Mavi Pov"Mommy! Daddy!" Masayang tumakbo palapit sa amin si Moses nang makita niyang bumaba kami ni Alpha Magnus sa kotse. Gaya nga ng sinabi ni Alpha Magnus ay pumunta kami sa probinsiya para sunduin ang anak namin sa kamag-anak ni Lotlot kung saan pansamantalang nakatira si Moses. Kita ang tuwa sa mukha ng anak ko nang makita niyang hindi lamang ako ang bumaba sa kotse kundi pati na rin ang kanyang ama.Hindi pa nahuhuli si Sonia kaya't nasa panganib pa rin hindi lamang ang buhay ko kundi pati na rin ang buhay ng anak ko ngunit kagaya noon ay nag-hired si Alpha Magnus ng magagaling na bodyguard na magbabantay kay Moses. Si Dave naman ang itinalaga niya magbantay sa akin. Parang naulit lamang ang nangyari noon. Bagama't nasa panganib pa rin ang buhay namin ay hindi naman ako gaanong nag-aalala dahil alam kong hindi na ako nag-iisa. Dahil nandito na ulit ang lalaking mahal ko para protektahan kami ni Moses."Moses! I miss you so much, my son."Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko. Ma
Mavi Pov"Saan ba tayo pupunta, Alpha Magnus?" Ginising niya ako ng maaga at pagkatapos kong maligo ay agad kaming umalis. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta. Basta sinabi lamang niya sa akin na magbihis ako ng maayos dahil may pupuntahan kami."Huwag ka nang maraming tanong pa. Hintayin mo na lamang na makarating tayo aa pupuntahan natin," pa-mysterious na sagot ni Alpha Magnu, may bahagyang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung saan ba talaga kami pupunta.Lalong napakunot ang noo ko nang pumasok kami sa isang sikat na boutique ng isang fashion designer. "Ano ang gagawin natin dito?""Ano sa tingin mo ang gagawin natin dito?" nakangiting tanong ni Alpha Magnus. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil nilapitan kami ng isang magandang babae."Nandito na pala kayo. Siya ba ang bride mo?" nakangiting tanong nito kay Alpha Magnus. Tumango naman si Alpha Magnus at tila may pagmamalaking ngumiti. "Beautiful. Tiyak na babagay sa kanya ang m
Mavi PovNagising ako sa isang madilim na lugar. Nakahiga ako at hindi makagalaw ng maayos dahil parang eksakto lamang sa katawan ko ang kinahihigaan ko. May nakikita ako na parang silver o puti ba, hindi ko mahinuha kung anong kulay ba ang nakikita ko basta mliit lang ito. Ang maliit na kulay na iyon ang tanging naiiba sa kulay dilim na nakikita ko sa paligid. Hindi rin ako masyadong makahinga na para bang limited lamang ang hangin na pumapasok sa loob ng kinarorooonan ko."Tulong! Tulungan niyo ako!" malakas kong sigaw, umaasa na sana ay may makarinig sa akin at magawa akong tulungan.Isang malakas na halakhak ng babae ang aking narinig. Ngunit hindi ko siya nakikita at tanging boses lamang niya ang aking naririnig."Gising ka na pala, Mavi. Kumusta ang pakiramdam mo? Comfortable ka ba sa loob ng kabaong na sadyang ipinagawa ko sa'yo?" kausap sa akin ni Sonia, na siya palang tumawa ng malakas.Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Kabaong? Nasa loob ako ng kabaong? Napakasama m
Mavi PovAng puting kapaligiran ang una kong namulatan pagmulat ko ng aking mga mata. Noong una ay akala ko patay na ako at nasa heaven na ako ngunit nang makita ko ang aparatu na nakakabit sa kamay ko ay na-realized kong nasa loob pala ako ng hospital. Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Ilang beses pa kaya akong magigising sa loob ng hospital. Ni hindi ko na matandaan kung ilang beses na ba nangyari ito. "Mom!" narinig ko ang boses ng anak ko. Pagtingin ko sa pintuan ay naroon siya, nakatayo at kasama ang kanyang ama. Tumakbo palapit sa akin si Moses at yumakap sa baywang ko. "I'm glad that you're awake, Mom. Akala ko hindi na ulit kita mayayakap ng buhay."Nakangiting hinaplos ko ng marahan ang buhok ni Moses. "Hindi mangyayari iyon, Moses. Mabait ating moon goddess sa mga taong wala namang ginawang masama kaya hindi niya ako pinapabayaan.""Mabuti na lamang hindi na-late ng dating si Daddy kung hindi ay tiyak patay ka na ngayon, Mom," ani Moses nang kumawala sa pagkakay
Alpha Magnus PovI was sitting in my chair inside my office and thinking something. Iniisip ko si Mavi. Lately, napapansin ko na parang palaging malalim ang iniisip niya. Madalas kapag nasa bahay ako ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at kapag titingin naman ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iiwas ng tingin. Para bang may bumabagabag sa kanyang kalooban. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya magawang sabihin.Gusto ko siyang tanungin kong may problema ba siya? Kung iniisip niya pa rin ba ang ginawang pagkidnap sa kanya ni Sonia ngunit pinigilan ko ang aking sarili. I will give her time to think. At kapag nakahanda na siyang sabihin sa akin kung ano ang gumugulo sa kanyang isip ay tiyak na magsasalita siya sa akin."Hey! My friend! Ang lalim naman yata ng iniisip mo at hindi mo namalayan ang pagpasok ko?"Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Alex sa loob ng aking opisina. Masyado ngang malalim ang iniisip dahil talagang hindi ko namalayan ang pagpasok
Mavi PovIlang beses akong umikot sa harapan ng salamim para suriin kong talagang maganda na ba ang hitsura ko. Tonight is my engagement party with Alpha Magnus. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at gusto niyang magkaroon kami ng engagement party gayong ikakasal na nga sana kami. Hindi lang natuloy dahil kinidnap ako ni Sonia at ng mga tauhan niya.Well, wala namang problema sa akin kung parang huli na ang engagement party namin. Hindi mahalaga sa akin iyon. Ang mahalaga ay kasama ko si Alpha Magnus at ang anak ko. "Wow! Ang ganda-ganda naman ng best friend ko. Tiyak na maraming mga bisitang kadalagahan ang maiinggit sa ganda mo mamaya," humahangang komento ni Lotlot nang pumasok siya sa loob ng silid namin ni Alpha Magnus. Matagal na kaming natutulog sa iisang silid at ginagawa ang normal na ginagawa ng mag-asawa. Kaya talagang kasal na lamang ang kulang sa aming relasyon. But these past weeks ay madalang nang umuwi si Alpha Magnus dahil super busy siya sa pag-eexpand ng kan
Mavi PovNang pagbalikan ako ng aking malay tao ay ang nag-aalalang mukha ng aking ama at kapatid ang una kong namulatan. Hindi galit at pangmamaliit ang nakikita ko sa kanilang mga mata magkahalong tuwa at pag-aalala, hindi ko inaasahang makikita sa kanilang mukha kapag nagkaharap kami at malaman nilang ako si Mavi."Nasaan ako? Nasaan si Alpha Magnus?" Napabalikwas ako sa kama nang maalala ko ang nangyari sa dapat sana ay masayang engagement party namin."Huwag ka munang bumangon, Mavi. Magpahinga ka na lang muna." Pinigilan ako ng aking ama nang tangka kong bumaba sa kama." Nandito ka sa silid mo, Mavi. Nakabalik ka na sa bahay natin. At huwag mo nang hanapin ang walang kuwentang taong iyon dahil sinaktan ka lamang niya at ginamit para makaganti sa akin," nagtatagis ang mga ngipin na dugtong niya.Tama ng aking ama. Ginamit niya ako para makaganti at maipahiya ang aking ama sa harapan ng maraming tao. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Nangyari na ang kinatatakutan ko. A
Alpha Magnus PovMalakas na isinarado ni Alex ang pintuan pagpasok niya sa sala kaya nagambala ang tahimik kong pag-inom ng alak."Anong problema mo, Alex? Bakit ang pintuan ko ang pinagdidiskitahan mo?" tanong ko sa kanya. Nagsalin ako ng alak sa isa pang baso na walang laman at ibinigay sa kanya ngunit tinabig lamang niya ang kamay ko."Alam mo na nasa labas si Mavi at nakikiusap na papasukin mo. Gusto lamang niyang makita at makausap ang kanyang anak pero bakit hindi mo siya pinagbigyan, Alpha Magnus? Ganoon na ba katigas ang puso na kahit ang babaeng mahal mo ay kaya mong tikisin at saktan?" galit na sita niya sa akin.Kanina kasi ay nasa labas kasi ng gate si Mavi at nagpupumilit na pumasok para makausap ako at makita si Moses ngunit nagbingi-bingihan ako. Nagbigay din ako ng instructions sa mga kasama ko sa bahay na walang magpapapasok kay Mavi sa loob ng bahay kung hindi ay parurusahan ko ang taong iyon.Nang biglang umulan ng malakas ay natitiyak ko na umalis na si Mavi kaya h