Nagliwanag ang mukha ni Fred Devilla sa sinabi ni Elaine pero nais nitong makasiguro na hindi siya maiisahan. "Susunod ako sa gusto mo kung babayaran mo muna ako." Mas lalong naiinis si Elaine sa matanda pero kailangan niya itong sabayan. "Sige, basta huwag mo lang akong t-traydurin then bibigyan kita ng maraming salapi." Nakipagsundo sa kanya ang matanda at binigyan niya ito ng cash, worth 50,000 para hindi ito magduda. Umalis din ito sa hospital at inutusan ni Elaine ang iba niyang guwardiya para sundan ito at manmanan. Sinisiguro niyang hindi ito makikipag-ugnayan sa kabilang partido. *** Alas-sais na ng hapon, nakauwi na si Roxanne sa kanyang boarding house. Nakahinga siya ng maluwag na nakabalik na sa bahay pero limitado muna ang kanyang kilos dahil kagagaling niya lang. Nasa labas si Jameson na naglalakad papasok sa building at lasing na lasing. Kumakatok siya sa labas at maririnig ito ni Roxanne. "Buksan mo ang pinto!" Rinig niyang sigaw ni Jameson pero hindi niy
"You b*tch! Hinding hindi ako hihingi ng tawad sayo!" Kulang nalang ay umusok ang ilong ni Elaine dahil sa galit. "Kung ayaw mong mag sorry kay Roxanne then magkita nalang tayo sa korte." Pananakot ni Grace at ipinakita sa kanya ang video na nakuha ng ibang tao sa araw na sinugod niya si Roxanne at tinakot na papatayin. Nawala ang kayabangan ni Elaine at parang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamumutla. Isa iyong ebidensiya at maari siyang makulong. Pinandilatan siya ng mata ni Robert na huwag ng magmatigas at magkunwari sa harapan ni Roxanne. "Anak, may ginawa kang kasalanan kaya humingi ka ng tawad." Pakiusap pa ni Robert. Napakagat ng labi si Elaine na mangiyak-ngiyak na tumingin sa ama, nag-aatubili itong humingi ng tawad. "Roxanne, I-I'm sorry, it's my fault kung bakit ito nangyari lahat. S-sana patawarin mo ako." Tumaas ang kilay ni Roxanne na hinahanap sa ang sinsiridad sa kanya pero wala siyang ibang masabi kundi puno siya ng kaplastikan. "One sorry is not
"Sinasadya mo bang isama ang asawa ko?!" Galit na galit si Jameson at hinila si Roxanne papalabas ng van. "Jameson! Ano ba?? Nasisiraan ka ba ng ulo??" Kumawala si Roxanne sa kanyang pagkakahawak habang bumaba naman si Devon sa kabila para harapin ang kapatid. "Gusto mo bang idala kita sa mental?? Ang dumi na ng utak mo na kahit trabaho ng asawa mo, pinag-iisipan mo ng masama." Dikta ni Devon. "Hindi ako baliw! At hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ikinikilos mo. Alam kong kinukuha mo ang atensyon ng asawa ko habang nagkakalabuan kaming dalawa." Walang emosyon ang mukha ni Devon na tiningnan siya sa mata. "Iyon ba ang kinakatakot mo?? Then I'll assure you na trabaho lang ang punto ko, wala ng ibang dahilan." Seryoso niyang sabi, pero hindi iyon matanggap ni Jameson. "Ang gusto ko lang ay dumistansya ka sa asawa ko, a-ayaw kong pag-usapan kayo ng mga tao at gawan ng haka-haka." Dagdag pa ni Jameson at tumaas ang kilay ni Devon na pinipigilang matawa. "Ah, w
Napaatras si Devon at tumayo, sinapo niya ang noo dahil nadadala na naman siya sa bugso ng damdamin. Kinuha naman ni Roxanne ang kanyang phone na nasa gilid at nakitang si Jameson pala ang tumatawag. "Sasagutin mo ba?" Napatingin din si Devon sa phone niya na ayaw tumigil sa pag-ring. Umiling si Roxanne at pinatay ang kanyang phone, ayaw niyang makausap ang lalaki at hayaan itong mabaliw kakaisip. "Bahala siya sa buhay niya." Itinago niya ang phone sa drawer. "Uhmm, aalis na ako. Magpahinga ka na rin para preparado ka bukas and good luck." Paalam ni Devon at lumabas sa kwarto. Napasandal si Roxanne sa likuran ng pintuan habang kinakalma ang sarili, napahawak din siya sa labi dahil muntikan na siyang halikan ni Devon kanina. Nasa mansyon ngayong gabi si Jameson at galit na galit ito dahil hindi sinasagot ng asawa ang lahat niyang tawag. Umabot na sa 50 missed calls at sobrang dami niyang ti-next pero wala ni isang reply na natanggap kay Roxanne. Sa sobrang inis, iniha
Dumating ang baristang si Daniel sa tapat ng kwarto ni Roxanne dala ang malaking paperbag na naglalaman ng jacket. Pinagbuksan naman siya kaagad ni Roxanne. "Hello Ma'am, here's your jacket." Nakangisi nitong sabi at iniabot ang dala. Pagtanggap ni Roxanne ay tiningnan niya rin ang loob nito at nanlaki ang mata niya dahil jacket niya nga ito pero sigurado siyang hindi niya ito dinala papuntang Singapore. "S-sigurado ka bang naiwan ko ito?" Tanong niya sa lalaki pero wala itong maintindihan dahil hindi pala ito pinoy. "Uhm, what I mean is, did I really leave this jacket behind?" Pag-translate niya sa wikang ingles. "Yes, ma'am, you have your ID in its pocket, so it belongs to you." Sagot ng lalaki pero nagdududa si Roxanne at hindi niya masabi kung bakit. "O-okay, thank you so much." Bago niya ito pinaalis, binigyan niya ito ng tip. Bumalik siya sa loob at pinagmasdan ang jacket, kinapa niya rin ang mga bulsa nito at nagulat siya na may nakuhang isang lumang camera rec
Sa sumunod na araw, nanumbalik na ang lakas ni Roxanne at nakabalik sa laboratory ng VitaCure company para sumuri ng medicinal materials. Mga pinoy ang iba niyang kasamahan kaya maaring niyang gamitin ang sariling lengguwahe. Mahalaga na masuri ngayon ni Roxanne ang mga medisina upang mapanatili ang kaligtasan, kalusugan at kahusayan ng mga produkto at serbisyo para sa mga tao. Kailangan nilang bigyan ng proteksyon ang publiko at naglalayon na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat isa. Nasa kabilang banda si Devon na nakatingin sa direksyon ni Roxanne na nakita niyang seryoso sa ginagawa. Napatitig siya dito na parang siya lang ang taong nakikita niya sa paligid. Nakikipag-usap lang si Devon kay Mr. Chen na hinihikayat siyang bumili sa kanilang mga medisina. "You will not regret cooperating with us. Mahigpit ang ipinapatupad naming pamantayan at kalidad sa paggawa ng aming mga medisina. Maari kaming mag-produce ng maraming medisina kung kailan mo gusto." "Yes, maganda nga an
"Do you think Mr. Delgado has the intention to cooperate with us?" Kausap ngayon ni Mr. Chen ang isa sa kanilang executive manager na si Miss Wong. Naiinip na siya ngayon kay Devon Delgado dahil maraming beses na niyang binabanggit ang tungkol sa pagpirma ng kontrata ngunit lagi itong lumilihis sa usapan. Pansin niyang nagdadalawang-isip pa rin ito sa kabila ng mga panghihikayat niya. Sinisiguro niyang mangyayari itong project kasama ang Pharma Nova para dumoble ang kanilang kita ngayong taon. "I'm not sure about this, Mr. Chen. He's still hesitant and we need to come up with something convincing." Sagot ni Ms. Wong. Napaisip si Mr. Chen habang hinahaplos ang kanyang bigote. "What if we approached, Ms. Guevarra? She's his sister-in-law. We can offer a persuasion incentive. In simple words, we bribe her." Medyo nagitla si Ms. Wong dahil isa iyong masamang plano pero sumusunod lang siya sa mga utos niya. "I think she's not a type who can be swayed by money." "I can give he
"Kenneth, hanapin mo nga si Roxanne." Utos ni Devon, napapansin niyang ilang minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa rin bumabalik ang babae. "Kasama po niya si Ms. Wong na pumasok sa banyo, babalik rin sila." Sabi ni Kenneth na nakikiinom. Tumango si Devon pero hindi siya panatag, masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya alam kung bakit. Binaling niya ang atensiyon kay Mr. Chen na lasing na lasing na rin sa kanyang kinauupuan. "I said, find her." Pag-uulit ni Devon at sumunod na si Kenneth dahil may bakas na ng galit sa boses ng boss. Pumunta si Kenneth sa palikuran ng mga babae at bukas naman ang pinto kaya sumilip siya saglit pero wala siyang makikitang tao sa loob. Kinuha niya nalang ang phone sa bulsa at di-nial ang numero ni Roxanne, nag-ring ito pero hindi sumasagot. Narinig naman ni Devon na may tumunog na phone sa kanyang gilid at nakitang pagmamay-ari ito ni Roxanne. Bumalik din si Kenneth sa kanyang boss para ipaalam na hindi niya mahanap si Roxanne kah
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n
Nanlumo si Daphne sa narinig. “Vincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.” Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.”"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m
Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi ko—" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan
Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas
Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si