Alpha Magnus PovI was sitting in my chair inside my office and thinking something. Iniisip ko si Mavi. Lately, napapansin ko na parang palaging malalim ang iniisip niya. Madalas kapag nasa bahay ako ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at kapag titingin naman ako sa kanya ay mabilis siyang nag-iiwas ng tingin. Para bang may bumabagabag sa kanyang kalooban. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya magawang sabihin.Gusto ko siyang tanungin kong may problema ba siya? Kung iniisip niya pa rin ba ang ginawang pagkidnap sa kanya ni Sonia ngunit pinigilan ko ang aking sarili. I will give her time to think. At kapag nakahanda na siyang sabihin sa akin kung ano ang gumugulo sa kanyang isip ay tiyak na magsasalita siya sa akin."Hey! My friend! Ang lalim naman yata ng iniisip mo at hindi mo namalayan ang pagpasok ko?"Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Alex sa loob ng aking opisina. Masyado ngang malalim ang iniisip dahil talagang hindi ko namalayan ang pagpasok
Mavi PovIlang beses akong umikot sa harapan ng salamim para suriin kong talagang maganda na ba ang hitsura ko. Tonight is my engagement party with Alpha Magnus. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya at gusto niyang magkaroon kami ng engagement party gayong ikakasal na nga sana kami. Hindi lang natuloy dahil kinidnap ako ni Sonia at ng mga tauhan niya.Well, wala namang problema sa akin kung parang huli na ang engagement party namin. Hindi mahalaga sa akin iyon. Ang mahalaga ay kasama ko si Alpha Magnus at ang anak ko. "Wow! Ang ganda-ganda naman ng best friend ko. Tiyak na maraming mga bisitang kadalagahan ang maiinggit sa ganda mo mamaya," humahangang komento ni Lotlot nang pumasok siya sa loob ng silid namin ni Alpha Magnus. Matagal na kaming natutulog sa iisang silid at ginagawa ang normal na ginagawa ng mag-asawa. Kaya talagang kasal na lamang ang kulang sa aming relasyon. But these past weeks ay madalang nang umuwi si Alpha Magnus dahil super busy siya sa pag-eexpand ng kan
Mavi PovNang pagbalikan ako ng aking malay tao ay ang nag-aalalang mukha ng aking ama at kapatid ang una kong namulatan. Hindi galit at pangmamaliit ang nakikita ko sa kanilang mga mata magkahalong tuwa at pag-aalala, hindi ko inaasahang makikita sa kanilang mukha kapag nagkaharap kami at malaman nilang ako si Mavi."Nasaan ako? Nasaan si Alpha Magnus?" Napabalikwas ako sa kama nang maalala ko ang nangyari sa dapat sana ay masayang engagement party namin."Huwag ka munang bumangon, Mavi. Magpahinga ka na lang muna." Pinigilan ako ng aking ama nang tangka kong bumaba sa kama." Nandito ka sa silid mo, Mavi. Nakabalik ka na sa bahay natin. At huwag mo nang hanapin ang walang kuwentang taong iyon dahil sinaktan ka lamang niya at ginamit para makaganti sa akin," nagtatagis ang mga ngipin na dugtong niya.Tama ng aking ama. Ginamit niya ako para makaganti at maipahiya ang aking ama sa harapan ng maraming tao. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Nangyari na ang kinatatakutan ko. A
Alpha Magnus PovMalakas na isinarado ni Alex ang pintuan pagpasok niya sa sala kaya nagambala ang tahimik kong pag-inom ng alak."Anong problema mo, Alex? Bakit ang pintuan ko ang pinagdidiskitahan mo?" tanong ko sa kanya. Nagsalin ako ng alak sa isa pang baso na walang laman at ibinigay sa kanya ngunit tinabig lamang niya ang kamay ko."Alam mo na nasa labas si Mavi at nakikiusap na papasukin mo. Gusto lamang niyang makita at makausap ang kanyang anak pero bakit hindi mo siya pinagbigyan, Alpha Magnus? Ganoon na ba katigas ang puso na kahit ang babaeng mahal mo ay kaya mong tikisin at saktan?" galit na sita niya sa akin.Kanina kasi ay nasa labas kasi ng gate si Mavi at nagpupumilit na pumasok para makausap ako at makita si Moses ngunit nagbingi-bingihan ako. Nagbigay din ako ng instructions sa mga kasama ko sa bahay na walang magpapapasok kay Mavi sa loob ng bahay kung hindi ay parurusahan ko ang taong iyon.Nang biglang umulan ng malakas ay natitiyak ko na umalis na si Mavi kaya h
Mavi PovNagdesisyon ako na ipabalik kay Lotlot ang dati kong mukha. Alam na ng lahat ang aking sekreto kaya ano pa ang dapat kong itago? Mas mabuti nga na ibalik ko na ang mukha ko sa dati para naman makita ni Moses ang tunay na mukha ng kanyang ina sa personal."Namiss ko na ang mukha mong iyan, Mavi. At natutuwa ako na sa wakas ay nagdesisyon kang ibalik ang dati mong mukha," natutuwang komento ni Lotlot matapos niyang alisin ang bandage na nakapalibot sa mukha ko. Kumuha siya ng maliit na salamin at ibinigay sa akin para makita ko ang hitsura ko."I also missed my old face, Lotlot." Marahang hinaplos ko ang repleksiyon ng mukha ko sa salamin. Ngayon ko lang na-realized kung gaano ko pala namimissed ang mukhang ito."Makilala ka kaya ni Moses kapag magkita ulit kayo?" may pag-aalala sa boses na tanong ni Lotlot.Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. "Of course, yes. Dahil ilang beses na niyang nakita ang tunay kong mukha sa mga luma kong larawan na dinala ko pag-alis ko noon s
Mavi PovKausap ko sa cellphone si Moses nang makarinig ako ng pagkatok sa labas ng pintuan ng aking silid. Tinapos ko muna ang pakikipag-usap ko sa anak ko bago ako bumaba sa kama at pinagbuksan ang taong kamakatok sa labas."Why, Aunt Veron? May kailang ka po ba sa akin?" tanong ko nang malaman kong siya pala ang kumakatok sa labas.Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan siyang pumasok sa loob."There's nothing important. I just want to ask you if you can accompany me in attending the anniversary of one of my friend," tila nag-aalangang tanong niya sa akin. Siguro ay kino-konsidera niya ang feelings ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako masyadong naglalalabas ng bahay. Lumalabas lamang ako kapag gusto kong makita at makausap si Moses ng personal. Kapag nagtutungo ako sa bahay ni Alpha Magnus para makita ko ang anak ko ay sinisigurado ko na wala siya sa bahay niya. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng pakikitungo sa kanya ang gagawin ko sakaling magtagpo ang mga la
Mavi PovPagdating namin sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng kaibigan ng aunt ko ay may guard na sumalubong sa amin at inalalayan sa pagbaba sa kotse si AunT Veron. Hindi muna ako bumaba sa kotse dahil nagda-dalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang pagsama sa aunt ko sa party o hindi. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung kaya ko na ba talagang humarap sa maraming tao. Ngunit dahil hindi pa ako bumababa ay inisip marahil ni Edward na hinihintay kong pagbuksan niya ako ng pintuan at alalayan sa paglabas sa kotse. Kaya nagmamadaling binuksan niya ang pintuan at malawak ang pagkakangiti na ini-extend sa akin ang kamay niya para hawakan ko.Binigyan ko siya ng masamang tingin pagkatapos ay bumaba na ako sa kotse ngunit sa kabilang side ng pintuan ako dumaan. Lihim akong natuwa dahil nagmukha siyang tanga hindi lamang sa pangin ko kundi pati na rin sa paningin ng ibang tao nakakita sa nangyari.Biglang naglaho ang matamis na ngiti ni Edward sa kanyang mga labi at napa
Mavi PovAlpha Magnus! hiyaw ng aking isip pagkakita ko sa kanya na papasok ng elevator. Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang babaeng maganda na kung hindi ako nagkakamali ay anak ng isang alpha na hindi kasundo ng aking ama. Nagtama ang mga mata naming dalawa ngunit malamig na tingin lamang ang ibinigay niya sa akin. Wala akong nakitang rekognasyon sa kanyang mga mata pagkakita niya sa akin. Para lamang siyang tuningin sa isang taong hindi niya kilala at ngayon lang niya nakita.Nakaramdam ako ng pinong sakit sa aking dibdib na para bang tinusok ng maliliit na karayom ang puso ko. Sagad hanggang buto yata ang galit niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba naglihim ako sa kanya o dahil anak ako ng taong kinamumuhian niya?"Hindi ba ikaw si Mavi? Ang babaeng naanakan ni Alpha Magnus at nagpanggap na ibang tao para lamang mapakasalan siya?" Hindi ko inaasahan na kakausapin ako ng babaeng kasama ni Alpha Magnus. Ngunit mas hindi ko inaasahan na ang topic na iniiwasan kong mabangg
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i