SOMEONE'S POV...Sa hindi kalayuan ay may isang itim na sasakyan na naka park at may tatlong tao na nag-uusap at nagmamatyag sa loob ng itim na kotse.Nakatingin ang mga ito sa mansion na pag-aari ni Howald Jacob El Frio— ang successor ng El Frio clan na nagtatago sa anino ng isang El Greeco del Rio Mafia.Ang pag-aakala ng iba ay isang normal na mga mamamayan lang ang mga El Frio ngunit ang hindi alam ng karamihan ay isa ito sa mga kinatatakutan na pamilya.Ano at sino ang bumubuo ng El Grecco del Rio Mafia? Ang pinakamakapangyarihan na si Don Hendrix El Frio, ang tinaguring boss o don ng naturang clan.Marami itong galamay at connection na mga maituturing na mga makapangyarihang mga tao. Humaharap ito sa madla na isang simpling matanda lamang ngunit ang hindi alam ng karamihan ay kaya nitong pumatay sa isang pitik lamang ng daliri.Kaya din nitong pabagsakin ang kahit na sino na umalma sa kagustohan ng matanda, kahit pa ang isang makapangyarihang bansa na ayaw makisama sa mga kondi
AMBER RIZALYN JOY...Maaga s'yang nagising para maghanda ng kanilang almusal. May pasok na sila pareho ngayon at katulad ng nakasanayan ay sabay-sabay na silang umaalis ng bahay na tatlo.Naging ok na rin sila ni Howald matapos mag-usap noong nakaraang gabi. Humingi ito ng tawad sa kan'ya dahil sa ginawa nito kahapon at sino ba s'ya na hindi ito mapatawad?Asawa n'ya ito at hindi talaga maiiwasan sa pagsasama ang tampohan at problema. Kailangan ng malawak na pag-unawa sa isat-isa at huwag magpadalos-dalos sa desisyon."Good morning nanay," bati ng kanilang anak na naunang pumasok sa kusina. Wala itong kaalam-alam sa nangyari sa kanila ng ama nito kahapon."Good morning anak, nasaan ang tatay mo?" tanong n'ya rito."Nagpapa pogi pa nay," sagot ni Joshua sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang kilay sa narinig mula rito."Bakit? Hindi pa ba s'ya pogi?" "Aba malay ko doon kay tatay nay! Kung kailan pa tumanda ay doon pa at nag-iinarte," pairap na sagot ni Joshua sa kan'ya."Naririnig kita
AMBER RIZALYN JOY...Pinagbuksan s'ya ng asawa ng pinto. Namumula pa rin ang mukha at leeg nito na mahina n'yang ikinatawa."Thank you tay, I love you!" malambing na sabi n'ya na ikinabusangot ng mukha nito."Grrrr! Don't tease me Amber Rizalyn Joy El Frio! Mamaya ka sa akin, hmmm!" inis na banta nito sa kan'ya. Sino ba ang hindi? Eh pinatigil n'ya ito kanina sa gusto nitong gawin sa loob ng sasakyan.Kahit pa sabihin na pati s'ya ay nag-iinit na din ngunit ang isiping nasa labas sila ay s'yang nagpatigil sa kan'ya.Hindi s'ya komportable na ginagawa ito sa labas kahit pa sabihin na mag-asawa na sila."Get ready the room in your office tatay, we will use it later," malambing na utos n'ya rito sanay kintal ng halik sa gilid ng labi ng asawa."Sinabi mo yan ha?" paniguradong tanong nito."Yup! Pupuntahan kita sa opisina mo mamaya kaya be ready," sabi n'ya rito sabay tapik sa pisngi ng gwapong asawa at iniwan na ito."I love you nay, I really do!"pasigaw na sabi nito. Malapad ang ngiti n
AMBER RIZALYN JOY...Wala pang sampong minuto ay tumawag na si Benny na nasa labas na ito. Agad s'yang naglakad patungo sa gate at nakita n'ya naman agad ang sasakyan nila.Sinalubong s'ya ni Benny at tinulongan sa pagbitbit sa mga dala n'ya at pinagbuksan din ng pinto at inalalayan na makapasok."Thanks Ben," pasasalamat n'ya rito."You're welcome madam," sagot nito bago isinara ang pinto at pumunta sa unahan para magmaneho. Nasa likod s'ya nakaupo hindi dahil ay s'ya ang boss kundi dahil mahigpit na inihabilin ng asawa sa mga ito na sa likod s'ya pauupuin for safety purposes.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid ng university at nagulat s'ya ng makita si Earl na nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin sa sasakyan nila.Parang kanina pa ito nag-aabang doon. Nakasuot ito ng aviator ngunit alam n'ya na sa direksyon nila nakatuon ang mga mata ng lalaki.Nakaramdam s'ya ng pananayo ng balahibo dahil pakiramdam n'ya ay binabantayan s'ya ng binata. Ipinilig n'ya ang ulo para alisin ang mga
AMBER RIZALYN JOY...Masaya at naging tahimik ang pagsasama nila ng asawa. Parang kailan lang ay magdadalawang buwan na pala ang nakalipas ng huli silang mag-away ni Howald dahil sa pagseselos nito.Ganon na din katagal na wala si Maxine ngunit paminsan-minsan ay nagtatawagan silang dalawa para kamustahin ang isat-isa.Maagang umalis ang asawa kanina dahil may maaga itong meeting. Sabado ngayon at si Joshua ay kasama din ng mga kaibigan ni Howald para sa training nito.Naiwan naman s'ya sa kanilang bahay at kahapon n'ya pa napapansin na mabigat ang kan'yang pakiramdam. Siguro ay sa sobrang stress na ito sa kan'yang pag-aaral tungkol sa negosyo nila.Wala na s'yang pasok sa school dahil bakasyon na nila ngunit hindi pa rin s'ya nagpapahinga sa pag-aaral. Katunayan ay kumuha pa s'ya ng private tutor na isang tanyag na professor sa isang sikat na unibersidad para sa kan'yang business course.Gusto n'ya kasing matutunan ang pasikot-sikot sa negosyo na iniwan ng mga magulang kaya kahit baka
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang kanilang check up at makumpirma na buntis nga s'ya ay binigyan s'ya ng doctor ng mga vitamins para sa kan'yang anak.Hindi matatawarang saya at ligaya ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sa tinagal-tagal ng paghihintay nila ay biniyayaan sila ulit ng anak ni Howald."Yaya sobrang saya ko," sabi n'ya sa kan'yang yaya habang papalabas sila ng clinic."Masaya din ako para sayo anak. Ingatan mo ang sarili mo Amber. Kahit pangalawang anak mo na ito ay iba pa rin na nag-iingat ka. Matagal at nabuntis ka ulit kaya parang pareho pa rin na ngayon ka lang nanganak ulit kaya ingatan mo ang sarili mo anak," habilin ng kan'yang yaya Dolores."Opo yaya! Gagawin ko po yan. Excited na akong ipaalam kay Howald ang lahat," nakangiting sabi n'ya. Mababanaag ang excitement sa kan'yang mukha. Alam n'yang magiging masaya si Howald sa ibabalita n'ya rito. Habang naglalakad sila ay nag-iisip s'ya kung paano sasabihin kay Howald ang kan'yang pagbubuntis.Gusto n'y
HOWALD JACOB...Ilang araw na s'yang busy sa kanilang negosyo at mukhang malaki ang babawiin n'ya sa kan'yang mag-ina. Ang dami n'yang trabaho at sunod-sunod ang mga investors na gustong pumasok sa kanilang kompanya.Idagdag mo pa ang kompanya ni Amber na s'ya din ang pansamantala na namamahala habang nag-aaral pa ang kan'yang asawa. Kaya halos buong buwan ay napaka busy n'ya araw-araw.Katulad na lang ngayon na late na s'yang nakauwi dahil sa kan'yang mga meetings sa mga investors na mula pa sa Japan. Hindi n'ya rin ito pwedeng ibalewala dahil malaking pera ang papasok sa kanila kapag nakuha nila ito.At isa pa ang mga ito ang lumalapit sa kanila at hindi sila para makiusap ma mag invest sa kompanya nila. That means their company is doing great dahil maraming investors ang may gustong mag invest ng malaking halaga sa kanila.Pagdating n'ya sa bahay ay mahimbing ng natutulog ang asawa. Napangiti s'ya habang pinagmamasdan si Amber na mahimbing ng natutulog sa kanilang kama."I'm the mo
AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na sobrang bigat ng ulo. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Doon n'ya lang napagtanto na nasa kwarto pa rin s'ya na binook n'ya.Napakunot ang kan'yang noo at nag-iisip kung bakit s'ya nakatulog. At ng maalala ang lahat ay ganon na lang ang panghihilakbot n'ya na bumaba sa kama ngunit natigilan din ng mahulog ang comforter na nakatakip sa kan'yang katawan at mapagtanto na wala s'yang kahit na anong saplot sa katawan.Sinipat n'ya ang sarili at mas lalo lang s'yang naguluhan ng makita ang mga pulang marka sa kan'yang katawan."A-Anong nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nakita n'yang nagkagulo ang mga gamit sa loob ng kwarto na parang dinaanan ng bagyo.Nagputokan na din ang mga balloon na pinalagay n'ya at ang mga dekorasyon ay halos durog-durog na lahat. "A-Anong nangyari? Bakit sira-sira ang lahat ng mga dekorasyon? Paano na ang surprise ko kay Howald?" naiiyak na pagkausap n'ya sa sarili. Sinipat n'