Share

Chapter 66

Mavi Pov

Kinabukasan ay inumpisahan namin ni Lotlot na sundan si Sonia mula sa bahay niya hanggang sa mga lugar na pupuntahan niya. Nagkataong school fair kaya hindi ko na lamang pinapasok si Moses sa school. Pinakiusapan ko na lamang ang dalagang kapitbahay namin na samahan ang anak ko sa bahay dahil mag-isa lamang siya. Mahigpit kong ibinilin sa kanila na huwag lalabas ng bahay at huwag magbubukas o magpapapasok sa loob ng bahay ng kahit na sinong tao.

Maaga pa lamang ay naka-park na ang kotse ni Lotlot hindi kalayuan sa bahay ni Sonia. Ang distansiya namin mula sa bahay niya ay sapat lamang para makita namin siya at kung sino ang kasama niya. Hindi niya mapapansin ang kotse ng kaibigan ko dahil maraming kotse ang naka-park malapit sa bahay ni Sonia. Mga kotse ng kanyang mga kapitbahay.

Sinigurado namin na maaabutan namin ang pag-alis ni Sonia sa bahay niya kaya maaga kaming umalis sa mga bahay namin. Nagbaon na lamang kami ng sandwich at tubig para sakaling makaramdam kami ng gutom
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status