AMBER RIZALYN JOY...Pinagbuksan s'ya ng asawa ng pinto. Namumula pa rin ang mukha at leeg nito na mahina n'yang ikinatawa."Thank you tay, I love you!" malambing na sabi n'ya na ikinabusangot ng mukha nito."Grrrr! Don't tease me Amber Rizalyn Joy El Frio! Mamaya ka sa akin, hmmm!" inis na banta nito sa kan'ya. Sino ba ang hindi? Eh pinatigil n'ya ito kanina sa gusto nitong gawin sa loob ng sasakyan.Kahit pa sabihin na pati s'ya ay nag-iinit na din ngunit ang isiping nasa labas sila ay s'yang nagpatigil sa kan'ya.Hindi s'ya komportable na ginagawa ito sa labas kahit pa sabihin na mag-asawa na sila."Get ready the room in your office tatay, we will use it later," malambing na utos n'ya rito sanay kintal ng halik sa gilid ng labi ng asawa."Sinabi mo yan ha?" paniguradong tanong nito."Yup! Pupuntahan kita sa opisina mo mamaya kaya be ready," sabi n'ya rito sabay tapik sa pisngi ng gwapong asawa at iniwan na ito."I love you nay, I really do!"pasigaw na sabi nito. Malapad ang ngiti n
AMBER RIZALYN JOY...Wala pang sampong minuto ay tumawag na si Benny na nasa labas na ito. Agad s'yang naglakad patungo sa gate at nakita n'ya naman agad ang sasakyan nila.Sinalubong s'ya ni Benny at tinulongan sa pagbitbit sa mga dala n'ya at pinagbuksan din ng pinto at inalalayan na makapasok."Thanks Ben," pasasalamat n'ya rito."You're welcome madam," sagot nito bago isinara ang pinto at pumunta sa unahan para magmaneho. Nasa likod s'ya nakaupo hindi dahil ay s'ya ang boss kundi dahil mahigpit na inihabilin ng asawa sa mga ito na sa likod s'ya pauupuin for safety purposes.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid ng university at nagulat s'ya ng makita si Earl na nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin sa sasakyan nila.Parang kanina pa ito nag-aabang doon. Nakasuot ito ng aviator ngunit alam n'ya na sa direksyon nila nakatuon ang mga mata ng lalaki.Nakaramdam s'ya ng pananayo ng balahibo dahil pakiramdam n'ya ay binabantayan s'ya ng binata. Ipinilig n'ya ang ulo para alisin ang mga
AMBER RIZALYN JOY...Masaya at naging tahimik ang pagsasama nila ng asawa. Parang kailan lang ay magdadalawang buwan na pala ang nakalipas ng huli silang mag-away ni Howald dahil sa pagseselos nito.Ganon na din katagal na wala si Maxine ngunit paminsan-minsan ay nagtatawagan silang dalawa para kamustahin ang isat-isa.Maagang umalis ang asawa kanina dahil may maaga itong meeting. Sabado ngayon at si Joshua ay kasama din ng mga kaibigan ni Howald para sa training nito.Naiwan naman s'ya sa kanilang bahay at kahapon n'ya pa napapansin na mabigat ang kan'yang pakiramdam. Siguro ay sa sobrang stress na ito sa kan'yang pag-aaral tungkol sa negosyo nila.Wala na s'yang pasok sa school dahil bakasyon na nila ngunit hindi pa rin s'ya nagpapahinga sa pag-aaral. Katunayan ay kumuha pa s'ya ng private tutor na isang tanyag na professor sa isang sikat na unibersidad para sa kan'yang business course.Gusto n'ya kasing matutunan ang pasikot-sikot sa negosyo na iniwan ng mga magulang kaya kahit baka
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang kanilang check up at makumpirma na buntis nga s'ya ay binigyan s'ya ng doctor ng mga vitamins para sa kan'yang anak.Hindi matatawarang saya at ligaya ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sa tinagal-tagal ng paghihintay nila ay biniyayaan sila ulit ng anak ni Howald."Yaya sobrang saya ko," sabi n'ya sa kan'yang yaya habang papalabas sila ng clinic."Masaya din ako para sayo anak. Ingatan mo ang sarili mo Amber. Kahit pangalawang anak mo na ito ay iba pa rin na nag-iingat ka. Matagal at nabuntis ka ulit kaya parang pareho pa rin na ngayon ka lang nanganak ulit kaya ingatan mo ang sarili mo anak," habilin ng kan'yang yaya Dolores."Opo yaya! Gagawin ko po yan. Excited na akong ipaalam kay Howald ang lahat," nakangiting sabi n'ya. Mababanaag ang excitement sa kan'yang mukha. Alam n'yang magiging masaya si Howald sa ibabalita n'ya rito. Habang naglalakad sila ay nag-iisip s'ya kung paano sasabihin kay Howald ang kan'yang pagbubuntis.Gusto n'y
HOWALD JACOB...Ilang araw na s'yang busy sa kanilang negosyo at mukhang malaki ang babawiin n'ya sa kan'yang mag-ina. Ang dami n'yang trabaho at sunod-sunod ang mga investors na gustong pumasok sa kanilang kompanya.Idagdag mo pa ang kompanya ni Amber na s'ya din ang pansamantala na namamahala habang nag-aaral pa ang kan'yang asawa. Kaya halos buong buwan ay napaka busy n'ya araw-araw.Katulad na lang ngayon na late na s'yang nakauwi dahil sa kan'yang mga meetings sa mga investors na mula pa sa Japan. Hindi n'ya rin ito pwedeng ibalewala dahil malaking pera ang papasok sa kanila kapag nakuha nila ito.At isa pa ang mga ito ang lumalapit sa kanila at hindi sila para makiusap ma mag invest sa kompanya nila. That means their company is doing great dahil maraming investors ang may gustong mag invest ng malaking halaga sa kanila.Pagdating n'ya sa bahay ay mahimbing ng natutulog ang asawa. Napangiti s'ya habang pinagmamasdan si Amber na mahimbing ng natutulog sa kanilang kama."I'm the mo
AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na sobrang bigat ng ulo. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Doon n'ya lang napagtanto na nasa kwarto pa rin s'ya na binook n'ya.Napakunot ang kan'yang noo at nag-iisip kung bakit s'ya nakatulog. At ng maalala ang lahat ay ganon na lang ang panghihilakbot n'ya na bumaba sa kama ngunit natigilan din ng mahulog ang comforter na nakatakip sa kan'yang katawan at mapagtanto na wala s'yang kahit na anong saplot sa katawan.Sinipat n'ya ang sarili at mas lalo lang s'yang naguluhan ng makita ang mga pulang marka sa kan'yang katawan."A-Anong nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nakita n'yang nagkagulo ang mga gamit sa loob ng kwarto na parang dinaanan ng bagyo.Nagputokan na din ang mga balloon na pinalagay n'ya at ang mga dekorasyon ay halos durog-durog na lahat. "A-Anong nangyari? Bakit sira-sira ang lahat ng mga dekorasyon? Paano na ang surprise ko kay Howald?" naiiyak na pagkausap n'ya sa sarili. Sinipat n'
AMBER RIZALYN JOY..."Nandito ka pa rin? Hindi ka pa umalis? Lumayas ka na sabi sa pamamahay ko!" pasuray-suray na lapit ni Howald sa kanila habang may bitbit na baril sa kamay."H-Howald," nauutal na tawag n'ya rito. Sobrang kaba ang nararamdaman n'ya sa mga oras mga oras na iyon. Lasing ang kan'yang asawa, galit sa kan'ya at may bitbit na baril.Natatakot s'ya na baka kung ano ang magawa nito dahil wala ito sa tamang pag-iisip at hindi nito alam ang mga ginagawa dahil sa kalasingan."D- Don't you dare call me by my name! S-Simula sa araw na ito, you are not allowed to call me by my name anymore! Hindi na kita asawa!" malakas na sigaw nito at dinuro-duro pa s'ya ng kamay na may hawak na baril."Howald maghunos dili ka anak, ibaba mo yang baril mo. Baka maiputok mo iyan kay Amber anak," saway ni yaya Dolores dito habang umiiyak sabay yakap sa kan'ya para ma protektahan s'ya sa asawang lasing."U-Umalis ka d'yan yaya Dolores. Huwag mong gamitin ang sarili mo para protektahan ang babaen
HOWALD JACOB...Nagising s'ya na parang binugbog ang kan'yang buong katawan. Dahan-dahan n'yang iminulat Ang mga mata ngunit hindi n'ya ito gaanong maimulat. Parang namamaga ito at hindi n'ya alam kung bakit at kung saan n'ya nakuha."Gising na ampota!" boses ni Red ang kan'yang narinig."A-Anong nangyari Red?" tanong n'ya sa kaibigan."Ayan! Wala na tayong matandaan sa kagagohan natin. Ngayong gising ka na El Frio ay baka iuntog mo yang ulo mo sa pader sa pagsisisi dahil sa mga ginawa mo!" sermon ng kaibigan sa kan'ya."Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong n'ya."Putang'ina! Don't tell me nagka amnesia ka na naman dahil hindi valid na rason yan sa korte kapag nagsampa ng kaso ang pamilya ng asawa mo dahil sa pamamaril mo sa kan'ya!" singhal ni Red na nagpayanig sa kan'yang buong katawan."B-Baril? B-Binaril ko si Amber?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa kaibigan."Oo! Gago! At hindi lang si Amber ang binaril mo kundi pati na ang dalawa mo pang taohan at si Leo. Punyeta ka El Frio