Panghuling update na ito ngayong araw, sana naman ay wala ng may magreklamo na mabagal ang update ko. Hindi po ako full time writer, may trabaho po ako na inaatupag araw-araw at pampalipas oras ko lang itong pagsusulat. Marami po akong completed stories na, kung bored na kayo sa kakahintay ng update ko dito pwede n'yo po munang basahin ang iba ko pang mga stories. May isang on-going din po ako " TEMPTING THE DEVIL MAFIA" na pwede n'yong silipin , daily update din yon. Maraming salamat sa paghihintay at pag-intindi. God Bless everyone 🙏
AMBER RIZALYN JOY...Matapos ang kanilang check up at makumpirma na buntis nga s'ya ay binigyan s'ya ng doctor ng mga vitamins para sa kan'yang anak.Hindi matatawarang saya at ligaya ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sa tinagal-tagal ng paghihintay nila ay biniyayaan sila ulit ng anak ni Howald."Yaya sobrang saya ko," sabi n'ya sa kan'yang yaya habang papalabas sila ng clinic."Masaya din ako para sayo anak. Ingatan mo ang sarili mo Amber. Kahit pangalawang anak mo na ito ay iba pa rin na nag-iingat ka. Matagal at nabuntis ka ulit kaya parang pareho pa rin na ngayon ka lang nanganak ulit kaya ingatan mo ang sarili mo anak," habilin ng kan'yang yaya Dolores."Opo yaya! Gagawin ko po yan. Excited na akong ipaalam kay Howald ang lahat," nakangiting sabi n'ya. Mababanaag ang excitement sa kan'yang mukha. Alam n'yang magiging masaya si Howald sa ibabalita n'ya rito. Habang naglalakad sila ay nag-iisip s'ya kung paano sasabihin kay Howald ang kan'yang pagbubuntis.Gusto n'y
HOWALD JACOB...Ilang araw na s'yang busy sa kanilang negosyo at mukhang malaki ang babawiin n'ya sa kan'yang mag-ina. Ang dami n'yang trabaho at sunod-sunod ang mga investors na gustong pumasok sa kanilang kompanya.Idagdag mo pa ang kompanya ni Amber na s'ya din ang pansamantala na namamahala habang nag-aaral pa ang kan'yang asawa. Kaya halos buong buwan ay napaka busy n'ya araw-araw.Katulad na lang ngayon na late na s'yang nakauwi dahil sa kan'yang mga meetings sa mga investors na mula pa sa Japan. Hindi n'ya rin ito pwedeng ibalewala dahil malaking pera ang papasok sa kanila kapag nakuha nila ito.At isa pa ang mga ito ang lumalapit sa kanila at hindi sila para makiusap ma mag invest sa kompanya nila. That means their company is doing great dahil maraming investors ang may gustong mag invest ng malaking halaga sa kanila.Pagdating n'ya sa bahay ay mahimbing ng natutulog ang asawa. Napangiti s'ya habang pinagmamasdan si Amber na mahimbing ng natutulog sa kanilang kama."I'm the mo
AMBER RIZALYN JOY...Nagising s'ya na sobrang bigat ng ulo. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Doon n'ya lang napagtanto na nasa kwarto pa rin s'ya na binook n'ya.Napakunot ang kan'yang noo at nag-iisip kung bakit s'ya nakatulog. At ng maalala ang lahat ay ganon na lang ang panghihilakbot n'ya na bumaba sa kama ngunit natigilan din ng mahulog ang comforter na nakatakip sa kan'yang katawan at mapagtanto na wala s'yang kahit na anong saplot sa katawan.Sinipat n'ya ang sarili at mas lalo lang s'yang naguluhan ng makita ang mga pulang marka sa kan'yang katawan."A-Anong nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nakita n'yang nagkagulo ang mga gamit sa loob ng kwarto na parang dinaanan ng bagyo.Nagputokan na din ang mga balloon na pinalagay n'ya at ang mga dekorasyon ay halos durog-durog na lahat. "A-Anong nangyari? Bakit sira-sira ang lahat ng mga dekorasyon? Paano na ang surprise ko kay Howald?" naiiyak na pagkausap n'ya sa sarili. Sinipat n'
AMBER RIZALYN JOY..."Nandito ka pa rin? Hindi ka pa umalis? Lumayas ka na sabi sa pamamahay ko!" pasuray-suray na lapit ni Howald sa kanila habang may bitbit na baril sa kamay."H-Howald," nauutal na tawag n'ya rito. Sobrang kaba ang nararamdaman n'ya sa mga oras mga oras na iyon. Lasing ang kan'yang asawa, galit sa kan'ya at may bitbit na baril.Natatakot s'ya na baka kung ano ang magawa nito dahil wala ito sa tamang pag-iisip at hindi nito alam ang mga ginagawa dahil sa kalasingan."D- Don't you dare call me by my name! S-Simula sa araw na ito, you are not allowed to call me by my name anymore! Hindi na kita asawa!" malakas na sigaw nito at dinuro-duro pa s'ya ng kamay na may hawak na baril."Howald maghunos dili ka anak, ibaba mo yang baril mo. Baka maiputok mo iyan kay Amber anak," saway ni yaya Dolores dito habang umiiyak sabay yakap sa kan'ya para ma protektahan s'ya sa asawang lasing."U-Umalis ka d'yan yaya Dolores. Huwag mong gamitin ang sarili mo para protektahan ang babaen
HOWALD JACOB...Nagising s'ya na parang binugbog ang kan'yang buong katawan. Dahan-dahan n'yang iminulat Ang mga mata ngunit hindi n'ya ito gaanong maimulat. Parang namamaga ito at hindi n'ya alam kung bakit at kung saan n'ya nakuha."Gising na ampota!" boses ni Red ang kan'yang narinig."A-Anong nangyari Red?" tanong n'ya sa kaibigan."Ayan! Wala na tayong matandaan sa kagagohan natin. Ngayong gising ka na El Frio ay baka iuntog mo yang ulo mo sa pader sa pagsisisi dahil sa mga ginawa mo!" sermon ng kaibigan sa kan'ya."Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong n'ya."Putang'ina! Don't tell me nagka amnesia ka na naman dahil hindi valid na rason yan sa korte kapag nagsampa ng kaso ang pamilya ng asawa mo dahil sa pamamaril mo sa kan'ya!" singhal ni Red na nagpayanig sa kan'yang buong katawan."B-Baril? B-Binaril ko si Amber?" hindi makapaniwalang tanong n'ya sa kaibigan."Oo! Gago! At hindi lang si Amber ang binaril mo kundi pati na ang dalawa mo pang taohan at si Leo. Punyeta ka El Frio
HOWALD JACOB...Nagwawala s'ya ng magising at napag-alaman na nakagapos ang kan'yang mga kamay at mga paa. Pilit na binabaklas ang mga tali ngunit napakahigpit ito kaya wala s'yang magawa kundi ang hintayin na lang si Morgan na kalasan s'ya nito ng tali."Putang'ina Morgan pakawalan mo ako rito! Hayop ka!" malakas na sigaw n'ya. Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nakagapos sa kama. Gustong-gusto n'ya ng lumabas para makauwi sa kan'yang mag-ina.Matapos s'yang turukan ng kung ano ng gagong kaibigan ay nawalan s'ya ng malay at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari. Hindi n'ya rin alam kung gaano na s'ya katagal na walang malay dahil sa kagagawan ng gagong kaibigan.Sinusubukan n'ya ulit na baklasin ang mga tali sa kamay at paa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kan'yang anak na si Joshua kasunod ang kan'yang ina.Matalim at masakit ang tingin ng anak sa kan'ya at ang ina naman ay puno ng lungkot ang mababanaag sa mukha nito."Mommy, Joshua" tawag n'ya sa mga it
HOWALD JACOB...He is wasted, he is in a big messed. His life is totally fvcked up! Wala ng natira sa kan'ya, iniwan na s'ya ng lahat dahil sa kagagohang nagawa nya at habangbuhay n'yang pagsisisihan. Nawala ang lahat sa kan'ya na parang bula.Nakaupo lang s'ya sa sahig ng kan'yang kwarto habang may hawak-hawak na bote ng alak at nakatingin sa isang magandang vase sa mesa kung saan nakalagay ang abo ni Amber.Hindi n'ya alam kung sino ang naglagay nito sa bahay n'ya dahil pag-uwi n'ya galing sa hospital ay wala na s'yang naabutan na mga tao.Nakita n'ya na lang ito sa ibabaw ng mesa nila sa living room kung saan may nakasulat na abo ni Amber ang laman.Hindi pa rin s'ya makapaniwala at hindi matanggap ng kan'yang isip at puso ang lahat ng nangyari sa kanilang pamilya at sa kanilang buhay.Nakalagay ang isang litrato sa tabi ng naturang vase at ang ganda pa ng ngiti ng asawa n'ya sa naturang litrato. Ngunit hanggang sa litrato n'ya na lang masisilayan ang ngiting iyon at kahit kailan
HOWALD JACOB..."Fvck him! Ang bobo talaga ng gagong ito." galit na sabi ng isang boses."Ang sarap lumpuhin! Damn it! Sinasabi ko na sa inyo eh na hindi maganda na hindi natin s'ya pinuntahan at kinausap. Look at him! He's wasted," isa pang galit na boses ang narinig n'ya."Kailangan n'ya sana maisip ang mga ginawa n'ya at gagawin ang tama para sa asawa n'ya pero putang'ina, sarili n'ya ang sinisira n'ya habang ang gagong may pakana at dahilan ng pagkasira ng kanilang buhay ay nagsasaya sa labas," ibang boses naman ang kan'yang narinig.Napakunot noo s'ya habang nakapikit sa mga naririnig sa kan'yang paligid. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari ngunit nararamdaman n'ya ang sobrang sakit at bigat ng kan'yang ulo.Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at naipikit muli ng masilaw sa liwanag."Fvck!" mariing mura n'ya dahil bigla na lamang sumigid ang kirot sa kan'yang ulo."Fvck you too El Frio! Ang gago mo!" sigaw ng isang boses."Bobo!""Stupid!""Tanga!" halos panabay na sabi ng