AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na sobrang bigat ng ulo. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Doon n'ya lang napagtanto na nasa kwarto pa rin s'ya na binook n'ya.Napakunot ang kan'yang noo at nag-iisip kung bakit s'ya nakatulog. At ng maalala ang lahat ay ganon na lang ang panghihilakbot n'ya na bumaba sa kama ngunit natigilan din ng mahulog ang comforter na nakatakip sa kan'yang katawan at mapagtanto na wala s'yang kahit na anong saplot sa katawan.Sinipat n'ya ang sarili at mas lalo lang s'yang naguluhan ng makita ang mga pulang marka sa kan'yang katawan."A-Anong nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nakita n'yang nagkagulo ang mga gamit sa loob ng kwarto na parang dinaanan ng bagyo.Nagputokan na din ang mga balloon na pinalagay n'ya at ang mga dekorasyon ay halos durog-durog na lahat. "A-Anong nangyari? Bakit sira-sira ang lahat ng mga dekorasyon? Paano na ang surprise ko kay Howald?" naiiyak na pagkausap n'ya sa sarili. Sinipat n'
AMBER RIZALYN JOY..."Nandito ka pa rin? Hindi ka pa umalis? Lumayas ka na sabi sa pamamahay ko!" pasuray-suray na lapit ni Howald sa kanila habang may bitbit na baril sa kamay."H-Howald," nauutal na tawag n'ya rito. Sobrang kaba ang nararamdaman n'ya sa mga oras mga oras na iyon. Lasing ang kan'yang asawa, galit sa kan'ya at may bitbit na baril.Natatakot s'ya na baka kung ano ang magawa nito dahil wala ito sa tamang pag-iisip at hindi nito alam ang mga ginagawa dahil sa kalasingan."D- Don't you dare call me by my name! S-Simula sa araw na ito, you are not allowed to call me by my name anymore! Hindi na kita asawa!" malakas na sigaw nito at dinuro-duro pa s'ya ng kamay na may hawak na baril."Howald maghunos dili ka anak, ibaba mo yang baril mo. Baka maiputok mo iyan kay Amber anak," saway ni yaya Dolores dito habang umiiyak sabay yakap sa kan'ya para ma protektahan s'ya sa asawang lasing."U-Umalis ka d'yan yaya Dolores. Huwag mong gamitin ang sarili mo para protektahan ang babaen
HOWALD JACOB...Nagising s'ya na parang binugbog ang kan'yang buong katawan. Dahan-dahan n'yang iminulat Ang mga mata ngunit hindi n'ya ito gaanong maimulat. Parang namamaga ito at hindi n'ya alam kung bakit at kung saan n'ya nakuha."Gising na ampota!" boses ni Red ang kan'yang narinig."A-Anong nangyari Red?" tanong n'ya sa kaibigan."Ayan! Wala na tayong matandaan sa kagagohan natin. Ngayong gising ka na El Frio ay baka iuntog mo yang ulo mo sa pader sa pagsisisi dahil sa mga ginawa mo!" sermon ng kaibigan sa kan'ya."Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong n'ya."Putang'ina! Don't tell me nagka amnesia ka na naman dahil hindi valid na rason yan sa korte kapag nagsampa ng kaso ang pamilya ng asawa mo dahil sa pamamaril mo sa kan'ya!" singhal ni Red na nagpayanig sa kan'yang buong katawan."B-Baril? B-Binaril ko si Amber?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa kaibigan."Oo! Gago! At hindi lang si Amber ang binaril mo kundi pati na ang dalawa mo pang taohan at si Leo. Punyeta ka El Frio
HOWALD JACOB...Nagwawala s'ya ng magising at napag-alaman na nakagapos ang kan'yang mga kamay at mga paa. Pilit na binabaklas ang mga tali ngunit napakahigpit ito kaya wala s'yang magawa kundi ang hintayin na lang si Morgan na kalasan s'ya nito ng tali."Putang'ina Morgan pakawalan mo ako rito! Hayop ka!" malakas na sigaw n'ya. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nakagapos sa kama. Gustong-gusto n'ya ng lumabas para makauwi sa kan'yang mag-ina.Matapos s'yang turukan ng kung ano ng gagong kaibigan ay nawalan s'ya ng malay at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari. Hindi n'ya rin alam kung gaano na s'ya katagal na walang malay dahil sa kagagawan ng gagong kaibigan.Sinusubukan n'ya ulit na baklasin ang mga tali sa kamay at paa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kan'yang anak na si Joshua kasunod ang kan'yang ina.Matalim at masakit ang tingin ng anak sa kan'ya at ang ina naman ay puno ng lungkot ang mababanaag sa mukha nito."Mommy, Joshua" tawag n'ya sa mga it
HOWALD JACOB...He is wasted, he is in a big messed. His life is totally fvcked up! Wala ng natira sa kan'ya, iniwan na s'ya ng lahat dahil sa kagagohang nagawa nya at habangbuhay n'yang pagsisisihan. Nawala ang lahat sa kan'ya na parang bula.Nakaupo lang s'ya sa sahig ng kan'yang kwarto habang may hawak-hawak na bote ng alak at nakatingin sa isang magandang vase sa mesa kung saan nakalagay ang abo ni Amber.Hindi n'ya alam kung sino ang naglagay nito sa bahay n'ya dahil pag-uwi n'ya galing sa hospital ay wala na s'yang naabutan na mga tao.Nakita n'ya na lang ito sa ibabaw ng mesa nila sa living room kung saan may nakasulat na abo ni Amber ang laman.Hindi pa rin s'ya makapaniwala at hindi matanggap ng kan'yang isip at puso ang lahat ng nangyari sa kanilang pamilya at sa kanilang buhay.Nakalagay ang isang litrato sa tabi ng naturang vase at ang ganda pa ng ngiti ng asawa n'ya sa naturang litrato. Ngunit hanggang sa litrato n'ya na lang masisilayan ang ngiting iyon at kahit kailan
HOWALD JACOB..."Fvck him! Ang bobo talaga ng gagong ito." galit na sabi ng isang boses."Ang sarap lumpuhin! Damn it! Sinasabi ko na sa inyo eh na hindi maganda na hindi natin s'ya pinuntahan at kinausap. Look at him! He's wasted," isa pang galit na boses ang narinig n'ya."Kailangan n'ya sana maisip ang mga ginawa n'ya at gagawin ang tama para sa asawa n'ya pero putang'ina, sarili n'ya ang sinisira n'ya habang ang gagong may pakana at dahilan ng pagkasira ng kanilang buhay ay nagsasaya sa labas," ibang boses naman ang kan'yang narinig.Napakunot noo s'ya habang nakapikit sa mga naririnig sa kan'yang paligid. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari ngunit nararamdaman n'ya ang sobrang sakit at bigat ng kan'yang ulo.Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at naipikit muli ng masilaw sa liwanag."Fvck!" mariing mura n'ya dahil bigla na lamang sumigid ang kirot sa kan'yang ulo."Fvck you too El Frio! Ang gago mo!" sigaw ng isang boses."Bobo!""Stupid!""Tanga!" halos panabay na sabi ng
HOWALD JACOB...Sinimulan n'yang hanapin ang mga taong nakasama ni Amber bago nangyari ang lahat.Ngunit tanging si yaya Dolores lamang ang natagpuan n'ya ngunit hindi s'ya pwedeng lumapit dito at magtanong dahil galit ang mga magulang sa kan'ya at ang anak.Nasa poder ng mga ito si Joshua at si yaya Dolores.Sinubukan n'yang puntahan ito sa kanilang bahay sa America ngunit hindi s'ya pinapasok ng mga magulang. Para s'yang mababaliw sa nangyayari sa kan'yang buhay ngayon.Sinubukan n'ya ding puntahan si Stephanie para kausapin ng maayos at tanungin ngunit wala ang babae sa kanila at ayon sa mga magulang nito ay umalis daw at nagbakasyon sa kung saan magdadalawang buwan na ang nakalipas.Nahulog s'ya sa malalim na pag-iisip. Coincidence lang ba ang lahat o talagang sinadya ang pagkawala ng mga taong gusto n'yang makausap. At ang nagpadagdag pa sa iniisip n'ya ay ang sinabi ng mga magulang ni Stephanie na magdadalawang buwan na itong wala.Nagpasya s'yang pumunta sa kan'yang kompanya. I
HOWALD JACOB...Nagising s'ya na parang binabarina ang kan'yang ulo. Sobrang bigat at sakit ng ulo n'ya. Nang maisip n'ya ang dahilan kung bakit s'ya nagkaroon ng hang-over ay malutong s'yang napamura."Fvck!" malutong na mura n'ya at akmang babangon ngunit hindi s'ya makagalaw dahil sa mga brasong nakapulopot sa kan'yang bewang.Nagsalubong ang kan'yang mga kilay at sinipat ang taong nakayapos sa kan'ya at nakaunan sa kan'yang braso at katabi n'ya sa kama.At ganon na lang ang kan'yang gulat ng makita si Maxine na mahimbing na natutulog habang yakap-yakap s'ya nito."What the fvck!" isa pang mura ang pinakawalan n'ya dahil sa pagkagulat ng makita si Maxine sa kan'yang tabi.Ilang beses s'yang napakurap at kinurot pa ang sarili sa pag-aakala na nananaginip lang s'ya ngunit hindi eh.Totoong katabi n'ya si Maxine at mas lalo pa s'yang nanghilakbot sa gulat ng mapagtantong pareho silang dalawa na naka hubot-hubad at magkayakap sa kama.Parang namanhid ng ilang segundo ang kan'yang utak