Mavi Pov"Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa ginawa mong pagliligtas sa akin, Mavi. Thank you so much. Kung hindi mo ako iniligtas ay tiyak na naroon pa ako ngayon sa kulungang iyon at patuloy na tino-tortured nina Sonia at Efren," sinserong pasasalamat ni Alex sa akin nang dalawin ko siya.Magmula nang lumabas siya sa hospital ay ngayon ko lamang siya dinalaw dahil iniiwasan kong maglalabas masyado sa bahay ko. Nasa panganib pa ang buhay ko hangga't hindi nahuhuli si Sonia."Walang anuman, Alex. Mahalaga sa dalawang taong mahalaga din sa akin kaya kita iniligtas. And besides, hindi lang naman ako ang nagligtas sa'yo. Dalawa kami ni Lotlot na sinuong ang panganib mailigtas ka lamang," nakangiting sagot ko sa kanya matapos kong ilapag sa maliit na mesa ang binili kong basket ng prutas."Yeah. You're right. At napakasuwerte ko na may girlfriend akong kagaya ni Lotlot.""Oh, talaga? Baka naman sinasabi mo lang iyan dahil iniligtas ko ang buhay mo," sabad ni Lotlot, kapapasok lamang nito s
Mavi Pov"Nandito na ako sa bahay ko kaya puwede ka nang umalis," pagtataboy ko kay Alpha Magnus bago ako bumaba sa kanyang kotse.Naglakad ako papunta sa pintuan ng bahay ko at akmang bubuksan ko na ang pintuan nang marinig kong nagsalita si Alpha Magnus kaya nilingon ko siya."Ganyan ka ba sa taong naghatid sa'yo sa bahay mo? Ni hindi ka man lang nagpasalamat sa akin." Naglakad palapit sa akin si Alpha Magnus. Hindi ko siya napigilan nang siya mismo ang nagbukas ng pintuan. Wala man akong sinasabi ngunit kusa niyang inimbitahan ang kanyang sarili sa loob ng bahay ko."Salamat sa paghatid sa mo sa akin," hindi sinserong pasasalamat ko sa kanya. "Nagpasalamat na ako kaya umalis ka na.""Nauuhaw ako. Hindi mo man lang ako aalukin ng maiinom?" Mukhang walang balak na umuwi pa si Alpha Magnus. Prenteng naupo siya sa sofa at feeling at home.Ayoko namang isipin niya na bastos ako kaya dinulutan ko siya ng malamig na tubig."May kailangan ka pa ba?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kany
Mavi PovNagising ako dahil sa malakas na lagabog na nagmula sa sala. Para bang nasira ang pintuan ng bahay ko dahil sinipa ito ng malakas. Bumangon ako sa kama at maingat na lumabas ng silid para alamin kung ano ang nangyari.Alam ko na may ibang tao na may nakapasok sa bahay ko kaya hindi agad ako dumiretso sa sala. Puno ng pag-iingat na huwag makalikha ng ingay ang aking mga paa habang naglalakad ako ng dahan-dahan at sumilip sa may sala. Kahit madilim ang paligid ay nakikita ko pa rin ang apat na pigura ng tao. Isang babae at tatlong lalaki ang magkakaharap habang may hawak na mga baril sa kanilang mga kamay."Siguraduhin ninyo na mapapatay niyo si Mavi pati na rin ang anak niya. Naiintindihan ninyo?"Narinig ko ang malakas na boses ng babae na nag-uutos sa mga tauhan niya na patayin kami ni Moses. Kahit na hindi ko siya nakikita ay nakikilala kong si Sonia ang babaeng iyon na nagsalita dahil kilalang-kilala ko ang boses niya.Lihim akong nagpasalamat na wala rito ang anak ko k
Mavi PovPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng dati kong silid sa bahay ni Alpha Magnus. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Lotlot na alalang-alala ang hitsura."How are you feeling, Mavi? Masyado akong nag-aalala nang tawagan ni Alpha Magnus si Alex at ipinaalam ang nangyari sa'yo. Mabuti na lang at dumating siya kung hindi ay baka napatay ka na ng evil bitch na iyon," kausap sa akin ng kaibigan ko nang makita niyang gising na ako.Tinulungan niya akong makabangon at sumandal sa headboard ng kama."Yes. Thanks to Alpha Magnus that's why I'm still alive. Hindi talaga titigil ang babaeng iyon hangga't hindi niya ako napapatay.""Mabuti na lang din wala na sa bahay mo si Moses dahil kung kasama mo siya ay mas mahihirapan kang makatakas at baka nahuli kayong dalawa," dagdag ni Lotlot sa sinabi ko.Bumukas ang pintuan at pumasok sina Alpha Magnus at Alex. Kahit medyo may nararamdaman pa ang huli sa kanyang katawan ay nagpumilit itong sumama kay Lotlot sa pagtungo sa bahay ni Alpha
Mavi PovNang muli akong pagbalikan ng aking malay ay nasa loob pa rin ng silid sina Alpha Magnus, Lotlot, at Alex. Ang una ay nakaupo sa gilid ng kama at nakahawak sa isa kong kamay samantalang ang dalawa ay nakatayo lamang malapit sa pintuan at nakatingin sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa akin ng may pag-aalala."How are you feeling, Mavi? Masakit pa ba ang dibdib mo?" mabilis na tanong ni Alpha Magnus sa akin. Nakakunot ang noo na tiningnan ko siya. He talks as if he already knew about my condition."Sinabi na nami sa kanya ang ginawa sa'yo ni Sonia na sinang-ayunan naman ng kanilang mga elders," sabi ni Lotlot na para bang nababasa niya ang nasa isip ko."Hindi niyo na dapat sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na ito, Lotlot." Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at naupo na lamang sa kama."At ano ang gusto mo, Mavi? Na patuloy na ilihim sa akin ang kalagayan mo?" galit ang boses na wika naman ni Alpha Magnus."Sinabi ko kay Alpha Magnus ang totoo dahil baka may alam siyang g
Mavi Pov"Mommy! Daddy!" Masayang tumakbo palapit sa amin si Moses nang makita niyang bumaba kami ni Alpha Magnus sa kotse. Gaya nga ng sinabi ni Alpha Magnus ay pumunta kami sa probinsiya para sunduin ang anak namin sa kamag-anak ni Lotlot kung saan pansamantalang nakatira si Moses. Kita ang tuwa sa mukha ng anak ko nang makita niyang hindi lamang ako ang bumaba sa kotse kundi pati na rin ang kanyang ama.Hindi pa nahuhuli si Sonia kaya't nasa panganib pa rin hindi lamang ang buhay ko kundi pati na rin ang buhay ng anak ko ngunit kagaya noon ay nag-hired si Alpha Magnus ng magagaling na bodyguard na magbabantay kay Moses. Si Dave naman ang itinalaga niya magbantay sa akin. Parang naulit lamang ang nangyari noon. Bagama't nasa panganib pa rin ang buhay namin ay hindi naman ako gaanong nag-aalala dahil alam kong hindi na ako nag-iisa. Dahil nandito na ulit ang lalaking mahal ko para protektahan kami ni Moses."Moses! I miss you so much, my son."Niyakap ko ng mahigpit ang anak ko. Ma
Mavi Pov"Saan ba tayo pupunta, Alpha Magnus?" Ginising niya ako ng maaga at pagkatapos kong maligo ay agad kaming umalis. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta. Basta sinabi lamang niya sa akin na magbihis ako ng maayos dahil may pupuntahan kami."Huwag ka nang maraming tanong pa. Hintayin mo na lamang na makarating tayo aa pupuntahan natin," pa-mysterious na sagot ni Alpha Magnu, may bahagyang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung saan ba talaga kami pupunta.Lalong napakunot ang noo ko nang pumasok kami sa isang sikat na boutique ng isang fashion designer. "Ano ang gagawin natin dito?""Ano sa tingin mo ang gagawin natin dito?" nakangiting tanong ni Alpha Magnus. Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil nilapitan kami ng isang magandang babae."Nandito na pala kayo. Siya ba ang bride mo?" nakangiting tanong nito kay Alpha Magnus. Tumango naman si Alpha Magnus at tila may pagmamalaking ngumiti. "Beautiful. Tiyak na babagay sa kanya ang m
Mavi PovNagising ako sa isang madilim na lugar. Nakahiga ako at hindi makagalaw ng maayos dahil parang eksakto lamang sa katawan ko ang kinahihigaan ko. May nakikita ako na parang silver o puti ba, hindi ko mahinuha kung anong kulay ba ang nakikita ko basta mliit lang ito. Ang maliit na kulay na iyon ang tanging naiiba sa kulay dilim na nakikita ko sa paligid. Hindi rin ako masyadong makahinga na para bang limited lamang ang hangin na pumapasok sa loob ng kinarorooonan ko."Tulong! Tulungan niyo ako!" malakas kong sigaw, umaasa na sana ay may makarinig sa akin at magawa akong tulungan.Isang malakas na halakhak ng babae ang aking narinig. Ngunit hindi ko siya nakikita at tanging boses lamang niya ang aking naririnig."Gising ka na pala, Mavi. Kumusta ang pakiramdam mo? Comfortable ka ba sa loob ng kabaong na sadyang ipinagawa ko sa'yo?" kausap sa akin ni Sonia, na siya palang tumawa ng malakas.Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Kabaong? Nasa loob ako ng kabaong? Napakasama m
Mavi Pov"Huwag mo akong sisihin kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon, Mavi. Kasalanan ito ng iyong ama. Kung hinayaan na lamang sana niya sa akin ang pamamahala sa kompanya at nag-focus na lamang siya sa bilang alpha ng pack natin ay hindi sana tayo aabot sa ganitong sitwasyon. At ngayon ay gusto pa niyang ipasa sa'yo ang pamamahala ng kompanya? Hindi ko iyon matatanggap!" galit na wika ni Aunt Veron habang nanlilisik ang mga mata."Bakit ka maninisi ng ibang tao, Aunt Veron? Ang pagiging makasarili at ganid mo ang dahilan kung bakit tayo nasa ganitong sitwasyon, Aunt Veron. At naiintindihan ko kung bakit hindi ibinigay sa'yo ni Daddy ang pamamahala ng kompanya. Dahil kahit na nagbabait-baitan ka sa harapan niya ay nararamdaman siguro niya ang sungay na nakatago diyan sa gilid ng ulo mo," mariing sagot ko sa kanya. "Hindi na ako magtataka kung aaminin mo na ikaw ang nasa likod ng nangyaring pananambang dati."Humalakhak si Aunt Veron kasabay ng malakas na palakpak."That's righ
Mavi PovAgad na binuksan ni Moses ang pintuan ng kotse at lumabas. Tumakbo ito papunta sa kanyang ama at yumakap ng mahigpit."I'm so scared, Dad," ani Moses habang karga ni Alpha Magnus."Lalabas ako, Dad," paalam ko sa kanya. Tumango lamang siya sa akin at hindi nagsalita. Ako lamang at si Moses ang bumaba sa kitse para kausapin si Alpha Magnus. Galit ang huli sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking ama. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sila lumabas ng sasakyan para magpasalamat kay Alpha Magnus sa pagliligtas nito sa amin."Ahm, salamat sa pagliligtas mo sa a—""Nagkakamali ka kung iniisip mo na iniligtas ko ang pamilya mo, Mavi. Ang anak ko ang iniligtas ko at hindi kayo," mabilis na putol ni Alpha Magnus sa aking sasabihin.Bagama't medyo napahiya ako dahil sa pag-iisip na iniligtas niya kami ay agad naman akong nakabawi. Itinaas ko ang aking noo at deretso siyang tinitigan sa mga mata."Kahit sabihin mong ang anak mo lamang ang iniligtas mo ay hindi pa rin maitatanggi na
Mavi Pov"Natutuwa ako at sa wakas ay nakabisita ka sa amin, Moses. Nayakap na rin kita." Mahigit na niyakap ng aking ama si Moses pagpasok namin sa loob ng bahay."Natutuwa ako at nakilala na kita, Lolo. Pati rin ikaw, Aunt Mayer. Finally, I have relatives aside from my dad and mom," sagot naman ni Moses. Halatado sa kanyang boses ang saya na nakita at nakilala niya ang iba pa niyang mga kamag-anakan. Natutuwa naman ako sa kasiyahang nakikita sa kanilang mga mukha lalo na ang anak ko. Hindi na siya takot na takot kagaya kanina nang datnan ko siya na nilulunod ni Lora sa tubig. Hindi ko mapigilan ang magtagis ang aking mga ngipin nang maalala ko ang ginawa ng babaeng iyon sa anak ko. Kung hindi lamang dumating si Alpha Magnus ay baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."Mabuti at pumayag si Alpha Magnus na dalhin mo rito si Moses, Mavi," kausap sa akin ni Aunt Veron."Of course, papayag siya, Aunt Veron. Busy siya sa kanyang bagong girlfriend kaya wala siyang time para sa anak niya
Mavi PovNatuwa ako nang makasalubong ko ang kotse ni Alpha Magnus habang nasa daan ako at nagmamaneho ng kotse ko papunta pa sa bahay niya. Ibig sabihin, hindi ko siya makikita at makakausap. Gusto ko man siyang makita at makausap ngunit kung sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin ay may pangyayaring hindi maganda na nagaganap ay mas gusto ko na hindi na lamang kami magkaharap.Si Dayay ang nagbukas ng gate dahil day off daw ng guard ni Alpha Magnus."Nasa sala lamang si Moses at naghihintay na sa'yo, Mavi," nakangiting kausap niya sa akin."Aalis ka ba?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pang-alis at sa halip na bumalik sa loob ng bahay ay humakbang siya palabas ng gate."Oo. Inutusan ako ni Ma'am Lora. May pinapabili siya sa akin sa grocery," sagot niya sa akin. "Aalis na ako, Mavi. Purtahan mo na lamang si Moses. Kailangan kong mabili agad itong ipinapabili sa akin ng babaeng iyon dahil baka pagalitan na naman niya ako. Napakasungit pa naman niya. Ma
Mavi Pov"What are you doing inside this room, Mavi?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alpha Magnus habang nakatitig sa akin. "Don't tell me na naligaw ka papunta sa room ni Moses?"Ilang sandaling hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba ang isasagot ko sa kanya kung bakit ako nasa loob ng dati kong silid? Alangan namang sabihin ko sa kanya na kaya ako pumasok dito dahil namimiss ko ang dati kong silid? "Ahm, n-nothing. I-I j-just want to get some of my things that I left before." Bahagya pa akong nautal sa pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya alibi ko o hindi."Really? Bakit ngayon mo lang naisip iyon gayong ilang beses ka nang nagpupunta rito sa bahay para makita si Moses?" Tinapunan niya ako ng nagdududang tingin. Halatadong hindi siya kumbinsido sa isinagot ko sa kanya."Ngayon ko lang naman pupuntahan ang anak ko sa kuwarto niya kaya ngayon lang din ako umakyat
Mavi PovNapakunot ang noo ko nang paglabas ko sa gate ng bahay namin ay nakita kong naghihintay si Edward sa labas ng kanyang kotse nakangiting nilapitan niya ako."Hi, Mavi. Are you going to visit your son at Alpha Magnus' house?" tanong niya matapos niyang lumapit sa akin."Yes. But how did you know that I going to visit my son now?"Although pinatawad ko siya sa kasalanan niya sa akin at kinakausap ko na ulit siya ng maayos ay naiilang pa rin akong kausapin siya. Alam ko kasi na gusto niyang makipagbalikan sa akin kaya niya nakikipaglapit siya sa akin ngunit wala na talaga akong balak na makipagrelasyon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na maging single na lamang habambuhay kaysa ang makipagbalikan pa sa kanya."Ahm, you aunt called me earlier. Sinabi niya sa akin na bibisitahin mo nga raw ang anak mo ngayon kaya gusto niyang ipag-drive kita papunta sa bahay ni Alpha Magnus. Wala ka raw kasing kotse na gagamitin ngayon dahil lahat ng kotse niyo wala rito," paliwanag ni Edward. Mukha
Alpha MagnusBinilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko para makarating sa lugar kung saan ko pinababa si Mavi. Siguradong naglalakad siya ngayon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala naang pampasaherong sasakyan na dumadaan sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya.I didn't mean to let her out of my car earlier. Naunahan lang ako ng selos kapag nababanggit ang pangalan ng ex-boyfriend nito. Ayaw pa niyang magkuwento sa ibang tao tungkol sa relasyon nila ni Edward na para bang pinoprotektahan niya ang privacy ng lalaking iyon. Sa sobrang inis at selos ko ay pinababa ko siya.Hindi ko napansin na madilim ang kalangitan at malapit na palang umulan. At tatawagan ko sana si Alex para sunduin niya si Mavi kaya malakas ang loob ko na iwan siya sa ganoong klaseng lugar. Ngunit nang tinext ko ang kaibigan ko ay hindi nagreply siya at hindi raw siya puwede dahil nasa out-of-town sila ni Lotlot.Malayo pa ako ay may naaninagan akong tao na nakahiga sa gilid ng kalsada. Kinabahan ako dahil
Mavi PovNagsisi ako kung bakit sumakay pa ako sa kotse ni Alpha Magnus. Sana kahit anong sinabi niya ay hindi ako sumakay dahil wala naman na kaming relasyon maliban sa siya ang tatay ng anak ko. Hindi na niya ako pag-aari kaya wala na siyang karapatan na utusan ako at hindi ko na rin siya dapat sundin."Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa inyong dalawa ni Edward, Mavi. Kailan kayo nagkabalikan? Nakaka-inspired naman ang loves story ninyong dalawa. Nagkahiwalay kayo dahil sa misunderstanding tapos pagkalipas ng maraming taon ay muli kayong nagkabalikan. Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkabalikan ni Edward?" sabi ng babae habang nasa biyahe na kami.Masyado siyang maraming tanong at feeling close siya sa akin. Akala naman niya ay magkukuwento ako sa kanya para marinig ni Alpha Magnus at lalong magalit sa akin ang huli. Luma na ang style niya."Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman tayo close. Ni hindi ko nga kilala kung sino ka," seryoso ang mukha na sagot ko sa babae.
Mavi PovGustong -gusto ko nang umuwi sa bahay dahil hindi naman ako nag-eenjoy sa party. Ang mga dati kong friends ay pinagtataasan ako ng kilay at lihim na pinag-uusapan kapag nakatalikod ako sa kanila. Ngunit hindi ako nasasaktan kahit na hindi na kaibigan ang tingin nila sa akin ngayon. Wala akong pakialam sa kanila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya bakit ako paaapekto sa mga sinasabi nila?Gusto ko nang magpaalam kay Aunt Veron na mauuna na ako sa kanyang bumalik sa bahay ngunit hindi ako makalapit sa kanya dahil hindi siya nawawalan ng kausap. Nahihiya naman ako kung basta na lamang ako lalapit sa kanila at iistorbuhin ang masarap nilang usapan. Si Edward naman ay hinila ng mga kakilala nito. Kahit na medyo nasira ang pangalan nito dahil sa paghihiwalay namin noon ay meron pa naman itong mga kaibigan na nakahandang makipag-usap sa kanya. Mas gusto kong mag-isa na lamang ako at magmukhang tanga kaysa siya ang kaharap ko. Hindi porke't nakahanda na akong patawarin siya i