit ang hindi alam ng karamihan ay kaya nitong pumatay sa isang pitik lamang ng daliri.Kaya din nitong pabagsakin ang kahit na sino na umalma sa kagustohan ng matanda, kahit pa ang isang makapangyarihang bansa na ayaw makisama sa mga kondi
AMBER RIZALYN JOY...Maaga s'yang nagising para maghanda ng kanilang almusal. May pasok na sila pareho ngayon at katulad ng nakasanayan ay sabay-sabay na silang umaalis ng bahay na tatlo.Naging ok na rin sila ni Howald matapos mag-usap noong nakaraang gabi. Humingi ito ng tawad sa kan'ya dahil sa ginawa nito kahapon at sino ba s'ya na hindi ito mapatawad?Asawa n'ya ito at hindi talaga maiiwasan sa pagsasama ang tampohan at problema. Kailangan ng malawak na pag-unawa sa isat-isa at huwag magpadalos-dalos sa desisyon."Good morning nanay," bati ng kanilang anak na naunang pumasok sa kusina. Wala itong kaalam-alam sa nangyari sa kanila ng ama nito kahapon."Good morning anak, nasaan ang tatay mo?" tanong n'ya rito."Nagpapa pogi pa nay," sagot ni Joshua sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang kilay sa narinig mula rito."Bakit? Hindi pa ba s'ya pogi?" "Aba malay ko doon kay tatay nay! Kung kailan pa tumanda ay doon pa at nag-iinarte," pairap na sagot ni Joshua sa kan'ya."Naririnig kita
AMBER RIZALYN JOY...Pinagbuksan s'ya ng asawa ng pinto. Namumula pa rin ang mukha at leeg nito na mahina n'yang ikinatawa."Thank you tay, I love you!" malambing na sabi n'ya na ikinabusangot ng mukha nito."Grrrr! Don't tease me Amber Rizalyn Joy El Frio! Mamaya ka sa akin, hmmm!" inis na banta nito sa kan'ya. Sino ba ang hindi? Eh pinatigil n'ya ito kanina sa gusto nitong gawin sa loob ng sasakyan.Kahit pa sabihin na pati s'ya ay nag-iinit na din ngunit ang isiping nasa labas sila ay s'yang nagpatigil sa kan'ya.Hindi s'ya komportable na ginagawa ito sa labas kahit pa sabihin na mag-asawa na sila."Get ready the room in your office tatay, we will use it later," malambing na utos n'ya rito sanay kintal ng halik sa gilid ng labi ng asawa."Sinabi mo yan ha?" paniguradong tanong nito."Yup! Pupuntahan kita sa opisina mo mamaya kaya be ready," sabi n'ya rito sabay tapik sa pisngi ng gwapong asawa at iniwan na ito."I love you nay, I really do!"pasigaw na sabi nito. Malapad ang ngiti n