Pinunasan ni Roxanne ang kanyang basang mata at inayos ang magulo niyang buhok. Tumayo siya sa kama at pumunta sa kusina para maghilamos. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na hindi na magpapa-apekto sa kanyang asawa pero kahit anong gawin niya, nalulungkot pa rin siya dahil walong taon ang pinagsamahan nila Jameson mula pa college. Tingin niya kailangan niya ng higit pa sa taong iyon para makapag-move on. Hindi rin makatulog si Jameson na nakahiga lang sa kanyang kama, nagdaramdam ito sa sinabi ng asawa at nais niya itong tawagan ulit para magpaliwanag pero alam niyang hindi na iyon tama at nakaka-distorbo na siya. Ibinaon niya nalang ang kanyang mukha sa unan, nalulungkot din ito na nabigo siya sa kanyang plano para makabawi sa asawa at para manumbalik sila sa dating gawi. Dinadalaw na siya ng antok pero nawala ito dahil nakatanggap siya ng mensahe sa kanyang secretary. [Boss, si Elaine Garcia po ang nasa likod ng pag-post ng video at malamang may kinalaman din siya
Unti-unting ibinuka ni Roxanne ang kanyang mga mata at nahihilo siyang igalaw ang ulo. Nagkaroon lamang siya ng mild concussion mula sa pagkakahulog at nabagok ang kanyang ulo sa tiles. Naaninag niyang may taong nakaupo sa tabi at naisip niyang ito ang kanyang kaibigan. "Grace? N-nauuhaw ako." Usal niya. Narinig ni Jameson ang kanyang sinabi kaya kinuha niya ang water bottle na nakapatong sa mesa. Binuksan niya ang takip nito at inalalayan siyang makainom. "Dahan-dahan lang..." Itinaas niya ang water bottle at maraming nainom si Roxanne na nakaginhawa ng maluwag pero namumutla pa rin ito at naliligo sa pawis. Kumuha rin ng tissue si Jameson at pinunasan ang noo, mukha at leeg ng asawa. Naging klaro ulit ang pananaw ni Roxanne at nakita niya ng malapitan ang mukha ng lalaki na nag-aaalala. Pumasok din sa loob si Grace na may dalang tray ng pagkain. Tumaas ang kanyang kilay na tignan ang ginagawa ni Jameson. "Himalang pinuntahan mo ang asawa mo. " Sarkastikong sabi ni Gra
Lumabas si Jameson sa kwarto ng asawa para kausapin si Savannah. Saglit lang silang nag-usap dalawa kaya bumalik siya sa loob para magbantay. Nanatili din sa loob si Grace na hindi komportable na makita ang pagmumukha ng lalaki na walang hiyang nakikipag-usap sa kabit. "Bakit hindi mo nalang hiwalayan si Roxanne?" Wala sa sariling tanong ni Grace. "Manahimik ka nga." Tanging tugon ni Jameson na lumabas ulit para manigarilyo. Ginulungan ito ng mata ni Grace at bumaling sa kaibigan na nagising. "Besh? Kamusta? Hindi ka na ba nahihilo?" Tumingin sa kanya si Roxanne at ngumiti ng mapait. "Medyo nahihilo ako ng kaunti." "Pupuntahan ka ni Tita Martha mamayang hapon at magdadala siya ng paborito mong mga kakanin." Balita pa ni Grace na hinahanap ang kanyang pananghalian. Pagbalik ni Jameson sa loob, nasurpresa siyang makita na nagising ulit si Roxanne. Nilapitan niya ito para kausapin. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakasimangot lang si Roxanne na nakatingin sa kabilang
Parang mabibingi si Roxanne sa kanyang narinig. Ngayon niya lang nakita na mayroong ganitong klase ng asawa na pag-uutusan siyang humingi ng tawad sa kabit. "Huh? B-bakit ko naman 'yun gagawin?! Eh, kayo nga dalawa ang dapat humingi ng tawad sa akin!" Giit niya. Pinagmasdan niya ang asawa na tinutulungan ang kabit ng harap-harapan pero wala siyang pakialam kahit maghalikan pa sila. Kinuha niya ang tote bag na nasa sahig at umalis papalabas ng ward. "Roxanne!" Hinabol naman siya ni Jameson na hinila ulit ang kanyang braso at kinaladkad siya nito papunta sa sulok at napaaray siya dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Roxanne, hindi ka ba talaga takot na mawala ako sa buhay mo?" Bigla niyang tanong at naguguluhan si Roxanne. Inaasahan ni Jameson na magmamakaawa ito kanya kanina para paniwalaan siya pero pinagdidiinan lang siya nito na sumama sa kanyang kabit. Nasasaktan din siya na hindi talaga ito natatakot kung sakaling piliin niya man si Savannah. Sinasadya niya rin an
Nagliwanag ang mukha ni Fred Devilla sa sinabi ni Elaine pero nais nitong makasiguro na hindi siya maiisahan. "Susunod ako sa gusto mo kung babayaran mo muna ako." Mas lalong naiinis si Elaine sa matanda pero kailangan niya itong sabayan. "Sige, basta huwag mo lang akong t-traydurin then bibigyan kita ng maraming salapi." Nakipagsundo sa kanya ang matanda at binigyan niya ito ng cash, worth 50,000 para hindi ito magduda. Umalis din ito sa hospital at inutusan ni Elaine ang iba niyang guwardiya para sundan ito at manmanan. Sinisiguro niyang hindi ito makikipag-ugnayan sa kabilang partido. *** Alas-sais na ng hapon, nakauwi na si Roxanne sa kanyang boarding house. Nakahinga siya ng maluwag na nakabalik na sa bahay pero limitado muna ang kanyang kilos dahil kagagaling niya lang. Nasa labas si Jameson na naglalakad papasok sa building at lasing na lasing. Kumakatok siya sa labas at maririnig ito ni Roxanne. "Buksan mo ang pinto!" Rinig niyang sigaw ni Jameson pero hindi niy
"You b*tch! Hinding hindi ako hihingi ng tawad sayo!" Kulang nalang ay umusok ang ilong ni Elaine dahil sa galit. "Kung ayaw mong mag sorry kay Roxanne then magkita nalang tayo sa korte." Pananakot ni Grace at ipinakita sa kanya ang video na nakuha ng ibang tao sa araw na sinugod niya si Roxanne at tinakot na papatayin. Nawala ang kayabangan ni Elaine at parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamumutla. Isa iyong ebidensiya at maari siyang makulong. Pinandilatan siya ng mata ni Robert na huwag ng magmatigas at magkunwari sa harapan ni Roxanne. "Anak, may ginawa kang kasalanan kaya humingi ka ng tawad." Pakiusap pa ni Robert. Napakagat ng labi si Elaine na mangiyak-ngiyak na tumingin sa ama, nag-aatubili itong humingi ng tawad. "Roxanne, I-I'm sorry, it's my fault kung bakit ito nangyari lahat. S-sana patawarin mo ako." Tumaas ang kilay ni Roxanne na hinahanap sa ang sinsiridad sa kanya pero wala siyang ibang masabi kundi puno siya ng kaplastikan. "One sorry is not
"Sinasadya mo bang isama ang asawa ko?!" Galit na galit si Jameson at hinila si Roxanne papalabas ng van. "Jameson! Ano ba?? Nasisiraan ka ba ng ulo??" Kumawala si Roxanne sa kanyang pagkakahawak habang bumaba naman si Devon sa kabila para harapin ang kapatid. "Gusto mo bang idala kita sa mental?? Ang dumi na ng utak mo na kahit trabaho ng asawa mo, pinag-iisipan mo ng masama." Dikta ni Devon. "Hindi ako baliw! At hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ikinikilos mo. Alam kong kinukuha mo ang atensyon ng asawa ko habang nagkakalabuan kaming dalawa." Walang emosyon ang mukha ni Devon na tiningnan siya sa mata. "Iyon ba ang kinakatakot mo?? Then I'll assure you na trabaho lang ang punto ko, wala ng ibang dahilan." Seryoso niyang sabi, pero hindi iyon matanggap ni Jameson. "Ang gusto ko lang ay dumistansya ka sa asawa ko, a-ayaw kong pag-usapan kayo ng mga tao at gawan ng haka-haka." Dagdag pa ni Jameson at tumaas ang kilay ni Devon na pinipigilang matawa. "Ah, w
Napaatras si Devon at tumayo, sinapo niya ang noo dahil nadadala na naman siya sa bugso ng damdamin. Kinuha naman ni Roxanne ang kanyang phone na nasa gilid at nakitang si Jameson pala ang tumatawag. "Sasagutin mo ba?" Napatingin din si Devon sa phone niya na ayaw tumigil sa pag-ring. Umiling si Roxanne at pinatay ang kanyang phone, ayaw niyang makausap ang lalaki at hayaan itong mabaliw kakaisip. "Bahala siya sa buhay niya." Itinago niya ang phone sa drawer. "Uhmm, aalis na ako. Magpahinga ka na rin para preparado ka bukas and good luck." Paalam ni Devon at lumabas sa kwarto. Napasandal si Roxanne sa likuran ng pintuan habang kinakalma ang sarili, napahawak din siya sa labi dahil muntikan na siyang halikan ni Devon kanina. Nasa mansyon ngayong gabi si Jameson at galit na galit ito dahil hindi sinasagot ng asawa ang lahat niyang tawag. Umabot na sa 50 missed calls at sobrang dami niyang ti-next pero wala ni isang reply na natanggap kay Roxanne. Sa sobrang inis, iniha