Narinig ni Roxanne ang kanyang mga sinabi, tumigil na rin siya sa pagpapanggap kaya iminulat niya ang mga mata at tiningnan ang asawa na nasurpresa sa kanyang kinauupuan. "Iyon ba talaga ang ikinakatakot mo, Jameson? Ang mahulog ako sa kapatid mo??" Seryoso niyang tanong. "O-oo, dahil intensyon niyang kunin ang loob mo kaya ginagawa niya itong lahat para mapaniwala kang mabait siyang tao pero pinagtatakpan niya lang ang totoo niyang kulay." Paninira ni Jameson at wala siyang pakialam kung maririnig man siya ng kapatid sa labas. "Ang lakas mong manghusga sa ibang tao no? Pero hindi ka makatingin sa sarili mong repleksyon para makita mong ikaw ang kasuklam-suklam. Habang ang sinisiraan mo, narito para sa akin, nagmamalasakit ng walang kapalit." Bumigat ang pakiramdam ni Jameson dahil sa paraan na tingnan siya ng asawa, "Gumagawa rin naman ako ng paraan na makabawi pero binabalewala mo lang. Mas pabor ka pa nga kay Devon kaya ano ang ibig sabihin nun? Binibigyan mo siya ng mot
Lumabas na si Roxanne sa presinto at naglakad siya papunta sa kalsada para pumara ng sasakyan nang biglang may paparating na malaking truck na nawalan ng preno at patungo ito sa kanyang direksyon. Wala sa katinuan si Roxanne na nanigas lang sa kanyang kinatatayuan pero may humila sa kanyang tao papalayo sa disgrasya. "Miss? Okay ka lang ba?" Tanong ng lalaking napadaan lang din sa tabi. Nakatulala si Roxanne na tumingin sa tao tsaka bumalik siya sa reyalidad, "S-salamat." Mahina niyang sabi. Dahan-dahan siyang tumayo at nakita ang truck na mabuting tumama lang sa puno. "Maging maingat ka naman miss, muntik ka ng mahagip ng truck kanina." Sabi naman ng lalaki tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Habang pumara na si Roxanne ng taxi at nagpahatid papunta sa hospital na kung nasaan nagpapagaling pa ang ama. Pagdating niya doon, nasurpresa si Tita Martha na makita siyang nakalabas na pala, "Pamangkin!" Nilapitan siya nito at niyakap. "Mabuting magaling ka na." "Opo, tita. Tsa
Itinanggal ni Roxanne ang suot na earphones dahil nasurpresa siyang marinig ang sinabi ng asawa. Nakaramdam din siya ng ginhawa dahil magagamit kaagad ang ama niya doon sa hospital para masiguro ang kanyang paggaling. "S-salamat, Jameson." Naiinis man kay Jameson pero parang gumaan ang loob niya ng kaunti kaya may naisip siyang bagay para makipag-ayos pero hindi ibig sabihin ay makikipag-balikan siya sa kanya. "Pasensiya na rin kung naging malamig ako sa iyo. N-nahihirapan pa rin kasi akong patawarin ka pero susubukan ko ng paunti-unti. Gusto ko lang din na matigil na ang pag-aaway natin." Kumislap ang mga mata ni Jameson at abot-tengga ang kanyang pagkakangiti, "Seryoso ka, Roxanne?" Akala niya ay galit pa rin ito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan na makikipag-ayos ito ngayon. Tumango si Roxanne, "Yep, kahit hindi pa kita napapatawad ng lubusan, naisip ko ring mali na lagi nalang tayong nag-aaway. Tapos, naisipan ko rin na umuwi na sa mansyon sa susunod na araw k-kasi tama
Nagpupumiglas si Roxanne dahil ayaw niyang mahuli sila ni Jameson na naghahalikan doon. Binitiwan naman siya ni Devon na nawawala sa sarili matapos na nakainom ng baso ng alak. Alam niyang asawa ito ng kanyang kapatid ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Nagiging mapusok siya bigla kapag nakikita siya. Pareho silang binalot ng katahimikan sa loob pero binasag ito ni Devon. "Ang sabi mo diba, hihiwalayan mo na siya? P-pero bakit magkasama kayo ngayon?" Naguguluhan si Roxanne sa pinagsasabi niya, "A-asawa ko pa rin si Jameson. Normal lang na magkasama kaming maghapunan. Gusto ko nga siyang hiwalayan pero..." "Pero ano? Mahal mo pa rin ba siya?" Hinihintay ni Devon na malaman kung anong nilalaman ng kanyang puso. Nahihirapan si Roxanne na sabihing hindi niya na mahal ang asawa, "Bakit mo ba ito tinatanong, Devon?" Bakas sa boses niya ang pagkalito. "Roxanne, just answer my question. Mahal ba siya o hindi?" Pag-uulit niya. "Devon, hindi ko alam kaya pwede ba paalisin m
Halos walang pag-alinlangan na sumang-ayon si Jameson sa sandaling matapos magsalita ang asawa. Kahit nais niya itong makatabi ulit sa kama pero ang mahalagang bagay sa kanya ngayon ay mananatili na siya ulit sa mansyon at mababantayan niya pa lalo. "Okay, walang problema pero wala rin naman akong balak na magdala pa ng babae sa pamamahay natin. Tinigilan ko ng magloko." Pagkaklaro niya naman. Maraming beses ng narinig ni Roxanne ang mga walang kabuluhan niyang pangako na laging napapako. Since nag-decide siya na bumalik sa mansyon, gagawa siya ng paraan para protekahan ang sarili dahil nga nasa puder siya ng asawang minsan nagiging marahas. "Sige, sabi mo eh." Tugon niya naman sa sinabi nito. Sa sumunod na dalawang araw, nagligpit na si Roxanne sa kanyang mga dadalhing gamit pabalik sa mansyon. Hindi niya naman napansin ang kaibigan na si Grace na nakatayo na pala sa pinto. Napatingin ito sa mga nagkalat na bag sa sahig "Whats the meaning of this?!" Napatalon si Roxann
Nasa loob ng kanyang opisina si Devon, nakatutok sa mga binabasang papeles upang matiyak na walang magiging problema sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bagong investors. Nadistorbo siya bigla ng isang tawag at sinagot niya naman ito kaagad nang makitang ina niya ito. "Hello, Mom?" "My dear, Devon, your grandfather wants you to come home and join us for a dinner this evening. Mayroon din kaming surpresa para sayo." Masiglang sabi ni Madame Julie. Sinulyapan naman ni Devon ang mga dokumentong hindi pa niya tapos na basahin. "I'm currently busy, Mom. Tsaka kung mayroon na naman kayong ipapakilalang babae sa akin, then sorry but I have no time for that stuff." Pagtatanggi niya. "Anak, you must make time tonight no matter what, kung hindi ay ako mismo ang pupunta dyan para sunduin ka." Pangungulit ni Madame Julie. Napakamot ng buhok si Devon at gumawa pa ng rason. "Marami akong ginagawang bagay ngayon at sobrang importante ng mga ito." "No, no, no. Kahit gaano ka ka-busy
Tinapunan ng malamig na tingin ni Devon si Irene na parang hindi natatakot sa kanya. "Kakain ka ba o hindi?" Tanong niya at konti nalang ay mauubusan na siya ng pasensiya. Sumasakit din ang ulo niya kakaisip sa mga trabahong hindi natatapos at nagpunta pa siya sa isang walang kabuluhang hapunan. Tapos pag-uutusan pa siya ng babaeng tamad na kumuha ng sariling pagkain. "Just kidding, can't you really take a joke?" Natawa si Irene at tumingin sa mga pagkain sa paligid. "Hmm...I like to try that one." Turo niya naman sa adodong manok. Matapos na kuhanan ng pagkain, nilagyan din ni Devon ang sariling plato ng kaunting palabok tsaka lumpiang shanghai. Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, hindi maiwasan ni Devon na mapatingin sa kapatid na mayroong binubulong sa asawa. "Why do you always stare at them?" Biglang tanong ni Irene, napapansin niya na kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kabila. "Don't ask me questions as if we've known each other for a long time." Tugon ni Devon. Nani
"Hindi ko maintindihan kung bakit ka babalik kay Jameson matapos ang lahat ng kanyang ginawa?? Niloko ka niya—hindi lang isang beses! Papaano mo pinapatawad ang lokong 'yon?"Huminga ng malalim si Roxanne bago sumagot. "Devon, it's more complicated than you think." "Yes, you're making things complicated. You're going back to a man who can't keep his vows. Pinapahirapan mo lang lalo ang sarili mo." Dikta pa Devon, naguguluhan sa kanyang mga desisyon. Naisip niya na baka may epekto na sa kanyang utak ang ilang beses na pagkaka-untog ng kanyang ulo. "May dahilan ako, pero hindi mo na kailangang malaman kung bakit. It's my life, my problem." "But you’re making it harder to get a divorce. Binibigyan mo lang siya ng rason para hindi ka bitawan. You can’t just string him along and then expect it to be easy to walk away." Bakas sa boses ni Devon ang pagka-dismayado. Nababahala na mas lalo siyang hindi makatakas mula sa kapatid. Saglit na natigilan si Roxanne, ayaw niyang isiwalat ang mi
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene.Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore."Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya.Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin ni Ire
"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha.Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka."Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagkasabik m
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia. "I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't coope
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin. "Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi." "Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya. "Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depens
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m
Nadala si Devon sa bugso ng damdamin at nalimutan na agad ang kanyang limitasyon. Naging malikot ang kanyang mga kamay na pumasok na sa loob ng palda ni Roxanne. "Devon!" Suway ni Roxanne na tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang hita. "Sabi kong tama na." Pinandilatan niya rin ito ng mata. Natakot naman si Devon na baka makagat nito kaya siya umayos. "S-sorry, nadala lang." Aniya at napakamot sa ulo. Inayos agad ni Roxanne ang kanyang nagusot na damit at napatingin sa salamin para ayusin ang kanyang nagulong lipstick. "Kalmahan mo nga, Devon. Hindi tama na gumawa tayo ng ganito sa publiko." Seryosong sabi ni Roxanne, hindi ibig sabihin ay wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba, kailangan pa rin nilang maging maingat sa kanilang mga galaw. *** Sa kabilang banda, bumalik si Jameson sa kanyang sariling bahay at pagpasok niya, nakita niya si Savannah na nakaupo sa couch habang nanonood ng telebisyon. "Ano? Nakabalik ka na ba sa kompanya?" Tanong ni Savannah na nanatili
Napalingon si Devon sa kanya at ngumiti. "Oo naman? At bakit parang ayaw mong maniwala?" "Nakakapagtaka lang kasi nga, sino ba naman ako para piliin mo kaysa sa iyong pamilya." Usal ni Roxanne. "Tsaka, hindi ka tuloy makakatanggap ng mana nang dahil sa akin." "Huwag mo na iyong problemahin, wala na sa akin ang bagay na 'yon. Kung gusto mong malaman kung anong dahilan kung bakit kita pinili, iyon ay dahil mahal kita." Seryoso niyang sabi at kinuha bigla ang isang kamay ni Roxanne at hinalikan. Napatulala ang babae na napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na sila na nitong gwapong nilalang at ngayon hawak ang kanyang kamay. "Ang bilis kasi ng lahat, nalilito ako kung trip mo lang ba ito para inisin si Jameson o seryoso ka ba talaga sa akin??" Inagaw ni Roxanne ang kanyang kamay para mapakamot sa ulo. Napansin naman ni Devon ang kanyang pagkalito kaya handa na siyang magpaliwanag. "Seryoso ako sayo, Roxanne. But I want to
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab